Kabanata Labingisa

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Hindi naman sa makapal ang mukha ko pero sa tingin ko, sa kanya talaga galing yun e. Pero bakit niya ba ginagawa yun? Ayaw ko na at ayaw ko pa e. Kahit na nakatutuwang isipin na may nanunuyo sa akin, hindi pa rin tama yun kasi hindi dapat siya ang gumagawa nun. Maling-mali talaga e.

Pero naisip ko na hindi rin naman ako sigurado na siya yung nagpadala nun. Maraming tao at maraming lalaki sa mundo. Kaya dapat ay hindi ko iniisip na sa kanya nga talaga galing yung mga bulaklak at tsokolate.

Binubura ko pa lang sa utak ko na siya yung nagbigay ng...

"Josh? Anong ginagawa mo dito?" Bigla kong tanong sa kanya.

"Ah e. Ibibigay ko lang sana 'to." Nahihiya naman niyang sinabi sa akin.

"Huh?!"

"Bakit? Di mo ba nagustuhan? Naisip ko lang kasi na baka gumaan ang loob mo kapag binigyan kita ng tsokolate saka iba pang matamis na pagkain."

"Ha? Hindi naman sa hindi ko nagustuhan. Kaso nga lang akala ko kasi-" Hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi biglang nagtanong si Josh sa akin.

"Anong akala mo?"

"Hay. Kalimutan mo na nga lang yun. Salamat ah at pasensya ka na kung sinungitan na naman kita kahapon." Sabi ko sa kanya para makaiwas na rin sa pinag-uusapan naming dalawa.

"Ano ba? Humingi ka na ng tawad sa akin kahapon ah. Baka naman malunod na ako sa pasensya mo." Panloloko ni Josh.

"Ay nako. Sira ka talaga! Haha." Sabi ko sabay hampas sa braso niya ng pabiro.

"Ayan. Tumatawa ka na ulit! Kalimutan mo muna kasi yung problema mo sa pag-ibig. Mas marami namang dahilan para mamuhay ka ng masaya e."

"Hay. Kung magsalita ka, parang ang dami mong alam sa pag-ibig ah? E sa pagkakaalam ko, wala ka pa namang sineseryosong babae."

"Wala pa sa ngayon, pero malay mo, isang araw, meron na." Seryosong sagot ni Josh. Pakiramdam ko, namula ng kaunti yung pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman sa nangangarap ako, pero pakiramdam ko e may ibang balak na iparating si Josh sa sinabi niya.

"Che! Ewan ko sa'yo. Makauwi na nga."

"Hatid na kita. Alam ko naman na bahay niyo e." Biglang alok ni Josh. Naalala ko na maling bahay nga pala yung itinuro ko sa kanya noon kaya nahiya ako ng onti.

"Ha? Sige, payag ako pero ituturo ko na kung saan talaga yung bahay ko."

"Ibig mong sabihin-" Sabi ni Josh pero hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya.

"Oo na lang."

Ayun. Hinatid na nga ako ni Josh sa totoo kong bahay. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero parang may parte sa katauhan ko na nagsasabing bigyan ko siya ng pagkakataon para mas magkalapit kaming dalawa. Kung gaano kalapit, yun ang hindi ko alam.

Josh's POV

Hay. Ang hirap naman ng sitwasyon ko o. Hanggang kailan ba ako maghihintay para magkaroon ako ng mas malaking puwang sa puso niya? Ay mali 'tong iniisip ko e. Wala naman sa bokabularyo ang salitang seryoso ah. Lalo na kung pag-ibig ang pinag-uusapan. Pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko di ba?

Ayun. Nandito ako sa loob ng bahay nina Missy. Di hamak na mas malaki talaga yung bahay namin pero ewan ko ba, parang ang gaang ng loob ko dito. Kahit na parang gigilitan na ako ng leeg ng nanay ni Missy dahil sa tingin niya, masaya pa rin ako e.

Aaminin ko. Nakakatakot talaga yung tingin niya sa akin e. Nakaupo lang naman ako ah. Wala naman akong ginagawang masama. Bakit ganun siya makatingin? Waa.

"Ma, ano ba yan? Parang kakainin mo ng buhay si Josh ah. Nagbihis lang ako, nag-ibang anyo ka na naman." Panloloko k okay Josh at kay Mama.

"Nag-ibang anyo?" Agad namang tanong ni Josh sa akin.

"Tawag ko lang yun. Eto naman o. Ang bagal makaintindi." Sabi ko sabay tabi sa upuan ni Josh.

"Sensya naman. Di lang sanay."

"Oo na. Ma?" Sabi ko tapos tinignan ko ng matagal si Mama para sabihin sa kanya na umalis muna siya.

"Sige, iwan ko muna kayo." Sabi ni Mama tapos umakyat na siya sa kwarto nila ni Papa.

"Sige po." Sinundan ko ng tingin si Mama at nung wala na siya, agad agad namang nagsalita si Josh.

"Missy, pwedeng magtanong?"

"Ano yun?"

"Ganun ba talaga nanay mo?"

"Hindi. Pero nung unang beses na nagpunta si Paul dito, ganyan din siya."

"Ah. Pwedeng magtanong ulit?"

"Sige lang."

"Uhm. Missy, pwede ka bang ligawan?" Teka. Ano raw? Pwede pakiluit?

"Ha?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top