xi.

JAEHYUN

"Salamat, Hyunjae."

Napatigil ako sa paggawa ng sopas nang magsalita si Mandy. Nilingon ko siya at nginitian.

Nandito kami sa apartment ko ngayon. 'Di ko siya dinala sa sarili niyang apartment kasi wala pang masyadong kagamitan doon. Saka mas madali ko kasi siyang maaalagaan dito kaysa sa apartment niya.

"Sorry kung istorbo ako sa 'yo ha?"

Tinigil ko muna ang paggawa ko ng sopas at hinarap siya. Nakaupo siya ngayon sa sofa ko. 'Di na naman daw siya gaanong nahihilo. Medyo okay na siya ngayon.

"'Di ka istorbo, Gwe--Mandy." Napailing-iling ako. "Mandy" kasi, Jaehyun. "Mandy" hindi "Gwen".

"Hyunjae?" tawag ni Mandy kaya tinuon ko na muli ang pansin ko sa kanya. "B-bakit..."

Kumunot ang noo ko. 'Di siya mukhang okay.

"Bakit ano?" tanong ko at lumapit sa kanya. "Mandy?"

Nagkatitigan kami nang makalapit na ako sa kanya. Naalala ko bigla si Gwen. Kamukhang-kamukha talaga niya ang girlfriend ko.

Umiwas na siya ng tingin. "W-wala. Ituloy mo na lang yung paggawa mo ng sopas," aniya at humiga sa sofa.

Nag-okay na lamang ako at bumalik na sa paggawa ng sopas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top