Chapter 5
C H A P T E R F I V E | I L L U S I O N
Nakita ko si Lola Angela na nagluluto, niyakap ko siya patalikod dahil nasa likuran niya ako. Bata pa ako nito. I remember this memory of mine with her.
"Neah apo nandiyan ka na pala, oh siya tawagin mo na iyong kalaro mong si Chance upang sabay na kayong kumain." Pagyaya ni lola sa'kin.
Is this a dream?
Juan Chance Enriquez is my childhood friend.
Pag inaasar niya ako palagi ko siyang tinatawag na Juan. Ang old kasi ng first name niya. Pinuntahan ng batang ako ang batang Chance nakasunod lang ako sa batang Neah at paglabas namin sa pinto ay nag-iba na naman ang lugar.
Nandito ang batang Neah at batang Chance sa dalampasigan. Bigla namang nagsalita ang batang Chance.
"Neah, do you believe in magics?" He ask innocently. Napaka inosente naman namin dito. Ang batang Neah naman ay tumango.
"Yes, Chance, I believe in magics, but lola said it's not true daw eh." Sagot naman ng batang Neah.
"Neah listen to me, ang mga magics ay totoo." Saad niya.
"At isa tayo sa mga biniyayaan na magkaroon ng magics." Seryosong saad niya.
Why I can't remember this memories I had with him? Na nag-usap kami ng ganito, tungkol kung totoo bs talaga ang mga kapangyarihan.
"Talaga? Paano nangyaring may powers tayo?" Inoseteng tanong ng batang Neah.
"Because we're not living in this world, Neah, this is not our place, Neah. Hindi tayo katulad nila na normal lang." Pagpapaliwanag ng batang Chance.
"Paano mo ito nalaman, Chance?" Takang tanong ng batang Neah.
"We should live in a world called Mania, not here, Neah. We didn't belong here. We are not like them and we will never be like them." He answered the young me. "We are Manians and live in Mania, where powerful people lives." The little Chance added.
Napatahimik silang dalawa saglit.
The scene change once again.
"Neah," he called me. "I'm leaving but don't worry babalik ako." The little girl start crying.
Bigla na namang nag-iba ang lugar, at nakita ko si Chance malaki na siya. He smiled at may direction, teka ako ba ang tinitignan niya? O baka may tao sa likod.
"Neah," He said and hug me.
Is he real?
Ikaw ba talaga ito Chance?
"Chance, I miss you," I muttered.
"I miss you too, Neah." He said, then give me he's sweetest smile.
"Gusto mo bang sumama sa'kin, Neah?" He ask, wala naman akong pag-alinlangan na tumango.
Naglalakad lang kami ni Chance hanggang sa makarating kami sa park at umupo kami sa may swing.
"Look at the sky, it's so beautiful right?" He asked, I just nod as a response.
Na miss ko ng sobra si Chance dahil simula nong umalis siya at matagal pa siyang makakabalik. Nagluksa ako, my one and only best friend left me. Pero ngayon bumalik na siya. Sabi niya noon na sa susunod na aalis siya isasama na niya ako. Is this the right time na isasama na niya ako?
"Neah," he called me. "Hindi ako babalik doon, magkakasama na tayo Neah hindu na kita iiwan."
That is weird. Akala ko ba aalis siya ulit tapos isasama na niya ako, anong nangyari at tila nabaliktad ata yung sinabi niya noon at ngayon?
"Nagbago na ang isip ko Neah, hindi na ako babalik doon."
Tinignan ko nang mariin si Chance dahil sa sinabi niya.
Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Neah...." He explicit. "Mangako ka sa'kin..." Teka, bakit naman kailangan kong mangako sakanya? "Na kahit anong mangyari hindi mo ako iiwan... mangako ka Neah please..." He begged.
"Panga-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may biglang sumigaw sa likuran namin.
Moment ko ito eh, ba't naman naninira ha?
"No!" What the hell is Asher Rhett Carter doing here? "'Wag kang mangako, Neah, kung gusto mo pang mabuhay."
Paano siya napunta sa mundo namin? Hindi naman siya taga rito ah.
"I'm here because this is a freaking dream, a freaking fire illusion that Lexis created." Nagulat ako sa sinabi niya.
Dream, illusion.
Dito na rumehistro ang sinabi niya.
"Huwag kang maniwala sa mga salita niya, someone is using him to trick you, Wesley," Asher stated. "Ginamit niya ang mga alaala mo sa nakaraan para makulong ka dito. Worst thing might happen, you can die if you'll be trap here."
Paano? Paano niya nalaman.
Gusto kong magtanong sakanya kung saan niya nakuha ang mga sinasabi niya. Ngunit walang kahit anong salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Bigla namang nagsalita si Chance.
"No Neah, sa'kin ka maniwala, I'm your best friend. Mas matagal mo na akong kilala kesa sa lalaking yan na gusto ka ng patayin nong una pa lang." Chance reason out.
Oo nga naman. I know Chance well than Asher Rhett.
Bakit naman ako maniniwala sakanya? Sa taong gusto akong patayin nong una palang. Pero paano nalaman ni Chance ang tungkol dito?
"I told you already, Wesley. He is not your best friend in the first place," nababagot na sambit ni Asher. "Remember what professor Hamilton said before you drown in this fire illusion? Deceived the enemy, so you will get the trophy."
It sinks in on my mind.
"That phrase," I whispered.
"You're in the middle of a training right now. But you're stuck in an illusion, a dream that will grab you to your own death." Tinigan ko si Asher dahil sa mga sinabi niya.
'Deceived the enemy, so you will get the trophy'
Hindi pala totoo ang Chance na kausap ko kanina. I've been fool by Lexis. But how? Si Chance. Sino ba kasi ang nagsasabi ng totoo sakanila?
"Don't believe me, I am a liar, make the phrase correct."
'Deceived the enemy, so you will get the trophy' Na gets ko na ang pinaparating niya.
Dont believe me, I am a liar.
Believe me, I am not a liar.
Kailangan kong mapaniwala si Chance para mapaniwala ko rin ang taong naka control sakanya. I smile.
"Hindi ako sasama sa'yo, Asher," nanggagalaiting saad ko na parang buong-buo na ang desisyon ko. Believe me, I'll be awarded as a best actress after this. "You tried to kill me remember, the last time we met? So why would I believe to a devil guy like you!"
Doon nakita ko si Chance sa peripheral vision ko na ngumisi. Bitch, let's fool each other. Hindi lang ikaw ang marunong manloko sa larong 'to.
"Then I won't force you." Sumusukong saad ni Asher. Madali din naman pala itong sumakay sa patibong. "Don't regret your decision, woman."
"I'll surely not." Taas noong sagot ko.
Tsaka dahan-dahan akong lumapit kay Chance na may ngiti sa labi.
'Deceived the enemy so you will get the trophy' Dahan-dahan kong kinuha ang dagger na nasa likod ng uniform ko.
"Nagpapasalamat ako na ako ang pinili mo, Neah," Chance said.
"Thank you also, Chance." Tsaka ko dahan-dahang nilabas ang dagger at tinusok ko ito malapit sa may dibdib ni Chance.
Gusto kong umiyak sa ginawa ko. I kill my own best friend... kinitil ko ang buhay nang matalik kong kaibigan... dinumihan ko ang sarili kong kamay.
"You are not a murderer, 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano," Asher said in my side. "Once na natamaan mo ang importanteng tao na siya ang dahilan para ma trap ka dito. Matatamaan din ang may gawa ng illusion. You succeeded, don't worry this is just an illusion your best friend is still alive kung saan man siya ngayon. All you need to do is to wake up first." Tsaka niya nilahad ang kamay niya sa'kin, tinanggap ko naman iyon. Tsaka ulit parnag umikot ang mundo ko.
At sa isang iglap nakita ko na nasa harap ako ni Lexis, duguan siya at may sugat siya sa dibdib. Tsaka siya dahan-dahang natumba at nawalan ng malay. What did I do? Tinignan ko ang kamay ko at nakita ko ang dagger na may dugo. Ito lang naman ang dagger na tinusok ko kay Chance. Bigla kong naalala ang sinabi ni Asher
'Once na natamaan mo ang importanteng tao na siya ang dahilan para ma trap ka dito. Matatamaan din ang may gawa ng illusion' did I just kill her?
No, I am not a murderer. Uminit ang sulok ng mga mata ko, habang naiisip ko na maaaring napatay ko si Lexis but I hope not. Nakaramdam ako ng biglaang pag sakit ng katawan ko, napaluhod ako. Hindi na kaya ng katawan ko, gusto ko ng magpahinga. Before I fell down into the floor. I saw Asher face, he catch me. Now I feel that I'm already safe, kaya dahan-dahan ko ng sinara ang mga mata ko dahil sa oras na ito, wala nang piligro.
One week had passed, simula nong nangyaring laban sa training place. Ngayon lang ulit kami nakapasok ni Viena after sa mga nangyari. Well naka recover na kami, wala na din yung sugat na natamo namin, wala kaming pilat o kahit ano, scars and so on. Hindi ko alam sa kalaban naming dalawa ni Viena kung ayos na ba sila. But as if I care!
Papunta na kami sa cafeteria para kumain ng agahan. 7:00 o'clock pa, may one hour pa bago magsimula ang klase namin. Pagdating namin sa Cafeteria ay andaming tao. Bakit hindi sila sa hall kumain ngayon? Himala ata
Oh I forgot to mention na meron palang breakfast hall at dinner hall ang school na ito. Kung saan doon dapat kumakain ang mga students. Pero ang mga katulad namin ni Viena na matitigas ang mga ulo dito parin kumakain sa Cafeteria.
Pero naka assign talaga ang dalawang hall para doon kumain ang mga students ng breakfast and dinner. At nasa sa'yo kung saan ka kakain ng lunch. We both ordered food tsaka kami naghanap ng mauupuan. Nilapag na namin yung pagkain na inorder namin.
Nagsimula na kaming kumain ni Viena, tahimik lang kaming kumakain na dalawa. Hanggang si Viena na ang bumasag sa katahimikang namayani sa'min.
"By the way Neah sino ang nanalo sa inyo ni Lexis?" She ask, Sino nga ba ang nanalo sa aming dalawa? Hindi ko din alam. Tinignan ko ang watcher ko, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. May 100 points na na add sa bonus points ko. How come is that? Akala ko ba 50 points lang kung mananalo ka, but seems like may mali sa points ko.
"Ayos ka lang ba Neah?" She ask, I nod as a response.
"So sino nga ang nanalo?" Tanong nita ulit.
"Hindi ko alam Viena, but seems like may mali sa points ko," saad ko.
Nakita ko naman ang kuryusidad sa mukha niya.
"What do you mean?" She ask, ipinakita ko ang wrist ko sakanya kung saan nandoon ang watcher ko. Nanlaki naman ang mga mata niya sa nakita.
"Oh... my..." putol-putol na saad niya.
"See, Vien? May mali talaga sa points ko" I said, pero umiling si Viena
"Walang mali sa points mo, Neah,"
"Huh? Paanong?" Naguguluhang tanong ko.
"You win, Neah, tsaka natama mo rin yung sinabi ni Sir Jacob." Anong ibig niyang sabihin sa sinabi ni Sir?
Nakita niya ata na hindi ko siya naintindihan kaa nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Everytime na pupunta tayo sa training place at may laban na magaganap. Palaging magbibigay si Sir Jacob ng mga salita na may deep meaning at answers kung paano tatalunin ang kalaban nila. Ngunit kung malapit ka ng matalo doon pa niya sasabihin" She explained. I remember what Sir Jacob told me
'Deceived the enemy, so you will get the trophy' hindi ko na ata 'to makakalimutan.
"Iba-iba ba ang mga salitang ibibigay ni Sir Jacob sa mga students niya?" I ask, I'm really curious kaya 'di ko na napigilang magtanong.
"'Yan ang tanong na hindi ko masasagot, pero ang binigay ni Sir sa'kin ay 'Elemental is powerful, but determination will lead you to win' " Viena said. Iba-iba nga ang binibigay ni Sir sa bawat students niya.
"Deceived the enemy, so you will get the trophy,'' I said
"What do you mean?" Tanong niya.
"Iyan ang sinabi ni Sir sa'kin, the words thingy na may deep meaning at answers." Sagot ko sakan'ya.
"Woah, nakuha mo ang pinaparating ni Sir doon, sa'kin kasi nakuha ko ang pinaparating niya dahil sa tulong mo," aniya at ngumiti sa'kin.
Because of my help? How?
"How did I help you?" I asked her.
"What? You already forgot that you helped me, sinabi mo pa nga na 'lumaban ka, used her weakness.'"
Oh, that. I thought she didn't heard it.
"I remember."
Bigla namang hinawakan ni Viena ang kamay ko.
"Thank you so much Neah for helping me, balang araw ako naman ang tutulong sa'yo." Tsaka niya ako niyakap nang mahigpit.
Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat. Do I need to hug her back? Tanga! Syempre kailangan, akmang yayakapin ko na siya ulit ngunit bigla siyang bumitaw. I rolled my eyes, nang-aasar na tong si Viena? Tinignan ko si Viena nakangisi siya.
"Nang-aasar ka ba?" I ask, 'di nakakatuwa.
"Galit ka? Sorry i ha hug nalang kita ulit." Akmang yayakapin niya ako ulit ngunit tinabig ko na ang kamay niya. Iba ang galit sa asar, pero hatdog late na kami.
"Tumayo ka na jan, 10 minutes nalang late na tayo, Ms. Viena Magdalene Frost, patay tayo kay Sir Hamilton dahil sa'yo." Sabi ko habang nakangisi.
Nagsalubong naman ang kilay niya dahil tinawag ko siya sa buong pangalan niya.
"Kailangan ba talaga na fullname? You already know how I hate my fullname, Neah." Umikot ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"Quits na tayo, Ms. Viena Mag-" hindi niya ako pinatuloy sa sasabihin ko. Dahil bigla siyang nagsalita.
"Oo na quits na tayo, mauna ka na may bibilhin pa ako." I just nod at her.
Tsaka ako nagsimulang maglakad patungo sa may elevator. Naghintay akong bumukas yon at tsaka ako sumakay.
Pumasok na ako akmang pipindutin ko na ang button para 3rd floor ngunit biglang pumasok si Asher. Nakalimutan ko na may utang na loob pa pala ako sa lalaking 'to.
Hindi ko na napindot ang 3rd floor dahil inunahan na niya ako.
"Retard, I'm late already," he muttered.
Okay, ang suplado?
Pataas na ng pataas ang elevator, ngunit bigla itong yumanig at nag stop. What? Na stuck ako sa elevator na to kasama itong lalaking 'to? Tinignan ko ang relo ko, oh, what a perfect timing. I'm later already.
Napadako naman ako kay Asher, He look so calm na parang hindi kami na stuck dito.
"What do you want me to do then?" My orbs widen. He can also read minds. Pareho sila ni Sir Jacob hindi alam ang salitang privacy. "Don't compare me to him." Nagsisimula na akong mainis ha. "Edi mainis ka."
"Can you please stop reading my mind? Learn to know the word privacy." Inis na saad ko.
"In this world there's no privacy," he retorted upon my statement.
I try to read his mind, but it's empty. I read nothing.
"Bakit wala akong mabasa?" I asked him because of my curiosity.
He looked bothered upon my question.
"You can also read minds?" Hindi ko sinagot ang tanong niya.
Hindi ko naman kasi alam. I just tried, but I read nothing.
"So your blood line is from Avelon also huh. Not bad for a rookie," he stated. "You're indeed a peculiar, Jacob is right."
Wow, hindi nag Sir ang mokong. Saan ba ang galang nang lalaking ito?
"He doesn't deserve my manners in the first place," he whispered.
Inikot ko nalang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kailan ba kami makakalabas dito?
"Maghihintay tayo hanggang may tulong na dumating," sagot niya sa tanong sa isipan ko.
"Kausapin mo si Sir Hamilton, nakaka-usap ka naman gamit ang isip 'di ba?" Tanong ko sakan'ya.
"Do it by yourself," he answered.
What the hell? Nag suggest na nga ako nang easy way kaso ang taas ng pride nang gago.
Dahil nangangalay na ako kakatayo umupo ako at sinandal yung katawan ko sa may gilid.
What if sipain ko tong elevator ng buong lakas? Baka biglang bumukas to at makalabas na kami. Nice idea Neah but too impossible to happen.
"Crazy kid," bulong ni Asher na nakangisi.
What did he say? Bakit ba kasi ang hina ng boses niya.
Bigla kong naalala na may utang na loob pa pala ako sa lalaking to dahil niligtas nita ako sa illusion na yun. Lunukin mo muna saglit ang hiya mo Neah.
"T-thank you," I said.
"For what?" He asked.
"For saving me, doon sa illusion." sagot ko.
I didn't hear any response from him. Napabuntong hininga nalang ako, pake ko ba at least wala na akong utang na loob sakanya.
Namayani ang katahimikan dito sa loob ng elevator walang gustong bumasag. Walang gustong magsalita, napasigaw ako ng wala sa oras nong biglang umandar pababa ang elevator.
Ngunit bigla din itong huminto. I smell something, na parang may nasusunog. Don't tell me. Sana mali ang naiisip ko. Tinignan ko ang kasama ko. Ngunit laking gulat ko ng makita kong nakatingin na din siya sa'kin.
'Katapusan ko na ba?' I asked myself.
Hindi ko na ba talaga makikita si Chance at si lola? Naramdaman ko nalang na may humawak na sa likuran ko na parang batang pinapatahan.
"This is not the end," he whispered.
Nakakatakot. Wala si lola sa mga oras na ito. Siya lang ang matatawag ko.
"Don't cry in front of me. Hindi ako marunong magpatahan nang bata." I felt his hand embrace me.
The moment he embrace me, I felt safe on his arms.
Mania World: The Imprecation of Prophecy
By DeeYanny
Plagiarism is a crime
Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top