Kabanata Pito

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

*** 

"Ano bang pakialam mo ha?" Bigla kong sigaw kay Josh.

"Hoy! Baka nakakalimutan mo, ako ang masusunod sa ating dalawa!" Sigaw naman niya sa akin pabalik. Napailing ako dahil sa sinabi niya at saka ako nagsalitang muli.

"Hay. Kung hindi ka ba naman tanga at kalahati, matatandaan mo na hanggang sa pagtawag lang ng HOY ang pwede mong gawin e!"

"Yun naman pala Josh e. Ano pa yung pinagmamayabang mo sa amin na napasunod mo na 'tong si Missy?" Bigla namang sabat nung kaibigan ni Josh sa usapan naming dalawa.

"Ano ba? Ilaglag daw ba ako?"

"Hay. Wala ka na talagang pag-asa. Tara na nga Paul." Sabi k okay Josh sabay hatak kay Paul papalayo. Nagpunta na lang muna kami sa may hardin ng paaralan para makapag-usap kaming dalawa.

"Yun ba yung lalaking sinasabi mo ha?"  Tanong niya sa akin.

"Oo. Ang kapal ng mukha noh?" Sagot ko naman sa kanya tapos bigla siyang tumawa.

"Ano bang tinatawa-tawa mo diyan ha?"

"E kasi naman, parang may gusto talaga siya sa'yo e." Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang hinampas sa braso niya.

"Ay nako. Ayaw ko ng ganyang biro ah. Di nakakatawa. Ni minsan di sumagi sa utak ko na magkakagusto ako sa taong katulad niya."

"Teka nga ha. Ang sinabi ko lang naman may gusto siya sa'yo. Hindi naman ibig sabihin nun may gusto ka sa kanya." Sabi sa akin ni Paul. Nabigla ako sa sinabi niya at nung magpapaliwanag pa lang sana ako para maipagtanggol yung sarili ko, nagsalita na naman siya.

"Ay teka nga, umamin ka, may gusto ka sa kanya noh?" Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi kaya agad agad akong sumagot sa tanong niya.

"Ha? Wala ah!"

"Wala daw. E bakit namumula ka diyan?" Bigla niya sinabi tapos tumingin ako papalayo.

"Ay nako. Kung mang-iinis ka lang, umalis ka na nga!"

"Ay sus! Ang bilis mo namang magtampo o. Di na ulit ako mang-aasar. Sensya na." Sabi naman niya sabay akbay sa akin.

"Kaya tayo naghiwalay dati e! Ganyan ka kasi ng ganyan! Siguraduhin mo lang na titigil ka na ah!" Bigla kong sinabi kaya napatigil kaming dalawa. Hindi ko inaasahan na bigla kong masasabi yung mga katagang iyon sa kanya sa ganitong pagkakataon.

"Sensya na talaga. Hindi ko naman sinasadya yung mga nagawa kong kasalanan sa'yo dati e. Alam mo naman na minahal talaga kita kaso kailangan ko lang talagang umalis." Sabi ni Paul kaya napalingon ako sa direksyon niya. Noong tinignan ko yung mga mata niya, hindi ko maipaliwanag pero para bang may halong lungkot yung pagtingin niya sa akin.

"Wag na nga nating halungkatin ang nakaraan." Sabi ko para matapos na lang din yung pag-uusap namin tungkol sa mga nangyari sa amin dati.

"Missy, tanong lang. Kung sabihin ko sa'yo na mahal pa rin kita, anong gagawin mo?" Tanong ni Paul sabay hawak sa mga kamay ko.

"H-ha? S-seyoso ka ba diyan?" Tanong ko sa kanya. Nabigla ako sa tanong na binitawan niya at hindi ko alam kung paano ba dapat sumagot sa tanong niya.

"Kung sabihin kong oo, anong gagawin mo?"

"Sa totoo lang, hindi ko alam." Sabi ko sa kanya tapos mayamaya lang ay nagpaalam siya na bibili lang daw muna siya ng makakain.



Josh's POV

Naging sila pala nung mokong na yun. Pero teka nga! Ano bang pakialam ko? Wala naman kaming relasyon nung babaeng yun e. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Ayaw kong napapahiya ako sa harap niya. Tapos nagalit pa ako nung nakita ko silang dalawa nung lalaking yun. Hindi kaya may gusto na ako sa kanya? Pero hindi pwede e. Ang gusto ko lang namang mangyari mapaglaruan din siya. Kaso paano na yung mga plano ko kung magiging totoo na yung relasyon na mangyayari sa aming dalawa?

Josh ano ba? Mag-isip kang mabuti! Huwag mong sundin yung puso mo! Utak dapat ang pinapagana mo e! Utak Josh, utak!

"May utak ka ba ha?" Biglang may nagsalita sa likuran ko. Pagtingin ko, si Missy pala.

"Anak ng tinapa naman o! Nababasa mo ba kung anong nasa isip ko ha?"

"Hindi noh! Ang laki kaya nung pagkakasulat mo ng 'Utak Josh, utak!' kaya nalaman ko yun. Hay nako." Sabi niya tapos bigla siyang umupo sa tabi ko.

"Tss. Nasaan na pala yung lalaki mo ha?" Bigla kong nasabi tapos tinakpan ko agad yung bibig ko. Alam ko na magkakagulo na naman kami ni Missy dahil sa sinabi ko e.

"Hindi ko lalaki si Paul ah! Saka may binili lang siya. Babalik din yun mayamaya."

"Oo na. Hindi mo na lalaki. Kasintahan mo nga pala kasi siya."

"Kasintahan ko dati. Hindi na ngayon. Saka paano mo nalaman yun ha?" Sagot niya sa akin tapos bigla naman siyang nagtanong. Naisip ko na wala rin namang mangyayari kung magsisinungaling ako kaya sinabi ko na lang yung totoo.

"Narinig ko yung usapan niyo kanina e. At mukha namang magkakabalikan kayong dalawa e."

"Ano yung mga narinig mo ha?" Bigla niyang tanong. Mukhang may tinatago siya na hindi ko dapat malaman pero di ko na lang siya tinanong tungkol dun. Sinagot ko na lang agad yung tanong niya.

"Yung tungkol lang dun sa relasyon niyong dalawa. Hindi ko naman sinasadyang marinig yun e. Kaya patawad kung mas ninais kong makinig pa sa usapan niyo imbis na umalis na lang."

"Teka lang ah. Ikaw ba talaga yan Josh? Kasi humihingi ka ng tawad sa akin e."

"Ako ito. At nakakahiya mang aminin, sa iyo pa lang ako humihingi ng tawad sa buong paaralan na ito. Kaya maswerte ka kasi ikaw yung kauna-unahan." Nagulat siya sa narinig niya pero mas nagulat ako dahil sa sinabi niya.

"Salamat ah? At patawad na rin kung masyado akong masungit sa'yo. Ano, magkaibigan na tayo?"

"Ha? Seryoso ka ba diyan?"

"Kung ayaw mo, di wag."

"Nagtatanong lang naman e! Sige, magkaibigan na tayo. Salamat din."

Nagkamay kaming dalawa pagkatapos nun. Dun ko nalaman na ang lambot pala ng mga kamay niya! Parang ayaw ko ng bitawan! Pero gusto ko yung pakiramdam na ito e. Kasi nagsisimula na kaming magkamabutihan. Ay, Josh! Tumigil ka nga!

Missy's POV

Bakit parang ayaw niyang bitawan yung kamay ko? Pero parang gusto ko rin naman na hawak niya yung kamay ko e. Ay, Missy umayos ka nga! Di kayo pwede!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top