Kabanata 19

Kabanata 19

Stage 4

"You're just drunk, Wade."

Nilakihan ni Wade ang mga mata niyang mapupungay nang bumaling siya sakin. Sumandal siya sa sasakyan ko at hinaplos niya ang mukha ko.

"Nagpapaganda ka ba para sakin, Reina?"

Napaatras ako sa tanong at haplos niya.

"Ugh! Wade, iuuwi na kita." Tinulak ko siya palayo sa pintuan ng sasakyan ko para mabuksan ko iyon.

Mejo na out-balance pa siya sa pagkakatulak ko kaya kinailangan ko pang hatakin siya. Tumawa siya at pinasadahan ako ng tingin gamit ang mapupungay niyang mata. Damn! Yung dimple niya talaga ang kahinaan ko. Nakakatunaw ang titig niya, dagdagan pa ng malalim niyang dimple, perpekto!

*KRIIIIING!*

Agad kong sinagot ang cellphone ko tsaka sinulyapan si Wade na nakangisi parin. Hindi na makapag focus ng maayos ang mga mata niya. Sa mga titig niyang yan? Imposibleng sober siya. Tinititigan niya ako na parang ako lang yung mundo niya. Yung tipong ako yung pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Yung tipong pinapangarap niya ako, noon pa. Kaya imposibleng hindi siya lasing.

Nag-iwas ako ng tingin. Baka matunaw at manisay ako dito dahil lang sa titig niya.

"Hello?"

Si Coreen yung tumatawag.

"Asan ka na?"

"Uhmm." Napakamot ako sa ulo. "Nasa kotse. Sa parking lot. Bakit?"

"Uuwi ka na?" Tanong niya.

Sumulyap ako kay Wade na ngayon ay nakahalukipkip na. "Siguro."

"Sinong kasama mo?"

Tinalikuran ko si Wade at...

"Ako lang, mag isa." Kinagat ko ang labi ko. "Bakit? Magpapasundo ka?"

"Hindi. Okay lang ako."

"Huh? Kung ganun susunduin ka ng dad mo?"

"Uh... Siguro. Sige na. Mag text ka lang sakin pag nakauwi ka na. Uuwi rin ako. Saglit lang ito. Bye. I love you."

"I love you, too."

Pinutol na ni Coreen ang linya kaya binaba ko ang cellphone. Siguro ay mag tataxi yun kaya hindi na sasabay sakin.

Binalingan ko ulit si Wade para pasakayin sa sasakyan ko pero nabigla ako nang nakitang nasa front seat na siya ng sasakyan ko at mukhang galit na.

"Iuwi mo na ako, Reina." Utos niya.

"Oo, iuuwi naman talaga kita. Hindi mo na kailangang utusan ako."

Sinarado ko yung pintuan niya at pumasok na sa driver's seat.

"Sino ba talaga yang ka iloveyou-han mo, ha?" Galit niyang tanong sakin.

Ka iloveyou-han? AH! Oo nga pala... tumawag pala si Coreen. Narinig na naman ni Wade yung pinag usapan namin.

"Kaibigan lang naman-"

"Kaibigan ba talaga yan? O... So ibig sabihin pwedeng mag 'I love you' ako sayo dahil magkaibigan tayo?"

Nanlaki ang mga mata ko, "W-What? Uh, pwede rin siyempre that's if you mean it-"

"ARGHHH!" Ginulo niya yung buhok niya at pinikit ang mga mata, "Hindi yan ang punto ko, Reina. Ang punto ko dito ay saka ka lang mag 'I love you' pag kayo na. Wala ka namang boyfriend, diba?"

Tinitigan ko lang siya. Nakita ko ang unti-unting pagpula ng pisngi niya. Tuliro siya at mapupungay parin ang mga mata. Unti-unting kumunot ang noo niya habang tinititigan ako. ang gwapo niya talaga, kahit saang angulo. Kaya naman halos gahasain siya ng mga babae dun sa bar. I bet, pati sa Alegria ay yung mga babae mismo ang lumalapit sa kanya.

"REINA!" Lumalim at bumilis ang pag hinga niya.

Napapikit ako sa sigaw niya.

"DIBA? Wala kang boyfriend!?"

"OO! Wala." Umirap ako.

Ang lecheng gwapo na ito. Ang sungit! Di makapag hintay sa isasagot ko.

"Bakit nag isip ka pa? Bakit ang tagal mong makasagot?"

"Bakit ang OA mo? Eh kita mo ngang wala akong boyfriend! Kung meron akong boyfriend edi sana wala ako dito sa harapan mo. Baka nandun ako sa kanya at siya yung inaatupag ko. Kaya wa'g mo nga akong ipressure." Umiling ako.

"Eh bakit may pa thrill ka pa riyang patitig-titig nang di sinasagot ang mga tanong ko. Kung wala kang boyfriend edi dapat sinagot mo agad."

Umirap ako, "Ano naman kung may boyfriend ako? Ano yun sayo?"

Natigilan siya sa tanong ko, "A-Ang sabi mo gusto mo ako. Paano yun? Gusto mo ako pero may mahal kang iba?"

"Eh ano ngayon kung ganun nga? I mean... hindi ganun pero paano kung ganun? Ano yun sayo?"

Nanliit ang mga mata niya.

"Sus! Babae ka! Ang gulu-gulo mo, ano ba talaga?"

Nagsalita ang magulong lalaki! Ang hirap niya ngang ispellingin tapos ako pa ang sinasabihan niyang magulo?

"Nagseselos ka ba, Wade?"

Nalaglag ang panga niya at nag-iwas ng tingin. I know he's a bit drunk or tipsy kaya pagsasamantalahan ko na ang pagkakataong ito.

"Di-Di ah." Simple niyang sinabi.

"Sa bagay, hindi ka naman magseselos kasi wala ka namang gusto sakin. Ako lang naman yung magseselos dito lalo na pag may iba kang mga babae." Sinulyapan ko siya s gilid ng mga mata ko.

Nakita kong panay ang titig niya sakin.

"Di ka naman pala nag seselos, edi wala ka dapat pakealam kung may sabihan akong I love you, diba?"

Natahimik siya. Pa effect akong bumuntong-hininga at pinaandar ang sasakyan.

"Iuuwi na kita. Matulog ka na ah. You're drunk."

"Hindi ako lasing."

Sumulyap ako sa kanya bago inatras ang sasakyan para makalabas na. "O, edi, sige, bumalik ka na lang sa bar. Dun ka na lang. Ako na lang ang uuwi."

"Ayoko... baka kung sino pa yung ihahatid mong iba." Bulong niya sa sarili niya.

"Huh? Anong ihahatid na iba?"

Ilang sandali pa bago ko narealize na narinig niya nga pala ang usapan namin ni Coreen. Hindi niya alam na si Coreen yun. Iniisip niya sigurong ibang lalaki yung ihahatid ko. WHOA! Siya lang naman ang lalaking nakakasakay sa sasakyan ko, tapos kung makapagselos siya diyan, wagas!

"Sus! Kunwari ka pa. Alam kong marami kang lalaki. Hindi ko lang nakikita kasi hindi naman ako tumatambay sa mga sosyal na tambayan tulad mo."

SOSYAL NA TAMBAYAN?

Napatingin talaga ako sa mukha niyang nag tatampo at nakatingin sa labas. Ni hindi nga ako tumatambay na may kasamang lalaki. Sa bahay lang nga ang buhay ko. Ano bang iniisip ng lalaking ito?

"Okay, can we have a deal? Ayaw mong may ka i-love-you ako, ayaw kong may mga babae ka. Hindi ako mag a-i-love-you sa ibang tao kung hindi ka lalapit sa ibang babae."

"Simple. Deal! Hindi naman kasi ako lumalapit sa mga babae, sila ang lumalapit sakin."

May bagyo ba ngayon? Ang yabang talaga nito, ah? Pero nabigla naman ako sa agad na pagpayag niya in exchange sa pag iwas kong mag I love you sa ibang tao!

"Eh paano po ba kasi... Kung cancer pa yang ka gwapuhan mo, nasa Stage 4 na yan kaya talagang may lalapit sayo. Ngayon, gusto kong iwasan mo sila kahit na lalapit sila sayo."

Tinignan ko siya at nakita kong nakasandal na sang ulo niya sa upuan at nakapikit na ang mga mata niya.

"Okay, deal. Basta ba ako lang."

Kinagat ko ang labi ko at tinignan ulit siya. Naghuhuramentado na ako dito pero nakapikit lang siya at nagrerelax sa tabi niya. Parang kabayong tumatakbo na ng paikot-ikot ang puso ko sa dibdib ko... SHIZ ka Wade SEXY Rivas!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top