i.
MANDY
Haggard ako ngayong araw ah. Bumiyahe, natulog, kumain, naglakad, tumakbo, tumayo, umupo at huminga lang naman ako ah? Nako, ang life nga naman.
Naghilamos na muna ako ng mukha ko bago ako humiga sa sofa. Sa sofa na lang muna ako matutulog ngayon kasi 'di pa nadating yung kama ko. Kalilipat ko pa lang kasi rito sa apartment na 'to.
"Gwen!"
Napalingon-lingon ako. Saan nanggaling yung tunog na yun? Hala! Minumulto na ba agad ako? Shet. Ayoko pang mamatay.
"Gwen," sabi muli noong taong nagsalita kanina. Sinundan iyon ng isang malakas na iyak. Ang creepy, gagu. Huhu.
Pero teka, parang sa kapitbahay ko galing yun ah.
Tumayo ako ta's pumunta sa pader na nasa unahan ko. Parang doon kasi nanggagaling yung ingay eh.
Inilapit ko ang tainga ko sa pader.
"Gwen... bakit?" aniya. Kinig na kinig ko ang hagulhol niya. Shet, hindi ata multo 'to. Hehe. Nangangamoy fafi. Hehe. Boses pa lang, ulam na. Wenk wonk.
Gusto ko sana siyang tanungin kung okay lang ba siya pero napagdesisyunan kong 'wag na lang. Aba, malay n'yo may shooting pala roon ta's bigla ko siyang tatanungin kung okay lang ba siya ta's makikinig noong mga staff ta's uulit sila. Nakakahiya kaya. Kawawa naman yung actor.
Eh 'di ayun, humiga na lang ulit ako sa sofa. Pinikit ko na ang mga mata ko at natulog habang yakap-yakap ang plushie kong Snorlax.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top