Kabanata XXII

Puno ng pag-iingat na hinagod ng batang Ria ang likod ng ina nang mapansin nito na ubo ito nang ubo. Marahan pa na hinaplos ng bata ang medyo may kahabaang buhok ng ina habang nanghihina itong nakatingin sa kanya.

"Mama, si Papa?" curious na tanong ng bata sa ina. Umalis ito sa pagkakaupo sa kama saka hirap na hirap sa pagbaba rito. Kumuha ang bata ng maliit na upuan para maabot ang lamesa sa kwarto ng mga magulang at makuha ang pitsel na may lamang tubig.

Ang ina naman ay masayang nakatingin sa anak, pinapanood kung paano paghirapan nito ang pagsasalin ng tubig mula sa pitsel na malaki pa sa kanya. Dahan-dahang naglakad ang bata palapit sa ina saka inabot dito ang tubig.

"Inom ka muna ng water po, Ma," bilin ng anak nang inabot ang baso kaya kinuha niya ito saka ininom ito.

Nanghihina ang dibdib niya pero kailangan niyang maging malakas para sa anak niya. Sa kalagayan niya kasi ay roon pa nalulong sa casino ang asawa, anito ay para mas mapadali siyang magpaopera kung sakaling manalo ito.

Lalapit pa sana ang anak sa kanya pero halos maapatalon ito sa gulat nang biglang bumukas ng marahas ang pinto, saka iniluwa ang asawa na wala na sa ayos ang itsura. Magulo ang buhok nito, mapula ang mga mata at mugto pa, pagkatapos ay tanggal na ang unang dalawang butones ng dress suit nito. Padabog na ibinagsak nito ang suit na itim sa sofa nila sa kanilang kwarto.

Sinenyasan niya ang anak na lumabas na,at laking pasasalamat nito nang mabilis na lisanin nito ang silid. Kahit na walang lakas, ay pinilit na tumayo ng ginang mula sa pagkakahiga saka nilapitan ang asawa na nakadukdok sa pang-isahang sofa.

"Hon," nanghihina man ay pinilit niyang magsalita.

Mabilis na kinulong ng lalaki ang babae sa kanyang mga nanginginig na braso. "I'm sorry..." mahinang saad ng lalaki. "Patawarin mo ko,hon," may isang luha na pumatak sa mata ng mister.

Sa bawat paghingi ng tawad ng lalaki ay alam na agad ng babae ang problema nito. Marahil ay kaya nalaman nila na sila ang para sa isa't isa ay dahil alam na nila kung ano bakit masaya o kung bakit masakit sa kapareha ang isang bagay. Sa pagtangis nito ay alam na agad ng ginang na wala na ang huling tsansa niyang makasama ang anak. Natalo ito sa casino gayong pinangako ng asawa na gagaling siya. Pero alam niya na hindi naman yon ginusto ng mister.

Hinawakan ng babae ang mukha ng asawa gamit ang parehong kamay saka ngumiti ng marahan. "May paraan pa,hon. Gagaling ako..."

Tumango ang lalaki habang nakasiksik ang mukha ng lalaki sa leeg ng asawang nanghihina na dahil sa sakit. "Gagawa ako ng paraan, hon."

Ngumiti ang babae sa kanyang asawa saka punong ingat na tumayo sa pagkakaupo sa sofa at dumiretso na sa kanilang kama para humiga.

Alam ng ginang na kahit anong mangyari naman sa kanya, kahit nalulong ito sa casino ay hindi nito pababayaan ang kanilang anak. Mahal na mahal nito ang bata, ang kanilang anak.

'Di napansin ng ginang na sumunod ang asawa sa kanya sa kama. Marahan nitong hinawakan ang kamay niya kaya ngumiti siya ng pilit.

"Hon, mangako ka..." Habol ng ginang ang kaniyang hininga at pinilit ang asawa na pinaupo sa kanyang tabi. "Mangako ka sa akin na aalagaan mo si Ria, kahit wala na ako ah."

Umiling ang asawa matapos nitong halikan ang noo ng babae. "No hon, gagawa ako ng paraan, makakasama ka pa namin ni Ria ng matagal."

Ngumiti na lang ang ginang kahit nahihirapan. Ayaw niyang magbigay ng negatibong emosyon sa asawa dahil mukhang puno ito ng pag-asa kaya ayaw niya itong masaktan at hinayaan ang kanyang sarili na maniwala na lang sa asawa.

Nabuhay ang pangamba sa kanyang kalooban nang magising siyang nasa isang cr. Napunta ang mga mata niya sa duguan niyang kamay kaya nangabog ang dibdib niya at mabilis na binuksan ang gripo sa kanyang harapan. Kusang tumulo ang sunud-sunod na luha sa mga mata niya habang pilit na tinatanggal at nililinis ang kamay na puno ng dugo. Kita niya sa kabila ng nanlalabong mga mata ang humahalong pulang dugo sa tubig na umaagos mula sa gripo. Nang mawala ang dugo sa kamay ay nanghihina siyang napaupo sa sahig ng cr na nakagawa ng malakas na impact at tunog.

Her hands are shaking while her eyes settled on them.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit? Kulang pa ba ang lahat ng pahirap sa akin? that question kept bugging her while she was looking at the floor.

"Roxanne!" humahangos na binuksan ng Ninong niya ang pinto at nadatnan siyang nakasalampak sa sahig.

Umiling siya habang nakatingin rito, basang-basa ang kamay, ang mga luha ay hindi niya na rin nagawang punasan.

"Bakit pati siya? Alam niya lahat pagkatapos ay kasama pa siya sa bawat pagpatay na ginagawa ko? He is protecting me, risking his job for me." she badly just want to elope o hindi naman kaya ay sumuko pero hindi niya alam kung paano sisimulan.

Gustuhin man niyang isatinig ang mga tanong ay hindi na niya nagawa dahil sa pagod at mga tanong na naglalakbay sa diwa niya.

Hawak nito ang isang supot na sigurado siyang mga bagay na magtuturo sa kanya bilang salarin.

Mabilis niyang pinalakas ang mga tuhod para makatayo sa pagkakaupo. Itinulak niya ito para makalabas siya at halos hindi na siya makahinga ng maayos sa nakita. Sanay na sanay na ang mga mata niya sa mga walang-buhay na katawan na nakikita pero sa isipin na siya ang may kagagawan ang hindi niya matanggap.

Hinawakan ng kanyang Ninong ang kamay niya pero tiningnan niya ito ng masama at hinila ang kamay niya sa kanya. Sinunod niyang kinuha mula sa rito ang supot na hawak niya. Ikinalat niya yon sa crime scene. Sinigurado niya na may makikitang fingerprints niya ang bawat bagay na naroon.

"Malibette ano ba?" Inagaw ng Ninong sa kamay niya ang supot pero hindi niya iyon binigay. "Hindi, hindi ka pwedeng makulong dahil wala ka namang kasalanan!"

"Ninong naririnig mo ba ang sinasabi mo?" natatawa niyang tanong rito. "Pulis ka ba talaga?"

"Pino-protektahan lang kita... Hindi mo kasalanan, anak. Kasalanan nila ang nangyari, hindi sa 'yo! Kasalanan ng mundo."

"Eh 'di linisin mo yung mundo." Nanunubig ang mga mata niya. Wala na siyang pakielam kung maging mahina siya sa harapan nito. All her life, she was always the fierce and tough Maria Elizabette, pero napatunayan niyang hindi yon totoo. Hindi siya malakas, hindi siya matatag. Dahil sinalo ng mga persona sa sistema niya ang lahat ng hindi niya kayang maalala.

She was always the proud Malibette, without knowing na wala siyang maipagmamalaki dahil siya mismo ang naglagay ng dumi sa kamay niya. Na siya mismo ay katulad ng mga taong kinamumuhian niya.

"Malibette," umiiling na saad nito.

"Ninong mali to, mali iyong ginagawa mo. Pwede kang madamay rito at ayaw ko mangyari yon... You are always be the father that I wished to have. Ikaw na lang yung mayroon ako kaya pakiusap, gawin mo yung tama... Gawin mo."

Please Ninong, sa lahat ng tao ikaw ang kaisa-isang binibigyan ko ng pansin. Minamata man kita at minsan ay sinusuway, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal kita. Gusto niyang idagdag pero ayaw niyang maging malambot. Tama na ang pagiging mahina.

Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya saka tumingin dito na nay ngiti sa labi. A genuine smile na ngayon niya lang binigay sa kaharap. "Hayaan mong imbestigahan ni Johann yung kasong 'to. I want him to be the one who will put me behind bars. Gusto kong patunayan at ipakita sa 'yo ang last achievement ko bilang detective mo. Gusto kong ipakilala sa 'yo ang taong papalit sa pwesto ko. Kaya please, hayaan ninyo siya. Huwag mong kunin ang kaso sa kanya."

She caressed his wrinkled cheeks. "I want you to be proud of me, kasi para sa akin, ikaw ang papa ko."

Naging tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ng Ninong niya saka hinawakan ang pisngi niya at pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi niya. "I am always been proud of you... Always, anak."

Ramdam niya ang sincerity nito kaya masaya siyang naglakad palabas ng unit ng ika-apat na biktima. Inisang-tingin niya pa ang bangkay saka siya tuluyang lumayo sa lugar na 'yon.

***
To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top