Chapter 23

C H A P T E R   T W E N T Y   T H R E E   |   R E U N I T E D


Tapos na rin kami sa ginagawa namin, one week na rin naman kasi ang nagdaan. Ngayon ang opens ng mga booths at areas pati na rin ang horror house at iba pa. Bigla kaming pinuntahan ni Viena ng dalawang kambal ang aga kasi nila. Wala akong nagawa kung hindi sumabay sakanila, pinuntahan din nila si Eli. Mauuna na sana ako pero pinigilan ako ng kambal, I don't have a choice. Kaya in the end magkasama kami ngayong lima.

"Sa food court tayo!" Masayang sabi ni Carley, nagsitanguan naman sila.

"Sa cafe--" she cut me off, ko kontra pa sana ako.

"Huwag kang kj Neah, alam mo bang parang ilag na ilag ka na sa'min. Tapos nakita ko pa na palagi pa kayong magkasama ni Lexis." Alam kong pati ang kambal naapektuhan na rin sa paglayo ko.

Hanggang kailan ba Neah? Hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko.

"Kahit ngayon lang Neah please?" Biglang nagsalita si Eli, I saw her eyes it's sincere. Sana empath ako noh, para alam ko kung ano ang totoong nararamdaman nila.

"Neah sige na!" Pagpupumilit nong kambal.

"F-fine." Wala akong nagawa kung hindi sumama sakanila, nakita kong ngumiti silang apat. A genuine smile to be exact, I miss to see that smiles of them.

Pumasok kami sa isang food court dito sa academy, marami ding mga student's na nandito para kumain. Ngunit ang mga nagluluto lang din naman ay mga student's din na may kakayahan sa pagluluto. I badly want to know how to cook kaso hindi ako pinagpala, pancit canton lang ang kaya kong lutuin sa mortal world noon. Na miss ko tuloy na pumunta sa mortal world, kailan kaya ako makakabalik doon?

"Hoy Neah, nakikinig ka ba?" Pukaw sa'kin ni Carley.

"Ha? May sinasabi ka ba?" Wala sa huwisyong tanong ko.

"Sabi ko sa'yo kanina ikaw nalang ang hindi nakaka order sa'min, tulala ka pa." Agad kong kinuha yung menu at naghanap ng magagandang pagkain. Sinabi ko na sa waiter ang gusto kong orderin tsaka ito umalis.

"So wala ba kayong chika? Lalo ka na Neah, nakakatampo ka talaga hindi na kami updated sa'yo." Reklamo ni Carla.

"Ano bang gusto niyong malaman?" Casual na tanong ko.

"Una bakit parang ang close niyo na ni Lexis?" Tanong ni Carla. Is they jealous? Gusto kong matawa.

"Pangalawa bakit parang siya na ang best friend mo at hindi kami?" Si Carley ang nagsabi niyan.

"Pangatlo, bakit lumalayo ka sa'min?" Tanong ni Carla, napaiwas ako ng tingin. Hindi pa talaga siguro nila alam.

"I can answer your fist and second question," panimula.

"The third one, give me more time. When the right time has come I talk to them and hoping that we will gonna be okay. But I can't guarantee you." I said.

"Ay bakit ganon." Nakangusong sabi ng kambal. Gusto kong matawa sa itsura nila, cute haha.

"First I just saw her other side, hindi naman pala siya ganon ka maldita noh. We're not that close, tinatarayan pa nga ako ng babaeng yon hanggang ngayon. Second you're still my f-friends guys, hindi magbabago iyon." Sagot ko sa tanong nila kanina, nauutal ako habang sinasabi yong friends. Napabuntong hininga nalang ako.

Dumating naman sa harapan namin ang pagkain, naging tahimik kami at nagsimulang kumain. Tuwing makikita ko ang isa sakanila, hindi ko mapigilang mapa-isip na ano ba talaga ang dahilan kung bakit nila nagawa iyon. Si Asher mukhang alam na niya ang dahilan ng apat, ako nalang ata ang hindi pa dahil pinapairal ko ang pride ko.

Hindi ko kasi talaga kaya, but Lexis is right kahit anong galit ko sakanila nandiyan parin yung saya tuwing nakikita at nakakasama ko sila.

"Neah," may narinig akong tumawag sa'kin.

"Buksan mo ang mga mata mo iha." Sinunod ko ang sinabi niya at nakita ko ang Diyosa ng Diwa.

"Diyosa." I said and smile.

"Nandito ako para sabihin sa'yo na, tama na iha. Oras na para harapin mo sila, be open minded iha alam kong maiintindihan mo rin sila kapag narinig mo ang mga rason nila. Bigyan mo sila ng pagkakataon," Ngumiti sa'kin ang Diyosa, ang daming tao na ang nagsabi sa'kin nito at ngayon isa na ang Diyosa.

"Totoo ang mga kaibigan mo Neah, hindi ka nila ginamit. Nakilala ka nila bilang Neah na hindi nagmamay-ari ng special power, kung hindi bilang Neah na kaibigan nila." Siguro oras na talaga para harapin ko sila, kung gusto ko talagang malaman ang totoo.

"Maraming salamat mahal na Diyosa." Ngumiti ulit siya sa'kin at bigla siyang nawala.

"Neah!" Sabay sabay nila akong niyakap na apat.

"Pinag-alala mo kami." Sabi ni Carla, kita ko nga sa mga mukha nila ang matinding pag-alala.

"Anong nangyari?" Tanong ko, ang naalala ko lang ay nandoon kami sa food court at bigla kong nakausap ang Diyosa tapos nandito na ako.

"You passed out," Viena started, dahilan para tumingin ako sakanya.

"Kumakain tayo non, masayang nag kwe kwentuhan ng bigla ka nalang natumba at nawalan ng malay. Agad ka naming dinala dito sa clinic, ang sabi ng nurse wala namang masama sa'yo. Kaya nagtaka sila kung bakit bigla kang nawalan ng malay." Paliwanag niya.

"Itong kambal naman masyadong exaggerated at sa hospital ka agad ipapadala." Nakangising sabi ni Eli.

Hindi ko mapigilang mapangiti, talagang nag-alala sila sa maaring mangyari sa'kin.

"S-salamat." Iyon lang ang nasabi ko.

***

Kahapon nong pinalabas ako ng nurse sa clinic, sabi niya ulit na walang masamang nangyari sa'kin. Baka stress lang ako o kulang sa tulog, kaya pinauwi na niya ako. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, iyong ibang student's masaya sa Herdier Festival habang ako nakakulong lang dito. Tinatamad akong kumilos, may bigla namang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tatlong tao lang ang kakatok sa pintuan ko,  kung hindi si Viena ay ang kambal. Tumayo ako at binuksan ang pintuan tumambad sa'kin ang kambal.

"Anong ginagawa niyo dito?" Masaya itong nakangiti sa'kin.

Bigla nila akong hinila palabas tsaka kami naglaho at narating namin ang garden. Teka anong ginagawa namin dito? Gabi na ah.

"Bakit nandito tayo sa garden?" Hindi nila ako sinagot dahil si Carla ay busy sa ginagawa niya sa isag puno at bigla itong naging tree house. Woah!

"Girls night out!" Masayang sabi ng kambal.

Bigla silang pumasok sa puno este tree house pala. Sumunod ako sakanila natigilan ako dahil nandoon na din sina Eli at Viena hindi pa sila napisa nong puno kanina?

"Carla, nong pumasok tayo dito bumalik ba sa ayos ang puno?" I asked, gusto ko lang manigurado.

"Exactly!" Nakangiti niyang saad. Hindi ba kami mapapagalitan kasi ginalaw namin ang puno ng academy?

"Don't worry, hindi tayo mapapagalitan kasi ako naman ang may gawa ng puno na ito hindi ang academy." Sagot niya, she's really a great earth elemental power.

"Neah ano tititigan mo lang kami?" Tanong ni Carley.

"How did you do that Carla?" Tanong ko sa kakambal niya.

"Simple, I have an Earth power Neah." Nakangiting sagot niya, kung sa bagay.

Carla snap her finger at tumambad sa'min ang napakalaking lamesa na may mga pagkain.

"Kakain muna tayo bago magsimula." Magiliw na sabi ni Carla. Kung sa bagay gutom na ako, umupo ako sa isa sa mga upuan doon. Magsisimula na sana kaming kumain ng may tatlong lalaking pumasok. Akala ko ba girls night out to, bakit may mga ng trespass?

"Teka paano kayo nakapasok dito? This is only for girls." Seryosong sabi ni Carley.

"Simple sweetie, I'm also an Earth elemental power." Nakangising sagot ni Enoch, I smell something fishy to them.

"Girls night out to tapos nandito kayo." Si Viena naman.

"We can call it Friends night out." Sabi ni Chance, ano raw? Friend's night out huh.

"I'll agree with him." Akala ko napipi na tong isang kasama nila.

"Fine, do we have a choice?" Wala ding nagawa si Carla kung hindi pasalihin ang mga lalaking kaibigan.

Tatabi sana sa'kin si Chance kaso naunahan siya ni Asher, sorry nalang siya. Naka hanap na kami ng pwesto ns lahat tsaka kami nagsimulang kumain. Masaya din pala na nakasama ko silang lahat muli, kahit may hindi kami pagkakaunawaan na lima. Nandito parin yung saya, yung tawanan yung kakulitan na hinding hindi mapapalitan.

Natapos kaming kumain tsaka kami umupo na walo ng pabilog katabi ko parin si Asher at sa kabila si Viena. Medyo nakakailang nga eh kasi hindi pa kmi magkaayos.

"May naisip akong laro," sabi ni Carley, kaya napatingin kami sakanya.

"Para mas makilala natin ang isa't-isa magtatanong tayo sa bawat isa. Depende kung anong gusto niyong itanong sa matatamaan ng bottle. Ang magtatanong ay pa clockwise para fair." Maganda ang naisip na laro ni Carley.

"Sige, ang galing mo namang mag-isip sweetie." Sabi ni Enoch, mukhang gustong-gusto niya talagang inaasar ang kaibigan ko. Inirapan lang siya ni Carley.

Tumango din ang iba naming kasamahan, means sang-ayon sila sa laro ni Carley. Tumango din ako, I want to know them more, specially the traitors.

Kumuha ng bottle si Carley at pinaikot-ikot niya ito, at tumama naman ito sakanya. Natawa kami, epic! Ang nagtanong sakanya ay ang katabi niya, clockwise ang pagtatanong namin. Si Carla naman ang katabi niya sa kaliwa kaya si Carla ang magtatanong sakanya at ang katabi naman ni Carla na si Eli ang magtatanong sa susunod na tatamaan ng bottle.

Ganito ang position namin Enoch, Carley, Carla, Eli, Chance, Viena, me, Asher.

"Sinong crush mo dito sa mga boys?" Nginisian ni Carla ang kapatid.

"H-ha? W-wala." Nauutal na sagot ni Carley, dahil may naisip ako para mabuking siya ay binasa ko ang iniisip niya. Nong tuluyan ko ng nabasa ang iniisip niya gusto kong natawa, ayaw pa umamin ha.

"Wala pala e sino si Enoch?" Nakangising tanong ko.

"Neah!" Pinagdilatan niya ako ng mata.

"Si Enoch pala sis ha, oh Enoch ano na crush ka daw bg kambal ko. Pagalawin ang baso kung ika crushback mo siya." Nagtawanan kami sa sinabi ni Carla.

Ang pula pula ng mukha ni Carley, habang si Enoch naman ay ang lapad ng ngisi. Dahil si Carley ang natamaan siya ulit ang nagpa-ikot ng bottle at tumama ito kay Enoch. Bigla namang nagtanong si Eli sakanya.

"May chance ba na i crushback mo si Carley?" Walang pasintabing tanong ng kapatid niya.

"I already did." Sagot ni Enoch, ano daw? Crinushback na niya si Carley? Agad namang naghiyawan ang mga kaibigan ko, pati ako napatili.

Pinaikot ni Enoch ang bote at tumama sakin, napalunok ako dahil si Chance ang magtatanong sa'kin.

"May possibility ba na magkakagusto ka sa isa sa'min dito?" Tanong niya sa'kin, tinignan niya ako sa mga mata.

Ano bang klaseng tanong iyan, mukhang wala akong kawala. Bumuntong hininga nalang ako at sumagot ng "Oo."

"Omg Neah sino?" Usisa ng kambal.

"Isang tanong, isang sagot no follow-up questions." Nginisian ko nalang sila. Napasimangot naman ang dalawa.

Pinaikot ko ang bote at tumama ito sa katabi ko, tumama ito kay Asher.

"Asher, sino sa'ming mga babae dito ang pwede mong magustuhan kung sakali?" Tanong ni Viena, seryoso si Asher.

"Neah." Diretsong sagot niya, napayuko naman ako sa sinagot niya.

Bigla kasi akong nakaramdam na parang umiinit ang magkabilang pisngi ko. He already admitted that he likes me, but up until now everytime I remember that he admit it I can't help myself but to smile and I feel like there's so many undescribable butterflies in my stomach. What?

"Neah are you still with us?" Tanong ni Viena.

"Of course." Sabi ko.

"Asked Chance now." Sabi ni Asher, ako na pala ang magtatanong.

"Did you really consider me as your best friend since then or did you used me to get what you want?" I asked without hesitation.

I want to be straightforward with him. Nakita kong nanlaki ang mga mata nina Carley at Carla. Napasinghap naman ang iba habang si Chance ay nanatiling kalmado.

"Yes Neah, totoo lahat ng pinaparamdam ko sa'yo." Walang pag-alinlangang sagot niya, iyon lang ang gusto kong marinig mula sakanya. Pinaikot ni Chance ang bote at tumama kay Viena.

"You think she will forgive you?" Asher asked, mukhang alam ko ang tungkol sa tinatanong niya.

"Oo, alam kong nandiyan parin siya. Kaibigan parin ang turing niya sa'min, at hindi kami susuko hanggang sa mapatawad niya kami." I can't help myself to feel amazed on her answer. Talagang pursugido sila na mapatawad ko sila.

Pinaikot ni Viena at tumama ito ulit kay Carley, nagmaktol pa siya dahil siya na naman ang natamaan ang unfair daw dahil yung iba hindi pa natatamaan. Natawa nalang kami, si Enoch pala ang magtatanong sakanya.

"Do you love me?" Walang pag-alinlangang tanong ni Enoch, aba ang speed ha. Namula ang mukha ni Carley hindi ko alam kung sa inis o kilig.

"H-ha? A-sa ka naman." Inis na wika ni Carley.

"Yes or no lang ang isasagot mo." Sabi ni Enoch, magkatabi lang sila tapos kung makapagsigawan parang nasa kabilang bahay iyong isa sakanila.

"Wala ka namang sinabi ha!" Dahilan ni Carley.

"That's understandable sweetie, o gusto mo ba na ipaintindi ko pa sa'yo?" Umusog palapit si Enoch sakanya, si Carley naman ay umusog papunta kay Carla. Tinulak pa siya ng kakambal niya pabalik.

"N-no, kailan man ay hindi kita mamahalin. Crush ok lang pero mahal? Malabo boy." Sagot ni Carley habang nauutal.

"We'll see that." Ngumisi naman si Enoch, inirapan lang siya ni Carley at pinaikot muli ang bote at tumama sa kambal niya. 

"My time for a vengeance," nakangising sabi ni Carley.

"Carla umamin ka nga, napapansin ko kasi ang mga titig mo kay Kemuel. May gusto ka ba sakanya?" Nakita kong nanlaki ang mata at namutla si Carla, naku pumapa pag-ibig na ang mga kaibigan ko ah.

"H-hindi mangyayari yan." She said that while stammering.

"Pahiram ng line mo ah," sabi niya kay Enoch, ewan ko ba pero natatawa ako. Nagpaalam pa talaga and I find it cute.

"Yes or no lang ang isasagot mo, ctto pala kay Enoch." Doon tuluyan na akong tumawa, pero agad akong tumigil ng mapansin kong tumingin sila sa'kin na lahat. Awkward.

"Or." Pilyang sabi ng kapatid niya.

"Isa nalang Carla, sinasabi ko sa'yo babatukan talaga kita." Inis na sambit ng kapatid.

"Playboy iyon at kailan man ay hindi ako magkakagusto sa lalaking iyon." Sabi niya at pinaikot na ang bote at tumama ito kay Eli.

"So Eli, ano ang pinaka mahirap na desisyon na ginawa mo?" Tanong ni Carla sakanya, hindi pa sumasagot si Eli. Mukhang nag-iisip pa siya.

"The decision that one day if they know the truth many people will get hurt because of that decision of mine." Napayuko si Eli pagkatapos niyang sabihin iyon.

Nagpatuloy ang laro namin hanggang sa na bored kami. Nag-isip kami ng ibang laro. Masaya kaming nagkwe kwentuhan, nagtatawanan. Sana hanggang bukas ganito parin tayo kasaya, sana wala nalang tayong problema sa isa't-isa.

Sana

I am happy that at least we are reunited again.

Mania World: The Imprecation of Prophecy
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top