Maling Akala sa Dilim

This book is a work of fiction. Characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictionally. Any resemblance to actual persons, living or dead and events is entirely coincidental.

No part of this book may be reproduced in any form without permission from the author. The only exception is by a reviewer, who may quote short excerpts in a review.

•••


Iba ang saya na nararamdaman ni Jay sa bakasyon nila ngayon. Dahil pagkatapos ng ilang taon ay bibisitahin nila ang kamag-anak nila sa kanilang probinsya. "Iba ang ngiti mo anak ah, anong meron sa ating probinsya?" Malisyosong tanong ng Ina nito. Napangiti si Jay sa tanong ng Ina "Na-miss ko lang po si Lolo at Lola. Pati natutuwa po ako at makikita ko na muli ang aking kababata na si Jake." pag-amin nito. Ilang oras ang lumipas at nakarating na sa probinsya ang pamilya ni Jay.

Bumungad sa kanila ang sariwang hangin na sa probinsya lang nila malalanghap at ang mga bati nang kanilang mga kapit bahay doon. Dumiretso agad si Jay sa kanyang Lolo at Lola at nagmano."Binata na ang aking apo, may nobya ka na ba?" Tuksong tanong ng lolo nito. "Syempre wala po, hindi ka po iniisip iyon." pagsasabi nito ng totoo.

Nang matapos ang kanilang kamustahan, dumiretso na ito sa bahay ng kanyang kababata. Ilang araw na ang lumipas, ngunit ang saya sa mata ni Jay ay hindi maipipinta.

Isang hapon napag-usapan nila ni Jake na magbisikleta sa kagubatan katulad nang madalas nilang gawin noong mga bata sila. Pababa palamang sya'y bumungad na agad ang kaniyang kaibigan na si Jake na nakasakay sa kanyang bisikleta.

"Grabe, parang walang pinagbago ang gubat na ito." sabi ni Jay. "Oo, bukod siguro sa nadagdag na mga puno." Biro ni Jake.

"Naalala mo yung lumang bahay noon, yung may multo raw? Maayos na ba 'yon?" tanong nito sa kaibigan.

"Ganun parin, marami parin ang usap-usapan na hindi na raw nakakabalik ang mga pumapasok doon." Seryosong sabi ni Jake kay Jay.

Napangisi si Jay at sinabing "Ano, tara? Pasukin natin? Naalala mo matagal na nating balak ito." Pagyaya ni Jay kay Jake.

"Seryoso ka ba? Hindi ba't parang nakakatakot 'yang balak mo?" Seryosong tanong ni Jake. "Hindi totoo yang multo, tara ako mauuna." Nagpedal ito hanggang makarating sa lumang bahay na tinutukoy nito.

"Grabe, pre! Walang pinagbago ang creepy parin dito." At saka bumaba ito sa kanyang bisikleta at nanguna sa pagpasok sa pintuan.

Sa likod nito ay nakasunod si Jake. Pagtungtong palang nito sa loob ay tumayo na ang mga balahibo nito. At biglang sumarado ang pinto.

Walang makita si Jay kaya tinawag n'ya ang kanyang kababata. "Jake, nasan ka?" Pagtawag nito.

Bubuka na muli sana ang kanyang bibig, nang maramdaman nya ang dalawang matulis na ngipin sa kanyang leeg. Lahat ng lakas nya ay unti-unting nawala.

"Matagal ko nang gustong gawin ito..." Ang kanyang huling narinig bago sya tuluyang mawalan nang malay.

xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top