Kabanata XXI
"Ria, walk slowly!" Masaya at mabibilis ang bawat paghakbang ng batang babae habang pababa ng hagdan. Naroon ang kanyang ama na puno ng pag-aalala ang nata habang ang ina naman ay nakangiting naiiling sa over na pag-aalala ng asawa sa kanilang apat na gulang na anak.
Masayang sinalubong ni Ria ng yakap ang ama saka ito dumiretso aa kusina kung nasaan ang kanyang ina na abala sa paghahanda ng kanilang almusal.
"Mama!" Kinulong ng maliit na braso ng bata ang binti ng ginang kaya dali-daling binaba ng babae ang hawak na mangkok na may lamang pancake mixture saka binuhat sa kanyang braso ang anak. Nakaagapay ang kanyang asawa sa likuran ng bata kaya mabilis na binigay ng ginang ang anak sa kanyang asawa at saka pinagpatuloy ang pagluluto, hence her family walk through the table and her husband pull out a chair for their daughter to sit.
Naiiling na pinagpatuloy niya ang pagluluto ng pancake na paborito ng anak, nakapaghanda na rin kasi siya ng tipikal na almusal ng asawa. May fried rice, sunny side up eggs at hotdog na sa lamesa na kanina pa prepared. Ang pancake na lang ng anak ang kanyang niluluto dahil huli itong nagigising kaya gusto niyang mainit ang pagkain nito kaya palagi niyang hinuhuli ang pagluluto.
Nakaubos ang ginang ng labinglimang minuto para sa almusal ng anak kaya mabilis niya itong nilagay sa tapat nito.
Nangingiti at may malawak na ngiti ang ginang habang pinapanood niya ang anak na kinakain ang kanyang hinanda. Gulat pa siya nang tumayo ang mister at pinaghila siya ng upuan.
"Now, rest and eat. I'll take care for the rest." Kumindat pa ito bilang pahabol kaya natatawa siyang sumunod sa asawa.
Ang asawa na niya mismo ang naglagay ng pagkain niya sa kanyang plato bago nito lagyan ang sariling pinggan. Pinanood niya kung paano asikasuhin ng asawa ang kanilang anak at may masayang ngiti ang kumudlit sa dibdib niya.
Kitang-kita sa mga mata ng asawa na mahal nito ang anak, pati na rin siya kaya kampante ang ginang na kung maiiwan na ang dalawa ay magiging masaya lang ang buhay ng kanyang mag-ama.
Unti-unting sumisikip ang dibdib niya kung kaya't patago siyang napahawak dito. Pinipilit niyang huminga ng malalim nang hindi napapahalata sa kanyang pamilya ang nangyayari.
"Are you okay,hon?" napansin yata ng asawa na hindi pa niya nagagalaw ang pagkain kaya mabilis niyang inihawak ang parehong kanay sa kubyertos na nasa harapan para hindi nito mapansin ang nangyari.
Puno ng pagmamahal na nginitian niya ang mister at pinilit ang sariling kumain kahit na sa bawat pagnganga at paglunok ng pagkain ay kusang bumibigat ang dibdib niya.
Malamig ang buong paligid, pero kitang-kita niya ang pawis na namumuo sa lalaking nasa harapan niya at puno ng pagmamakaawang nakatingin sa kanya.
She thought that she can face him without breaking down, without memories flooding on her.
Nakapatong ang parehong magkahawak na kamay nito sa lamesa at pinilit nitong abutin ang kamay niya pero natigilan ng kusa niya itong ilayo sa kaharap. Mabilis na nanubig ang mga mata nito pero may malungkot na ngiti sa mga labi.
"Anak." Doon tumulo ang luha sa mga mata nito. Hindi siya nagpaapekto dahil hindi naman dapat siya naaapektuhan. Ngumiti ito habang may luhang lumandas sa pisngi nito. "Anak,kumusta ka na? Maayos ka ba?"
Wala pa rin siyang naramdaman ng madinig niya ang pag-crack ng boses nito habang nakatingin sa kanya. "Maayos." Tumango siya at natawa saglit. "Maayos ako noon pero nung nakita kita bumalik lahat... Lahat-lahat!"
Okay na naman siya, okay na. Kinaya niyang mabuhay ng normal pero nagkamali pala siya dahil kahit anong gawin niya babalik sa kanya ang kasalanang ginawa ng mga ito. Ang dumi ng mga halik at haplos nito sa murang katawan niya.
"Anak!"
"Hindi mo ko anak!" Hinampas niya pa ang lamesa na nakapagpaalerto sa mga pulis na incharge ngayon dito.
"Miss Valderama kaunting pagkalma lang ho!" humingi siya ng dispensa sa pulis na naalerto at saka umupo muli sa kanyang inuupuan.
Ginala niya ang mata sa paligid bago tumingin sa paligid. "Halos magdadalawang dekada na mula ng mangyari yon pero ikaw lang ang nabulok dito," mahina ngunit puno ng tensyong saad niya habang nakatingin dito. "Ikaw lang! Tapos sila nagpapakakasa! Na akala mo mga anghel na ang babait. Na kung purihin ng mga tao akala mo santo, without them knowing that those guys once ruined a child's life!" Doon tumulo ang luha sa mga mata niya habang nakatingin sa lalaking lumuluha sa kanyang harapan.
Ang sakit! Doon na siya napahagulgol habang pinipilit alisin ang masakit na parteng iyon ng nakaraan.
Doon niya napatunayan na tao pa rin siya, may pakiramdam. Yung pagmamahal na naramdaman niya sa taong kaharap ay sumisibol habang nakikita niya ang pagsisisi sa mukha nito. Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya ito magawang aluin. Nakita niya ang pagsisisi sa mga mata nito kaya siguro bahagya siyang lumambot pero hindi naging sapat yon para tuluyan siyang malunod.
"Alam mo ba na sa bawat balita na nakikita ko yung pangalan nila, kung gaano sila kabuti, kung gaano kalaki yung perang binigay nila sa isang charity, sa bawat pagtulong na ginawa nila, nasusuka ako, pero wala akong magawa kasi yung unang tao na dapat dumipensa sa akin. Yung unang tao na dapat poprotekta sa akin ay ayaw magsalita... Natatakot na magsalita at minabuting akuin lahat-lahat!"
Gustong-gusto niyang magmakaawa, lumuhod para mabigyan ng hustisya ang lahat pero ayaw niyang maging mahina sa harapan nito. Ayaw niyang makita nitong mahina pa rin siya at walang laban. Hangga't maaari ay ginusto niyang makita nito na malakas siya,na kaya niya lahat pero alam niyang hindi. Sa bigat ng dibdib niyq ay ramdam niya na malapit na rin siyang bumigay.
"A-anak, hindi ko sinasadya..." Nagtagumpay itong mahawakan ang kamay niya dahil wala na siyang lakas na ilayo ang kamay niya rito.
"Dahil sayo, naging ganito ako!" pigil ang gigil na saad niya. "Alam mo kung gaano ako kagalit sa 'yo?" dagdag niyang tanong.
"Kinailangan ko ng ibang persona para mabuhay ng normal alam mo ba yon? Kinailangan ko sila para hindi mabaliw at mawala sa katinuan na dapat hindi ko naranasan! Na dapat pinigilan mo!"
"Ria, a-"
Hindi niya ito pinatapos dahil madiin na ang pagkuyom niya ng kamao. "Hindi ako si Ria. Wala na si Ria!" pigil ang bawat paglakas ng boses niya dahil ayaw niya ng makakuha ng atensyon ng mga pulis na nagbabantay.
Mabilis ang naging paghinga niya, pinipilit na alisin ang pait na namumuo sa sikmura habang nakatingin sa ama na nakayuko lang ngayon. Hindi makatingin sa kanya.
"Pinatay mo na si Ria! Patay na siya!"
Patay na yung anak mo na walang alam sa kadumihan ng mundo, dahil yung Ria na yon, naging katulong ko lang para kahit paano makita ko pa rin ang ganda ng mundo. Kahit sandali, mawala sa akin ang lahat-lahat ng napagdaanan ko. Ayan na ang gusto niya pang sabihin kaya lang hindi na niya kinayang magsalita pa. She is trembling.
"Ria, anak. Mahal ko lang ang mama mo, mahal ko lang siya," humahagulgol na pahayag nito.
Natatawa siyang tumingin ng matalim sa kaharap. Umiling-iling pa at hindi makapaniwala.
Mahal nito ang Mama niya? Mahal? Hindi ito marunong magmahal kaya paano nito sinasabing mahal nito ang kanyang ina?
"Paano mo nasasabing mahal mo siya gayong hinayaan mong patayin siya sa harapan mo? Habang ano? Di ba habang binababoy ako? Nandoon ka! Nakatayo habang walang ginagawa!" Kinuwelyuhan niya ang ama dahil sa pangginggil niya. Hindi niya na napansin ang mabilis na pag-awat sa kanya
"A-anak!"
"Alam mo ba na galit na galit ako sa 'yo! Galit na galit ako! At kung may gusto kong tapusin niya, ikaw yon!" Pinilit niyang hulihin ang mga mata nito na nagawa niya rin ng maayos matapos ang ilang segundo. "Hindi ako makokonsensya dahil bagay sa 'yo ang kung anong gagawin niya!"
Walang naging pag-aaklas sa galaw ng ama dahil nakatingin lang ito sa kanya, nagmamakaawa. "Anak please. Hindi solusyon ang galit. Maawa ka!"
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top