03: Saidah Tower

03: Saidah Tower

~𖥔☾𖤓☽𖥔~

GANYAN NGA, ANAK!” bulalas ni Mama pagkababa ko ng kwarto suot-suot ang corporate attire kong kulay pink from head-to-toe na pinaresan ko ng puting inner tank top, Mary Jane heels, at puting tote bag.

Mag-a-apply ako ng bagong trabaho ngayon.

“Tama ‘yan! Hindi solusyon ang pagiging exorcist para makahanap ka nang matinong trabaho,” Mama pressed on.

Ibinaba ko ang tote bag ko sa may couch saka ko tinungo ang dining table kung saan sabay-sabay na nag-aalmusal ang buong pamilya ko. Kahit na si Uki ay magang kumakain din ng kanya.

Hay... Sino bang mag-aakala na ang napaka-cute naming aso ay isa palang gahiganteng gumiho?

Kahit nga rin si Alfa ay nakikikain din sa lamesa. Spirits like him doesn't need to eat. Nakikisabay lang talaga siya kasi bored. Mukhang nasasanay na rin siyang maging isang taong-bahay.

“Ilang beses ko na ‘tong sinasabi sa ‘yo, Hon, pero tularan mo ang kapatid mong si Holland. May butihing boss, malaking sahod, at higit sa lahat, may normal na trabaho!” pagpapatuloy pa ni Mama sa litanya niya.

Bigla namang nasamid si Holland sa iniinom niyang kape. Agad naman siyang inabutan ni Papa ng tissue.

“Salamat, Pa,” aniya at binalingan ako. “Ate, pakinggan mo na lang si Mama. Walang masama sa pamumuhay nang normal.”

“Saka mo na ako sabihan niyan kung hindi ka na kinukuryente ng anak mo,” tugon ko naman at nginuso si Shannon sa tabi niya na nakatitig sa tinidor na hawak nito. Bukod sa may tusok-tusok na hotdog iyon ay may electric sparks din.

Nagmana kasi ang bata sa nanay niyang isa pang kakaibang nilalang na may kakayahang magmanipula ng kuryente.

Agad namang kinuha ni Holland sa anak ang tinidor dahilan upang mapasigaw siya dahil nakuryente siya nang bahagya rito. Nang makabawi ay pinalitan niya ng plastic fork iyon.

“Stainless steel is a conductor of electricity. Habang patuloy pa tayo sa training mo, magplastik na kubyertos ka na muna, anak,” paalala niya sa pamangkin kong maagap namang tumango at nagpatuloy na sa pagkain.

Growing up, it was clear that my family wasn't exactly ordinary. Even our pet was something else. So, yeah, I’ve always felt a little… different, like I don't quite fit in. But now? Now I've got a shot at something more, it excites me.

Pero may mga tao talagang kahit na gustong mamuhay nang normal, nakatadhana namang maging espesyal. Gaya ng pamilya ko.

My dad, even though he's a mortal now, is an expert on all things supernatural.

My mom and brother? They can move mountains—literally—and heal from injuries in the blink of an eye.

Then there’s my niece, who's basically an adorable mini-Thor.

And I can’t forget Uki. He looks like a fluffy white dog to everyone else, but he’s actually this massive, majestic nine-tailed fox inside our house.

I just… I want to be a part of that.

So, today’s the day. I’m making it happen.

Yeah, I know, I told everyone I was done with the whole exorcist thing. But what my parents don’t know is that I have been applying for some… other opportunities. I’ve been putting my name out there on some pretty exclusive sites—forums for people with, shall we say, unique talents, and even some corners of the deep web.

And yesterday? I got a reply. One of the companies—if you can even call them that—is looking for people with special abilities for an equally special mission. I jumped at the chance. I mean, how could I not? This is it. This is my shot at finally living a life that’s… extraordinary.

It will all start today.

“Ate, sasabay ka ba sa akin?” tanong ni Holland pagkaangkas niya sa motorsiklo niya.

Papasok na siya sa trabaho niya. Si Papa naman ang maghahatid kay Shannon sa iskul gamit ang sasakyan namin. Ayaw kasing magpakampante ng mga magulang namin para sa kaligtasan ng nag-iisang apo nila, lalo na sakay ng malaking motorsiklo ng ama nito.

“Hindi na.”

“Kung gano'n, ako na lang ang maghahatid sa ‘yo. Ihahatid ko lang si Shannon sa classroom niya tapos isusunod na kita,” alok pa ni Papa na maagap ko namang inilingan.

“Huwag na pa. Magta-taxi na lang po ako. May bibilhin pa kasi ako—”

“May convenience store tayo, Hon. Bakit hindi ka kumuha ng kailangan mo r‘yan?” naniningkit ang mga matang tanong ni Mama sa akin.

Lagot, mukhang nagdududa na ata siya.

“Wala po tayong panindang folder saka envelope rito kaya sa tindahan ng school supplies po ako bibili,” paliwanag ko naman.

Mabuti na lang talaga at mukhang umobra naman kay Mama ang palusot ko. Hinayaan na nila akong mag-taxi. Sinigurado ko munang nakaalis na sina Holland at Papa bago ako pumara ng taxi. Mahirap na baka sundan pa nila ako.

Nang huminto ang taxi sa tapat ko ay nagpaalam na ako kay Mama na binilinan naman akong mag-ingat. Pumasok ako sa backseat at ganoon na lamang ang gulat ko paglingon ko sa tabi ko nang maabutan kong nakaupo na roon at nakahalukipkip si Alfa.

“Anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong ko sa kanya.

Sa halip na sumagot ay ginalaw naman niya ang ulo niya paturo sa taxi driver na nakakunot na ang noong nanonood sa akin.

“He can't see me, so do me a favor and shut up. You don't want him thinking you've completely lost it, do you?” he warned.

Binalingan saka pilit na nginitian ko na lang drayber at binating, “Good morning po.”

“Saan po tayo, ma'am?” tanong niya habang nagsisimula nang magmaneho.

“Sa may Saidah Tower po. May interview po kasi ako ro’n.”

Nahuli ko ang biglang pagkunot ng noo ng drayber. “Sigurado po kayo, ma'am?”

“Opo. Heto po, oh.” Ipinakita ko sa kanya ang email na natanggap ko kahapon sa cellphone ko. “Bakit po?”

“Ma'am, bukod sa abandonado ay haunted na po ‘yong building na ‘yon. Hindi niyo po ba alam ang kwento no’n?”

“Hindi po, eh. Pero pwede niyo po bang ikuwento sa akin?”

Umusog pa ako palapit sa front seat, interesadong marinig ang buong kwento ng lugar mula sa drayber.

“Marami pong mga kwento-kwento tungkol r‘yan. Isa na po iyong kwento ng babaeng nakapula. Nagpahatid po ito sa sekyu na nagbabantay nang gabing iyon papunta sa 14th floor ng building kasi may naiwan daw po itong gamit doon. Itong sekyu rin, hindi nag-isip. Paanong may maiiwan doon, eh, abandonado na nga!” segwe pa ni manong sa kwento niya. Mapanglait din.

“Oh, tapos, ano pong nangyari?” I encouraged him to continue.

“Heto na nga, ma'am. Pagdating nila sa 14th floor, sobrang dilim tapos paglingon no'ng sekyu, wala na po iyong babaeng nakapula sa elevator. Tapos bigla siyang may narinig na nagta-type. Eh, dating office building po ‘yon. Sumunod naman ay ‘yong tawa ng babae na papalapit na sa kanya. Natiyempuhan pang hindi na gumana iyong elevator. Kaya sa sobrang takot niya ay sa emergency stairs siya dumaan.

Tapos pagbaba niya ng third floor, aguy, ma'am! May humawak sa kamay niya. Pagtingin niya, putol na kamay din. Hayun, nawala ng malay ang sekyu!”

Nakinig ako nang maigi sa iba pang kwento ni manong tungkol sa Saidah Tower, lalo na iyong mga kababalaghang nangyayari roon.

Menara Saidah, or Saidah Tower, is a 28-storey building that used to be an office block, owned by a local Arab-Indonesian businessman of the same name. It was abandoned back in 2007, and ever since, there have been tons of spooky stories about it.

People talk about seeing a woman in red, ghosts in the basement, and even weird stuff like ride-hailing apps getting orders from inside, mail being delivered there, and job interview invites coming from the empty building.

Paghinto ng drayber sa tapat ng Saidah Tower ay muli niya akong nilingon sa backseat. Magkahalong pag-aalala at takot iyong rumehistro sa mukha niya.

“Ma’am, sigurado po ba talaga kayong tutuloy kayo? Baka iyang interview na ‘yan ang sinasabi nilang mga invitation mula sa mga kung anumang nanananahan d‘yan.”

Pagsilip ko sa labas ng taxi ay may iilang mga tao rin doon sa labas ng building na naka-corporate attire tulad ko. Mukhang sasali rin sila sa job interview na nasa email.

Tinuro ko kay manong ang mga ito. “Tingnan niyo po, may mga mag-a-apply din. Understandable naman po kasi malaki iyong offer. Baka po talagang binili na ‘yong building saka ginawang opisina ulit.”

“Hindi ko po alam, ma'am, pero masama iyong kutob ko. Basta mag-iingat po kayo r‘yan.”

Nginitian ko si manong saka tinanguan. Huwag po kayong mag-alaala dahil tiwala naman ako sa guardian primordial being ko.

Paglabas ko ng taxi ay kinawayan ko pa si manong at nginitian upang pagaanin ang loob niya. Magiging maayos lang ako. Alam ko iyon.

Tahimik na nilingon ko sa tabi ko si Alfa na ngayon ay nakasuksok na sa mga bulsa ng itim niyang trench coat ang kanyang mga kamay. Nang mahuli akong nakatingin sa kanya ay tinaasan niya agad ako ng kilay.

“So, this is your plan, huh?” he pointed out. “I daresay you're not only crazy. You're also stubborn.”

“This is me taking a step closer to my extraordinary life,” I retorted and proceeded inside the abandoned building to join the other applicants.

Hindi ko muna siya masyadong kakausapin at baka isipin ng iba na lukaret na talaga ako.

“Sandali lang po!” pakiusap ko sa mga aplikanteng nasa loob na ng elevator na magsasara na sana.

Binuksan nila ulit iyon at pinatuloy ako sa loob. Sa bilang ko ay anim kaming lahat na nandoon. Pero ang mas nakapagpamangha sa akin ay ang ideyang may kuryente pala rito at gumagana rin ang elevator. Perhaps, someone really bought this building and operated it again for business use.

Bubuksan ko na sana ang usapan kaso naalala kong introvert pala ako and not really good with starting conversations.

“Which floor?” biglaang tanong ng maskuladong lalaki sa aming lahat.

“14th floor,” a petite woman with an angelic face replied.

“Ako rin, 14th floor,” another woman replied.

“I guess all of us are on our way to the same job interview,” ani ng lalaking nakasalamin at may dalang attaché case.

Tama nga ang hinala ko, lahat kami ay mukhang mga aplikante.

“Ang sabi sa application, specify your special talent. Anong sa inyo?” tanong ng lalaking may kulot na buhok. “I'm a voice actor. Bago mag-shut down ang TV station namin ay maraming sikat na programa ang gumamit ng boses ko. ‘Halina't tumambay at makisaya sa Bahay ni Lola!’ familiar?”

“You're Ben Logan!” bulalas ng maskuladong lalaki. “I'm a fan, sir! By the way, I'm Jerome Stantam, Westwood City's best triathlete. How about you, guys?”

“I‘m Glaiza Diaz. I'm not particularly a famous violinist, but I already played and joined several orchestra worldwide,” pakilala ng babaeng may mala-anghel na mukha.

“I'm Javier Solis, a biologist,” ang tipid na sagot naman no’ng lalaking nakasalamin.

They all looked at me next. Kahit pala rito, feeling ko ako lang din ang hindi kakaiba. Kumbaga, ako lang din ang hindi standout.

“Honolu Magalona po, mga ma'am, sir. Dating government employee, ngayon nangangarap na lang maging exorcist.”

“Exorcist? So, nakakakita ka ng mga multo?” nakangiting tanong no’ng isang babae.

Tumango naman ako. “Opo, nakakakita po ako ng mga hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tao.”

“Miss, okay ka lang ba? Sinong kausap mo d‘yan?” tanong ni Ben Logan sa akin kaya nalilitong napabaling ako sa kanya.

“Iyong babaeng nakapulang corporate attire po,” sagot ko naman sabay turo ro’n sa babae.

Lahat sila ay napabaling doon at tila nahintatakutang itinutok muli sa akin ang atensyon.

“Miss, wala pong babaeng nakapula r‘yan,” saad ni Javier na ikinakunot naman ng noo ko lalo na at biglang ngumisi ang babaeng timutukoy ko.

Nahuli ko ang dismayadong pag-iling ni Alfa sa tabi ko. “Can't tell the dead from the living? And you're the child of two exorcists. How disappointing.”

Nainis ako ro’n kaya nilingon ko siya saka pasigaw na sinagot ng, “It's my first time seeing ghosts, too!”

“Anong nangyayari? Okay lang ba siya?”

“Uh-oh, looks like someone's gone bonkers.”

“Matagal pa ba bago tayo makarating sa 14th floor?” sunod-sunod na bulungan ng mga kasama ko sa elevator.

Magpapaliwanag pa sana ako nang biglang tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na kami sa 14th floor.

"Finally!" Jerome shouted, but the opening elevator doors were enveloped by a sudden surge of thick smoke.

It was everywhere, and it instantly burned my eyes and throat. I stumbled, but then I felt Alfa's hand grab my arm and yanked me back from a sudden fall. That was the last thing I registered before darkness swallowed me whole.

°˖ 𔓘 𝓛𝓸𝔀𝓵𝓪 𝓟𝓲𝓷𝓴𝓸 𔓘 ˖°

Please vote and comment your thoughts. Happy New Year!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top