vi.
Kumatok si Jaehyun sa pinto ng apartment ni Mandy nang makapag-ayos na siya.
"Teka lang!" sigaw ni Mandy mula sa loob ng apartment niya.
"Natae ka pa ba?" tanong ni Jaehyun na napatawa dahil sa tanong niya. Gagu lang.
"Loko! Tinatanggal ko lang yung pagkakabuhol ng sintas ng sapatos ko!" sagot ni Mandy.
"Tulungan na kaya kita?"
Sandaling natahimik ang paligid. Nagtaka si Jaehyun at kumatok na naman sa pinto.
"Man--"
Naputol ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto. Sinalubong siya ng isang babaeng naka-skinny jeans at sweatshirt na dark blue. Nakayapak lamang ito. Ang buhok naman niya ay naka-messy bun.
Bumilis ang tibok ng puso ni Jaehyun. 'Di siya mapakali. Pinipigilan niya ang sarili niyang yakapin ang babae sa harapan niya.
Kaya pala. Kaya pala sobrang pamilyar ng boses nito sa kanya.
"Oh? Hyunjae? Iwas-iwas ka naman ng tingin diyan at baka matunaw na ako dahil sa titig mo," biro ni Mandy na nagpabalik kay Jaehyun sa realidad. "Pasok ka, dali! Tulungan mo na ako para makaalis na agad tayo."
"A-ahh... sige."
Pumasok na ito sa loob ng apartment ni Mandy at agad siyang tinulungan sa pagtanggal ng buhol sa sintas ng sapatos niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top