Kabanata Labingwalo

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

"Josh! Hindi ka man lang ba papasok sa loob?" Tanong nung isa kong kaklase.

"Bakit naman ako pupunta dun? Di ko gustong mapanood yung banda ni Ralph. Kaya kung pwede lang, lumayas ka na sa harapan ko!" Pagtataboy ko naman sa kanya.

"Pero-"

"Walang pero pero. Layas!"

Kainis talaga 'tong mga taong 'to o. Nakitang gusto kong mapag-isa, lapit pa ng lapit sa akin para lang papasukin ako. Bakit ba? Sino ba yung yung kumakanta dun ha? Hindi naman artista yun e! Tss.

Missy's POV

"Yung kantang 'to sa tingin ko akmang akma para sa sitwasyon ko ngayon. Para sa sitwasyon NAMIN ngayon. Kung nandito ka, sana maintindihan mo kung ano man ang gustong sabihin ng puso ko."

Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip

Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo

"Salamat po."

"Pwede bang isa pa?" Biglang may sumigaw sa loob.

"Oo nga! Isa pang kanta!" Sigaw naman nung iba pang mga tao.

"Ay sus. Sino ba talaga kasi yung kumakanta at humihirit pa 'tong mga kumag na 'to ha?"

"Sige. Ito na talaga ang huling kanta na kakantahin ko sa ngayon."

Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mo
Ika'y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin
Nilagyan mo ng kulay ang mundo
Kasama kitang lumuha
Dahil sa'yo ako'y may pag-asa

Ang awiting ito'y para sa'yo
At kung maubos ang tinig
Di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat


Bumaba na ako sa entablado. Marami ang nakapansin na umiiyak na ako nung kinakanta ko yung Salamat. Ayaw ko man sanang kantahin yun, pero yun talaga ang gusto kong sabihin sa kanya e. Pero ang tanong, NARINIG KAYA NIYA AKO? Hindi ko man lang siya nakita bago ako operahan. Paano kung wala na talagang bukas para sa amin? Paano kung yun na nga talaga ang huling awitin na makakanta ko? Paano na?



Josh's POV

Ano ba 'to? Kanina kung sinu-sino lang ang pumipilit na pumasok ako sa loob. Ngayon, pati ba naman si Jed pinipilit ako? Bakit ba kasi gusto nila akong pumasok e?

"Hulaan ko. Pipilitin mo rin akong pumasok sa loob noh? Hindi ako papasok. Wag ka ng makulit!"

"E kung sabihin kong si Missy yung kumakanta kanina at umiiyak siya ngayon dahil galing talaga sa puso niya yung mga kinanta niya kanina? At paano kung sabihin kong para sa'yo yung mga kinanta niya kanina, ano? Di ka pa rin ba papasok ha?" Sabi ni Jed sa akin.

"Ha? Si Missy nandito? E di ba bawal siyang lumabas ng ospital ngayon?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ay. Ewan ko sa'yo. Kung ayaw mo siyang makausap habang nasa kanya pa yung puso niya, e di wag. Tutal paalis naman na siya ngayon e. Gumising ka na lang bukas ng tanghali kapag wala ka na talagang puwang sa bagong puso niya ha? Sige. Una na ako." Sabi niya tapos pumasok na ulit siya sa loob.

Pero teka lang. Hahayaan ko na nga lang bang magbago ang puso niya ng hindi ko man lang siya nakakausap? Hahayaan ko nga lang bang magbago ang puso niya ng hindi ko man lang nasasabi at nauulit sa kanya na mahal na mahal ko siya? Hindi pwedeng mangyari yun! Kailangan ko siyang makausap!

"Missy, mag-iingat ka ah. Maghihintay kami bukas sa ospital para sa resulta ng operasyon." Narinig kong sabi ni Pia.

"Wag kang mag-alala. Ipagdadasal ko na maging matagumpay yung operasyon." Sabi naman ni Jed.

"Salamat ah. Sige. Mauna na ako. Mapapagalitan na ako ni dok e." Sabi ni Missy kaya dun ko naisip na pumasok na sa loob para makausap siya.

"Teka lang!" Sigaw ko kaya napalingon silang lahat sa akin.

"Josh?"

"Pwede bang mag-usap muna tayo?"

"Sige. Tungkol ba saan?"

"Missy, gusto kong ipangako mo sa akin na paggising mo pagkatapos ng operasyon, bibigyan mo ng pag-asa yung pagmamahal ko sa'yo. Missy, di ko kayang mawala ka sa buhay ko e. Kaya utang na loob, ipangako mo sa akin yun!"

"Ewan ko Josh. Hindi ko masasabi e. Basta nasa puso kita ngayon at mahal kita."

Umalis na siya. Hindi siya nangako sa akin. Mahirap bang gawin yung hinihiling ko? Mahirap bang mangako na kahit na papalitan na ang puso niya, mananatili pa rin ako dun sa bago niyang puso? Mahirap bang pangatawanan na mahal niya ako? Mahirap ba akong mahalin o sadyang ayaw na niyang subukan? Bakit ba ganito? Pero ang alam ko na lang ngayon, kailangan kong magpatuloy. Magpatuloy at umasa na bukas, pagkatapos ng operasyon, ako pa rin ang laman ng puso niya. Sana nga ako pa rin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top