Kabanata 10
Kabanata 10
Dahil Gusto Kita
Hindi naman agad nakita yung resulta ng pagpapaderma ko. Pero may mga improvement na akong nakikita sa kutis ng pisngi ko.
Nilagay ko ang bangs ko sa tainga. Syempre, pag wala na akong pimples, kayang-kaya ko na ng walang bangs! Sinoot ko yung flats na binili namin ni Coreen. Soot ko rin yung sleeveless floral top at jeans na dati ko pa binili pero di ko naman sinusoot. Mahilig ako sa sleeveless pero nahihiya akong magsoot nito. Ngayon lang talaga ako nagkalakas ng loob.
These past few days, parang nagkakaroon na ako ng dahilan para mabuhay ng sagad. Hindi ko alam kung bakit.
Kinatok ako ni Noah.
"You done? Malilate na ako." Iritado niyang sinabi.
"Noah, mauna ka na. I'll use my car."
Ilang segundo pa bago siya nakasagot.
"So, hindi ka sasabay sakin pag uwi?"
"Yep..."
"Alright, bye. You take care, okay?"
"Yes, Noah."
Umalis din naman siya. Uminit ang pisngi ko nang kinuha ko ang pressed powder at yung lipgloss na binili namin ni Coreen.
Nilagay ko iyon sa mukha ko. Mejo umaliwalas nga ang mukha ko. Sinuklay ko ulit ang buhok ko bago nilagay ang lipgloss. Halos mapaluwa ako ng silverdust sa pag-aliwalas ng mukha ko. Now, all I have to do is walk better. Dapat hindi na yung laging nahihiya. Nilagay ko ang buhok ko sa isang side ng balikat ko at kinuha ang bag ko.
Pinindot ko yung alarm at tumunog ang itim na BMW ko. Nilapag ko agad ang bag sa front seat at pinaandar ito.
Ngayon, since humupa na ang pagkaexcite ko sa sasakyan ko, mas maingat ko itong pinaandar. Nang dumating ako sa school, pinark ko agad ito sa tabi ng sasakyan ni Noah. Lumabas ako at naglakad na ng diretso sa classroom.
"Hi, Reina! Nice hair!" Sabi ng isang lalaking nakasalubong ko.
Uminit ang pisngi ko at nginitian na lang siya.
Kahit hindi naman talaga major ang pagbabago ko, marami paring nakapansin. Siguro masyado lang akong naging reserved noon kaya ngayong nagbago ako ng konti, para sa ibang tao, malaking pagbabago na ito.
Paparating na ako sa classroom. Dinalaw agad ako ng kaba. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan.
Pagkapasok ko pa lang, naabutan ko na agad si Wade na pinapalibutan na naman ng mga kaklase ko. Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. Hindi nila namalayan ang pagpasok ko hanggang sa sumigaw ang lintek kong bestfriend...
"Hi, Reina! Good morning!" Aniya.
Napalingon lahat ng kaklase ko sakin. Hinawi ko ang bangs ko at nginitian si Coreen. Kahit sobrang lakas na ng kabog ng puso ko, patuloy parin ako sa pagpapanggap na confident. Fake it until you make it.
"Good morning."
Nilagay ko ang bangs ko sa tainga ko at hindi ko na napigilang di sumulyap kay Wade. Nakahalf-smile siya at nakataas ang isang kilay habang pinagmamasdan ako. Nakakatunaw ang tingin niya lalo na pag nakikita mo yung dimple niya. Ayan na naman ang titig niyang parang may nakakatawa kaya naman mas lalo akong kinabahan. Binawi ko ang titig ko at umupo na sa upuan kong nasa harap niya.
Tumindig ang balahibo ko sa titig niya sa likuran ko.
"Ganda ng top mo, Reina. San mo nabili?" Tanong ng isang fan ni Wade na kaklase ko. "Ah... Di ko na maalala eh."
Tumango siya at bumaling ulit kay Wade.
"So... What's that Wade?" Tanong niya kay Wade.
"Ano?" Pahalakhak na sagot ni Wade.
"Yung pinag-uusapan natin... Yung may girlfriend ka na ba?" Tumawa yung isang babae.
"Wala naman." Sagot ni Wade.
"Bakit naman? Sa Alegria ba nagkagirlfriend ka na?" Tanong nung isa.
"Wala rin. Hindi ako mahilig." Tumawa si Wade at napareklamo agad sa sakit ng tiyan.
Hindi parin siguro naaayos yung rib niya. Pumikit ako nang naalala ko yung nangyari sa clinic.
"Bakit? ano ba kasing type mo sa isang babae?" Tanong ng isa.
"Hmmm... Wala naman akong type noon. Pero sa ngayon, gusto ko yung simple lang..."
Hindi naman simple si Zoey, ah? In fact, she's complicated! Tsk!
Hindi na napigilan ni Coreen ang sarili niya, lumingon na siya kay Wade at nakisawsaw sa usapan.
"Yung mabait?" Tanong ni Coreen.
"Oo, syempre. Tsaka yung madaling mag blush."
Uminit ang pisngi ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit. Nanigas na lang ako sa kinauupuan ko hanggang sa narinig ko yung halakhak niya.
"Naku! Simple naman ako, Wade." Tumawa ang nagbibirong mga kaklase ko.
Nagpaparinig at mukhang nagbibiro pero alam kong gusto nilang magpapansin kay Wade.
"Tutugtog ba kayo sa festival, next week?" Tanong ng isang kaklase ko.
"Oo. Kaya nga araw-araw na ang practice namin, mula ngayon."
"Ah? Saan kayo nagpapractice?" Tanong ni Coreen.
"Sa bahay nina Noah."
"WHOA! Ang swerte naman pala ni Reina!" Sabi ni Coreen sabay tingin sakin.
Napatingin tuloy ako sa kanila. Ganun parin ang ekspresyon ng mukha ni Wade, nakakakilabot parin ang ngisi niya. Napalunok ako at tumingin na lang sa whiteboard.
Ilang sandali ang nakalipas ay dumating na si Mr. Dimaano. Nagkaroon lang kami ng long quiz at tapos agad ang klase. Masama yata ang pakiramdam niya. Mabuti na lang at di ako napagbuntungan ngayong araw. Niligpit ko ang gamit ko.
"Reina, mauna na ako! May group meeting pa kami ng kagroup ko. Bye!" Kumaripas siya ng takbo palabas ng classroom kaya naiwan akong mag-isa kasama ang ilang kaklase kong paalis na rin sa classroom.
"Hey, Reina." Napatalon ako at napatingala sa tumatawag sakin.
"Rozen, bakit?"
Hindi ito bumibisita sakin kung walang kailangan.
"Nakita mo ba si Coreen?" Tanong niya.
"Ha? Hindi. Nagmamadali siyang umalis, eh. Bakit?"
Tumango siya at natulala saglit.
Napatingin tuloy ako kay Wade. Nakita kong nag-iwas ng tingin si Wade sakin at kumuyom ang panga. Ayaw niya talaga kay Rozen. He hates the boy who stole Zoey's attention!
"Sige..." Kumunot ang noo niya nang bumaling sakin. "May pasok ka pa ba?" Tanong niya.
"Yep."
"Okay, bilisan mo baka malate ka." Sabi niya at umalis na ng nakabusangot ang mukha.
Bumaling agad ako kay Wade pagkatapos ng pag uusap namin ni Rozen. Nakabusangot narin ang mukha ni Wade at ayaw pang tumingin sakin.
"Wade..." Tawag ko.
May iilan pang kaklase ang natira pero marami sa kanila ang nagliligpit na ng gamit.
"Wade!" Sigaw ko ulit.
"What?" Tanong niya, para bang iritado siya sakin dahil sa pagbisita ni Rozen.
Humugot ako ng lakas sa kaibuturan ng puso ko at hinarap siya para tanungin nito...
"Do you hate Rozen?"
Hindi siya sumagot.
"You hate him because Zoey likes him, right? Gusto mo si Zoey, hindi ba?"
Nalaglag ang panga niya sa tanong ko.
"You and Zoey we're never just friends. Mahuhuli ko bang ganun kayo sa CR kung magkaibigan lang kayo?" Nanliit ang mga mata ko. "You've been doing things... But she likes Rozen more, right?"
Natulala siya sa sinabi ko.
"Ginagamit ka lang niya para sa makamundong pagnanasa niya, samantalang ikaw..."
"Hindi, Reina. Nagkakamali ka." Seryoso niyang sinabi sakin.
"Don't defend her. I know, Wade. Alam ko ang nangyayari. Hindi ako bulag."
Bumuntong hininga siya at pumikit, "Kung ganun nga ang nangyayari, ano ngayon?"
Diretso ang titig niya sa mga mata ko.
Kumunot ang noo ko at humakbang papalapit sa kanya. Napaatras siya sa ginawa ko. Nanlaki ang mga mata niya at bumilis ang paghinga.
"You don't deserve her... You don't have to love her, Wade. She doesn't deserve your love. Masama siya. Ginagawa ka niyang tanga."
"Ano naman yun sayo?" Malamig niyang sinabi. "Ano naman ang pakealam mo kung ganito nga ang nangyayari?"
Umiling ako.
I can't believe it... Kaya niyang ganito ang nangyayari para lang kay Zoey!
"Kung okay sayo 'to, ngayon gusto kong malaman mo na hindi ito okay sakin dahil gusto kita."
Wala na akong maisip na sasabihin pa sa kanya. Hindi ko maisasagawa ang plano ko kung hindi ko ikaklaro ang nararamdaman ko. Kung bakit masyado akong nag aalala at concerned sa nangyayari sa kanya.
"I like you, Wade Rivas. And I can't stand seeing you this way."
Umiling siya at tinignan akong mabuti, "Hindi ka pwedeng magkagusto sakin." Aniya.
Naubos na ang tao sa classroom. Kaming dalawa na lang ang naiwan dito. Paniguradong late ako sa susunod kong class, pero okay lang.
"Dahil mahal mo siya, hindi ako pwedeng magkagusto sayo? Dahil masasaktan lang ako?" Tanong ko. "No, Wade, you have to have a better reason than that."
Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko.
"G-Gusto mo ako?" Tanong niya.
Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Nag-iwas siya ng tingin sakin. Tinakpan niya ang pisngi niya ng palad niya. Uminit din ang pisngi ko pero humugot pa ako ng lakas para hindi takbuhan yung sinabi ko.
"Oo, gusto kita. I like you... So i'll help you, this time... Tutulungan kita kay Z-Zoey."
Kumunot ang noo niya at nakita kong mas lalong pumula ang pisngi niya, "Tutulungan mo ako kay Zoey? Ano? Hindi kita maintindihan. Sinabi mo saking gusto mo ako pero bakit mo ako tutulungan kay Zoey? Nababaliw ka na ba?" Tumawa siya at hinawakan ang tiyan niya.
Mas lalong uminit ang pisngi ko at mas lalo ring bumilis ang pintig ng puso ko.
"H-Hindi ba siya naman ang gusto mo? D-Diba? E-Edi tutulungan kita para masaya ka na." Napalunok ako.
Naiyak na siya sa sobrang tawa niya, "Aray, shit! Langya! Sakit ng tiyan ko."
Humupa ang tawa niya at tinignan niya ako ng diretso. Yung tingin na tagos sa puso. Nanlumo ako. Tutulungan ko ba talaga ang isang ito na paselosin si Zoey hanggang sa marealize nito ang halaga ni Wade? Kung sana pwede ko rin siyang tulungan na lang na makalimutan si Zoey... Sana ganun nga...
He tilted his head. Nakangiti parin siya habang pinagmamasdan akong mabuti.
"Kaya ba nag lipgloss ka at nagpagupit ka dahil magtatapat ka na sakin?"
Kinagat ko ang labi ko at napatingin na lang sa sapatos ko. Nakakahiya.
"You can't like me, Reina. Mabait ka at masyado kang inosente para sakin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top