07: House of Aunt Aura

07: House of Aunt Aura

~𖥔☾𖤓☽𖥔~


































PROPERTY FOR SALE
Bedroom: 5
Land Area: 2,485 sq. feet
Hauntings: 3

~𖥔☾𖤓☽𖥔~

















1990

"ANO BANG GINAGAWA mo?!" ang naguguluhang sigaw ng isang babae sa asawa nitong tila wala sa sariling naghuhukay sa may likurang bakuran nila.

Kanina niya pa ito tinatawag at tinatanong subalit wala siyang kahit na anumang nakuhang sagot mula rito. Patuloy lang ito sa paghuhukay na animo ay may hinahanap.

Alas-diyes nang magsimulang maghukay ang lalaki at pagpatak ng alas-dose ay malalim na ang nahukay nito gamit lamang ang iisang pala.

"Bob, tama na! Tumigil ka na! Hindi mo ba nakikita? Tinatakot mo na ang anak mo!" patuloy na sigaw at awat ni April sa asawa.

Ang pitong-taong gulang naman na anak nilang si Joshua ay tahimik na nakasilip mula sa bintana ng kwarto nito sa pangalawang palapag. Minabuti ng kanyang ina na itago muna siya roon para na rin sa kaligtasan niya lalo na at hindi pa rin nila lubos maipaliwanag ang kakaibang kinikilos ng kanilang padre de pamilya.

"Parang awa mo na, tumigil ka n-" Napansin ni Joshua ang inang nahinto sa pagsigaw at biglang natulala. Ang mga mata nito ay tila nawalan din ng kislap at buhay.

Tahimik na pumasok naman ito sa kanilang kusina gamit ang likurang pintuan. Ganoon na lamang ang gulat ng bata nang mapansin ang ina na ngayon ay nakabalik na at nakatayo sa likuran ng amang patuloy pa rin sa paghuhukay.

Kung noong una ay sa hindi niya maintindihang ama siya natatakot, ngayon ay naghuhuramentado na sa kaba ang dibdib niya nang makita ang inang dala-dala ang shotgun ng ama at itinutok iyon sa likuran nito.

Kasabay ng pagpikit ni Joshua ng kanyang mga mata ay ang malakas na pagputok ng shotgun. Sa muling pagdilat ng mga ito ay nakatayo naman siyang muli sa tapat ng bahay na pinangyarihan nang malagim na insidenteng iyon, tatlumpu't limang taon na ang nakakaraan.

Mababakas sa mukha ng ngayo'y 42-anyos na si Joshua ang kaba habang pinagmamasdan ang naging tahanan niya noon na ngayon ay niluma na ng panahon.

Nag-aalalang binalingan niya ang asawa sa tabi niya at ang tatlong babaeng anak nila na kasama naman ang pinakamamahal na alagang Golden Retriever ng mga ito. Tuwang-tuwa sila nang sa wakas ay masilayan ang bagong bahay nila-pwera na lamang sa aso nilang tahol nang tahol at kay Joshua.

"Hon, huwag na lang kaya tayong lumipat dito?" pabulong na mungkahi nito sa asawa. "Hanggang ngayon, hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko rito."

Nang ang mga anak nila ay masayang nagtungo na sa loob ng bahay ay mariing tinapunan ng atensyon ni Sannah ang asawang kinakabahan pa rin. She wants to knock some sense on him.

"Hon, nakalimutan mo na ba? Wala na tayong matitirhan. Pinaalis na tayo sa dating inuupahan natin dahil wala na tayong pambayad. Saka, saan pa tayo makakakita nang ganito kaayos na bahay ngayon nang libre?" her wife argued.

"Pero, hon, hindi ba nakuwento ko na sa 'yo ang tungkol sa mga magulang ko? Dito mismo nangyari 'yon! At nangyari lahat ng mga kababalaghang iyon nang lumipat kami rito sa bahay ni Tiya Aura!"

"Joshua, kahit na ipambayad natin ang buong taon mong sweldo, hinding-hindi tayo magkakaroon nang ganito kalaking bahay! Konting ayos lang dito ay natitiyak kong mamumuhay tayo nang komportable rito."

"Hon, hindi talaga, eh! Iyong nangyari sa mga magulang ko, gano'n din ang nangyari sa pamilya ni Tiya Aura. Bigla na lamang silang naglahong lahat samantalang naglaho naman ang katinuan ng mga magulang ko!" Joshua insisted loudly.

Napabuntong-hininga si Sannah. Bagaman nauunawaan ang pinanggagalingan ng asawa ay gipit sila sa opsyon ng mga sandaling iyon dahil sa hirap ng buhay.

"Hon, alam ko. Naiintindihan din kita pero mas nanaiisin ko na lamang na magtiis d'yan kaysa matulog sa kalsada! Isipin mo na lang ang mga anak natin, Joshua. Utang na loob. Hindi ito ang buhay na ipinangako mo sa kanila," pakiusap niya sa asawa. "Bigyan naman natin sila nang matinong tahanan."

Kahit na naisin man ni Joshua na lisanin kaagad ang lugar na iyon, alam niya sa sarili niyang tama ang kanyang asawa-mahihirapan siyang bigyan nang maayos na tahanan ang kanyang mga anak sa panahong iyon. Natatakot man ay kinailangan niyang magsakripisyon.

He was just hoping things would be different for his family this time...during their stay in this house.

⭑𖤓☽| 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐚𝐥 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐞𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐮𝐧𝐭𝐞𝐝 |☾𖤓⭑

IN REAL ESTATE, a haunted house is considered a stigmatized property.

A stigmatized property is a home that might be undesirable to buyers for reasons beyond its physical condition.

These properties can be stigmatized by various factors, such as a death, a crime, or reported paranormal activity. While buyers might find good deals on such properties, sellers often choose to renovate or wait for the stigma to fade over time.

But at Wong's Haunted Real Estate, we take a different approach. We turned these stigmas into our biggest selling points. That's why we fully disclose any hauntings and how often they have occurred.

We also explain our process for addressing these issues and renovating the properties, especially houses. Our goal is to transform them into our buyers' dream homes and prove that even the most challenging and haunted locations can reveal their beauty when you overcome the horrors associated with them.

And so today, our project takes us to the outskirts of Westwood City, where we'll be working on my first stigmatized property. I'm really looking forward to the challenge of turning this place into my client's dream home, and I'm excited to see how much of a difference my work will make for them.

Constant na magiging kasama ko kada fieldwork namin si Holland na magsisilbimg drayber at bodyguard namin saka si Dani na siyang in-charge naman sa photo and video documentation ng hauntings at ng transformation ng property. She had brought plenty of customized equipment, including small and easily installed cameras that her technopathic abilities allowed her to control completely and without disruption of all kinds. Si Alfa naman ay tahimik na nakaupo lang sa tabi niya sa backseat.

Kada fieldwork din ay may travel allowance kami for food and other expenses, lalo na kung emergencies. Ang kwento pa ni Holland ay lagi raw kaming may bonus mula kay Doktora tuwing nakakabenta kami ng cleansed property. Kaya tiba-tiba talaga kaming mga empleyado ng Agency bukod pa sa malaking pasahod. On top of all that, our leader is a competent person who's also remarkably humble and generous.

I just love, love, love it!

Hininto ni Holland ang sasakyan namin sa tapat ng bahay ng mga Trinidad. The place looked old and uncared for, as if it had been abandoned long ago, and the new owners had not done much to change that. The lawn was a sea of dry, dead grass, and the big house looked like it needed a serious makeover. There was also this odd feeling about this place.

Kaagad naman kaming napansin ng dalawang batang babae na naglalaro malapit doon. Pagbaba namin ay mabilis silang tumakbo papasok sa bahay nila. Ang cute lang kasi hawak-hawak pa ng mas malaking bata ang kamay ng paslit na may dala-dala namang rag doll.

Sa muling paglabas nila ay kasama na nila ang kanilang ina. Bilang team leader at spokesperson ng present group, lumapit ako sa may wrought iron na gate at ipinakilala ang sarili.

"Good morning po. Kayo po ba si Mrs. Sannah Trinidad?"

Naguguluhan man ay tumango sa akin ang babae. "Ako nga po. Sino po kayo?"

"Ako po si Agent Honolu Magalona ng Wong's Haunted Real Estate Agency. Natanggap po namin ang request niyo sa website namin. Hindi po kayo nakapunta sa opisina no'ng scheduled interview niyo kaya kami na lang po ang pumarito upang imbestigahan ang bahay niyo," pagpapakilala ko sa sarili at agad namang sinunod ang pagpapakilala sa mga kasama ko.

"Kasama ko nga po pala ang dalawa pang miyembro ng Agency namin. Sina Holland Magalona at Danielle Pecore po pala."

Tila nagliwanag naman ang mukha ng ginang na sa tantiya ko ay nasa early 40s niya.

"Sa Wong's Haunted Real Estate Agency ba kamo? Hay, salamat! Matagal na po namin kayong hinihintay. Pasok po kayo," aniya at pinatabi ang kanyang mga anak upang pagbuksan kami ng kanilang gate.

Iginiya kami ni Mrs. Trinidad papasok sa bahay nila. Tinulungan naman ni Holland si Dani na bitbitin ang mga equipment nito. Habang nagse-set up sila ng mga kamera ay nakinig naman akong maigi sa maybahay habang nililibot namin at iniinspekyon ang tahanan nila.

"Nasabihan ko na ang asawa ko tungkol sa inyo. Nasa trabaho pa siya pero mag-a-undertime daw siya ngayon para humabol," paliwanag ni Mrs. Trinidad bago ipinakilala sa amin ang mga anak niya. "Ito nga pala ang mga anak namin. Si Jhoanna, ang panganay. Si Holly at ang bunso maman naming si Millie."

Pagdating namin sa may kusina ay kaagad kong napansin ang mga black mold na nasa may kisame.

Napalingon ako sa tabi ko nang tumunog ang shutter at nang mapansin ang pag-flash ng ilaw. It was Dani capturing the moldy section with her camera.

Nagkatinginan naman kami bago siya nagtanong, "Is it really haunted? My cameras aren't picking up anything strange yet. But this mold? I see it a lot in places that are supposed to be haunted."

My gaze shifted to Alfa, who continued to silently study the house. He wasn't also telling me anything yet. Binalingan kong muli si Dani at nginitian.

"I haven't asked the owner about the hauntings yet. We're just doing the house tour first. But exposure to black mold could significantly induce psychosis and fear in homeowners, especially if it's toxic, making them think their place is haunted," I gave her a logical explanation.

For decades, scientists, engineers, and other skeptics have attempted to find scientific explanations for hauntings, and several promising theories have emerged.

A study by Professor Shane Rogers at Clarkson University in Potsdam, New York, found a statistical link between reported hauntings and the presence of mold in houses. He suggested that chemical exposure can cause hallucinations or misperceptions that feel convincingly supernatural.

Furthermore, lab tests on mice have shown that Stachybotrys, or black mold, can induce feelings of fear.

I saw amazement cross Dani's eyes after my explanation before she nodded in agreement.

I believe it's equally important to incorporate scientific explanations and cross-reference them with paranormal knowledge when investigating the authenticity of hauntings in any stigmatized property.

Pagkatapos naming maglibot ay tinungo na namin ang sala at naupo roon upang simulan na ang interview tungkol sa mga kababalaghang nagaganap sa pamamahay na iyon.

Sinetup na rin ni Dani ang recorder. Of course, we obtained Mrs. Trinidad's consent and had her sign a consent form beforehand. Any findings we gather here, should the house prove to be haunted, will be used for business purposes only.

Before the interview, I reviewed our manual and conditions with Mrs. Trinidad. We explained that if we confirmed the house was haunted, we would immediately sign the deed of sale and begin the exorcism. The property payment would be sent to them afterward. If they wanted to reclaim ownership, they'd be responsible for paying the original selling price, plus the costs of renovation and exorcism.

Agad namang tumango si Mrs. Trinidad at kinumpira sa aking nabasa nga niya ang aming manual at sumasang-ayon din siya sa aming mga kondisyon. She also told me they were hoping to use the money to buy a new place and begin again.

"Before we begin the interview, please state your name, age, and why you're selling this house," I instructed.

"I'm Sannah Trinidad, 42," she began. "I'm a housewife, and we're selling this place because my family has been experiencing some weird things since we moved in."

"Anu-ano po bang mga kababalaghan ang naranasan niyo simula nang lumipat kayo rito?"

"Noong unang gabi namin dito, naging maayos naman ang lahat. Tuwang-tuwa nga iyong mga bata, maliban na lamang sa asawa ko. Lagi po siyang balisa at takot na para bang may masamang mangyayari kalaunan. Noon po kasing bata pa siya ay nasaksihan niya sa mismong lugar na ito kung paano nawala sa katinuan ang mga magulang niya."

Habang nagkukuwento ang maybahay ay napansin ko si Alfa na nakasandal sa may pader at nakikinig nang maigi.

"Dito po kasi pinatay ng mama niya ang papa niya gamit ang isang shotgun na kung tutuusin ay hindi naman nito alam gamitin. Pero bago pa po raw mangyari iyon ay masaya naman ang mga magulang niya, mahal na mahal ang isa't isa at lalong-lalo na siya. Nagbago raw po lahat nang lumipat sila rito sa bahay ng Tiya Aura niya na bigla na lang ding naglaho kasama ang buong pamilya nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin po nila alam kung bakit at papaano nangyari iyon. Basta biglaan daw po kaya nabakante itong bahay."

"How about the hauntings? Ilang beses po kayong nakaranas ng mga kababalaghan dito?" I asked.

"Tatlong beses. Sa tatlong linggo namin rito, may nangyayaring kababalaghan isang beses kada linggo at tuwing alas-diyes ng gabi. Lahat ng mga iyon ay involved ang asawa kong si Joshua... Parang siya na hindi naman siya..."

"Pwede niyo po bang maipaliwanag sa amin ang mga nangyari?"

Tumango si Mrs. Trinidad at nagpatuloy. "Noong gabi na iyon ng unang linggo namin sa bahay na 'to, hindi ko namalayan na wala na pala sa tabi ko ang asawa ko. Lumabas ako ng kwarto namin at hinanap siya. Naabutan ko siyang naghuhukay na para bang may hinahanap sa may bakuran namin. Para siyang... wala sa sarili niya no'n, tuloy-tuloy lang talaga siya kahit anong sigaw, tanong, at tawag ko sa kanya. Naiiyak na ako no'n pero natauhan lang siya nang sampalin ko siya. Nang tanungin ko siya ulit, takot na takot na dinala niya ako papasok ng bahay at kinandado ang pinto."

"Sa pangalawang linggo naman, nagising ulit siya bandang alas-diyes ng gabi at pumanaog sa may sala. Naabutan ko siyang kinakalmot iyong pader na 'yon na para bang may hinahanap siya katulad din no'ng naghuhukay siya," aniya at tinuro sa amin ang pader sa may gilid.

Makikita sa kupas at punit-punit na wallpaper ang bakas ng mga kalmot na tinutukoy ng ginang.

"Tapos nitong nakaraan lang..." malungkot na pagpapatuloy niya bago nagpalinga-linga sa paligid, tila sinisiguro muna kung nasa malapit ba ang mga anak niya.

"Naabutan ko ang asawa ko na basang-basa d'yan sa may boardwalk ng lake. Karga-karga niya sa bisig niya iyong aso naming basang-basa rin at wala nang buhay. U... Umiiyak siya habang humihingi ng tawad sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng mga anak namin kung bakit namatay ang alagang aso nila. Hindi namin kayang aminin sa kanila na napatay ito ng papa nila..." ang naluluhang pag-amin ng ginang.

"Aside from your husband's past, do you have any details about this house?" I asked, and she shook her head in a retort.

"Hindi po ako eksperto sa mga ganitong bagay, pero natitiyak ko po sa inyong hindi ang asawa ko ang may gawa ng mga iyon," giit niya pa.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Hindi ko po maipaliwanag pero pakiramdam ko po ay may kung anong sumasanib sa kanya para gawin ang mga iyon."

Tinapos ko na ang recording at nagtanong ng update base sa camera footage kay Dani.

"Wala pa ring napi-pick up ang mga kamerang sinet up ko rito sa loob. Pero iyong drone na ginamit ko upang kuhanan ng aerial shots ang property, biglang namatay sa may lawa sa bakuran. Mabuti na lang at nakontrol ko agad pabalik dito bago mahulog do'n."

Nabahala ako roon pero mas pinili ko na lamang na tumango. I still have to gather more information to come up with a sound conclusion. Mayamaya pa ay binalingan ko si Alfa na seryosong nakatitig lang sa akin.

Kaagad ko siyang nilapitan upang pasimpleng tanunging, "Do you know what's happening here?"

Tumango naman siya sa akin.

"Ano? Totoo bang sinasaniban ang asawa niya tuwing gabi? Kung gano'n, sino naman?"

"And why should I tell you?"

Napakunot ang noo ko sa sagot niya, nagtataka. "At bakit naman hindi?"

"So, exorcist kid with exorcist parents and a shiny new third eye... time to put it to work," he just replied with a smirk.

Aalis na sana siya para sa tingin ko ay isa na namang round ng house tour pero kaagad ko siyang hinabol.

"I'm still learning. I need your help to access my abilities. This family's fine, but there's something weird about this house, and I can't figure it out. Please help me!" pakiusap ko sa kanya.

Nang huminto siya sa paglalakad ay napahinto rin ako saka hinubad ang bracelet ko at inilahad ang palad ko sa kanya upang hayaan siyang saniban ako.

His galaxy-like eyes flickered into view through his half-lowered sunglasses. "You promised me my freedom. Now I want to see how truly capable you are. I'd like to see you try," he challenged.

°˖ 𔓘 𝓛𝓸𝔀𝓵𝓪 𝓟𝓲𝓷𝓴𝓸 𔓘 ˖°

Please vote and comment your thoughts. It will help me a lot. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top