Chapter 10

C H A P T E R   T E N   |   M E E T   A G A I N


Marami akong natutunan sa training namin kahit limang araw lang iyon. Pero hindi pa iyon sapat, hindi pa. Ang alam ko palang ay kopyahin ang kapangyarihan ng iba.

Gawin ang mga ginagawa nila. Ilang beses akong nagkasugat, na hospital dahil sa practice pero nawawala din naman agad iyon. Balik sa normal na ang class namin. Hindi rin muna kami binigyan ng exam ni Sir. Which is yung sinabi niya na kung ano ang kaya naming gawin. Kung nag improve ba kami o hindi.

Nakasalubong ko ang isa naming guro si Miss Bethany. Nginitian niya ako, I smiled back at her. Na kwento sa'kin ni lola na si Miss Bethany ay anak ni Headmistress Angelie, naisipan ko ng pumasok sa classroom. Hindi ko kasama si Viena ngayon nauna ata sa'kin. Wala pa din ata yung guro namin since nakasalubong ko si Miss.

Siya ang professor namin ngayon. Habang naglalakad ako patungo sa classroom namin bigla akong nauntog sa matigas na pader. Or maybe hindi pader yun. Napahawak ako sa noo ko.

"Sorry," sabi nong nakabanggaan ko. Agad akong nag-angat ng tingin sa nakita ko. Lumaki ang mata ko sa nakita ko. I don't know what to react. Ngumiti siya sa'kin, He's here!

"I'm sorry hindi ko sinasadyang banggain ka," sabi niya

"Pwede bang magtanong?" Why he's like this? Hindi ba niya ako kilala o nagkukunwari lang siya. I tried to read his mind but I read nothing. "Miss?"

"H-ha?" Napaawang ang bibig niya sa sagot ko.

"Sabi ko pwede bang magtanong." Tsaka siya ngumisi.

Gusto ko siyang murahin! Parang hindi niya ako kilala ah.

"Nagtatanong ka na." I said.

"Pilosopa," he chuckled.

"You know where's the Senior high school building here?" He asked me.

"Your Section?" I asked him.

"Section A." He answered.

"I'll be going there come with me." I said in a cold voice. Akala niya siya lang marunong mag kunwari. Sige!

"Mag ka klase tayo?" Masayang tanong niya. Tsk obviously.

I didn't bother to answer his question. Sumakay nalang kami sa elevator. At pinindot ko ang third floor. Pagdating namin doon, pinagtitinginan ako ng mga ka klase ko. Weird right? May kasama akong di kilala, o baka ako lang ang hindi niya kilala. Mamaya sa'kin tong lalaking to.

"Thank you." He muttered.

I didn't bother to say you're welcome, Umupo na ako sa upuan ko katabi ko si Viena bigla namang nagsulputan ang magkapatid.

"Kilala mo yung gwapong transferee? Balita ko tatlo sila." Sabi ni Carla.

"Nagtanong sa'kin iyan kung saan ang senior high school building so I asked him what section he is then it turns out na ka klase ko pala siya so I said sumabay nalang siya." Sagot ko. I didn't say na kilala ko siya, hindi ko rin sinabi na hindi.

Patigasan tayo Juan.

"Nagsalubong ang dalawa mong kilay," bulong sa'kin ni Viena.

"May problema ka?" I shook my head as a response.

Hindi na ako kinulit ni Viena ng may pumasok na dalawang studyante. Isang babae at isang lalaki.

The girl, Nandito din siya? Akala ko normal lang din siya.

Tsaka nakasunod si Kemuel ka klase ko siya. Bigla naman siyang kumindat kay Carla, inirapan lang siya ni Carla.

Sunod na dumating si Miss Bethany.

"Good morning student's, so as you can see we have three transferee's here," she said.

"Transferee's introduce yourself in front one by one. First Mr. Enriquez." Biglang tumayo ang kasama ko kanina.

"Juan Chance Enriquez, 19  elemental fire power." Some of my classmate are shock, yung iba naman naglalaway sa kagwapuhan na taglay ni Chance. Yeah I admit that he's handsome.

"Next Miss Mendez."

"Elizabeth Hope Mendez 18, air power." Don't tell me ang sunod na lalaki elemental din?

"Next Mr. Mendez."

"Enoch Harry Mendez, Earth power, 20." And I'm right with my instinct lahat sila Elemental power. Wait he's name is familiar saan ko ba narinig yan? I tried to remember but I didn't able to.

Miss Bethany didn't look shock, did she that coming? Na elemental lahat ng transferee's? Nagsimula ng magturo si Miss, there subjects here are different from mortal world, may iba namang subject na nasa normal na mundo at dito ay pareho but you can count it.

Ang tinuturo ni Miss ay ang tamang paghawak ng sandata like dagger's and shurekins. Hindi ko alam ang pangalan ng subject na to. Nagdaan ang mga oras natapos na din si Miss Bethany. Nagpaalam na siya sa amin. Five hour's palang nagturo si Miss, hindi ko man lang namalayan.

Nagsimula ng mag-alisan ang mga ka klase ko, tumingin ako sa bandang likuran he give me a question look. Hindi ko siya pinansin akala siguro niya siya ang hinahanap ko.

"Viena mauna na ako." Sabi ko at tumayo na.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Basta, kita nalang tayo sa cafeteria." Sabi ko.

Tsaka ako lumabas. Where the heck is Juan? Sumiksik ako sa mga studyanteng nagsilabasan. Kailangan kong mahanap ang lalaking yun. Puno ang elevator at matagal pa huhupa ang mga studyanteng naghihintay kaya sa hagdan ako dumaan. I tried to copy superspeed, may malapit eh. Hindi naman siguro nila mahahalata, kung malaman nila sermon is coming.

I used superspeed kaya agad akong nakababa. I used my senses to scan him, hindi naman ako Ordus na may malakas na pang-amoy pero nakaka amoy ako kahit gaano pa iyon kalayo. I tried to smell his perfume yung palagi niyang ginagamit. Nasa west wing siya, doon ko naaamoy ang perfume na.

Naglakad ako ng mabilis papunta roon, patungo si sa garden. Agad kong hinablot ang kamay niya papasok sa garden. May kailangan siyang ipaliwanag sa'kin.

"Hey miss," pagpupumiglas niya.

Pagdating namin sa may upuan ay binitawan ko siya. Tinignan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Ikaw pala, akala ko sino ng humila sakin." Sabi niya at ngumiti sa'kin.

"Hoy Juan!" Sabi ko.

"May kailangan ka sa'kin?" Tanong niya na parang hindi niya talaga ako kilala. Inaasar talaga ako ng lalaking to

"Will you please cut your drama?" I said in a serious voice.

"Anong sinasabi mo?" Nagmamaang maangan niyang tanong.

"Sarap mo talagang tirisin Juan!" Inis kong wika.

"Hey miss hindi kita maintindihan, may kailangan ka ba sa'kin kaya mo ako hinila?" Tanong niya.

Ang sarap niyang sampalin.

"Ah ganon hindi mo ako kilala? Yan pala ang gusto mo edi sige," sabi ko. He want to challenge me then I go for it.

"From now on we're stranger's at wala na akong kilalang Juan Chance Enriquez na naging best friend ko simula noong pagkabata ko." Sabi ko at naglakad na paalis doon. Pero pinigilan ako ng isang kamay. Napangisi ako.

"Kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

"Uhh.." he's our of word to utter.

"Wala ka bang sasabihin? Aalis na ako," Tsaka ko kinuha ang braso ko sa kamay niya. Pero hinigpitan niya ito.

"What now?" Tanong ko sakanya. As if I am so bored talking to him.

"Kasi naman eh.." hindi siya mapakali.

"Na miss kita." Tsaka niya ako niyakap, ay wow parang may umihip na hangin at biglang tinangay ang Chance na kausap ko kanina.

Agad ko siyang binatukan kaya napabitaw siya sa pagyakap sa'kin.

"What was that for Saph?" He asked at me.

"Bilis namang makalimutan." Mahinang aniya ko.

"Galit ka?" Tanong niya sa'kin.

"Magkakilala ba tayo?" Tanong ko pabalik sakanya. Tsaka ako naglakad paalis doon pero pinigilan niya ako. Niyakap niya ako patalikod shit! Gusto kong murahin ang lalaking to. Ang bilis ng tibokng puso ko.

"Galit ka nga, I'm sorry I just want to tease you," sabi niya at nilagay ang ulo niya sa balikat ko.

Hinawakan niya ang tungki ng ilong ko gamit ang hintuturo at index finger niya.

"Wag ka ng magalit libre nalang kita." Nakangiting sabi niya.

Kung akala niya madadala niya ako sa libre niya. Nagkakamali siya, nakakainis siya eh.

"Hindi ako sumasama sa mga stranger's." Sagot ko sakanya.

Ngumisi lang siya sa'kin.

"Kailangan pa ata kitang lambingin ha?" Nakangisi niyang sabi. Whut? Lambingin yucks.

"No way, kainis ka ewan ko sa'yo Juan Chance!" Sabi ko. Winaksi ko ang kamay niya.

"Promise babawi ako sa'yo," sabi niya. Napangiti ako.

"Libre muna kita." Sabi niya.

"Sige na nga!" Hindi ko rin suya natiis kalaunan.

"Yieee hindi talaga mo ako matitiis." Tsaka niya ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya tingin.

"I am not a baby anymore." I muttered.

Inakbayan niya nalang ako, sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria.

"Chance marami kang dapat sabihin at ipaliwanag sa'kin." Sabi ko sakanya.

"Sure, I'm gonna tell you this weekend." Sabi niya. Nakaisip na agad siya huh? Well what would I expect to Juan Chance?

Tsaka may isa pa pala akong kakausapin si Eli. Pareho lang sila ni Chance na naglihim sa'kin at sinurpresa nila ako dito.

"A penny for your thoughts?" He asked me while smirking.

"Chance bakit hindi mo sinabi sa'kin na may kapangyarihan ka? Why you didn't bother to tell me, kaibigan mo ako diba?" I asked him. While we're in the middle walking going to cafeteria.

"I did," he said. Kung sinabi niya bakit hindi ko maalala.

"We're still kid's on that time Neah, sinabi ko sa'yo na hindi tayo ordinaryong tao." Wait that feels like deja vu.

"Bata palang tayo alam mo ng may kapangyarihan ka?" I asked him.

"Yes, my parents told me, at dahil my tiwala ako sa'yo sinabi ko sa'yo noong nasa beach tayo." Oh that time, iyon ang ginamit ni Lexis sa illusion. 

May follow up question pa sana ako kaso  nakarating na kami sa cafeteria. Maraming students ngayon sa cafeteria. Halos lahat ng students nandito. Hinanap ko si Viena, kumaway siya sa'kin nong napatingin ako sa gawi nila.

"Dito!" Sigaw ni Carley, Carla's twin sister. Sinama ko si Chance.

"Hi Neah!" They muttered in unison.

"Hi." I replied.

"Siya yung transferee right?" Tanong ni Carla at ngumiti kay Chance.

"Ah oo" sagot ko

"You two knew each other?" Carley asked.

"Yeah," Chance answered.

"Can I sit in with you?" He asked.

"Sure!" Carla answered.

Umupo na kami ni Chance, katabi ko siya. Nag order na kami ng pagkain.

"So how did you two met?" Carla asked.

"Sa mortal world, he help me with those bullies, he's like my knight in shining armor everytime my classmate's bullied me. Hangang sa naging best friend ko siya." Sabi ko.

"That's how your closeness explains." Viena muttered. Akala ko ano ng nangyari sakanya kanina pa kasi siya walang kibo.

Naging tahimik kami at kumain nalang, bigla akong nasamid sa hindi ko malamang dahilan. I see on my peripheral vision that other students lock their attentions on me. Nakuha ko ata ang atensyon nila nong nasamid ako. Mabuti nalang at agad na nakaalalay si Chance at binigyan ako ng tubig.

"Next time be careful." Sabi niya at nginitian ako.

"Oo na." Sabi ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain, ilang saglit din ay natapos na din kaming kumain. Tumayo na kami para bumalik sa klase namin ngunit may humila sa'kin paalis doon. Balak sana akong sundan ni Chance ngunit pinigilan lang siya ni Viena. I also muttered "I'm okay" para hindi na siya mag-alala.

That's better tho, baka ano pang gawin sakanya ng bipolar na to.

"Bitawan mo nga ako," pagpupumiglas ko. Pero diniinan lang niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Napaaray naman ako. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng bipolar na kumag na to.

"Ano ba!" Sigaw ko, dahilan para tumilapon siya ngunit agad din naman niya akong nahawakan sa braso ko. Mas mahigpit ngayon kesa kanina, kaya napangiwi ako.

"Anong akala mo malakas ka na?!" He asked me, ang dilim ng aura niya. Parang handa siyang pumatay ng tao. Or I am just exaggerating the situation.

"Ano ba nasasaktan ako!" Sigaw ko.

"I don't fvcking care," he said in a cold voice. He look me straight to the eyes. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko parang may bumalot na masamang elemento sakanya.

"Always remember this you're still an idiot, you know nothing. At hinding-hindi mo matatapatan ang kahit sino dito," He devishly smirk.

"Wala kang laban kasi duwag ka, Kahit ikaw pa ang may pinakamalakas na kapangyarihan dito. Kaya ka siguro tinago ng lola mo noh? Because your and idiot, slowpoke tatanga-tanga. You can't even save yourself from danger," my eyes began to watered. No! Baka mas lalo niya akong insultuhin.

"See? Umiyak ka na, wala pa nga akong ginagawa sa'yo. Kaya hindi nakakapagtaka na tinago ka lang because you are just a burden to your family. Hindi ka ta--" hindi ko siya pinagpatuloy sa sinabi niya.

"Insult me one more time and I will not think twice to burried you in hell." I said and I look him straight to his eyes.

Parang pinaparating ko sakanya na hindi ako nagbibiro sa salitang binitawan ko. Sumusobra na siya, lumagpas na siya sa linya.

Nabitawan niya ako kaya pinunasan ko ang pisngi ko. 

"Hindi kita maintindihan, hindi kita mabasa. Hindi ko alam kung may sakit ka ba talagang bipolar o ano. Wala naman akong ginawang masama sa'yo, bakit ganyan kalaki ang galit mo sa'kin?" Sabi ko. Bago ako umalis doon binigyan ko muna siya ng remembrance.

It's just a slap from his left and right cheeks.

Umalis na ako doon at pumasok nalang sa kasunod kong class. Nandoon na din sina Viena agad akong niyakap ni Chance. Halata sa mukha niya ang pag-aalala, baka ano na daw ang ginawa ng lalaking iyon sa'kin. Kung sana pinasunod lang siya baka nabugbog na niya ang kupal na bipolar na iyon.

Pumasok na ang professor namin na si Miss Dessylle. Nagturo lang siya iyong iba naman taimtim na nakikinig iyong iba palihim na natutulog, typical students. Wala akong naintindihan sa tinuturo ni Miss nakalutang ang isip ko. Ang dahilan non? Hindi ko alam.

Hindi pumasok ang bipolar na iyon baka na guilty sa pang-iinsulto niya sa'kin. Oh that's too far from reality to be happened. Magpapakain ako kung mangyayari iyon. But I know that's is impossible to happened. Wala sa ugali niya ang magpakumbaba if he have baka hindi niya pinaabot na maka alis ako doon.

"Hey uwian na," Chance fingers snap on my front.

"Ang lalim ata ng iniisip mo." Sabi niya.

"Kind a." I said and sigh.

"Care to share?" Tanong niya. Kung pwede lang, kung kaya ko lang sabihin sa'yo Chance ginawa ko na.

"Wala lang yun." Sabi ko at ngumiti sakanya.

Tumayo na ako at sabay kaming lumabas. Medyo wala ng students sa floor. Uwian na din kasi.

"Gusto mo na bang umuwi sa dorm mo?" He asked me.

"Baka pwede tayong gumala saglit?" Suggest niya.

Gustuhin ko man pero pagod ako, hindi ko alam ang dahilan. Basta nakaramdam lang ako ng biglaang pagod.

"Ah pwedeng sa susunod nalang? Pagod ako eh." Sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya sakin.

"Sure," sabi niya

"Hatid nalang kita sa dorm mo." Tumango lang ako. Typical Chance Enriquez.

Inakbayan niya ako, hanggang sa nakarating kami sa dorm naming dalawa ni Viena. Biglang bumukas ang pintuan ng dorm namin at iniluwa doon si Viena. Ngumiti siya at binati kaming dalawa ni Chance.

"Sige Neah una na ako," ngumiti siya sa'kin.

"Goodnight." He muttered, Nagsimula na siyang maglakad paalis kumaway siya sa'kin. I waved back before closing the dormitories door.

Mania World: The Imprecation of Prophecy
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top