v.
MANDY
"Mandy?"
Kanina pa ako tinatawag ni Jaehyun pero 'di ko siya kinikibuan. Manigas siya.
"Mandy, sorry na oh."
Ano ba 'yan. Nagiging soft ako dahil sa kanya eh--ay, teka! Hindi! Dapat hard ako! Dapat hindi ako nagpapaapekto sa fafi na 'to. Galit ako. Nagtatampo ako. Hindi ako bibigay.
"Mandy, dali na."
"Spill."
Ay gagi. Ba't nandito na ako sa harapan ng pader?
"Hay~ Salamat naman at inimikan mo na ako."
"Magkwento ka na."
"Okay, okay. Nagka-emergency kasi. Nadala yung kaibigan ko sa ospital eh. Ayun, naka-confine na ngayon."
"A-ay, weh?" Na-guilty naman ako. Nadala pala yung kaibigan niya sa ospital. "Sorry sa pagtatampo ko sa 'yo ha."
"Nah, okay lang. Kasalanan ko rin naman kasi napaasa kitang sasamahan kitang maggala. Ano? Gusto mo bang maggala tayo ngayon?"
"Maggagabi na--"
"Mas maganda nga yun para mapanuod natin yung araw na lumulubog."
Gagu, kinikilig ako. Huhuhehe. Pangarap ko kasi yun. Yung manuod ng sunset kasama ang isa sa pinakaimportanteng tao sa 'kin. Aywan ko ba pero parang ang gaan na agad ng loob ko kay Hyunjae.
"So ano? Game ka?"
"Game."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top