II

Simula nung nag-usap kami ni Yueh tungkol sa ‘pag-iwas’ ko sa kanya ay mas naging madalang ang pag-uusap namin. Siguro kasi galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon at ako naman ay kina-career ko yung hininging pabor sa akin ni Ara kahit sobrang hirap at sakit para sa akin noon. Marami na rin ang nakakapansin sa amin sa hindi namin pagpansinan at madalas akong tinatanong ng mga kaklase ko kung nag-away ba kami. Hindi ko naman masagot iyon dahil hindi ko rin alam kung ‘nag-away’ ba ang tawag doon sa nangyaring sagutan namin. Napabuntong hininga ako. Kasalanan ko naman kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito eh pero bakit ako nalulungkot? Kung una pa lang ay sinabi ko na kay Ara yung totoo, eh di sana hindi na ako nahihirapan pa. Kaso naisip ko rin, mas mabuti na lang na wala siyang alam sa nararamdaman ko kay Yueh dahil kapag nalaman niya yung totoo ay baka magkailangan lang kami at baka sa hindi sinasadyang pagkakataon, ay masabi niya kay Yueh yung nararamdaman ko.

“Uyy! Cheska, nakikinig ka ba?” Napalingon ako kay Ara at nakita ko ang inis sa kanyang mukha. Masyadong preoccupied ang utak ko at hindi ko naalalang may kasama pala ako at kanina pa kwento ng kwento.

“H-ha…O-oo n-naman.” Pagsisinungaling ko. Nagcross arms siya at tinaasan ako ng kilay.

“Sige nga. Kung nakikinig ka, anong sinabi ko?”” Nakapout niyang sabi.

“A-ah..ehh…” Napakagat ako sa labi ko. Patay. Hindi ko naman talaga narinig yung sinabi niya eh. Haaay…”H-hehe. S-sorry, Ara. Hindi ko narinig yung sinabi mo. A-ano nga ulit yun?” Apologetic kong sabi.

Nakita ko siyang bumuntong hininga at tsaka ngumiti. “Hay naku, pasalamat ka dahil good mood ako kundi naku talaga!” Sabi niya at ngumiti siya ng pagkatamis tamis. Napakunot naman ang noo ko sa ginawa niyang iyon.

“Good mood? Bakit? May maganda bang nangyari sa’yo?” Tanong ko.

“Haay naku, saan ba kasi lumipad yang utak mo? Yung sinabi ko sa’yo kanina ang dahilan kung bakit ako good mood ngayon.” Sagot nito.

Sa totoo lang, gusto kong kutusan itong si Ara. Daming paligoy ligoy. Di na lang sagutin ng diretso ang tanong ko. Psh.

“Eh ano nga ulit yung sinabi mo kanina? Hindi ko kasi narinig.” Hindi ko naiwasan na lakipan ng sarkasmo ang pagkakasabi sa kanya. Mukha namang hindi niya napansin dahil  ngumiti lang siya sa akin.

“Eh kasi inaya ako ni Yueh na maging ka-date niya sa Acquaintance Party natin! Yiiiiiiiiiiiee!” Kinikilig na sabi nito.

Ako? Para akong natulalang ewan. Parang ang tagal maabsorb ng utak ko yung sinabi niya. At nung naintindihan ko na kung ano iyon, parang piniga naman yung puso ko dahil sobrang sakit. Dati rati, sa tuwing merong ganyang okasyon dito sa eskwelahan ay palaging ako ang ka-partner niya. At ngayon, kung kelan eto na ang huli naming taon sa eskwelahang ito ay tsaka naman iba ang inaya nito. Ang sakit sakit lang. Pero ano ba ang dapat kong asahan? Malamang, si Ara na talaga ang aayain nito dahil nararamdaman ko na may gusto na siya rito. Lalo na nitong mga nakaraang araw na hindi kami nagpapansinan, napapansin ko na nagiging extra sweet na siya kay Ara at sobrang close na sila. Grabe. Hindi ko akalain na magaling pala akong maging tulay. Sana inagawan ko na lang ng trabaho si Cupid. Paksyet lang!

“T-talaga? E-eh di…good for you.” Pinilit kong pigilan ang panginginig ng boses ko at tumingin sa kanya na parang masaya ako para sa kanya. “Ara, tingin ko…” Napalunok muna ako habang pilit pinipigilan ang mga luhang pilit kumakawala sa mata ko. “…nahuhulog na si Yueh sa’yo.”

Nakita kong nagningning ang mga mata niya sa sinabi ko at kinilig siya. “Talaga?” Enthusiastic niyang sabi.

I nodded and gave her a weak smile. “CR lang ako.” Sabi ko at mabilis akong tumayo at lumabas ng classroom. Lakad takbo ang ginagawa ko at halos hindi ko na makita ang daan dahil sa nanlalabong paningin ko dahil sa mga luhang patuloy sa pag-agos sa pisngi ko. Grabe, nagiging emotera talaga ako kapag si Yueh na ang pinag-uusapan.

“Ouch!” Napaupo ako sa sahig at napa-aray sa sakit ng meron akong nakabunggo. Mabilis kong pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan kung sino man ang letseng nangbunggo sa akin. Pero nagsisi lang ako dahil hindi ko inaasahang si Yueh ang makikita ko.

“Okay ka lang?” Kita sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. “T-teka, umiiyak ka ba?” Tanong niya pa at lumuhod sa harapan ko at pinagmasdan ang mukha ko.

“O-okay lang ako.” Umiwas ako sa kanya ng tingin at dali-daling tumayo. Pero bago ko pa nagawang humakbang ay naramdaman ko na niyakap niya ako mula sa likod.

“Cheska…Tama na please…” Napapikit ako ng mariin ng marinig ang nagmamakaawa niyang boses. Nagi-guilty ako at the same time ay nasasaktan ako. Ano ba ang dapat kong gawin. “Sorry…Sorry kung meron man akong nagawang kasalanan ng hindi ko namamalayan. Sorry na.” Narinig kong dugtong pa niya. Napakagat ako ng labi habang pilit kong pinipigilan ang makukulit ko na namang luha na pilit kumakawala sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang sarili ko. Dahan dahan kong inalis ang mga dalawang kamay niyang nakayakap sa akin at humarap sa kanya. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko.

“’Di ba, sinabi ko naman na wala ka namang kasalanan sa akin? Bakit ka nagso-sorry?” Sabi ko sa kanya.

 “Alam kong meron. Hindi ko man alam kung ano yun, basta sorry. Ang gusto ko lang naman yung bumalik tayo sa dati. Ayaw kong iniiwasan mo ako, Ches. Ang hirap, alam mo yun? Hindi ko kayang hindi mo ako pinapansin.” Sabi niya at kinuha ang kanang kamay ko at hinawakan iyon. Feeling ko nagpalpitate yung puso ko sa narinig ko at hindi ko maiwasang hindi matuwa sa sinabi niya. He may not love me the way I love him but atleast, he loves me more than enough to make my heart flutters.

“Emotero! Sabi ng guni-guni mo lang yun eh.” I said para gumaan ang aura sa pagitan naming dalawa. Babatukan ko pa sana siya pero nakaiwas agad siya. Binelatan pa ako. Adik. Isip bata talaga. Babatukan ko sana siya ulit pero hinuli niya ang kamay ko. Mataman at seryoso niya akong tiningnan.

“Seriously, Ches, please don’t do it again. I can’t bear to be away from you. So please, promise me you won’t do it again, okay?” His eyes are pleading while he’s looking at me intently. Parang merong sariling utak ang katawan ko at napatango na lang ako sa kanya.

Ngumiti siya sa akin, yung genuine na ngiti, at kinurot ang magkabilang pisngi ko.

“Ang cute cute mo talaga!” Sabi niya matapos bitiwan ang magkabilang pisngi ko. Napanguso ako sa ginawa niya at tiningnan siya ng masama. Ang sakit talaga mangurot ng lalaking ito. Palagi na lang pinagtitripan ang pisngi ko. Kainis!

Inambahan ko siya ng suntok pero tumawa lang siya. “Sige na. Chupee! Pupunta pa akong CR eh.” Sabi ko rito.

Maglalakad na sana ako ng bigla na naman niya akong pigilan. “Ano na naman b—“

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa kaya natahimik ako bigla. Ikaw ba naman halikan sa pisngi mo ng labs mo, makaimik ka kaya?

“Bye, Ches. Kita na lang tayo sa room.” Sabi niya at tinalikuran niya na ako. Pero bago pa siya tuluyang naglakad palayo ay lumingon pa ito sa akin at ngumisi.

‘Aaaaaaaaarrrggggggggghhhh! Nakakainis ka Yueh! Palagi mo na lang pinapakabog ang puso ko!’

***

“Sinong partner mo sa party?” Nakapangalumbabang tanong sa akin ni Yueh habang andito kami sa tambayan. Hinihintay namin si Ara dahil sabay sabay kaming uuwi. Simula nung nag-usap kami tungkol sa ‘pag-iwas issue’ ko sa kanya ay medyo naging okay na kami. Although pinipilit kong maging distant kahit konti sa kanya para kay Ara ay hindi ko naman totally magawa dahil sa pakiusap naman niya sa akin. Sa totoo lang, nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Para ngang gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader sa pinaggagagawa ko.

‘Ikaw sana. Kaso iba na yung partner mo eh.’ Gusto ko sanang isagot iyan sa kanya kaso nakahiyaan ko na. Isa pa, alam ko namang may gusto na siya kay Ara kaya malamang ay aayain niya ito.

“Hindi ako aattend.” Simpleng sagot ko na lang at inabala ang sarili ko sa pagkalikot sa cellphone ko. Tamang tama. Bigla naman nagtext sa akin si Bill, kapitbahay at kaibigan ko rin.

‘I miss you, Ches. Kelan kaya tayo ulit pwedeng magdate?’

Yan yung laman ng message niya. Adik talaga itong si Bill. Kung hindi ko lang alam na lalaki ang gusto niya, malamang iisipin kong may gusto sa akin ito. Hahaha.

‘I miss you too, Bill. Balik ka na kasi dito sa Manila ng makapagdate tayo ulit.’ Sagot ko sa text niya. Wala kasi siya ngayon dito sa Pilipinas at nasa Japan ito para magbakasyon. Nakagaanan ko ng loob itong si Bill dahil sa kakenkoyan niya sa katawan.

‘Aw. Namimiss na talaga kita, Bebe Ches. Don’t worry. Malapit na kaming bumalik. Date tayo. Hehe. Sana andito ka para magkasama tayong nagiistroll dito sa Shibuya.’ Napangiti naman ako sa nabasa kong reply mula sa kanya.

Magrereply na sana ako ng biglang—

“Uy! Bakit mo kinuha yung cellphone ko?” Naiinis kong sabi kay Yueh. Matalim ang tingin niya sa akin habang binabasa yung text messages ko. Problema nito?

“Bebe Ches pala ha?” Sabi niya with matching sarcastic smile. Luuh, ano bang problema nitong si Yueh? Bakit siya nambabasa ng text?

“Problema mo?” Inis kong tanong sa kanya sabay hablot ng cellphone ko sa kamay niya.

“Kanina pa ako dada ng dada dito at sinasabing umattend ka ng party tapos yun pala hindi ka nakikinig. Abala ka sa kakalampungan diyan sa katext mo. Sino ba yan? Boyfriend mo?” Nakakunot noong tanong niya sa akin.

Pakipaalala nga sa akin kung kelan pa naging detective itong si Yueh? Kung makapagtanong, akala mo naman suspect akong meron ginawang kasalanan.

“Oo. Bakit?” Sagot ko sa inis ko. Nakita kong nagdilim yung mukha niya at bigla na lang nagwalk out.

‘Hala…anong problema nun? Bakit nagwalk out yun?’ Tanong ko sa sarili ko.

“Oh, nasaan na si Yueh?” Napatingin ako sa kararating lang na si Ara. Naupo ito sa tabi ko at nilapag ang dala dala niyang gamit.

“Ewan ko dun.” Sabi ko at nagkibit balikat.

“Anong ewan mo? Iniwan ko kayong dalawa na magkasama tapos pagbalik ko, wala na siya. May nangyari ba?” tanong niya pa sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at ikinwento ko sa kanya ang nangyari.

“Tapos yun nga, bigla na lang nagwalk out.” Pagtatapos ko ng kwento. Hindi nagsalita si Ara at nakatingin lang sa malayo. Parang ang lalim ng iniisip nito.

“Uy, okay ka lang?” Tanong ko rito at sinundot sundot pa ang tagiliran nito.

“A-aahh, o-okay lang. C-ches, mauna n-na pala ako. May p-pupuntahan pa pala ako.” Sabi nito at tumayo. Tumalikod siya na siya sa akin at nag-umpisa nang maglakad habang ako ay naiwang naguguluhan.

‘Seriously, anong problema ni Ara at ni Yueh? Mas malala pa ata mood swing nila kesa sa akin eh.’ Sabi ko sa sarili ko at napakamot na lang ako ng ulo.

***

“Sabi ni Yueh hindi ka daw pupunta ng party? Bakit?” Tanong ni Ara sa akin ng makaupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Medyo okay na siya kausapin di tulad kahapon. Napabuntong hininga ako. Mabuti pa siya kinakausap ni Yueh. Eh ako? Simula nung magwalk out siya kahapon ay hindi niya pa rin ako kinikibo. Ganito pala yung feeling na iniiwasan ka ng tao ng hindi mo alam kung bakit. Nakakainis at nakakairita at  the same time.

“Wala lang.” Sagot ko.

“Eh diba yearly ka namang umaattend dun? Bakit ngayon, hindi na? Kung kelan last na tsaka di ka aattend?” Tanong pa nito.

“Yun na nga, yearly ako umaattend. So okay lang naman siguro na hindi ako umattend ngayong taon. Tsaka ayaw mo nun? Kapag wala ako, masosolo mo si Yueh.” Sabi ko sa kanya at ngumiti. Yung ngiting hindi umabot man lang sa mga mata ko.

“Pero…pero sabi niya kasi pilitin kitang umattend eh.” Malungkot niyang sabi. Bigla naman akong naawa kay Ara. Adik na Yueh yun!

“Ako nang bahala sa tukmol na yun. Huwag ka nang mag-alala. At isa pa, wala naman akong kapartner kaya okay lang talaga na hindi ako umattend.” Sabi ko na lang rito.

“Okay.” Sabi niya at ngumiti na lang siya sa akin.

***

“Oy, Yueh!” Tawag ko rito ng makita ko itong naglalakad sa hall way. Hindi man lang niya ako nilingon at nagtuloy tuloy pa rin sa paglalakad. Bwisit to. Seryoso ba siyang hindi ako papansinin? Maypa-‘I can’t bear to be away from you’ peg pa siya tapos bigla bigla dedeadmahin lang ako? Adik talaga nito.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at nung makalapit ako ay binatukan ko siya.

“What was that for?!” Inis niyang sabi sa akin at tiningnan ako ng masama.

“Eh bakit di mo ko pinapansin?” Balik tanong ko rito. Tiningnan niya lang ako ng masama tsaka ako tinalikuran. Hala. Ang adik talaga nito? Ano bang kasalanan ko?

“Teka nga Yueh!” Sabay hablot ng braso niya para mapigilan ko siya sa paglalakad. “Ano bang problema? May ginawa ba akong kasalanan?” Tanong ko rito.

Nakita kong napabuntong hininga siya sa at tsaka ako tiningnan. “Bakit ang manhid mo?” Tanong niya sa akin.

“Ha?” Anong pinagsasabi nitong si Yueh? Ako pa ang manhid sa lagay na ito? Kainis lang tong lalaking ito. Palibhasa walang alam.

“FYI lang, Yueh ha? Hindi ako manhid. Tsaka bakit mo naman nasabi yan?” Inis kong tanong sa kanya.

“Aaaaaaarggh! Nakakainis ka! Manhid!” Sabi niya at nagwalk out na naman ang g*go.

Ako? Naiwang nakatingin lang sa kanya habang papalayo sa akin. Bwisit na lalaking iyon. Ako pa talaga ang manhid ha? Sana manhid na nga lang ako ng hindi ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko si Ara na masaya at sweet sa isa’t isa. Kainis!

***

“Ches, Halika na.” Tawag sa akin ni Ara. Sabi ko ay hindi na ako pupunta sa acquaintance party na ito pero naging mapilit itong si Ara at wala akong nagawa. As in ora-orada niya akong pinagbihis at pinagmadali para makapunta rito agad.

Andito kami sa labas hall ng hotel kung saan gaganapin ang party at wala pa si Yueh. Kainis yung lalaking iyon, ni hindi man lang sinundo si Ara. Napilitan tuloy akong sumama. Ayoko pa naman sanang makita yung sweetness nilang dalawa habang sumasayaw dahil alam kong masasaktan na naman ako.

“Bakit ba kasi hindi ka sinundo ni Yueh? Anong problema nun?” Tanong ko rito. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa lalaking iyon dahil sa pagtawag niya sa aking manhid. Bwisit talaga.

Ngumiti siya sa akin  pero pakiramdam ko ay hindi iyon umabot sa mga mata niya. “May mas importante pa kasi siyang aasikasuhin.” Sagot nito sa mahinang boses. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ang lungkot lungkot ni Ara ngayon at parang naiiyak na siya.

“Okay ka lang ba, Ara?” Tanong ko rito at hinawakan ko ang kamay niya.

“Okay lang ako.” Sagot niya sa akin tsaka ngumiti. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. “Basta Ches, Thank you sa effort na paglapitin kami ni Yueh but I guess, kailangan na nating itigil iyon.”

Napabitaw ako sa kanya at binigyan ko siya ng nagtatanong tingin.

“Tama nga si Yueh. Manhid ka nga. Hehehe. Pero tingin ko, mas manhid siya kasi hindi niya nakikita yung nakikita ko sa’yo kung paano mo siya tinitingnan.” Sabi pa nito sa akin. Parang mas lalo akong naguluhan sa sinabing ito ni Ara. Anong ibig niyang sabihin?

“Naiintindihan ko kung bakit hindi mo sa akin sinabi ang totoo. Sa totoo lang, alam ko naman kung ano ang nararamdaman mo para kay Yueh pero naging selfish ako at nagawa ko pang magpatulong sa’yo, Cheska. Kaya sorry talaga.” Naluluhang sabi niya.

So alam niya pala? Syet. Bigla tuloy akong nahiya sa sarili ko dahil alam niya palang nagsinungaling lang ako sa kanya. Napatungo na lang ako at hindi makaimik.

“Itigil mo na yung hiningi kong pabor sa’yo kasi alam ko namang nahihirapan ka eh. Sorry rin para doon.” Sabi pa nito at hinawakan ang kamay ko. “Basta Ches, eto lang ang masasabi ko sa’yo, kahit ano pa ang mangyari ngayong gabi, magkaibigan pa rin tayo. Huwag mo na akong isipin. Sundin mo kung ano man ang laman nito at huwag kang matakot.” Sabi niya tapos itinapat niya yung kanang kamay niya sa dibdib ko at ngumiti.

“H-hindi kita maintindihan, Ara. A-ano bang sinasabi mo?” Confused na tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. Iyong ngiti na sigurado akong genuine. “Malalaman mo rin kapag pumasok ka diyan sa loob.” Sabi nito at kumindat pa. “Basta, sundin mo lang yung sinabi ko and you’ll be fine.” Dugtong pa nito. Matapos nun ay tinulak niya na ako papasok. Nilingon ko siya at nakangiti siya sa akin.

“I’m happy for you, Ches!” Sabi nito at nagflying kiss pa. Tatawagin ko pa sana ito kaso bigla niyang isinara ang pinto.

‘Huh? Bakit di pumasok si Ara?’ Tanong ko sa sarili ko. Inilibot ko ang paningin ko sa loob at nagtaka ako kung bakit sobrang dilim. As in. Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot. Dahan dahan akong naglakad paabante at nung nakakatatlong hakbang na ako ay biglang bumukas ang mga ilaw.

Nasilaw ako sa liwanag kaya napapikit ako saglit. At nung makaadjust yung tingin ko ay napatingin ako sa paligid. Lahat ng schoolmate ko ay nakatayo sa gilid at nakangiti sa akin. Yung iba ay halatang kinikilig na labis kong ipinagtaka.

‘Ano bang meron?’ Tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa dance floor at nagulat ako ng makita roon si Yueh. May hawak hawak itong isang pink na rose at matamang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang kumabog ang puso ko. Hindi ko alam kung anong pakulo nito ni Yueh. Pero isa lang ang alam ko, nanginginig ang katawan ko  dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Kaba, takot, excitement, kilig, saya. Takte.

Muli na naman akong nagulat ng biglang pumailanlang ang isang sweet na kanta sa hall na ito. Dahan dahang lumapit sa akin si Yueh. Nakangiti siya sa akin pero ramdam ko na kinakabahan siya.

“Maaari ba kitang maisayaw?” Tanong niya sa akin matapos iabot sa akin ang hawak niyang rosas at ilahad sa akin ang kanan niyang kamay. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa mga nangyayari pero ang tangin nagawa ko na lang ay tumango sa kanya at abutin ang kamay niya.

Dinala niya ako sa gitna ng dance floor at sumayaw kami. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil pinagtitinginan kami ng mga schoolmate namin na ngiting ngiti habang nakatingin sa amin. Nung nasa kalagitnaan na ng kanta ay biglang huminto sa pagsayaw si Yueh at dumistansya ng kaunti sa akin. Tinitigan niya ako at nakakaramdam ako ng pagkailang.

“U-uy, Yueh. A-anong kalokohan ‘t-to?” Tanong ko na lang para basagin ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa.

Ngumiti siya sa akin at inabot ang kamay ko. “May sasabihin kasi ako sa’yo, Ches.”

Biglang binundol ng kaba yung puso ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit basta, kinakabahan talaga ako.

“A-ano yun?” I stuttered. Nakita ko siyang huminga ng malalim at tinitigan ako.

“I’ve been keeping this to you for almost 4 years and I can’t hide it anymore from you, Ches.” Seryosong sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. “It’s so hard for me to tell you this because I know it may ruin our friendship. But still, I want to take the risk rather than not fighting for what I feel. And I hope you could give me a chance, Ches.” Dugtong pa nito.

“W-what do you mean?” Ninenerbyos kong tanong.

“I love you, Cheska Marie Martinez. With all my heart.” Literal akong natulala sa sinabi niyang iyan sa akin. I…I don’t know what to say. Hindi ko alam na pareho pala kami ng nararamdaman sa isa’t isa. Akala ko, hanggang bestfriend lang ang tingin niya sa akin. Akala ko may gusto siya kay Ara. Akala ko…akala ko habang buhay na hindi na masusuklian yung pagmamahal ko para sa kanya. Pero mali ako. I’ve been presuming too much. At hindi ko napansin na masyado na akong nabulag sa selos at sa pagseself pity ko na hindi niya ako magugustuhan.

“Ilang beses ko nang i-try ipakita sa’yo na mahal kita kaso masyado kang manhid at hindi mo napapansin. And I guess my actions were not enough so I have to tell it to you right into your face. Alam kong may boyfriend ka na but…but could you still give me a chance to show you how much you mean to me, Cheska?”

Naiiyak na ako sa sobrang saya ko dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya. Sobra sobra ang saya ko na feeling ko sasabog ang puso ko.

“H-hey, stop crying…” Bigla siyang nagpanic ng makita niyang umiiyak ako at niyakap niya ako.

“A-alam mo nakakainis ka!” Hinampas ko siya sa braso habang umiiyak pa rin ako saya. “Bakit ngayon mo lang sinabi ito sa akin? Pinaiyak mo pa ako ng maraming beses. Tsaka just to tell you the truth, wala akong boyfriend.” Sabi ko pa.

Bigla niya akong binitawan at tiningnan na parang gulong gulo. “W-what? Eh diba sabi mo meron ka ng boyfriend? Ano nga ulit pangalan nun, Bill?” Tanong pa nito.

Natawa ako sa sinabi niya. “Si Bill? I’m just joking you the last time. Nabwisit kasi ako sa’yo nung sinabihan mo akong manhid eh. Bill is a gay friend. Get it?”

Nakita kong lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko. “Alam mo bang dahil diyan sa joke mo na yan, pinahirapan mo yung puso ko? Ipinagluluksa ko na nga eh at tinirikan ng kandila.” Nakangising sabi nito.

“Baliw!” Sabi ko at hahampasin ko na sana siyang muli sa braso ng hulihin niya yung kamay ko at naging seryoso muli ang mukha niya.

“Wait Cheska, I want to clear things first. Am I getting the message right?” Tanong niya sa akin.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. “Yeah, Mr. Yueh Charles Ramos. You don’t have to ask for a chance because I’m giving you the lifetime to prove it to me.” Ngiting ngiti kong sabi sa kanya. “…And I love you too.” Sabi ko pa at hinalikan ko siya sa pisngi. “Pareho lang tayong manhid dahil hindi mo rin napansin na mahal kita.” Bulong ko pa rito.

Ngumiti siya ng malapad at niyakap ako.

“Just for the sake of formality Ches.”  Sabi nito at pinatingin niya ako sa stage. Nagulat ako ng biglang merong bumabang banner na nakasabit sa itaas na may nakasulat na:

I LOVE YOU CHESKA MARIE MARTINEZ. WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

 

Naiiyak na naman ako sa tuwa at tumango sa kanya. Ngumiti siya ng pagkalapad lapad at dahan dahan siyang lumapit sa akin. Maya maya’y naramdaman ko na lang nagdikit ang mga labi namin.

-END-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top