Kabanata Sampu

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Aaminin ko, kahit papaano ay napangiti naman ako dun sa nagbigay nung mga bulaklak kung sino man siya. Pero hindi pa rin maalis yung sakit na nararamdaman ko dahil sa ginawa at sinabi ni Paul. Pwede naman kasing maging magkaibigan na lang muna kami e.


Dumating na ang oras para kumain kami. Kahit na wala akong ganang kumain, napilit pa rin ako ni Pia na sumama sa kanya. Nung palabas na ako ng pinto, nagulat ako kasi nandun si Josh. Pero ang mas ikinagulat ko, may nilalandi na namang babae ang loko. Tinignan ko lang siya saglit tapos umiwas na ako ng tingin sa kanya at patuloy na naglakad. Kaso nga lang...

"Uy! Teka lang! Hintayin mo naman ako!"Biglang sigaw ni Josh.

"Bakit ba Josh? Wala akong balak makipagbarahan at makipagkulitan sa'yo ngayon."

"Teka lang. Umiyak ka ba?"Tanong niya bigla sa akin.

"Hindi." Sagot ko naman sa kanya.

"Umiyak ka e."Pangungulit niya sa akin.

"Ano naman sa'yo kung umiyak ako ha?"

"Bakit ka umiyak ha? Anong ginawa sa'yo ng lalake mo?"Tanong niya sa akin.

"Pwede ba Josh, tigilan mo muna ako. Kahit ngayon lang. Bumalik ka na dun sa babae mo."

"Pero-"

"Pia, tara na nga." Hindi ko pinatapos yung sinasabi ni Josh at hinatak ko na si Pia papalayo.

"Ha? Sige."

"Missy! Ano bang problema ha? Akala ko ba magkaibigan na tayo?"Pangungulit pa rin sa akin ni Josh kaya humarap na ako sa kanya at nagsalita na ako para lang tigilan niya ako.

"Oo, pumayag ako na maging kaibigan mo. Pero hindi ibig sabihin nun, manghihimasok ka na sa buhay ko. Hindi rin ibig sabihin nun, may karapatan ka ng malaman ang bawat bagay na nangyayari sa buhay ko at kasama na dun ang mga problema ko."

"Gusto ko lang namang makatulong e."

"Kung gusto mo talagang makatulong, wag mo muna akong kausapin. Ayaw ko munang mag-isip."

"Ha? Ganun ba? Sige, naintindihan ko."Sagot ni Josh sabay lakad papalayo sa amin ni Pia.

Pagdating namin dun sa kainan, bigla akong tinanong ni Pia.

"Missy, sabihin mo nga. Si Josh ba talaga yung kanina? Bakit parang sumusunod na siya sa sinasabi mo? Tapos parang nalungkot pa dun sa huli mong sinabi e."

"Ewan ko dun. Katulad ng sinabi ko kanina, ayaw ko munang mag-isip."

"E bakit ka ba kasi umiyak? Si Paul nga ang dahilan niyan noh?"

"Oo e. Pero ayaw ko ng pag-usapan yun. Gusto ko ng ibaon yun sa limot. Masyado ng masakit ang mga nangyari. Gusto ko na ng bagong buhay at sana, di na siya sumama dun sa bagong buhay na yun."

Bakit ba ganun? Parang ang daling sabihin, pero ang hirap gawin. Lagpas isang taon na din naman nung nagkahiwalay kami pero hindi ko pa rin magawang makapagsimula ulit. Lagi na lang may puwang sa buhay ko para sa kanya. Sana lang may taong dumating sa buhay ko na tuluyan akong mapapasaya at magbibigay ng dahilan para makalimutan ko na si Paul. Sana kung sino man yung nagbigay ng bulaklak sa akin, siya na yun.

Pagdating ng uwian, nagaabang na naman si Josh sa may pintuan. Ayaw ko na sana siyang kausapin muna pero ewan ko ba, kinausap ko rin. Pero kahit na di ko inaakalang mangyayari, napagaan niya yung loob ko. Kahit papaano, nabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Napatawa niya ulit ako kahit na sandali lang kami nag-usap. Kung pwede lang na maging siya yung lalaking magpapasaya sa akin e. Kaso hindi pwede. Kasi baka mangyari lang din sa akin ang mga nangyari sa ibang babae dito sa eskwelahan namin - ang mapaglaruan.

Kinabukasan, pagpasok ko sa eskwelahan, pinagtitinginan na naman ako ng mga kaklase ko. Hindi kaya may bulaklak na naman sa lamesa ko? Ay nako, malabo yun. Masyado lang akong nangangarap.

Pagpasok ko ng silid-aralan, nagulat ako kasi walang bulaklak sa lamesa ko. Pero may mga tsokolate. May sulat na naman. Binasa ko. Ang nakasulat lang ay:

Hindi ko man maaaring sabihin ngayon kung sino ako.
Sana naman maramdaman mo pa rin ang nararamdaman ko para sa'yo.
Nandito lang ako, binabantayan ka.
Para naman tuluyan ka ng maging masaya.


Teka lang. Hindi kaya galing sa kanya 'to?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top