Chapter 24
C H A P T E R T W E N T Y F O U R | T H E T A L K
Plano ko na naman sanang mag mukmok sa kwarto but guess what? Nandito ako ngayon sa tapat ng horror house kasama sila.
Oo kaming lahat ang nandito, pati na rin pala ang ibang Great Nine, nagbayad na sila. Agad among humawak sa katabi ko kahit hindi pa kami nakakapasok. Pero nakarinig ako ng tawa, si Asher pala ang nahawakan ko great!
Lumipat ako sa kabila at humawak kay Carla kaso yung mukha niya wala na ding kulay halos. Akala ko ako lang ang takot dito hindi pala. Hinawakan nalang namin ni Carla ang isa't-isa, bahala na si batman. Biglang bumukas ang pintuan ng horror house, hudyat na kailangan na naming pumasok.
Sabay sabay kaming pumasok sa horror house, when we enter the horror house I feel the cold breeze touches on my skin. May mga tunog din ng kaluskos at iba pa.
"Nakakakilabot naman ang lamig dito." Sabi ni Carla na kahawak ko.
"Hindi ka nag-iisa." Sang-ayon ko sakanya.
"Neah huwag mo akong bitawan ha." Hindi talaga, pag ikaw ang unang bumitaw at magtatakbo ewan ko nalang.
"Bakit ba ako sumama rito?" Inis na wika ni Lexis, oo nga bakit ba siya sumama dito? Wala namang nagpilit sakanya.
Neah huwag kang matakot ikaw ang may gawa nito, ilusyon lang 'to.
I'm convincing myself now and then. Wala pa namang mga ghost o multo na nagpapakita sa'min, should I be thankful?
"Bulaga!"
"Fvck."
"Tangina."
"Wahh!" May iba pa akong naririnig na mura at sigawan. Yung iba naming kasamahan ay mahiwalay samin, ngunit may isang kamay na humila sa'kin.
Sisigaw sana ako pero tinakpan niya ang bibig ko.
"Shh." He whispered.
'Neah,' that's Asher, akala ko kung sino na ang humila sa'kin kanina.
'Don't let go of me.' sabi niya, hindi talaga baka may mga multo na naman jan at biglang magsisulputan.
'Asher, malayo pa ba ang exit?' Tanong ko sakanya.
'I don't know, you're the one who made this horror house.' Ang pilosopo talaga.
Hindi kaya ako nakapasok dito pagkatapos ko itong gawin. Nilagyan ko lang naman ito ng mga ghastly creatures, pero sana hindi ko nalang nilagyan noh.
'Kung alam ko lang, sana hindi na kita tinanong.' Umirap ako sakanya.
'I jut notice something," he said. Ano naman ang napansin niya?
'There's a ghost at your back!' Napatili ako sa utak ko dahil sa sinabi niya. Ayan nabingi siguro dahil napahawak siya sa ulo niya. Manakot ka pa kasi!
'Ang tinis ng boses mo.' Reklamo niya, hindi ko na kasal-anan iyon.
'Manakot ka pa, na karma ka tuloy.' sabi ko, nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hindi talaga kumpleto ang araw namin kung hindi kami nagbabangayan na dalawa. Say what?
'Can I asked you something.' This time mukhang seryoso na siya, kaya napalingon ako.
'hmm'
'When will you talk to them?' He asked me, napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. Ayaw ko na ding may dinadalanh galit sakanilaz siguro oras na talaga para kausapin ko sila. Tama na ang ilang linggo, hindi ko na matiiis.
'Today' I answered him.
'That's a good news then.' nagulat ako sa sunod na ginawa niya, hinila lang naman niya ako at biglang niyakap.
'You're still the Neah we know, a kind hearted one. Slowpoke nga lang.' Then he chuckled.
Okay na sana eh, bilib na sana ako sakanya kaso dinagdagan niya ng slowpoke hindi makatarungan iyon. Ewan ko ba naiinis ako sa pambubully niya pero napapangiti din niya ako. He's really one of a kind.
'Ewan ko sa'yo, mukha kang timang jan.' nagsimula na ulit kaming maglakad.
Sana pwede lang gumamit ng magic noh, para agad kaming makalabas kaso bawal eh.
Habang nagpatuloy kami sa paglalakad ay bigla kong nakita ang salitang exit. Magdidiwang na sana ako kaso may dumating na manananggal sa harapan namin!
"Ahh, anak ni Marites!" Wala sa huwisyong sigaw ko.
"Who's Marites?" Tanong ni Asher, hindi ko siya sinagot basta ko nalang siyang hinila pabalik. Kaso may nakasalubong kaming isa na namang manananggal. So creepy!
"Yung ano, basta takboo!"
Hinila ko ulit siya pabalik kung saan kami nanggaling, kaso may tumambad sa'min na manananggal yung kanina na tinakasan namin. Oh shit! Dead end.
'Neah, in the count of three let's teleport.'
Hindi ba't bawal gumamit ng magic?
'We don't have a choice.' sagot niya. Tama na nga naman siya.
'1' he start counting.
'2' nakita kong malapit na ang manananggal sa'min.
'3' sabay kaming naglaho ngunit may isang nakahawak sa kaliwang kamay ko. Bigla akong kinabahan, huwag kang lumingon Neah.
"Ahhh!" Sigaw ni Viena, nandito siya.
"Freeze," Biglang na estatwa ang manananggal at nabalot ng yelo. Did she save me? Hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm out of words to uttered.
"Tara na." At agad kaming naglakad papunta sa exit.
***
Nakaalis na kami sa kasumpa-sumpang horror house na iyon. Isa lang ang masasabi ko, hindi na ako uulit. Hinding-hindi na talaga, kahit sino pa ang pumilit sa'kin.
Naglakad na kami paalis doon ng may sinalubong kami ng isang studyante.
"Neah, pinapapunta ka ni Miss Dessylle sa faculty." Sabi ng isang studyante, tsaka ito naglakad paalis. She's not familiar on me, si Miss Dessylle hinahanap ako? That's unusual.
"Mauna na kayo, hahanapin ko nalang kayo mamaya. May iuutos ata si Miss sa'kin." Sabi ko sakanila.
"That's unusual." Sabi ni Asher, habang nakatingin sa kawalan. Very unusual, hindi naman kasi nang-uutos si Miss sa'kin ngayon lang niya ginawa to.
"Sige mauna na ako." Paalam ko sakanila, tsaka ako naglaho at napunta sa Faculty room.
Muntik pang mag cast si Miss Dessylle ng spell dahil sa biglaang pag sulpot ko sa harapan niya.
"Ginulat mo naman ako Neah." Sabi niya, pagkatpos ay tinuon na niya muli ang atensyon niya sa ginagawa niya.
"Ah miss." Panimula ko.
"Hmm." Sa ginagawa parin niya siya nakatuon.
"Bakit niyo po ako pinapunta rito?" Tanong ko sakanya, napatigil siya sa ginagawa niya at ngumiti sa'kin.
"Yeah right, I asked one of the students here to look for you. May iuutos lang sana ako," Tuluyan na siyang tumingin sa'kin at ngumiti.
"Is it okay with you if I asked for your help?" She asked me, I nodded without hesitation.
"May kukunin sana akong libro sa utos ni Sir Jacob, kaso may ginagawa pa ako. Utos din niya ito sa'kin, tapos kakailanganin ko na iyong libro so if you don't mind pwede mo ba iyong kunin sa library?" She asked me.
"Sure miss, ano pong pangalan nong libro?" Sabi ko.
"Here," She handed me a paper kaso walang sulat.
"Thank you in advance Neah." She wink at me, wala talagang sulat. Paano ko hahanapin iyong libro kung wala namang nakasulat sa papel na binigay niya. But this is a magic World I guess I have to do something.
"Miss." Tawag ko ulit sakanya.
"Ano iyon?"
"Wala pong nakasulat sa papel na binigay niyo." Sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Kaya pinakita ko sakanya ang binigay niyang papel sa'kin.
"Oh sorry, I used invisible paper, my bad." Agad siyang nag cast ng spell at bumukas ang drawer niya at may kinuha siyang papel ulit at binigay sa'kin.
This time may sulat na ito, kaya nagpaalam na ako kay Miss. Babalikan ko nalang siya pag nahanap ko na ang pinapahanap niyang libro. I teleport from faculty to library, we can easily sneak here since walang librarian na nagbabantay kagaya ng nasa mortal world.
Nagsisimula na akong maghanap ng libro, "The History of Mania" iyan ang pinapahanap ni Miss sa'kin. The title of the book caught my attention, I also want to know the History of Mania World I am lacking of knowledge about this world. Maraming sikretong nakakubli, sikretong maaring dahilan ng kamatayan mo.
Ilang shelves na ang narating ko ngunit hindi ko parin mahanap ang libro. Saan ba iyon?
"I'll help you." Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Asher, as always he's wearing his bored look and emotionless face. Wala namang bago sakanya.
Mabuti pa nga kung tutulong siya para mas madali kong mahanap ang libro. Somewhat natatakot rin ako baka may multp dito, mag-isa lang ako dito sa library kanina. Baka may biglang bumulaga sakin, kidding.
"Sure that would be a big help." I said to him.
Nagsimula na ulit akong maghanap, hanggang sa napako ang tingin ko sa isang libro. Ito ang pinakamalaki sa lahat ng libro na nadaanan ko simula ka kanina.
It really caugt my attention, itinaas ko na ang kamay ko, nahawakan ko na ang libro at kukunin ko na sana ngunit bigla akong tinawag ni Asher. Hindi ko natuloy ang balak ko.
"I already found it." He waved the book at my direction.
Lumapit siya sa'kin at binigay ang libro, tinignan ko iyon.
'The History of Mania World'
Ito na nga ang libro na pinapahanap ni Miss Dessylle. There's four palace in the cover, probably the Four Kingdom's here in Mania World.
"Thank you." I said to him, sabay kaming lumabas sa library ni Asher.
Nagsimula na kaming maglakad, walang gustong magsalita sa'ming dalawa. Siya rin mismo ang bumasag sa katahimikan naming dalawa
"Is Miss Dessylle needing that book?" He asked.
"Siguro, utos daw ni Sir Jacob eh." Sagot ko.
"That's unusual, he's always commading Miss Bethany not Miss Dessylle," Seryosong sabi niya, kuya niya si Sir Jacob kaya hindi ako magtataka na alam niya halos lahat kay Sir.
"Neah," tawag ulit niya sa'kin, liningon ko siya pagtingin ko nasa akin na pala ang mga titig niya.
"Will you going to talk to the now?" He's referring to them.
Tuwing naaalala ko ang pagtataksil nila hindi ko na namang mapigilang magalit. Linayuan ko sila at alam kong nirespeto nila ang desisyon ko na'yon. Hindi nila ako masisisi, ngunit hindi ko rin sila masisi kung tatangkain nila akong lapitan at kausapin. It's like a win-win situation.
"It's now or never I think." I replied.
The weeks are already enough, it's time for me to face them. It's time for me to know the reason behind stabbing our backs. They won't hide being a traitors towards us if they don't have a heavy reasons, and this is the time that I want to hear from each of them the reasons why they chose that path.
To be a traitors than being an allied to us.
Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Asher.
"You're really now a mature girl Neah, you already grown up," He said, he pinch my cheeks.
"It's time to hear their reasons and I know you'll accept them again after this." He added.
"Thank you." Iyon lang ang nasabi ko, thanks to them because they wake me up that whatever it takes I can't run away from that problem. I need to face it no matter what happened, because it's not that I don't have a choice but I need to and I am responsible of hearing them.
At least I'll know the what's really the purpose of stabbing our backs.
"Stop thanking me, how many times dis you tell those words today?" He asked.
Wala kasi akong mahanap na salita, at least thank you would be enough, he help me a lot. I just see the other side of him, the caring one not the Asher who's always cold, emotionless, madaling mapikon. But the different Asher Rhett Carter.
Marami silang nagkumbinsi sa'kin na kausapin at bigyan ko ng pagkakataon ang mga kaibigan ko. Even the Goddess, gusto niya talaga siguro kaming magkaayos na lahat.
Nakarating na kami sa faculty, pumunta ako kay Miss Dessylle at binigay ang libro.
"Thank you Neah." She said
"Walang anuman Miss." Sagot ko sakanya.
Lumabas na kami sa faculty room at naglakad paalis. Nakasunod lang ako sakanya, teka bakit ko ba siya sinusundan? May gagawin pa ako.
Kailangan ko pa silang maka-usap.
Kaso hindi ko alam kung nasaan sila ngayon, where would I find them? Mukhang magkasama silang apat ngayon pero hindi ko alam kung nasaan sila. Maybe Asher know? But what if he didn't? That's impossible though, they're together lately when I left them.
"Asher." Tawag ko sakanya, lumingon naman siya sa'kin.
"Do you need anything?" He asked, nasa bulsa ng pants niya ang dalawa niyang kamay. I find it attractive.
"Ah ano..."
"Alam mo ba kung nasaa sila?" Tanong ko, he nodded at me and muttered "follow me." Kaya nakasunod ako sakanya. I felt something relief para bang may mabigat na ano na nawala sa'kin. I can't explain it.
Nakarating kami sa garden at pumunta doon sa isang puno, sa punong ginawa na tree house ni Carla noon. Wala si Enoch, wala din si Carla na makakapagbukas sa'min dito. Well I can, but I don't know how.
Lumapit si Asher sa puno at pinatid iyon ng dalawang beses. Bigla itong naging tree house pagkatapos, I'm amaze. Binuksan ni Asher ang pintuan at sumunod ako sakanya. Sinarado ko agad iyon, at tumambad silang apat sa'min.
Napatigil si Viena sa paggawa ng mga bala na ice at napatingin sa'kin. Si Chance na mukhang inaantok ay umaliwalas ang mukha, si Enoch at Eli ay tumigil sa pagbabangayan. Silang apat lang ang nandito kanina bago kami pumasok ni Asher.
"Asher, Neah, nandiyan pala kayo." Sabi ni Viena.
"Obviously." Bulong ng katabi ko na narinig ko naman, ewan ko lang sa mga kasama namin.
"Anong sadya niyo?" Tanong ni Chance, mukhang inaantok pa siya.
Binigyan ako ng makahulugang tingin ni Asher, bumuntong hininga ako.
This is it.
'Tell them now.'
I step once forward, inhale, exhale.
"Can we guys, uh, talk?" I asked for their permission.
I saw their eyes twinkling, walang pasintabi silang tumango.
"We will gladly say, yes, Neah." Chance muttered.
Ngumiti ako sa kanila, hindi iyong mapait at hindi totoong ngiti. Kun'di ay iyong ngiti na matagal kong hindi pinakita sakanila simula nong nalaman ko ang pag tra traydor nila.
I hope our conversation will go well.
Mania World: The Imprecation of Prophecy
By DeeYanny
Plagiarism is a crime
Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top