Kabanata XXV
"Alters are the ones who keeps you sane in the situation where you can't be with yourself. Sila ang nagiging ikaw,ang lumalabas sa sitwasyon na hinihiling mong hindi mo nararanasan," kwento ni Doc Agustin. "Alters are like personalities . Isipin mo na lang na magkakaibigan na iba-iba ang pinagmulan, pinagdaanan, relihiyon, edad ang magsasama-sama para sa isang misyon. Iyon ang maging okay ka sa kahit anong oras. Alters intends to have different background, personality,experience and life behind the system."
"Paano sila nakakalabas sa akin? Is there any way para lumabas sila? Like something that triggers? " Kunot-noong tanong niya kasi hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya.
In her mind, she should know, for her to avoid that certain things, she wants to have a normal life but for her, she thinks that it will take time.
He rested his back on his swivel chair while playing the small globe with his pointing finger. "Sabi mo nga nagba-black out ka in a certain situations katulad ng may maririnig kang ideya na hindi mo kayang pakinggan, doon sila natitrigger lumabas. Your black-out episodes only means there is an alter dominating your body."
Hindi siya makapagsalita. Ang noo niya ay namamawis kahit na ramdam na ramdam niya pa rin ang lamig ng aircon sa buong silid. Parang bigla siyang kinilabutan sa nadinig.
Every time that her black-out episodes happens ay may alter pala na nagdo-dominate sa katawan niya. So, when other people approached her, hindi sila nagkamali dahil siya naman talaga ang tinatawag ng mga ito sa ganoong pangalan?
"How?"
"As you can see, DID patients intend to detached them on their own. Katulad ng nangyayari sa 'yo, you suddenly feel na magbabago ka ng mood base sa alter na connected sa bagay na narinig mo or naramdaman."
Kaya pala kung minsan ay para siyang walang pakiramdam kung gumalaw, yung sunod lang sa mga mangyayari sa paligid. Walang control sa nangyayari.
"Alam mo po ba kung ilang ang alters ko? Paano sila makakausap? "
"You have four alters," panimula ni Doc Agustin habang prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Siya naman ay nakatingin lang sa doctor habang kinikiskis ang parehong kamay sa suot niyang pants.
Apat? Ano? Bakit? Bakit ang dami?
She wanted to finish this. Gusto niyang matapos na. Gusto niyang matahimik na at masagot na ang mga tanong bago niya mabigyang hustisya ang mga namatay ng dahil sa mga kamay niya. She want to find peace and she believes that seeking for the truth about her condition may help her to get the peace that she wants.
"Four?" gulat niyang tanong.
Bago tumango ay humugot muna si Doctor Agustin ng hininga, kinuha nito ang note pad sa ibabang drawer ng lamesa saka pinakita sa kanya ang mga nakasulat.
She focused on the writings, there are four names written on the papers, parang personal information ang mga ito.
"Nung unang araw na nakita kita ay sinubukan ko yung sinabi mong mga ways kung paano ka magblock-out kaya nalaman ko kung ilan ang alter ego mo."
"You have four alters. The first one is Mario, the guardian of your system. Bukod sa sarili mo, siya ang nagpapanatili ng calmliness ninyo. Katulad ng kalimitang ginagawa ng guardian, iyon ang tungkulin niya. Siya yung lumalabas kapag masyado ka ng tensyonada. His duty is for you to have your piece of mind. The second one is Ria, a five year old kid. That's you when you was a kid. Yung wala pa sa utak mo kung gaano karumi at kasama ang mundo. Masayahin, walang pinoproblema, ice cream lang masaya na, she tends to bring happiness in your system. Siya ang mood creator ng system mo. Siya ang lumalabas kapag masaya ka, kapag sobrang bigat ng emosyong dala mo."
Parang unti-unting bumibigat ang loob niya sa katotohanan na kailangan niya pa si Ria para masabing karapat-dapat ang mundong 'to sa hustisya. Mayaman ka man o mahirap ay hindi mabibili ang hustisya.
Nakakalungkot malaman na sa oras na lumalabas si Ria ay yun yung panahon na sobrang saya niya, yung panahon na hinihiling kong sana kasama niya ang mommy niya. Yung mga panahon na wala pa siyang pinoproblema, simply saying that Ria is the innocence that tragedy took away from her.
"The last two were the one who had been a bad and vengeful alter egos. The third alter you have is Maria, she is the prosecutor of your system. Kalimitang wala siyang binibigay na emosyon sa mukha niya. She moves according to what she saw or heard. Gumagalaw siya at nagbibigay ng sa tingin niya ay karapat-dapat na parusa para roon sa tao."
Biglang may kumudlit na memorya sa utak niya kung saan pinipilit niya kasalanan ng babaeng Vergara kung bakit nagahasa ang anak. Naiintindihan niya na ang galit ng alter sa mga nanay dahil nga sa sariling memorya na kulang naman.
"So Maria is the one who dominates her that time?" she mentally asked herself.
"Last..."Tumigil si Doc at saka tumingin ng seryoso sa kanya. "The vengeful alter, Roxanne. She holds the trauma and experiences that you,yourself wanted to forget. Para makakuha ng biktima, she uses seduction as a weapon, she uses body as a trap. She wanted you to have a revenge towards the men who did you wrong. " Doon siya dinaga.
That name. The one who was behind all of this.
Bakit Roxanne? Alam niya ang galit nito sa mga ganoong klaseng tao pero bakit kailangan nitong mandamay ng iba na hindi naman nila sakop parehas? Hindi siya ang biktima ng mga ito kaya bakit?
"Dahil sa hinawakan mong kaso ng dalagang Vergara ay na-trigger si Roxanne na maghiganti sa mga taong may gawa no'n. She thinks that, in that parang nakabawi na siya sa ginawa ng mga iyon sa iyo."
Inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng tungkol sa apat niyang mga alters. Naroon lang nakatuon ang mga mata niya sa maliit na notebook na hawak niya.
The doorbell on her unit alarmed so she quickly get up to her bed only to see Johann who had been standing straight behind her doors. May kasama itong pulis na sa tingin niya ay itong huhuli sa kanya. Walang binibigay na ekspresyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.
Lihim siyang napangiti. She is right to know that he will be the best detective next to her. All along, she had trained the future best detective next to her.
Dahil wala itong binibigay na kahit anong emosyon ay hinarap niya sa mga ito ang dalawa niyang braso. She nod at him nung nagtatanong itong tumingin sa kanya.
"Arrest me," nakangiting pahayag niya.
She knew he is hesitant but he needs to. Hindi niya hahayaan na maging accessory ito sa crime na ginawa dahil lang sa alam nitong may kinalaman siya pero nanatiling bulag sa katotohanan.
Iiling-iling na lumapit sa kanya ang pulis na kasama ni Totoy bago siya posasan. "Inaaresto ka sa salang pagpatay ng apat na sibilyan." Habang sinasagawa ang pagpoposas ay nakatingin lang siya kay Johann na wala pa ring emosyon na makikita sa mukha. He swallowed hard and breath deeply that made her smile a bit. "Ikaw ay may karapatang manahimik at magsawang-kibo. Anuman ang iyong sabihin ay maaaring gamiting pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay may karapatan ding kumuha ng iyong tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan ay ipagkakaloob sa iyo ito ng pamahalaan. Nauunawaan mo ba ang aking sinabi?"
Marahan siyang tumango. "Aking nauunawaan."
"Good job Totoy, I'm proud of you. Your first solo mission just accomplished! Congratulations!"
"Hindi mo man ako makakasama sa lahat ng magiging achievements mo sa future ay mananatili akong nakasuporta sa 'yo. You are my greatest treasure. Ako yata ang nagturo sayo kaya sobrang magiging proud ako at nasa likod mo ko sa bawat achievements na makukuha mo." she stated on her mind.
Gustuhin man niyang isatinig ay hindi na niya ginawa. She was just there smiling brightly next to him.
Siguro ay oras ng tanggapin na hindi lahat ng kagalingan ay kailangan mong ipagyabang. Mas maganda na ibahagi ito upang makatulong sa mas nangangailangan.
Dapat niya na rin sigurong tanggapin na may papalit na sa kanya.Katulad niya ay magsisisilbi rin itong tinik sa mga halang ang kaluluwa, at nasisiguro niyang magiging isang mahusay itong detective kagaya niya
Dapat niya na ring tanggapin na siya, si Maria Elizabette Valderama, bibitaw sa tungkulin bilang detective ng ahensyang pinagsilbihan at minahal sa gitna ng kanyang kahambugan.
***
The end...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top