vii.
"Hyunjae, kain tayo rito oh! Parang masarap ang tubig nila rito eh. Ta's yung pizza pala ritong walang toppings! Shet. Ang sarap siguro noon. Huhu."
Napatawa na lang muli si Jaehyun sa kakyutan ni Mandy. Sinundan niya ito at bumili na lang ng tubig habang si Mandy naman ay bumili ng tubig at pizza.
Pagkatapos nilang bumili ay naglibot-libot na naman sila sa park.
"Mandy, tingin ka sa langit." Dahil sa sinabi ni Jaehyun ay napatingin si Mandy sa langit. Napaawang ang bibig niya.
"Shet, Hyunjae. Ang ganda," sambit ni Mandy.
Tinitigan na naman ni Jaehyun si Mandy.
"Ikaw nga talaga 'yan. Akala ko wala ka na. Akala ko iniwan mo na ako," ani Jaehyun sa isip niya.
"Mandy," tawag niya. Pagkalingon na pagkalingon sa kanya ni Mandy ay hinawakan niya ang kamay nito at hinila siya papunta sa isang bench.
Hingal na hingal sila nang makarating sa bench. Umupo na sila roon at uminom ng tubig.
"Ang ganda ng langit, 'no?" wika ni Mandy.
"Oo nga eh," pagsang-ayon naman ni Jaehyun.
"Mandy," tawag nito.
Nilingon siya ni Mandy na may ngiti sa mga labi ngayon. Parang naging virus iyon kaya pati siya, napangiti na rin.
"Hala," bakas sa mukha ni Mandy ang pagkagulat at pagtataka.
"Bakit?" nag-aalala namang tanong ni Jaehyun. 'Di kasi mukhang okay si Mandy.
"S-sumakit lang ulit yung ulo ko. W-wala 'to."
'Di nakumbinsi si Jaehyun sa paliwanag ni Mandy kaya hinawakan niya ang baba ni Mandy at iniharap ang mukha niya sa kanya. Nagkatitigan sila nang maiharap na ni Jaehyun ang mukha ni Mandy sa kanya.
Napaiwas ng tingin si Mandy dahil bigla na namang sumakit ang ulo niya.
"Umuwi na kaya tayo?" pagyayaya ni Jaehyun. Tumango na lamang si Mandy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top