Chapter 1
C H A P T E R O N E | M A N I A W O R L D
Nandito ako ngayon kasama ang lola ko sa sasakyan, sabi nya ililipat daw nya ako sa ibang paaralan. It's in the middle of school year, yet she thought of transferring me to another school. Hindi ko alam kung saang paaralan niya ako ililipat. Wala siyang sinabi sakin, even a clue I didn't get from her.
This travel making me bored.
I also find her weird now, she's been smiling since then. She told me that we're going to Mania World. Is there another world except earth? Or maybe it's like a snow world. Yung parang mag ba bonding kayo jan kasama ang pamilya mo. But why did she told me that we're living in that world? I really don't get her. Maybe, it is really the name of the place.
"La, matagal pa ba tayo?" Tanong ko, ang layo naman ng binyahe namin. It almost two hours and we didn't arrive on our destination yet.
"Oo, apo, wag kang mag-alala makakarating din tayo sa bagong tahanan mo. Matulog ka muna paggising mo andon na tayo sa Mania." Here we go again, the Mania she's talking about.
Walang bahay sa dinadaanan namin, kung hindi ay napapalibutan kami ng mga puno at halaman. Wala naman sigurong mga ahas dito na biglang susulpot, 'no?
Bakit parang pupunta kami sa probinsya dahil sa dinadaanan namin? Maayos naman ang kalsada ang mga puno lamang sa gilid ang nakakapagbigay kilabot sa'kin. Ni isang bahay ay wala kaming nakita. Liningon ko si lola at saktong paglingon ko sakanya ay nakatingin na rin siya sa'kin.
"Apo, matulog ka muna." sambit ni lola Angela. Her words are like spells, I felt like I'm going to fall asleep in just a second. Bumigat ang takulap ng mga mata ko at ilang sandali rin ay tuluyan akong nilamon ng kadiliman.
***
"Apo, gising na, nandito na tayo." Naimulat ko ang aking mga mata at dumiretso ang tingin ko sa bintana ng sasakyan dahil nakasandal ako roon. I can feel the peacefulness of the ambiance in this place.
"Lola, ito na po ba ang Mania?" tumango si lola bilang sagot sa tanong ko.
I can't still believe that this is the place where they called Mania World, I thought mukha itong squatter. Oh I'm so far from that imagination.
"Lola, pwede akong lumabas?" Tumango lang ulit siya kaya agad akong lumabas para pagmasdan ng mabuti ang tanawin ng lugar.
Parang ayaw ko ng bumalik sa Maynila at manatili nalang dito sa Mania World.
One word could describe this place.
Beautiful.
It's feel like I'm at peace. Tinitignan ko ang mga bulaklak ang gaganda nila. They're all glowing, it's feel like I am seeing a kind of fantasy.
"Apo, halika na." Tinawag na ako ni lola. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa gawi niya. Wala na ang sasakyan ns sinasakyan namin kanina. Nasaan na 'yon? Don't tell me, we're going to walk?
"Maglalakad ba tayo lola?" I asked her immediately.
"No," She answered quickly.
I almost shriek when a two pegasus appeared in front of us. Paanong may pegasus dito? I only read about pegasus in the books. This kind of animal is only a myth.
"Iyan ang sasakyan natin." Saad ni lola.
Is she kidding me? Why will I ride in that myth animal that only exist in books?
"Apo, walang sasakyan ang pwedeng makapasok doon sa Herdier Academy, we better ride in this pegasus." Sabi niya, may dalawang pegasus na nandito sa harapan namin.
"Lola, pakigising nga ako." Sabi ko sakanya.
"You're awake, Hanneah Sapphira." She said.
Me awake? Pero bakit ako nakakakita nang hayop na nag-e exist sa libro? May sakit na ba ako sa pag-iisip?
Bigla akong hinila ni lola at pinasakay sa pegasus. Neah kalmahan natin, mukhang magigising ka din mamaya. Kung hindi man to panaginip, may mali nga siguro sa pag-iisip ko. Nakikita ko ang mga bagay na kailan man ay hindi magiging totoo.
"What you see was your reality." Lola Angela says.
Sunod na sumakay si lola da kabilang pegasus. Halos mahimatay ako sa biglaang paglipad ng pegasus. Napahawak ako sa balahibo nito.
Napapikit ako, dahil pakiramdam ko mahuhulog ako ng wala sa oras dahil sa bilis ng pegasus na 'to. Biglang nag landing ang pegasus sa lupa, noong nakababa si lola sa pegasus na sinasakyan niya ay agad niya akong tinulungan. That was a heck ride, ayaw ko ng sumakay sa pegasus na 'to. Nakaka trauma promise.
"Lola wait lang may tanong ako." Sabi ko ng tuluyan kaming makababa.
"Nandito na tayo, apo." Napatingin ako sa tinitignan ni lola. Bumungad sa'kin ang malaking gate sa harapan naming dalawa.
Naka-ukit sa gate ng paaralan ang pangalan nito.
Herdier Academy "Heroes and Soldiers"
We're still outside in the school, yet I can already see how beautiful and huge this school is. It's look like a palace outside. Pang mayaman na paaralan talaga. Hindi ko alam kung afford ba ang paaralan na 'to ni lola. We're not rich, tama lang ang pamumuhay namin. Kaya hindi ako makapaniwala na nandito ako sa harapan ng isang magarang paaralan.
"Lola, ang ganda." I can't get my eyes on the school.
The gate suddenly opened and I can see mens with an armor suit. Sila yata ang mga security guards sa paaralang ito. Their outfits are weirds. May biglang dumating sa harapan namin ni lola na isang babae. Where did she came from? Wala naman siya dito kanina harapan namin. Nakita ng dalawang mga mata ko kung paano siya biglang napunta sa harapan namin. Parang nasa mga 20 something siguro ang edad niya.
"Ginang Angela, kanina pa po naghihintay sa inyo si Mama Angelie." Sabi nong babae, tumango si lola sakanya at nagsalita.
"It's nice to see you again, Bethany iha,"
"I miss you." Niyakap ni lola ang babae. They're close as what I have observed.
Pumasok na kami kasama namin ang babae kanina na kayakap ni Lola. Bethany is her name, if I'm not mistaken. May binulong ang babae at tsaka kami napunta sa isang silid, and this is not an ordinary room because there are things that are floating. Woah! Did I just see some sort of magic? What kind of World is this?
In just a snap of Miss Bethany's finger nawala ang mga nakalutang na gamit at napunta na naman kami sa panibagong silid. Nakita ko ang isang babae na naka-upo sa isang upuan.
"Upo kayo." Sabi nong babae na nakupo at hindi nalalayo ang edad nilang dalawa ni lola Angela.
"So siya na ba si Hanneah Sapphira Wesley?" Tanong ng headmistress, nakita ko sa table niya. Angelie Sullivan, Headmistress of Herdier Academy.
Tumango si lola sa tanong ng babae.
"Oo siya na nga." sabi ni Lola.
"Napalaki na niya, noong huli ko siyang nadalaw ay mga 3 years old palang siguro siya, anyway anong abilities or element power meron sya ot let's say her charm." What the? Power? Hindi ko ako maniwala sa ganyan, siguro noong kabataan ko ay paniwalang-paniwala ako sa gan'yan. Lola Angela thought me not to, it was just a fictions. But seems what the headmistress says are all true.
"Sorry for interruping pero wala po akong kapangyarihan, tao po ako," sabi ko sakanila. Hindi ko mapigilang sumali sa usapan nila, that may be rude but I can't help myself not to interrupt.
"So you're a sorceress if ever, a wizard, a witch? Ngunit wala sa pamilya nati-- niyo ang may nananalaytay na dugo ng pagiging isang wizard." Mas lalo kong hindi matanggap iyan. Me doing a kind of witch craft? That's absurd.
"Absolutely no." I didn't shout but enough for them that I'm telling the truth.
"Hindi mo ba sinabi sakan'ya, Angela?" umiling si lola at nagsalita
"Hindi pa, Angelie, kasi naguguluhan pa siya sa ngayon," ani ni lola. Ano bang prowess na yan? Wala naman kami sa teleserye.
Nagtinginan silang dalawa at parang nag-usap sa pamamagitan ng isip. What do you called that? Mind something.
"We'll take care of her," sabi ni Headmistress
"Sige Angelie, mauna na ako." Lola stood up and she glance on me.
"Ija, mag-iingat ka ha. Hindi ako mawawala, palagi akong nakabantay sa'yo sa malayo. Magpapakabait ka, you're one of them so act as one of them." She muttered and beamed on me.
I nod. Tsaka niya ako niyakap pagkatapos ay lumabas na siya at sinamahan siya noong babae kanina na sumalubong sa'min ni lola. Bigla naman akong kinausap ni Headmistress Angelie.
"Ija, sasamahan ka ni Carley sa magiging kwarto mo, tsaka nandito na rin ang mga schedule mo. Pati ang pointing system ikaw ba ang bahalang magbasa." sabi niya at may folder siyang binigay sa'kin. Pumasok ang isang babaeng estudyante. She looks like she had an happy go lucky personality since she immediately smile on me and to the Headmistress.
Tumango lang ako bilang tugon.
"Good morning po!" Bati ng babae na nagngangalang Carley.
"Hi, you're Neah right? I'm Carley Apphia Foster." Ngumiti siya habang nagpakilala sa'kin.
"Mauna na po kami." Tumango si headmistress at hinawakan ako ni Carley. Bigla kaming napunta sa ikatlong palapag ng isang building.
Teka, shuta. Did we just teleport?
"By the way, teleportation tawag no'n. Isa akong Harvena kaya nakakapag teleport ako, by the way bawal gumamit ng kapangyarihan pag nasa school ka. Sa training place lang pwede, but since nanghingi ng favor sa'kin si Headmistress na ihatid ka. Pinayagan niya akong mag teleport tayo." Parang tuwang-tuwa pa ito na nagteleport kami ah.
Bumungad sa'min ang pintuan ng isang dorm. Kumatok doon ang babaeng kasama ko agad namang bumukas ang pintuan at nakita ko ang isang mestizang babae. Nakuha ng atensyon ko ang kulay ng buhok niya na may turquoise sa dulo nito.
"Viena Magdalene Frost, s'ya pala ang ka roomate mo, si Neah." sabi ni Carley sa babae, medyo na wirdohan ako sa surname niya. Oh nevermind.
"Pasok kayo." naeexcite na sabi nong babae Viena yata pangalan, pumasok na kami sa loob.
"Hindi parin nagbago itong dorm mo, Vienabells." Sabi ni Carley.
Sinamahan ako ni Carley sa isang kwarto, probably my room. I place my baga on the bed and surround my eyes on the room.
"I'll go first. Vienabells, paki tour nalang roommate mo ha." Bago lumabas si Carley ay nilingon niya muna ako.
"Bye, Neahbells! See you around." Then she vanished again. Pumasok naman si Viena pagka-alis ni Carley.
"Hi," pagbati niya habang nakangiti.
I noticed the turquoise shades of her black hair. Iyon talaga ang unang makakakuha ng atensyon mo pag tinitignan mo siya.
"Hello," mailking tugon ko, trying to be nice with her.
"I'm Viena Magdalene Frost, and you are?" Do I need to answer her question, well I need to.
"I'm Hanneah Sapphira Wesley." sagot ko
"Galing ka sa mundo ng mga tao or in the Mortal World?" Saan ba ako pwedeng manggaling? I am not an alien or what.
"Yes, tao naman kasi ako," sagot ko sakanya
"So you mean wala kang elemental power or abilities like that or you must be a sorceress?" Tanong nya, gusto ko siyang irapan sa tanong niya.
"Duh! As if naman naniniwala ako sa mga powers, powers na 'yan," sagot ko. Kung bata siguro ako maniniwala ako but lola taught me not to. Tapos ngayon parang siya pa iyong nagtulak sa'kin dito, para maniwala sa ganyan.
"So paano ka nakapasok dito? Ang mga tao dito is yung may mga elemental power or abilities or they're sorceress or sorcerer maari ring wizards or witch sila," Paliwanag niya. I don't think she's serious, people's are good on bluffing.
We're in modern world now, tanga lang maniniwala sakanya.
"Nakapasok lang naman ako dito kasi student din dito yung lola ko, tsaka dito talaga sa Mania kami nakatira." sabi ko si Viena naman gulat gulat na nakatingin sakin. Anong nakakagulat sa sinabi ko? I am just stating the fact.
"Really? So there's a posibility na may elemental power ka or abilities ka o kaya you're a sorceress, wizard, Kasi sa dito naman talaga kayo nakatira." She look so amused, ewan ko sumasakit ulo ko sa Mania World nato eh.
"Hindi ko alam." maikling sagot ko, I just shrugged my shoulder.
"Baka wala ka pa talagang alam kasi doon ka naman kasi sa mundo ng mga mortal lumaki," si Viena
"Don't worry I tell you some facts in this world." She smiled.
"By the way bakit pala Viena Magdalene Frost ang pangalan mo? I mean your surname." Tanong ko nawiwirdohan kasi ako.
"It's really weird right, but thats really my surname. I'm Viena Magdalene Frost, isa akong babaeng may kapangyarihan na Ice and Mind Control. I'm just an sub-elemental type or should I say may special abilities lang ako sa mga taong katulad natin. Hindi ako elemental types." Pagpapaliwanag niya. Ice and mind control?
"Okay I will clear it para mas maintindihan mo, I have a Ice power it's understandable already. I can froze you if I want to, tsaka hindi ko na din kailangan ng ref para ilagay ang mga pwedeng ilagay don I can do it own my own. Sa Mind control tayo, Mind control: The power to influence and control other people's minds. So kaya kong controlin ang isip ng ibang tao kung kinakailangan. That's came from my bloodline since I'm an Avelon. The master's of minds." paliwanag n'ya, grabe hindi ako makapaniwala so there's a posibility that she can control my mind too. Kailangan ko pa rin na mag-ingat sa babaeng to. I don't know her, only her name.
Pero maniniwala ba ako sakanya? Hindi naman niya pinapakita sa'kin na may kapangyarihan nga siya.
"So there's a posibility that you can control my mind?" tumango siya at nagsalita.
"Yes I can, pero kung kinakailangan talaga, pero kung gumamit tayo sa mga kapangyari at abilities natin pero hindi kinakailangan. Maaring mapapaparusahan tayo. Maraming power's at abilities, pero ang pinakamalakas sa lahat ay ang special power o kapangyarihan ng diwa. Siya ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat pati nga elemental types kaya nyang talunin so hindi talaga sya basta-basta, Special Power o Kapangyarihan ng diwa: it can build a power or create an own power. It can nullify and kill someones power too."
"Ito ang pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat, tsaka pwede nyang gamitin ang lahat ng types of power mapa elemental, abilities and even sorceress. But she or he can't used her power again if she or he abused it, and it might caused her or him to his or her own death." paliwanag nya sakin, sino naman kaya nag nag mamay-ari sa Special Power na yun o sa kapangyarihan ng diwa na yun? Naastigan ako eh.
"Sino'ng nagmamay-ari sa special power na yun o sa kapangyarihan ng diwa?" Tanong ko
"Hindi pa nila alam, ang alam lang nila na info is doon sya lumaki sa normal na mundo." si Viena
"I see."
"As of now, nalaman namin na gumagawa ng mga paaran ang kaharian ng Ordus para panlaban sa nagmamay-ari ng special power." Viena said. How did she know about the Ordus plans? And who's Ordus?
"Pinaghahanap pa siya hanggang ngayon, para ma protektahan laban sa mga Ordus." so hindi pa talaga nila natatagpuan yung may-ari sa Special Power
"Isa lang ba ang nagmamay-ari sa Kapangyarihan ng diwa?" Tanong ko.
"Oo nag-iisa lang, that's why they called it 'Special Power' maraming nagnanasa na makuha ang nagmamay-ari sa Special Power, lalong lalo na nag mga taga Ordus." si Viena.
"Ordus?" Tanong ko, wait parang narinig ko na yan ah alam ko na nai kwento yan ni lola sakin noon. If I'm not mistaken, I thought she's bluffing about that. Akala ko noon gumagawa lang siya ng kwento pero mukhang nagkatotoo ang mga kwinento niya sa'kin noon.
She also tell me about some history of the four Kingdoms here in Mania World if I'm not mistaken.
"Don't worry malalaman mo rin ang tungkol dyan, i le lesson natin yan sa history class natin," si Viena
"Sigeh Neah labas na ako, don't hesitate to knock at my door if you have something to tell, ask, or want from me." tumango lang ako, tsaka s'ya lumabas sa kwarto ko.
Bigla ko namang naala ang sinabi ni lola sakin tungkol sa mga Ordus, sabi nya gusto daw nilang sakupin ang apat na kaharian ng Mania World at sila ang mamuno dito, sinugod nila ang Avelon ng walang ka laban-laban natalo ang mga taga Avelon, naglahad ng kasunduan ang mga taga Ordus sa oras na hindi sila tumupad sa kasunduan ay papatayin silang lahat ng mga taga Ordus at walang matitirang buhay sakanila, walang nagawa ang mga taga Avelon at sumuko sila sa mga taga Ordus
Sunod na sinakop ng mga taga Ordus ay ang mga taga Laverna isa sa apat na kaharian na bumubuo sa Mania World, pero nalaman ito ng mga taga Harvena at tinulungan nila ang mga taga Laverna. Natalo ang Ordus sa ka digmaang naganap.
Naparusahan din ang mga taga Ordus, dahil sa ginawa nila, nagkasundo sila na hindi na muling manggulo, dahil kung gagawin ulit nila yun ay hindi na sila kikilalanin na isa sa apat na kaharian na bumuo sa Mania World at hindi na s'ya kaylan man mabibilang sa apat na kaharian ang Ordus na bumuo sa Mania World. Ordus represent the element of Fire, Laverna represent the element of Earth, Avelon represent the element of Water and lastly Harvena represent the element of Air.
Iyan lang ang natandaan ko sa kwento ni lola sa'kin noong kabataan ko. Noong kabataan ko, manghang-mangha ako sa kwento ni lola. Hindi ko akalain na totoo pala iyon. Humiga na ako sa kama ko ilang saglit din ay nakatulog na ako pero bago ako makatulog may nakita akong naka itim na tao na tumitingin sa'kin. Namamalik mata lang yata ako.
Mania World: The Imprecation of Prophecy
By DeeYanny
Plagiarism is a crime
Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top