I

Sinong nagsabing manhid ako? Sinong nagsabing wala akong pakialam? At sino…sino ang nagsabing…hindi ako marunong magmahal? Ikaw ba? Kung gayon, eto lang ang maisasagot ko sa’yo. Nasasabi mo lang yan kasi wala kang alam.

 

---

“1 2 3 4! 1 2 3—Aray naman!” Napa-peace sign ako habang pilit pinipigilan ang kumakawalang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa lalaking kaharap ko na napangiwi dahil sa sakit nang maapakan ko ang kanang paa niya.

“Anong nakakatawa?” Tanong niya at ngumuso pa siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumawa ng malakas. Ang cute cute niya talaga. Ang sarap pisilin ng pisngi. Hehe.

“Hahaha. Sorry na.” Sabi ko at niyakap ko siya. Haaay, ang sarap sarap niya talagang yakapin. Sana pwede ko siyang yakapin ng ganito palagi.

“Hay naku. Ikaw talaga. Ang hirap talaga kapag parehong kaliwa ang paa.”  Hinampas ko siya sa balikat at napa-pout ako. “Hehehe. Joke lang. Kahit pa parehong kaliwa yang paa mo, labs pa rin kita.”  Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Kinilig naman ako sa sinabi niya at napangisi.

“Ahemm. Cheska, Yueh…” Napatingin kaming pareho kay Laarni, kaklase namin, na nakalapit na pala sa amin at naka-cross arms pa. Kitang kita sa mukha niya ang mapanuksong ngiti. “Kung nakakalimutan niyo ay nasa kalagitnaan tayo practice po natin ng sayaw na ipepresent natin sa practicum. Kaya tama na muna yang lampungan niyo. Tuloy niyo na lang maya pagkatapos natin. ” Narinig kong nagtawanan pa yung iba pa naming kaklase nakarinig sa sinabi niya at tinukso kami kaya napahiwalay ako bigla kay Yueh. Feeling ko namumula ako sa pagkapahiya. Kainis!

Narinig kong tumawa si Yueh at inakbayan ako. “Kayo talaga. Kailan niyo ba maiintindihan na magkaibigan lang kami nitong si Cheska. Utak niyo rin eh, no?”

Parang meron kung anong tumusok sa puso ko sa sinabi niya. Yeah. Friends. Nakalimutan kong friends nga lang pala kami.

“O-Oo nga naman! Masyado kayong malisyoso, alam niyo yun?” Defensive kong sabi at pasimpleng kumawala sa akbay ni Yueh. May mga naring pa akong mga side comment sa mga kaklase ko tulad ng ‘weh di nga’ o kaya naman ‘showbiz’ pero hindi ko na lamang pinansin iyon. Naiintindihan ko naman sila kung bakit nila naiisip na ‘may relasyon’ kami. Masyado kasi kaming sweet ni Yueh sa isa’t isa kaya kung ang iba ang makakakita ay iisipin ngang ganun.

Hindi ko nga alam kung paano kami umabot sa puntong ito ngayon. Yung tipong halos hindi na kami mapaghiwalay. Sa totoo lang, hindi naman talaga kami close dati. Snob ako at siya naman ay si Mr. Campus Heartthrob kaya never kong naisip na magiging ganito kami. Naaalala ko pa, 1st year high school kami nun nung magkakilala kami. Wala akong masyado na kaibigan noon dahil nga snob ako at suplada pero isang araw habang abala ako sa pagbabasa ko ng paborito kong libro sa pinakadulo ng classroom namin ay bigla siyang lumapit sa akin at inalok akong makipagkaibigan sa kanya. Dineadma ko lang siya noon at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko kaso masyado siyang makulit at persistent nung time na iyon at pinepeste na niya ako kaya sa inis ko ay napasagot ako ng ‘Oo na’ kahit na ayaw ko. Simula noon palagi na lang siyang nakadikit sa akin na kung makaakto ay akala mo bestfriend ko. Nilalayuan ko pa siya noon pero nung tumagal ay narealize kong kahit anong taboy ko sa kanya ay hindi siya lalayo sa akin kaya pinabayaan ko na. Hanggang sa naglaon ay natanggap ko rin siya bilang ‘kaibigan’ at eto nga naging sobrang close kami.

“Oh siya, siya! Magkaibigan tama na at balik na tayo sa practice!” Nakangisi at nang-aasar na sabi ni Laarni sa amin sabay baling sa iba naming kaklase. “Kayo rin! Tama na ang pagiging bubuyog. Practice na!” Nagkatinginan na lang kami ni Yueh at sabay tumawa. Matapos nun ay bumalik na kami muli sa pag-eensayo.

***

“Cheska…may itatanong ako sa’yo.”  Napalingon ako kay Ara na noo’y nasa tabi ko. Katatapos lang namin mag-ensayo at naghahanda na kami sa pag-uwi. Nauna ng umalis si Yueh dahil may practice pa ito sa swimming kaya kaming dalawa ang magsasabay ngayon sa pag-uwi. Si Ara ang maituturing kong girl bestfriend. Bukod kasi kay Yueh, siya lang kasi ang nakakatagal sa mood swings ko. Naging magkaibigan kami bago pa kami nagkakakilala ni Yueh. Childhood friend ko siya at magkapit bahay lang din kami. Nung pumasok ako sa school na ito nung 1st year ay hindi ko siya naging kaklase dahil sa iba siyang school pinag-enrol ng mama niya kaya sobrang lungkot ko noon. Pero mabuti na lang at nung second year ay napilit niya ang mama niya na lumipat siya rito kaya sobrang saya namin noon. Swerte pang naging magkaklase kami kaya mas lalo kaming natuwa.

“Ano yun?” Tanong ko at ipinagpatuloy ang pagliligpit ko ng gamit.

“May…may gusto ka ba kay Yueh?” Halos muntik ko ng mabitiwan yung tumbler ko sa tanong na iyon ni Ara. Walang alam si Ara sa nararamdaman ko para kay Yueh. Walang nakakaalam kahit na sino bukod sa akin.

“A-ano ka ba? W-wala no! Ano bang pinagsasabi mo diyan?” Pagsisinungaling ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagkunwaring abala muli sa pagliligpit.

“Totoo ba yan?” Tanong niyang muli. “Kasi kung totoo, may sasabihin sana ako sa’yo.” Napahinto ako sa ginagawa ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Parang biglang nablangko ang isip ko.

“O-oo naman.” Takte. Hindi talaga ako marunong magsinungaling at hindi ko maiwasang hindi magkandabulol. Huminga ako ng malalim tsaka siya nilingon. Napakaseryoso ng mukha niya habang nakatingin sa akin. “Bakit? Ano ba yung sasabihin mo?” Parang alam ko na kung ano iyon. Kaso natatakot akong marinig iyon. Dahil paniguradong kapag totoo ang hinala ko ay kakailanganin kong mag-give way.

 

Nakita ko siyang huminga muna ng malalim bago nagsalita. “Ang totoo niyan…” sabi nito at mataman akong tinitigan. “Matagal na akong may gusto kay Yueh.”

Sabi na. Tama nga ang hinala ko. Pareho kaming may gusto kay Yueh. Matagal ko na ring napapansin ang lihim na mga sulyap niya rito katulad kanina. Pasimple niyang sinusulyapan si Yueh habang hindi ito nakatingin sa kanya nung nagpapractice kami kanina. Hindi naman kasi sila masyadong close. Sa akin lang talaga si Yueh masyadong dikit. Ewan ko ba sa lalaking iyon. Kung tutuusin dapat maging close sila ni Ara dahil bestfriend ko yun pero hindi. Magkaibigan sila, oo. Pero hindi sila naging malapit sa isa’t isa tulad kung paano ako itrato ni Yueh.

Ngumiti ako sa kanya na alam kong hindi umabot sa aking mga mata. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Alam kong maraming nagkakagusto kay Yueh. He won’t be called Campus Heartthrob for nothing. Pero iba pa ring usapan kapag nalaman mong ang mismong bestfriend mo ay may gusto rin pala sa taong gusto mo. Ang hirap lumugar. Hindi mo alam kung dapat ka bang matuwa at suportahan siya o mananahimik ka na lang at magsasawalang kibo.

Pero sa puntong ito, mas pipiliin ko na lang nauna kahit na labag iyon sa nararamdaman ko. “Sabi na eh. Obvious ka kaya! Hahaha.” Sabi ko at tumawa ako. A fake one though.

 

“Shit! Talaga?” Napa-nail bite siya sa sinabi ko at halata sa kanya ang pag-aaalala. “Ganoon ba ako ka-obvious?” Tanong niya pa.

“Hindi naman. Siguro kasi kilala kita kaya alam ko na yung kilos mo.” Sagot ko rito. Nakita kong napahinga siya ng maluwag sa sinabi ko.

“Mabuti naman.” Sabi niya at ngumiti. “Cheska kasi… may hihingin sana akong pabor.” Nag-aalangan niyang sabi niya sa akin.

Napakagat ako sa labi at ramdam ko na agad kung ano iyon. “Sure. Ano iyon?” Parang wala lang sa akin na sagot ko sa kanya.

“Kasi… ‘di ba close naman kayo ni Yueh? Pwede mo ba akong tulungan sa kanya?” Sabi niya sa akin.

Natawa ako ng pagak. Takte. Kung makasabi siya ng ‘pwede mo ba akong tulungan sa kanya’,  akala mo lalaki siya. Panahon nga naman ngayon. Babae na ang gumagawa ng paraan para magustuhan sila ng lalaking gusto nila. Tsk tsk.

“Pero Ara kahit naman ganun kami ka-close, hindi ko naman saklaw yung nararamdaman niya.” Sagot ko rito. Hindi naman sa ayaw ko siyang tulungan dahil maituturing ko siyang karibal. Pero naiintindihan niyo naman yung punto ko ‘di ba? Kahit ipagduldulan ko pa si Ara kay Yueh, kung ayaw ni Yueh ay wala akong magagawa.

“Alam ko naman yun. Pero baka pwedeng tulungan mo na lang akong maging malapit sa kanya. Yung tulad ng sa inyo? Kasi baka kapag ganun ay magustuhan niya na ako.” Para na siyang nagmamakaawa sa paraan ng pagsasalita niya. Napabuntong hininga ako ng marahas. Eto na. Dito na mag-uumpisa ang kalbaryo ko. “Please Cheska?” Pakiusap pa nito.

Kahit labag sa loob ko, I gave her a weak smile and nodded.

***

Simula nung nakiusap sa akin si Ara ay pinilit kong gumawa ng paraan para magkalapit sila ni Yueh. Minsan kapag magla-lunch na kaming tatlo ay sabay sabay kaming pupunta sa paborito naming tambayan para kumain at kapag naka-set na ang lahat ay magsisinungaling akong merong emergency o di kaya ay meron akong kailangan gawin para maiwan ko lang silang dalawa na magkasama. Masakit sa akin yun siyempre. Pero wala eh. Hindi ko naman kayang tumanggi kay Ara sa pakiusap niya dahil kapag tinanong niya ako kung bakit ay hindi ko masasagot iyon. Hindi ko kayang aminin sa kanya na may gusto rin ako kay Yueh  kasi alam kong masasaktan siya dahil nagsinungaling ako sa kanya. Isa pa, alam ko naman na hanggang pagkakaibigan lang naman ang kayang i-offer sa akin ni Yueh kaya kung magkakaroon man siya ng ibang karelasyon, atleast sa bestfriend ko na lang. Kasi sigurado akong mabait si Ara at mahal talaga siya nito. At itong nararamdaman ko? Tulad ng dati, akin na lang ito at wala dapat makaalam.

Napabuntong hininga ako ng malalim at napatingin sa langit. Nasa rooftop ako ngayon ng school building at nagpapalipas ng oras. Dito ako nagpupunta sa tuwing gagawa ako ng paraan na mapagsolo si Yueh at si Ara. Ilang linggo na ba simula ng inumpisahan ko ito? Aahh…Magdadalawang linggo na nga pala. Dalawang linggo. Dalawang linggo ko na rin palang pilit iniiwasan si Yueh dahil kay Ara. Ayoko kasing bigyan si Ara ng dahilan para isipin pa niya na meron akong gusto kay Yueh kahit na iyon ang totoo. Na-mimiss ko na rin si Yueh sa totoo lang. Namimiss ko ang kakulitan niya, ang pagiging maaalalahanin niya, ang pagiging sweet niya, at higit sa lahat ang presensya niya. Haaaayy…

Napatingin ako sa mga estudyante sa baba. Nakakatawa, nagmumukha lang silang maliliit tingnan mula rito sa kinatatayuan ko. Maya maya’y natutok ang mata ko sa dalawang partikular na tao. Si Yueh at si Ara. Pareho silang nagtatawanan habang naglalakad papunta sa building na ito. Maya maya ay huminto sila sa paglalakad at nagulat ako ng biglang niyakap ni Ara si Yueh.  Nakita kong parang natuwa pa si Yueh at gumanti ng yakap rito at ngumiti. Parang merong libo-libong karayom ang tumutusok sa puso ko sa mga oras na ito. Ang sakit. Ang sakit sakit. Pero ginusto ko naman ito diba? Bakit…bakit ako nasasaktan ngayon? Bakit…bakit ako umiiyak ngayon?

Pinunasan ko ang mga luha ko na hindi ko namalayan na tumulo. Ngumiti ako. I guess naging successful ang Operation: Paglapitin si Ara at si Yueh Project ko. Tingnan niyo naman. Dalawang linggo pa lang ang nakakaraan ay ang laki na ng improvement nilang dalawa. Nagagawa na ni Ara na yakapin si Yueh ng walang pangingimi at nakakapagkwentuhan na sila ng wala ako sa tabi nila. Tingin ko, unti-unti na ring nahuhulog ang loob ni Yueh kay Ara. Kasi si Yueh ang taong medyo aloof sa babae kahit na sabihin pa nating maraming nagkakagusto rito. Hindi dahil sa bakla siya o ano, ayaw niya lang kasi ng mga babaeng lantaran na nagpapahayag ng pagkagusto sa kanya. Mas gusto niya kasi ang mga babaeng simple at tahimik. Tulad ko…at tulad ni Ara.

‘Nahuhulog na si Yueh kay Ara. At alam ko namang sasaluhin ito ng huli.’

 

***

“Iniiwasan mo ba ako?” Nakakunot ang noo ni Yueh sa akin habang hawak hawak niya ng kanang braso ko. Hinabol niya kasi ako diro sa corridor nung nagmamadali akong lumabas ng classroom.

“H-ha? H-hindi ah!” I lied. “B-bakit naman kita iiwasan?” Pilit kong iniiwasan ang salubungin ang tingin niya at marahang inalis ang kamay niya sa braso ko.

“Eh bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako? Halos mahigit dalawang linggo ka nang ganyan. May problema ba? Meron ba akong nagawang kasalanan sa’yo? Kasi sa pagkakaalam ko wala. Kaya walang dahilan para iwasan mo ako.” Galit na sabi niya sa akin. Napatingin ako sa mga mata niya at kita ko ang hinanakit niya sa akin.

Para akong nakonsensya sa sinabi niya. Pilit ko siyang iniwasan ng hindi ko man lang isinasaalang alang ang nararamdaman niya. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoo dahil baka magalit si Ara. Bwisit. I’m torned sa kanilang dalawa.

Napapikit ako upang makapag-isip saglit at matapos nun ay sinalubong ko ang mga tingin niya. “Sa’yo na rin ang nanggaling na wala akong dahilan na iwasan ka, kaya bakit ko naman gagawin iyon? Feeling mo lang yun Yueh. Kung ang idadahilan mo sa akin ay ang madalas na hindi ko pagsama sa inyo, nagkakataon lang talagang busy ako. Pasensya na.” Malamig kong sabi sa kanya at tinalikuran ko siya. Hindi ko siya kayang kausapin ngayon dahil sa sari-saring emosyon ang lumulukob sa akin. Natatakot akong biglang mapaamin sa kanya at magkagulo ang lahat.

“Hindi, Cheska. Alam kong may problema ka. Alam kong iniiwasan mo ako. Pero please, tigilan mo na. Nasasaktan na ako sa ginagawa mo.” Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga iyon. Gusto ko siyang lingunin at sugurin ng yakap kaso hindi ko magawa.

‘Kailangan mo na siyang layuan, Cheska. Magiging panggulo ka lang sa Ara-Yueh Love story kung patuloy kang nakadikit sa kanya. At isa pa, masasaktan ka lang lalo kapag nakita mo silang masaya at sweet sa isa’t isa. Kaya ngayon pa lang ay kailangan mo ng tigasan ang loob mo.’ Sabi ng utak ko.

“Paranoid ka lang, Yueh.” Sabi ko ng hindi ko siya nililingon at tuluyan na akong naglakad papalayo sa kanya.

 

***

A/N: This is a two part one shot. I'll post the second part not later than tuesday. Thank you.

Lovelots,

Sarah

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top