Chapter 8
C H A P T E R E I G H T | T E L E P O R T A T I O N
Natapos ang hapunan at nag stay muna ako sa kwarto na binigay nila sa'kin. Kung saan ako titira pansamantala. Biglang bumukas ang pinto at pumasok dito si Lola Angela. Nginitian ko siya.
"Lola naparito ka." Sabi ko.
"Kukumustahin ko sana ang maganda kong apo," sabi ni lola at hinaplos ang pisngi ko.
"Kumusta naman ang stay mo sa Herdier?" Tanong ni lola.
"Ayos naman lola." Sagot ko.
"Nabalitaan kong sumabak ka sa laban, you did a body switching. You also did a fire and you escaped from an illusion." Sabi ni lola.
"Masaya ako at nakayanan mo ang mga iyon kahit hindi mo pa alam kung paano gamitin ang kapangyarihan mo." Pagpapatuloy ni lola.
"Kaya siguro sa'yo nila binigay ang kapangyarihan na iyan." Tsaka siya ngumiti sa'kin. Hinalikan ako ni lola sa noo.
"Lola," I called her. I hesitated at first kung itatanong ko ba to sakanya. But I shouldn't back out.
"May tanong sana ako." Sabi ko.
"Ano yon?"
"Bakit ka nandito? Akala ko ba bumalik ka sa mundong pinanggalingan natin." Iyon ang akala ko nong mga panahon na umalis si lola sa Herdier.
Ngumiti lang siya sa akin.
"Marami ka pa talagang hindi nalalaman," Sabi ni lola.
"Look at me straight to the eyes." Sinunod ko ang sinabi ni lola, hanggang sa parnag hinihimpostismo ako ng mga mata niya. Hanggang sa bigla nalang kaming naglakbay sa kung saan.
"Dito na tayo nakatira sa palasyong ito noon paman," tumitig siya sa akin, habang naglalakbay kami.
"Noon, nong wala pang hidwaan ang mga Kaharian dito sa Mania ay may mga Diyos at Diyosa na namumuno para mabalanse ang mga elemento dito sa Mania. Ang Diyosa ng Hangin, at Tubig, habang ang Diyos ng Lupa, at Apoy. May mga reyna at Hari na noon paman. Hanggang sa binigyan ng mga Diyos at Diyosa ng kanilang kalahating kapangyarihan ang mga Kaharian.
"That's why Ordus Represent Fire, Harvena Represent Air, Laverna represent Earth and Avelon represent Water, pero naging sakim ang Ordus sa kapangyarihan dahil sa Diyos ng Kadiliman at doon nangyari ang digmaan sa pamamagitan ng mga kaharian. Nasa mga kaharian parin ang kanilang mga kapangyarihan. Kaya may dalawang elemental power user. Dahil ang kalahati non ay galing sa mga Kaharian na nag re representa sa bawat kaharian, at ang isang kalahati ay galing sa mga Diyos at Diyosa na nagmamay-ari. Binigay nila ito sa mga nararapat na pagkatiwalaan.
"Para sa oras na dumating muli ang kasamaan ang walong nagmamay-ari sa elemental power ay silang susugpo sa kasamaan. At doon tutulong ang Diyosa ng Diwa, ang Diyosa ng Diwa na siyang may pinakamalakas na kapangyarihan. Katulad ng naiibang Diyos at Diyosa binigay din niya ang kaniyang kapangyarihan sa nararapat pagbigyan. Pagkatapos ng digmaang nangyari ay doon naitatag ang KATAAS TAASAN. Ang kataas taasan ay silang namumuno at nagdidisiplina sa lahat ng mga nilalang dito sa Mania World. Maliban nga lang sa Ordus dahil wala silang sinunod."
"Ang aking lolo ang siyang hari dito noon, at ang lola ko naman ang Reyna, matapos ang digmaan sa pagitan ng mga kaharian dito sa Mania. Nagkaroon sila ng anak at iyon ay ang aking ina. Nakapangasawa ang aking ina ng isang lalaking taga Harvena rin at ako ang naging bunga ng kanilang pagsasama at ang Headmistress ng Herdier na si Angelie." Is that mean that lola ko rin si Headmistress Angelie? Kaya pala ang bait niya sa'kin. Sa lahat ng student naman ata mabait siya.
"Sumunod sa Trono ang aking ina dito sa Harvena habang ang aking ama naman ang naging Hari. Lumaki ako at nahanap ko ang lolo mo na Harvena din." Mapait na ngumiti si lola, I saw pain in her eyes.
"Ngunit inagaw siya sa'kin pagkatapos niya kaming iligtas ng mommy mo laban sa mga Ordus na nangtangka kaming patayin. Pinalaki ko ng mag-isa ang mommy mo, ayaw kong mapahamak ang mommy mo kaya pumunta kami sa normal na mundo. Masaya kaming namuhay doon, namuhay kami ng normal. Lumaki ang mommy mo at nakilala niya ang ama mo. Nagpakasal sila at namuhay hanggang sa ipinanganak ka Neah. Hanggang sa nangyari ang hindi inaasahan."
"Ako dapat ang maging reyna dito ngunit hinabilin ko kay Angelie ang trono. Ngunit nagbigay naman siya ng kondisyon na kung sakaling babalik ako, ako dapat ang maging reyna muli dito." At doon natapos ang kwento ni lola. Hindi na kami naglalakad sa kung saan. So that explains why she's here.
My mom and dad died in a car accident, iyon ang sabi ni lola sa'kin. Mapait akong ngumiti, hindi ko man lang nakita at nakilala ang mga magulang ko. Kahit picture man lang.
"Matulog ka na apo, may training ka pa bukas," sabi ni lola.
"Huwag kang mag-alala babantayan kita." Huminga na ako sa kama dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at tsaka ako dinalaw ng antok.
***
Pagkagising ko kinabukasan wala na si lola sa tabi ko. Agad akong pumasok sa C.R. at naligo. Nakalipas ang ilang minuto ay natapos rin akong maligo nagbihis na ako tsaka lumabas. Maaga pa naman, wala pang 8 kaya maglilibot-libot muna ako dito sa Harvena.
Nasa ikatlong palapag ako, may hagdan patungo sa itaas at may hagdan din pababa. May nag-udyok sa akin na pumunta sa itaas, pero sa kabila ay sinasabing huwag tumuloy. What the hell Neah?
I decided to sneak in the fourth floor, bahala na kung may makakita. Malawak ang fourth floor. May nakita akong disenyo na hangin. It's represent Harvena. But one door caught my attention. Paglapit ko doon may nakasulat na "Don't you dare Enter" may babala na bawal pumasok. I dare to touch thr doorknob. Pero agad ko ding kinuha ang kamay ko.
My curiosity may drown me to death if I continue this. Hinawakan ko muli ang doorknob pipihitin ko na sana ngunit may kamay na pumigil sa'kin.
"Are you nuts woman?" Inis na wika ni Asher.
Mukhang kabute bigla nalang sumusulpot kung nasaan ako.
"You see that sign right? It's restricted, what a dumb." Wow edi ikaw na matalino.
"I'm just curious on what's inside in that room." Dahilan ko.
"Don't let your curiosity drown you to your own death," He said in a cold voice.
"You're wise enough." Then he vanished at my sight.
Bumaba na ako since hindi naman ako marunong mag teleport, Pagdating ko sa pinakababa nakita ko ang ibang katulong at ibang nagbabantay. Binati nila ako I greeted them back. Tsaka ako lumabas sa palasyo. Binalaan nila akong huwag lumabas sa gate baka may makasalubong akong Ordus at ano pa ang gawin sa'kin. Habang nandito ako sa loob walang makakagalaw sa akin. Naglilibot lang ako sa labas ng Harvena.
Ang ganda ng mga halaman dito, I touched one of the flowers. Pero kinagat ang index finger ko, hindi pala to orinaryong halaman. Namangha na sana ako eh.
"Why did you bite me?" Inis kong wika. Hindi naman siguro to nagsasalita.
Buti nalang hindi dumugo yung kamay ko. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, malayo-layo na ako sa palasyo ng Harvena. May mga malalaking kakahuyan na dito. But I think sakop parin to ng Harvena. May mga kaluskos akong naririnig. Nagtago ako sa isang punong malapit sa'kin. They're here again, those people whos wearing black with a masked on there faces. Mas aninag ang mukha nila ngayon dahil hindi madilim.
But still I can't recognize there faces because of the masked they're wearing.
"Ano bang ginagawa natin dito sa Harvena?" Tanong ng babae.
"Pinapautos ni Headmaster na pasukin natin ang Harvena." Sabi ng kasamahan nilang lalaki.
"You know we can't may harang yan." Sabi ng babae.
"You're a manipulator, she can manipulate someone right?" Sabi ng lalaki.
"We'll wait someone who get out from that gate." It only means mga kalaban sila.
Ngunit anong kailangan nila dito. Alam kong may masama silang pakay. I want to stop them but how? Ang hirap pala pag wala kang natututunan.
"Hindi ba pwedeng mag manman muna tayo?" A girl suggested.
"Takot ka ba?" Tanong naman ng isa nilang kasamahan.
"Are you nuts? Baka mamukhaan tayo na hindi katulong o bantay." Sabi ng isang babae.
Lima sila, pero hindi yata sila yung nagmanman sa academy. Kakaiba ang boses nila. Bigla akong may nasagi na sanga. Shit!
"Narinig niyo yon?" Agad na naalarma ang lima.
"Hanapin niyo, baka may nag- i ispiya dito at malagot tayo." Sabi ng lalaki.
"Unahan na natin,"
"Tara na." Natataranta ako, but I shouldn't. I tried to build a fire balls in my hand but I failed to do so.
"Ang lakas ng loob niyong pumarito," Someone muttered.
"You're looking for someone right?" He asked
"Get lost or all of you die in my hands." Nakakatakot siya kung magsalita. Masisindak ka talaga. Biglaang lumindol. Fudge! Napahawak ako sa puno.
"Now get lost!" His voice echoed.
Natigil na ang lindol.
"Maari ka ng lumabas," Agad akong lumabas sa pinagtataguan kong puno.
"Ayos ka lang ba?" Nag-alalang tanong ni Sir.
Pilit akong ngumiti sakanya at tumango.
"Salamat sir," Siya ba ang nagpalindol non?
"Ikaw ba ang nagpalindol non Sir?" Biglang umiling si Sir.
"No, one of those student's from Darier, I used my telepathy to control them," Sagot niya.
"They're searching someone, mukhang nakakatunog na sila." What does he mean? I just disregard on what he said.
"Kumain ka muna, tsaka ka pumunta sa Training room." Sabi ni Sir at biglaang nawala. Bumalik ako sa loob, sinamahan ako ng isang katulong papunta sa hapag kainan. Ako lang ang mag-isa. Don't tell me tapos na silang kumain? Nagsimula nalang akong kumain ilang minuto rin ay natapos ako.
Lumabas na ako sa hapag kainan, nagtanong ako sa isang katulong kong saan ang Training room. Sinamahan niya ako, Nagpasalamat ako bago siya umalis. Pinihit ko ang doorknob at nandoon silang tatlo, si Asher, lola, at Sir Jacob. Nginitian ako ni lola.
I smiled back at her.
"Magsimula na kayo," sabi ni lola. Bigla siyang naglaho. Sana lahat nakakapaglaho.
"Before we start you should know how to teleport from here to another dimension." Paliwanag ni Sir Jacob. Pwede pala yun? Kahit wala kang teleportation na kapangyarihan.
"Oo pwede yun," Sagot ni Sir sa tanong na nasa isip ko.
"Kung may dugo kang Harvena," Pagpapatuloy niya.
"Harvena can teleport, Laverna are a friend of nature, Avelon are masters of minds and Ordus have a great senses." Bakit ngayon ko palang alam to?
So sir Jacob is half Harvena and half Avelon and also Asher since he can also read minds.
Well Viena too.
"Sa elementary level tinuturo ang mga iyan, kung paano gawin." Pagpapatuloy niya.
"I'll teach you how," I nodded as a Response.
"Focus on which dimension you want to go, since bago ka pa hindi pa malayo ang mararating mo." Pinikit ko ang mga mata mo but I can't focus because I feel that someone is staring at me intensely.
"You failed," Aniya ni Sir
"Tss." Narinig ko si Asher.
"As I just said focus, huwag kang ma distract sa mga naririnig at nararamdaman mo." Sinunod ko ang sinabi ni Sir. Hanggang sa bigla kong naramdaman na para akong nawala hanggang sa bigla akong may naririnig na mga ingay. Where am I?
May mga naglalagablab na apoy, sa bawat sulok dito. At may hugis apoy sa palasyo nito, is this the Ordus? Anong ginagawa ko dito? Ang creepy ng lugar na to, parang haunted. May mga uwak sa ibabaw ng palasyo.
Nagtago ako sa isang bato para hindi nila makita.
"May naaamoy akong kakaiba," sabi ng kung sino.
"Ako rin." Sang-ayon naman ng isa.
"Kalahi natin, pero parang may mali." Sabi ng isa. Is she referring to me.
"What do you mean?" That voice! For the second time around I heard his voice.
"Kaaway ba?" Tanong nong lalaki.
"Hindi ko masabi Cap,"
"Naamoy ko na kalahi lang natin yung dumating pero may kakaiba sakanya." Pagpapatuloy nong babae.
"Hanapin niyo siya, at kong makita niyo. Dalhin kay Headmaster." Sabi ng lalaki.
"Masusunod Cap."
Paano ako makakabalik nito? Nawawala na ako sa focus dahil sakanila. Bakit ba dito ako dinala? I am not safe in here. Maari akong mapatay dito ng wala sa oras.
Asher's Point of View
Nagawa niyang maglaho pero hindi pa siya bumabalik. Where's that girl? Saan ba pumunta yun? Tatanga-tanga pa naman yun. Si Jacob naman ay nakatingin sa wrist niya inoorasan ata si Tatanga-tanga. He can train that slowpoke without me. Bakit kailangang kasama pa ako? Tss.
Halos kalahating minuto na hindi parin bumabalik si Tatanga-tanga. Hindi na niya ba alam paano maglaho ulit? Tss, slowpoke as always.
'Asher!' he communicate me through mind.
'She's in danger.' sabi ni Jacob.
'Where's that slowpoke?' I asked him.
'She's in Ordus at alam mong hindi siya dapat makuha ng mga iyon.' What the hell? Bakit doon pumunta ang babaeng yun? Tanga talaga.
Agad akong tumayo at naglaho, alam kong susunod siya sa'kin. Narating ko ang Ordus. They have great senses kaya agad nila akong maaamoy kong lalapit ako.
Kung sakaling may magtangka sa'kin tatanggalan ko agad ng hininga. I tried to communicate her through mind but I failed to do so.
May biglang papasubong sa'kin kaya agad akong nagtago sa may puno.
"Nahanap niyo?" Tanong ng lalaki.
"Wala kaming nahanap, pero naaamoy parin namin siya." It only means one thing. Tinutugis na nila si Neah, paunahan nalang.
"May iba pa akong naaamoy, isang may dugong Harvena at Avelon." Oh shit.
"Maghiwalay tayo para hanapin ang mga nanloob." Sabi ng isa. Agd akong nag teleport papunta sa ibang pwesto.
Don't you dare touch her bastards. I'm gonna sue you all to death. What the hell am I saying?
'Asher,' Jacob talk to me through mind. "Did you find her?'
'Not yet,' I answered him. 'But they're all looking for Neah now.'
Napatingin ako sa may bato, mukhang may tao don na taimtim na nagdadasal. Napangisi ako.
'Maybe I already found her.' I said at Jacob
Naglaho ako at pumunta sa gawi niya, tss hindi man lang nakaramdam sa presensya ko.
"Slowpoke" I whispered. Biglang bumuka ang mga mata niya at gulat na napatingin sa'kin.
Hinawakan ko ang braso niya at naglaho kami, tsaka kami bumalik sa Training room.
"Slowpoke, you know how dangerous it could be for you to go on there?" I asked her.
"Next time used your mind,"
"I don't know why you have that kind of power, nasa sa'yo pa talaga, ikaw na tatanga-tanga." Walang prenong sabi ko. Biglang lumakas ang hangin kahit sarado ang loob ng training room.
Ginalit ko ata siya.
"Kung kuda ka ng kuda sana pinabayaan mo nalang ako doon," Inis niyang wika. She's trying to stop her anger, baka may magawa siyang hindi maganda. I smirk.
"You're wasting your time saving me." Tsaka ako biglaang tumilapon sa pader. What the! Oo masakit, pero hindi ko ininda.
Nagulat naman siya na napatingin sa'kin. If she can't control her emotions it can trigger her power.
"I am just stating a fact, totoo naman kasi na tata--" Jacob cut me off.
"Will you please shut up Asher?" Pinagdilatan ako ni Jacob.
"You're too insensitive."
"I am not guilty." I said. Umalis na ako doon at pumunta sa isang sulok.
Sana lang madali siyang matuto. Nakakainis pa naman ang mga tatanga-tanga tangang katulad niya.
Mania World: The Imprecation of Prophecy
By DeeYanny
Plagiarism is a crime
Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top