Kabanata Tatlo

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

"Hoy!" Biglang sigaw ni Josh.


"Missy wag kang lilingon." Sabi ko naman sa sarili ko.

"Hoy!" Patuloy pa rin sa pagsigaw si Josh pero pinipilit ko yung sarili ko na wag lumingon sa kanya.

"Wala kang naririnig."

"Hoy!" Sa pangatlong sigaw niya, di na ako nakapagpigil kaya lumingon na ako pero nagpanggap muna ako na hindi ko alam na ako pala yung tinatawag niya. Hahaha.

"Ako ba tinatawag mo?" Tanong ko kay Josh.

"Sino pa nga ba sa tingin mo ha?"

"E kasi naman hindi hoy ang pangalan ko."

"Ano bang pakialam mo kung hoy ang itawag ko sa'yo ha? Wala ka naman ng magagawa kung yun ang gusto kong itawag sa'yo e. Baka nakakalimutan mo ako ang hari ng eskwelahan na 'to. Kaya kahit anong gusto kong mangyari o sabihin pwede kong gawin o sabihin. Naiintindihan mo ba ha?" E? Siya pala hari ng eskwelahan? At teka. Bakit may hari dito? O.O

"E paano kung ayaw kong sumunod sa gusto mong mangyari?"

"Dalawa lang naman ang pwedeng manyari sa'yo e. Una pagkakaisahan ka ng mga tao dito hanggang sa magkusa ka ng umalis o kaya naman-"

"O kaya naman ano?" Putol ko sa sinasabi niya.

"O kaya naman, papatalsikin ka na lang agad dito. Kaya nasa sa'yo naman kung gusto mo pang magtagal dito e. Basta tandaan mo lang na kahit alin dun ang piliin mong mangyari sa'yo di ko na babawiin yun kahit na magmakaawa ka pa. Naiintindihan mo ba hoy? Sige, una na ako ha. Sabihin mo na lang kapag nakapagdesisyon ka na kung yung una o pangalawa ang gusto mong mangyari." Hala naman daw! Anong klase yan? Grabe yung pagpipilian e. Sarap piliin nung pangalawa para makaiwas na ako sa kanya.

Josh's POV

E di nakabawi din ako sa kanya. Akala niya maiisahan niya ako. Di niya pa alam kung ano ang mga kaya kong gawin. Tignan lang natin kung hindi ka bumait sa akin.

"Teka lang." Sabi ni Missy. Bahala siya. Siya naman ang maghabol. Nakakapagod din kaya sumigaw.

"Ang bilis naman yatang magbago ng isip nung babaeng yun ah. Pero di ko muna papansin."

"Teka lang sabi e!" Bigla niyang sigaw kaya lumingon na ako sa kanya.

"Ano ba yun ha?"

"Nakapagdesisyon na ako." E? Bilis naman magdesisyon nitong babaeng 'to.

"Sige lang. Sabihin mo na yung desisyon mo. Nakikinig ako."

"Patalsikin mo na lang ako dito."

"Sigurado ka ba diyan?"

"'Kung sabihin kong oo, wala ka namang magagawa di ba? Saka ayaw ko na rin naman kayong makita kaya ayos na sa akin yun."

"Sabi mo yan ah. Wala ng bawian. Tatawagan ko na yung sekretarya sa opisina dito." Sabi ko sabay labas nung telepono ko. Tinawagan ko yung sekretarya sa opisina nung punong-guro tapos buti na lang may sumagot agad.

"Opisina ng punong-guro. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Si Josh po ito."

"O Josh, napatawag ka? May ipapalakad ka na naman bang papeles?"

"Meron nga po."

"Anong papeles naman yan ha?"

"May papatalsikin po ako dito na estudyante."

"Ah. Ganun ba? Sige anong pangalan?"


"Teka lang po ah."

"Hoy! Anong buong pangalan mo?" Tanong ko kay Missy.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" Sagot naman niya. Aba. Sira ulo rin 'to e. Pano ko siya patatalsikin kung pinipilosopo niya ako?

"Bilisan mo na nga! Kausap ko na yung sekretarya sa opisina e. Inaasikaso na yung pagpapatalsik sa'yo para naman bukas di ka na papasok."

"..."

"Sasabihin mo ba o kakaladkarin kita hanggang dun sa opisina?" Pagbabanta ko sa kanya.

"Oo na! Sige na! Ikaw na ang panalo! Payag na akong tawagin mong hoy." Weh? Seryoso ba 'to? Ha! Nanalo ako! Hahahaha.

"Ay sus! Papayag ka din naman pala e. Pakipot ka pa."

"Kung hindi lang importante sa akin ang pag-aaral ko ako pa mismo ang pupunta sa opisina kahit di mo na ako kaladkarin."

"Sabi mo e."

"Ay di ko na po pala ipapatuloy yung pagpapatalsik. Pasenya na po sa abala."

"Ah. Sige. Pag may kailangan ka tawag ka lang dito."

"Sige po. Salamat."
Sabi ko sabay baba ng telepono.

Humanda siya sa akin ngayon. Ako na ang maghahari-harian sa buhay niya. Wala pang gumaganito sa akin kaya ang swerte niya kasi buena mano siya sa pangiinis at pambwibwisit na gagawin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top