Chapter 20

C H A P T E R   T W E N T Y   |   T R A I T O R S


Sabado ngayon at nakamukmok lang ako sa kwarto, isang linggo na ang nakaraan hindi ko parin nakakausap ang mga kaibigan ko. lmalabas lang ako pag kumakain, ano bang magandang gawin ngayon? Ang hirap pala na hindi sila kasama lalo't nasanay ako sakanila.

Hanggang saan ba aabutin tong pride ko? Argh! Nakakainis. Bigla akong napatingin sa Prophecy Necklace ko, malapit ng matabunan ang white. Naisipan ko ng lumabas, kakausapin ko na talaga sila.

Lumabas ako at sumalubong sa'kin ang apat na tao sa sala. Ngumiti ako sakanila, act normal Neah as if nothing happens.

"Nandiyan pala kayo." I tried not to sound irritable.

"Hi Neah." Bati sa'kin ni Enoch.

"Hi, anyway aalis na ako may pupuntahan pa ako." I don't know why I tell those things. Ngunit wala akong maisip na dahilan, pagkakita ko sakanila agad akong nakaramdam ng poot. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, sabi ko bababaan ko na ng pride ko.

Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko si Asher at bigla akong hinila pabalik sa dorm.

"Hoy sandali may pupuntahan pa ako." Pagsisinungaling ko.

"Akala ko ba haharapin mo na sila? That's what you said last week Neah." Huminto kami sa pintuan ng dorm namin ni Viena. Nakarinig kami ng parang may nagtatalo sa loob.

"I'm gonna leave you here, the choice is all yours." Naglaho na siya at iniwan akong mag-isa.

Bumuntong hininga ako at pinihit ang pintuan. Sumalubong sa'kin ang apat na seryosong nakatingin sa isa't-isa. Ngunit nabaling ang tingin nila sa'kin nong bumukas ang pintuan.

"Neah." Sabay-sabay nilang usal.



Third Person Point of View

"Neah." Sabay-sabay nilang usal. Pagkatapos makita si Neah na binuksan ang pinto.

"Ang bilis mo namang bumalik Neah, akala namin may lakad ka." Chance trying to make a conversation with Neah.

"You're wise enough while I'll come back right?" Diretsong tanong niya sa kanilang apat.

Ayaw na ni Neah na magpaligoy ligoy pa hindi na din niya kaya ang nararamdaman niya.

"Neah kasi..." si Viena naman ang nagsabi non.

"Neah, will you judge us if we're not your allies?" Diretsong tanong ni Chance.

Kinakabahan siya habang tinatanong iyon sa best friend niya. He wonder if what will be her reaction.

Agad na na gets ni Neah ang tinanong ng kaibigan. Hindi man siya makapaniwala pero nagmula na mismo iyon sa bibig ng kaibigan niya. Gustong maiyak ni Neah sa nalaman, ang tinuring niyang mga kaibigan ang siyang traydor pala.

Naghinala siya simula noong nakaraang linggo, ngunit ayaw niyang tanggapin ang mga what ifs niya, ngayong sinabi na harap-harapan sakanya hindi niya na alam ang gagawin.

"Neah, we are one of them." Sabay-sabay na sabi ng apat.

A tear escape from her eyes, her friends aren't her allies.

"I know." She's trying not to stammer.

"K-kailan mo pa alam?" Tanong ni Chance.

"Ngayon lang, sinabi niyo eh." Gusto sanang tumawa ni Neah sa mismo niyang joke ngunit hindi niya magawa.

Pinagtaksilan siya ng sarili niyang kaibigan, at mas lalong hindi niya matanggap na best friend niya mismo ay isa sa mga taksil.

"Neah galit ka?" Kinakabahang tanong ni Eli.

"What do you think?" She asked. "Naniwala ako sainyo, akala ko kakampi ko kayo. Pinadala kayo dito para kunin ako tama ba? Now you have a chance to got me. Dalhin niyo na ako."

Sarado ang isip ni Neah. Hindi na niya alam ang pinagsasabi niya.

Ang akala ng apat maiintindihan ni Neah iyon, ngunit nagkakamali sila.

"I fvcking trusted you four, specially you Chance. best friend kita... tangina, Juan Chance, best friend kita!" She breakdown, now she don't know how could she trust them again.

"We will accept your hatred, Neah." Iyon lang ang nasabi ni Chance.

"Linapitan niyo ba ako bilang kaibigan, o para mas madali niyo akong makuha?" Now she can't fully trust the people around her.

"Sumunod kayo sa'kin no'n diba? Pagkakataon niyo na sana na kunin ako dahil wala akong kasama ngunit nahuli ko kayo. Ang bobo niyo naman kasi nagpahuli pa kayo sa'kin." Walang prenong sabi ni Neah.

Biglang lumapit si Eli sakanya tsaka sinampal ang kaibigan. Ngunit ngumisi lang si Neah, kahit nasaktan siya hindi lang niya iyon ininda.

"May gana ka ng manampal ngayon porket mag-isa ako? You're weak Eli, remember that." Hindi alam ni Neah kung bakit niya nasabi ang mga iyon. Siguro dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"You know nothing, Neah! Wala kang alam kung bakit kami napunta sa Ordus. Wala kang alam kung bakit pinili naming magtaksil." Napasigaw si Eli. Nilapitan siya ng kapatid niya at hinila pabalik.

"Of course wala akong alam, dahil wala din naman kayong balak ipaalam. Sino ba namang kalaban ang magsasabi sa kaaway nila ng kanilang plano? Hindi ba wala?" Neah is now a different one, oo kaibigan lang niya ang mga iyon. Pero hindi nila alam kung gaano kahalaga sakanya ang salitang kaibigan.

"Oo kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa'min, Neah kaibigan ka namin tinuring ka naming totoong kaibigan." Tumawa si Neah sa sinabi ni Elizabeth.

"Kaibigan? Ang lakas ha!" That's sarcastic.

"Kayo din yung mga taong nakaitim noon diba? Na nagmamanman dito? At ako ang hinahanap niyo ng panahon na iyon. Naramdaman ko kayo, kaya pinahalughog niyo ang buong kwarto ko. Thankfully someone save me, baka kung hindi dahil sakanya wala na ako dito." Kaya pala pamilyar kay Neah ng pangalan ni Enoch dahil narinig niya ito noon at ang pangalan ni Eli.

Gusto niyang magmura sa sarili niya dahil hindi man lang niya napansin iyon. Hindi man lang niya naalala iyon.

"And you Chance you're their captain right?" Hindi nakasagot si Chance sa tanong ng kaibigan niya. Nakayuko lang ito, pati pala ang tungkol doon ay alam niya.

I'm right again, iyon lang ang nasabi niya. Hindi niya kayang maniwala nong una pero ngayon totoo na.

"Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung naging totoo ko ba kayong kaibigan. Lalo ka na Chance, ginamit mo lang siguro ako. nakipagkaibigan ka sa'kin para mapalapit ka at madali mo akong makuha. Chance pagsisisihan mo ang ginawa mo." Sinampal niya ang best friend niya. Patuloy na tumutulo dumadaloy ang luha sa magkabilang pisngi niya.

Ang sakit!

"I deserve that slap, Saph." He whispered.

"Huwag mo na ulit akong tawagin sa pangalan na 'yan!" Sigaw niya sa kaibigan.

Hindi tumugon ang kaibigan niya.

"Neah let us explain." Pagmamakaawa ni Viena.

"Hindi pa ako handang pakinggan iyan Viena."

"You don't deserve my kindness guys." That was the last word that Neah muttered.

Pagkatapos iyong sabihin ni Neah ay lumabas na siya sa dorm, pagbukas niya ng pinto tumambad sakanya si Asher. Linagpasan lang niya ito, agad siyang naglaho at hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga paa niya. Nalaman nalang niya na nasa garden na pala siya, sa puno kung saan nag-usap sila ni Asher noong nakaraang linggo.

"You didn't listen to their explainations." He said.

"Asher wala akong time sa panenermon mo, I want to be alone for awhile." She muttered.

"Neah hindi kita se sermonan, ikaw na mismo ang nagsabi na ang hirap mapag-isa. Ang hirap na ikaw lang ang nagdadala ng mga problema mo, nandito ako Neah para pagaanin man lang ang loob mo." Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil may isang taong nakaramay sakanya ngayon.

Ngunit pati sakanya nahihirapan na siyang magtiwala.

Pati sakanya ang hirap ng magtiwala.

"You should listen to their explainations at least. Sorry kung pinipilit kita I just don't want your friendship ruin. Alam kong mahalaga sila sa'yo, Neah." Oo mahalaga sila sakanya, pero sila rin mismo ang nag traydor kay Nsah.

"Ikaw Asher, kung ikaw ang nasa posisyon ko masasaktan ka rin ba?" Tinanong parin niya kahit alam na niya ang sagot.

"Of course I will, maybe like you it's also waited for a week before I finally talk to them again." Tama naman siya.

"Hindi ko pa talaga kayang pakinggan ang explaination nila. It takes time before I will talk to them again." She muttered.

Niyakap ng binata si Neah at my binulong ito.

"Heal her heart for she shall calm, let her sleep with peace of mind." Pagkatapos iyong sabihin ng binata ay nakatulog si Neah sa mga bisig niya.

Hinalikan niya ang noo ng dalaga tsaka niya ito dinala at nagsimulang maglakad paalis.



Chance Point of View

Nandito parin kami sa dorm nina Viena, nagong tahimik kaming lahat noong umalis si Neah. Fvck gusto kong magpaulan ng apoy dito sa dorm nila dahil sa frustration. I lied to my best friend, I freaking lied to Neah and now she hated and loathed me now.

Kung sana binigyan lang niya kami ng pagkakataon na magpaliwanag hindi hahantong sa ganito. Napasabunot ako sa buhok ko, I don't want to lose her, I don't want to lose my best friend.

Walang tigil sa pag-iyak si Viena, kanina pa siya jan. I want to make her calm but I don't know how to make myself calm first.

Si Eli din ay hindi mapakali, nasampal niya si Neah. Mas lalo lang nagalit ang kaibigan namin, I want to laugh at myself. Nakuha ko pang tawagin siyang kaibigan pagkatapos kong magsinungaling sakanya.

"How we can passed this out?" Tanong ni Enoch.

"Hindi ko rin alam kuya, nasampal ko si Neah. Nasampal ko ang kaibigan ko," Hindi mapakali si Eli. I saw tears escape from her eyes.

"Napasobra ako, pagkatapos niya akong tulungan nong battle iyon ang sinukli ko sakanya. Isang sampal." Tuluyan na siyang humagulhol.

"Tama na Eli, it already happened wala na tayong magagawa." Sabi ni Enoch.

Naglakad ako papunta sa kwarto ni Neah, bubuksan ko na sana ito ngunit naka lock. Hindi ko rin siya maamoy dito, mukhang hindi pa siya bumabalik.

Yes I am an Ordus but it doesn't mean I am one of them. Just like the other three, we are working for Ordus but we are not like them. We will never be like them, hayop pa sila sa lahat ng hayop.

"Chance." I heard Viena called my name.

"What?" I asked in a cold voice.

"Let's find Neah." Mahinang usal niya.

"We can't, ayaw niya na kausapin tayo ngayon. I know her very well." I said.

Walang nagawa si Viena kung hindi yumuko.

The four of us have reasons why we became one of them. Kung alam lang sana ni Neah ang mga rason namin hindi siya magkakaganon, but she choose not to listen us.

Parang kinain ng galit si Neah, sa sakit at poot na nararamdaman niya. But I can't blame her, she's vulnerable. Napakadali niyang masaktan, hindi lang halata.

"Wazzup young teens." Biglang may lumitaw sa harapan namin. Nakaitim siya at ang pula ng mga mata niya, Agad na nagdilim ang paningin ko ng makita ko kung sino iyon. She's still covering the half of her face.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ko. Pinapunta ko sa likuran ko si Viena.

"Nabalitaan ko kasi na muntik na kayong mabuko ng kaibigan niyo tapos wala parin kayong nakakalap na impormasyon, how pity babies. Oh Ena, what happened to your eyes?" Humalakhak ito. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, how did she know? Tangina alam na alam talaga ng mga hayop na yon ang galaw namin!

"Nabuko ba kayo? Anong magandang parusa sainyo?" Nilabas niya ang espada niya. Tinuro niya ito sa'min isa isa.

"Tell us what you want." Sinisikap kong huwag maging sarkastiko sakanya.

"Why so fast? Nag e enjoy pa ako." Bigla niyang hinawakan ang mukha ko ngunit agad ko iyong tinabig.

Ang landi niya.

"Tell us now Naiah." Inip rin na sabi ni Enoch.

Biglang mas naging pula ang mata ng demonyitang babae.

"Are you two commanding me?" Tinira niya kami ng maitim na usok na dalawa ni Enoch, sinasakal niya kami sa usok na ginagawa niya.

Ngumisi ito ng malademonya.

"Don't you dare command me again!" He shouted at us. Tinanggal na niya ang usok sa mga leeg namin, sabay kaming napaubo ni Enoch.

"H-hindi na mauulit." Sabay naming sabi ni Enoch habang nauutal.

"Good boys," He laugh like and evil again. Well she's literally an evil, hindi kataka-taka.

"I'm here to tell you, oh scratch that. I'm here to warned you to tell us as soon as possible about your progress or else you know the consequences babies." Tsaka agad na naglaho si Naiah. That evil woman, ang sarap niyang sunugin kung pwede lang sana.

"Hindi ko kayang gawin ang pinapagawa nila." Agad na sabi ni Viena pagkatapos umalis ni Naiah.

"Ako rin hindi ko kaya." Sabi ni Eli, kung alam lang din nila. I don't think I can do what Naiah said. Darn it!

"Let's not think about that first, we need to talk to Neah and asked her forgiveness as soon as possible." I murmured.

"Chance is right, they can help us." Pagsang-ayon ni Enoch.

"Are you sure that Neah will able to forgive us? Pagkatapos ng ginawa ko sakanya." Neah isn't like what she think. Alam kong papatawarin niya kami, I trust Neah. Maybe she needed some times before she can fully forgiven us.

"I know that you won't disappoint her right? So proved yourselves on her. Maybe in that way she can forgive you." Napatingin kami sa hamba ng pintuan sa taong nakasandal roon.

He's here. Maybe she know where's Neah.

"She's in my room she's now sleeping," He answered. Maybe he's reading my mind.

"Don't worry Enriquez I won't do something bad at your best friend." He assured me.

Siguraduhin lang talaga niya.

"I'm here to tell you all that we're not yet done interrogating you." Bigla siyang naglakad palapit sa'min wait let me rephrase that papunta pala sa'kin.

He punched me straight to my face kaya napaupo ako sa sofa. What the hell is his problem?!

Tumayo ako at naglabas ng apoy sa kamay ko ngunit agad din niyang tinanggalan ng oxygen ito. Fire contain oxygen's I can't used it against him because he's controlling it.

"That's for making her cry." He said. I deserve that punched kaya wala akong karapatang mag reklamo.

"Next time, if you'll make her cry again. I won't think twice to kill you." He's serious on what he uttered, Asher like Neah the way he treat my best friend, kakaibang kakaiba sa'min. My best friend maybe like him too, Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait.

She will never like me now, because of how terrible I did to her.

Mania World: The Imprecation of Prophecy
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top