Chapter 4
Chapter 4
Cute
"Uy!" nagtilian ang mga kaklase ko at nanguna sila Chen sa panunukso sa bagong loveteam. Napangisi ko ng tumingin sa pulang-pula na mukha ni Hope. Si Xiumin ay nakangiti lang habang inalalagay ang bag ni Hope sa upuan nito.
Tatlong linggo na din ang lumipas at matapos ang encounter ko kay Luhan ay hindi na iyon nasundan liban na lang noong gumawa kami ng activity na ka-grupo ko siya. Kahit labag sa loob ay ako na lahat ang gumawa nang sa amin at ipinapasa ko na lang kay Sehun. Nasa iisang klase kami at hindi tulad ng dati ay minabuti ko na lang na iwasan si Luhan kaysa patulan ang pang-aasar niya.
Hindi kase ako mapalagay kapag nandiyan siya. Simula noong makita niya akong umiiyak sa garden ay may iba na akong naramdaman at ayaw ko noon.
"Wait! Zanna!" napalingon ako kay Lina na ngayon ay hinahabol ang bestfriend niya na para bang irita. Nagkibit balikat ako at sinagutan na lang isang assignment na ibinigay sa Math.
Tapos na ang exam at maluwag na ang schedule namin. Pumasok si Ma'am Tessa at agad kaming nagsitayuan para batiin siya. She greeted and smiled at us.
"Class, magkakaroon ng field trip sa susunod na linggo..." hindi pa natatapos si Ma'am ay agad na naghiyawan ang mga kaklase ko.
Agad naman itong pinatahimik ni Ma'am at sinabi na required ang lahat na sumama. Bumagsak ang balikat ko at aapila pa sana ng sinabi na ni Ma'am ang mga pupuntahan.
The whole class rejoiced while I sat there on dismay. I really hate field trips. Mas lalo akong nanlambot ng malaman ang mga kasamang lugar sa trip. Napalunok ako at nag-isip na ng paraan para hindi makasama.
Ng akmang aalis si Ma'am Tessa ay agad ko siyang hinabol palabas ng room. Recess na din kasi kaya dumami ang tao at umingay ang corridor.
"Ma'am! Wait, may tanong po ako!" nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.
"Yes, Ms. Rodriguez?"
I breathed heavily before talking. "Ayoko po sana kase talagang sumama sa field trip..." mas lalong tumaas amg kaniyang kilay.
"And why is that?" tila concern na tanong niya. Mas lalong bumigat ang paghinga ko. Sa totoo lang ay ayaw ko sa mga taong palatanong pero hayaan na dahil isa namang propesyonal ang kausap ko.
"Personal reasons po kase. Baka po pwedeng humingi na lang ako ng special projects."
"Ms. Rodriguez kung ako ay papayagan kita pero kase ay malaki ang points ng field trip para sa mga subjects. Kung iyon ang gusto mo ay maganda siguro na sa lahat ng subject teacher mo ikaw magpaalam." napatango ako kay Ma'am at nagpasalamat.
Nang humarap ako sa classroom ay wala na ang mga tao. Malamang ay naroon na sa baba at kumakain. Bumuntong hininga muli ako at kinurot ang sarili. Get up, Ry!
My eyes widened when I saw someone leaning on the door. My perception of him is still the same. Kahit anong tigas ng galaw niya, hanggang sa may nakikita akong hello kitty sa mga gamit sa kaniyang bag ay hindi magbabago para sa akin na isa siyang paminta. Tinungo ang aking upuan at isinabit ang bag sa likod.
Aalis na sana ako ng marinig ko ang tanong niya.
"Bakit ayaw mong sumama sa field trip?"
"Pake mo," pabalang kong sagot at inirapan siya. "Padaan!"
Mas lalo niyang iniharang ang sarili sa pinto. He put his two hands on both sides of the door and the same with his legs.
"Sagutin mo muna ako," hamon niya. Napairap ako sa iritasyon ngunit mayroong kung ano sa akin ang natutuwa. He looked stupid right now!
"What? Nililigawan mo ako?" nakangisi kong tanong. Kumunot ang noo niya at mataray akong inirapan. Bading!
"Yuck lang! Just answer my question." demanding ang kaniyang tono.
"Reporter ka ba?" balik kong tanong at humalukipkip. Ginaya niya ang ayos ko at iginalaw ang ulo sa gilid.
"Hindi." asar na saad niya. Ngumuso ako habang nakatingin sa iritado niya ng mukha. Gwapo talaga siya sa totoo lang dahil hindi naman siya titilian kung hindi. "Answer me!"
"Ayoko. T'saka alam mo ba ang salitamg personal, Hello Kitty?"
Mukhang nagalit siya sa tinawag ko kaya mas mabilis sa alas kwatrong namula ang kaniyang mukha. He looked so annoyed right now at parang isang pitik na lang ay sasabog na siya.
"Ano?" natatawa kong tanong sa kaniya. Nanlaki ang mata niya at inirapan ako. Well that's not new. Lagi siyang nang iirap. Just normal for a gay like him.
"Ingrata!" nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga dahil sa sigaw niya. He quickly walked out of my sight. Namula ang pisngi ko dahil sa inis.
Ingrata? What the actual fuck! Ang kapal talaga ng apog ng paminta na iyon. Halos manginig ako sa paglalakad habang tinatahak ang corridor. Sa inis ko ay halos magtunugan ang sapatos ko sa sahig.
"Fucking shit!" inis kong saad habang ikinukuyom ang kamay. "Shit! Damn! Fuck! Tangina niya talaga."
Napatigil ako sa pagmumura ng may tumawag sa akin. Inis akong lumingon sa likod at halos lumuwa ang mata sa nakita.
Ma'am Aurelio arched her brows while her cheeks are very red. "You have no values Ms. Rodriguez." umiling siya at dismayado akong tiningnan. "I'll give you a detention slip, tomorrow."
Nalaglag ang panga ko habang tinitingnan si Ma'am na umalis. Now what? She's one of my subject teacher and looking at the situation now, she'll be giving me a detention slip, she's mad because I cussed. Malabo na mapapayag ko siyang bigyan ako ng special assignment para hindi ako maka-attend ng field trip.
I gritted my teeth. This is all Luhan's fault! Oh come on Ryleigh, kasalanan mo din dahil ininis mo si Luhan. Kung sana ay sinabi mo na lang kung bakit ayaw mong sumama sa field trip ay hindi ka niya sasabihan ng ingrata.
Wait! What the fuck? Eh bakit naman niya gustong malaman kung bakit hindi ako sasama?
Sinubsob ko ang mukha sa malambot na kama at bumuntong hininga. My phone rings kaya naman ay inabot ko ito at sinagot ang tawag.
"Hi anak!" comes my Mommy's jolly voice.
"Hi mom!" bati ko. Nasa ibang bansa kasi sila para matutukan ang business ni Dad.
"Kamusta ka na di'yan? Are you taking care of yourself, well? Tinanong ko si Manang. Ang sabi ay palagi ka daw nakakulong sa kwarto mo!"
Sumimangot ako at umayos ng higa. "Mom naman eh! Ano naman ang gagawin ko?"
Narinig ko ang tinig ni Dad sa background na tinatanong kung kamusta na ako. Mukhang naka-loud speaker ang tawag ni Mom.
"I'm fine Dad!" saad ko. I heard my Mom shutting up Dad.
"Anyways anak, do you remember your Tita Shin?" kumunot ang noo ko at tumango kahit na hindi naman kita sa tawag.
"Opo! Yung bestfriend niyong half chinese?"
"Yes and I think na matutuwa ka sa ibabalita ko!" she squealed. Typical her.
"Ano naman po?" I lazily asked. Sa totoo lang ay wala akong interes sa usapan but since I missed my Mom ay hahayaan ko na lang.
"Her son is living there in the Philippines and he's the same grade as you!"
"Yeah..." bored kong sagot.
"Shin and I thought that both of you should bond. Tutal naman ay lagi kang nasa kwarto mo ay subukan mong makipag-friends sa anak ni Shin." nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.
Honestly, I love my room so much. I don't need to make friends. I don't need them. I have Lara. Napairap ako at pumayag na lang tutal ay wala din naman akong gagawin. Malulunod lang ako sa isipin kung paano ko gagantihan si Luhan.
"Okay," pagpayag ko.
"Great! Nag-aaral din siya sa EXO University. And he's very handsome! Nasabi na ni Shin sa anak niya ang address ng bahay natin kaya bukas ay sabay kayong papasok cause he'll pick you up!"
Napairap na lang ako at sinabayan ang gusto ni Mom. Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda para sa pagpasok. I'm almost done eating my breakfast ng biglang pumasok si Manang at nangingiting humarap sa akin.
"Anak, may nag-iintay sa iyo sa labas. Ang gwapong bata!" napanganga ako kay Manang bago nagmamadaling tinapos ang pagkain at nagtoothbrush. Tinatamad akong lumabas at halos umusok ang ilong ng makita ang lalaking nakasandal sa kaniyang kotse.
His eyes widened and his jaw dropped. Ako naman ay umirap bago inis na tinawagan si Mommy. Nakita ko din ang pagdukot niya sa kaniyang cellphone.
"Hello?"
"Mom! Sino itong lalaking nasa gate na'ten?"
"Huh? Ask his name."
"Luhan!" irita kong sabi at napatingin sa kaniya. He rolled his eyes on me before turning his back and putting his phone on his ear.
"Oh! Xi Luhan. Anak, siya ang sinasabi kong anak ni Aunt Shin mo. Ang gwapo niya diba? Gosh-"
"Bye Mom!" napairap ako ng humarap kay Luhan. Nakasimangot niyang ibinaba ang cellphone at tiningnan ako.
"You're Tita Rena's daughter?"
"Obviously." I sarcastically said. Sumimangot siya at pumasok na ng kotse. Tumayo lang ako doon at inantay ang pag-alis niya.
Kumunot ang noo ko ng bumusina ito at ibaba ang salamin. "Get in! We're getting late."
Inis akong bumuntong hininga at sumakay na sa kaniyang sasakyan. A sweet scent attacked my nose at halos sumabog ako sa tawa ng makita ang mga nakadisenyo sa loob.
Hello kitty. Hello kitty. Hello kitty! Damn. Bakla talaga siya.
"Stop that, will you?" inis siyang bumuntong hininga. Ngumisi lang ako at nagpatuloy sa pag titingin sa kaniyang gamit.
"Yung totoo, bakla ka ba? Wag ka mag-alala sa'ten lang naman e—hoy!"
Napakapit ako sa upuan at halos madinig ko ang paggasgas ng gulong niya sa aspalto ng kalsada.
"Hindi ako bakla! Manly ako! Manly!" pumikit ako sa sigaw niya at nagtaas ng kamay.
"Fine. Just drive!" saad ko at umiwas ng tingin bago kinagat ang labi.
Damn. He looked so cute wearing that annoyed face. Ang sarap kurutin ng pisngi. Napakurap ako sa naisip. What? What am I thinking? Tumikhim ako at inayos ang sarili.
Ng tumigil ang sasakyan niya sa parking ng EXO University ay mabilis akong bumaba at kumaripas ng takbo. What the hell am I thinking?
Damn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top