ii.
MANDY
Pagkagising na pagkagising ko ay narinig ko na naman yung boses noong tao sa kabila. Pero 'di na siya nagsasalita eh. Nakanta na siya. Ang ganda nga ng boses eh. Shet. Fafi nga siguro 'to.
"Midnight memories! Ohh oh oh ohh~ Shemi shama she. Shima shume she. Shinget! Shinget! Shinget! Shinget!" Naloka naman ako sa lyrics nito.
Pero na-curious ako bigla kung ba't siya naiyak kagabi. Gusto kong malaman kung tama ba yung hinala kong nagshu-shooting sila kagabi o baka may senti pills lang siyang ininom.
Nilapitan ko ulit yung pader na nilapitan ko kagabi. Kakausapin ko na siya kahit 'di pa ako nagmumumog. Hayaan n'yo na. 'Di naman niya maaamoy. Hehe.
"Kuya, sino yung singer niyang kinakanta mo?" tanong ko.
Sandali siyang napatigil sa pagkanta. Narinig ko ang mga yabag niya. Papunta yata siya sa--
"Wan Daraksyon."
Napatili ako nang bigla siyang magsalita. Feeling ko ang lapit-lapit niya sa 'kin. Pero gagu, sino yung Wan Daraksyon?
Nang maka-recover na ako ay tinanong ko ulit siya. Pakapalan na 'to ng mukha. "Eh sino yung iniiyakan mo kagabi?"
"Wala ka na doon," sagot niya. Ay, baka hindi sila nag-shooting kagabi. Baka may pinagdadaanan si fafi.
"Ano'ng pangalan mo?"
"Chuckie."
"Ang bantot naman."
"Naniwala ka naman?"
"Eh ano nga kasi'ng pangalan mo?"
"Ba't ba gusto mong malaman?"
"Kasi gusto kitang maging kaibigan?" Wenk wonk. "Bagong lipat kasi ako rito. Gusto ko lang na magkaroon ng ka-jamming."
"Maghanap ka na lang ng ibang pwede mong ka-jamming."
"Bakit?"
"Basta."
"Broken ka ba?"
Tumahimik siya nang sandali. "O-oo eh. T-teka! Ba't ba ang dami mong tanong?"
"Kasi nga gusto pa kitang makilala. Feeling ko fafi ka."
"Eh paano kung pangit ako?"
"Okay lang. Basta may makausap lang ako. Ang lonely ko rito eh."
"S-sige."
"Sige? Friends na tayo?"
"O-oo, sige. Magkaibigan na tayo."
---
gais, sa mga susunod na chapter, puro dialogues na lang ang nakalagay ha? siguro may unting narration pero more on dialogues kasi 'to. hehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top