Kabanata XX
Wala siyang pakiramdam nung mga oras na yon, nakaupo lang siya sa kama habang pilit na hinahaplos ni Doctor Agustin ang kamay niya, iyon kasi ang ginagawa nitong pagpapakalma sa oras na umaatake ang panic attacks or traumas niya kahit pa noon.
Her mind was clouded on how she do wrong or paano siya nakarating sa kinalalagyan niya ngayon? She was so sure that she was only searching for justice that prevails at the victims.
Napatingin siya sa pinto ng condo unit niya nang biglang bumukas iyon at nakita niya ang Ninong niyang humahangos na lumapit sa kanya. Tinignan niya si Doc at nakita niya ang bahagya nitong pagtango kaya napabuntong-hininga na lang siya at hinayaang lumapit ang Ninong sa kanya. Marahan at puno ng pag-iingat nitong binitawan ang kamay niya at pinalitan naman ng maiinit na palad ng kanyang Ninong. Siya naman ay nakatingin lang sa lalaking pumalit sa doctor niya, 'di niya masabi kung ano ang ekspresyon na mayroon sa mukha niya pero alam niyang hindi maganda yon dahil ramdam niya ang pananantsa nito nang tuluyan nang lumapit sa kanya.
Nang marinig niya ang pinto ng kwarto na bumukas ay nabalot ng katahimikan ang buong silid. Tanging aircon lang ang naririnig niya at marahil ganoon din ang kanyang Ninong. Ni hindi niya maramdaman ang lamig na mula rito dahil sa oras na to ay naka-focus siya sa maliliit na galaw ng lalaking kaharap niya.
"I should order Johann to stop the investigation, alam ko na malapit na siya sa katotohanan at hindi pwede yon."
Sa lumabas sa bibig nito ay alam niya na agad na tama ang hinala niya na alam nito ang tungkol dito. Na alam niya kung sino si Roxanne? Si Ria o kung ano pang pagkatao ang mayroon sa kanya.
"So alam mo?" May isang butil nang luha na tumulo sa mga mata niya habang nakatingin siya sa kaharap.
She can't believe watching him nodded a bit. Ito lang ang kaisa-isang lalaki pinagkatiwalaan niya, kilala nito ang buong pagkatao niya,alam nito lahat ng tungkol sa kanya pero itong parte ng sarili niya na hindi niya alam ay alam nito.
"Ninong paano mo nagawa yon?" asar na tanong niya. "You knew I was the killer yet you are protecting me, all this time? Bakit?"
Kasi kahit kaylan hindi niya maiintindihan. His motto was always been work and responsibility over other things, kaya nga hindi na sila nakabuo ng anak ng kanyang Ninang dahil sa takot nito na hindi maibigay ng buo ang oras nito para sa pamilya.
Hindi ito sumagot yet his eyes tells her all the emotion she wanna feel. She forgot to feel.The love, admiration, passion of a father to his daughter. Lahat yon nakikita niya sa mga mata nito kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Pinagsaklop ang mga palad niya at nilalaro ang mga daliri roon.
"All this time, you knew. Alam mo ba ninong ang pwedeng mawala sa 'yo dahil nag-protekta ka ng kriminal?" maliit ang boses na tanong niya, siguro ay nawawalan na rin ng lakas para magsalita.
"You are not!" ramdam niya ang pagtitimpi nito nang sinabi nito ang mga salitang yon pero nilabanan niya ang sakit at sinimulang titigan ito sa mata.
"I am! Pinatay ko sila! I used my hand to seek for justice." Iyon ang hindi niya matanggap. All she wanted, is to put the suspects behind bars through her investigation, iyon ang ginusto niya mula umpisa kaya hindi niya maatim na nilagay niya sa sarili niyang mga kamay ang batas para ano? Para makapaghiganti? Sa ginawa ng mga ito sa bata?
"You are not! Your alter killed them, hindi ikaw!" pinipilit nitong isiksik sa utak niya ang lahat pero blangko na siya sa lahat.
Umiling-iling siya at tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa kanya. "Kahit na anong sabihin mo kamay ko ang nabahiran ng dugo nila!" Pinakita niya ang mga kamay niya rito habang nanginginig ang mga 'to. "Ang mga kamay na 'to ang pumatay sa kanila!"
Bahagya nitong ginulo ang buhok na bahagya ng namumuti pero nakatingin pa rin sa kanya
"Hindi mo alam, wala kang alam at hindi nila malalaman ang mga yon!" Kitang-kita niya ang frustrations sa mga mata nito.
Tiningan niya ito nang 'di makapaniwala. Isa ito sa matatapat na taong kilala niya, kaya paano nito natatalikuran ang trabaho nito para lang sa kriminal na katulad niya? Kaya niya ito pinagkatiwalaan dahil sa pagiging tapat nito sa sariling tungkulin yet, bubungad sa kanya 'to.
Di siya makapaniwalang tumingin dito saka napagpasyahang tumayo. Unti-unti ay nararamdaman niya ang konting pagkahilo kaya mabilis ang naging paghakbang niya papuntang cr. Muntik pa siyang matapilok pero buti na lang ay malakas ang balance niya at hindi tuluyang nabuwal.
Puno ng rahas niyang sinara ang pinto ng cr saka tumukod ang mga kamay sa gilid ng lababo. Hindi niya mapigilang tumingin sa salamin habang may ngisi sa kanyang mukha. She was trying to fight the urge of smiling creepily on the mirror. Parang nawala ang lakas niya at nawala rin ang kontrol sa sarili. May kakaibang kislap ang mga mata niya habang may nakakatakot na ngisi, sinubukan niyang alisin pero pati yata muscles ng mukha ay hindi nakikinig sa kanya. She felt dissoriented habang nakatingin sa salamin.
"Ano ba mapapala mo sa oras na ipakulong mo ang sarili mo?" pati yata bibig niya ay hindi niya makontrol. Nanginginig na ang katawan niya pero hindi niya magawang magbaba ng tingin sa salamin. "Wala naman 'di ba? Magiging kahihiyan ka lang sa ninong mo at pati sa sarili mo? " may nakakatakot na tawa ang sumunod sa maangas ngunit may natural na landi na boses.
"Ginanti ko lang yung walang muwang na bata! Yung bata na tinapos yung sarili niyang buhay dahil pagod na pagod na! Gusto mo rin naman silang gantihan 'di ba? Kaya ako na ang gumawa!? Ako na kasi mahina ka! Mahina ka at hindi mo kaya!" Nanlalaki ang matang saad niya sa sarili. Tinuro niya pa ang sarili mula sa salamin. "Mahina ka! Batas ang pinapairal mo gayong 'di na kaya ng batas baguhin ang kademonyohan nila!"
"Hindi!" sa wakas ay nasagawa niya nang isatinig ang nais niyang sambitin. "Kahit kaylan hindi magiging kahinaan kung susunod sa batas at hindi ilalagay ang mga ito sa sariling kamay!" Iyon ang natutunan niya bilang detective police. Kahit kaylan ay hindi masama na maging tuwid na sumunod sa batas kahit na alam mong basura na ang mga iyon dahil alam kong parte pa rin ito ng paggalang sa bansa. Sa bansa na tinirhan niya kasama ang taong nagparamdam sa kanya ng pagmamahal. Ang taong unang nagtiwala. "Kahit gaano kadumi ang batas ay kailangan pa rin nating magtiwala sa mga namamalakad dito!"
Wala sa kontrol na narinig niya ang sariling halakhak nang ilang segundo saka muling nagseryoso ang mukha at nanlalaki ang mata na dinuro muli niya ang sarili. "Ang sabihin mo mahina ka! Wala kang ibang kayang gawin kung hindi sumunod sa bayad na batas ng bansang 'to! Sa tingin mo sino ang kikilos at maniningil sa mga taong halang ang kaluluwa? Sa mga taong naninira ng puri ng mga babae? Sa sumisira sa kinabukasan nila gaya ng nangyari sayo?"
Doon na siya tuluyang nawalan ng lakas. Sunud-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya habang nakatingin pa rin ng matapang sa sariling repleksyon. Nanghihina na ang mga binti niya na parang noodles na sa lambot dahil sa nadidinig niya.
Pinipilit mang labanan ng utak ko ang mga binabatong ala-ala ay kusang tumatapon iyon at kumakalat.
Kusang bumabalik ang alaala na iyon na pinipilit niyang binabaon sa limot. Hindi. Hindi na pwedeng bumalik ang ala-alang yon. Hindi.
Hindi na siya babalik sa pagiging baliw, sa 'di makausap ng maayos. She just want to serve justice pero bakit ang hirap?
Ang hirap-hirap!
"Ano nga ba ang nangyari sa kanina? Hindi ba patuloy na rumagasa ang mga kabutihan na ginagawa nila, tuluyang nabaon sa pera nila at pagtulong ang pambababoy nila! Ang maruming ginawa nila at ang ginawang pagpapatay sa taong unang nagmahal sa 'yo!" Nanginginig ang mga kamay na nakaturo ito sa sariling repleksyon. Tiningnan niya ang sarili sa galit na paraan pero nilabanan niya ang takot dahil ayaw niyang makagawa na naman siya nang masama sa oras na tuluyan itong maging dominant ngayon.
Tama nga ito! Sa tagal na ng nangyari sa kanya ay nanatiling nasa mataas na estado ang mga nangbaboy sa kanya. Nasa rurok pa rin sila ng tagumpay at masayang nilihim at tinapalan ng pera ang mga nagawang kasalanan. Pero hindi eh, mali pa rin ang pumatay kahit na anong dahilan. Kaya nga siya nag-aral at naging detective para mag-imbestiga at makapagbigay ng sapat na hustisya. Hindi iyong siya mismo ang gagawa ng sariling batas dahil kahit na anong dahilan, alam niyang mali iyon.
Maling-mali.
***
To be continued ...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top