Kabanata XIX
Mabigat ang dibdib na bumangon siya sa kama, napatingin siya sa maliit na kalendaryo na nakapatong din sa bed side table at agad niyang ng nalaman kung bakit.
It's the day of the year. Yung araw kung saan nawala sa kanya ang lahat, nailigtas man siya sa kademonyohan ng sarili niyang tatay ay nawala ang pinakaimportanteng tao para sa kanya.
Kaya mabilis siyang tumayo saka inayos ang kinahihigaan, habang naghahanda ay kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang Ninong. Mabilis niyang nagtungo sa cr nang mai-loudspeaker niya ang cellphone.
"Hello, " she heard his voice on the other line.
"Ninong," she shouted para madinig nito. Nagsisipilyo siya kaya tinigil niya muna ang pagba-brush para makapagsalita.
"Yes Malibette?"
"Di muna ako makakapasok ngayon." Iniluwa niya muna ang bula saka muling sumigaw.
"Oh I see," bihira lang kasi siyang mag-ask ng leave at kung mag-leleave man siya ay alam nito na dadalawin niya lang ang kanyang ina. "It's her death anniversary afterall."
Tumango siya kahit na hindi siya nito nakikita. Hinugasan niya ang hawak na sipilyo saka lumabas ng cr at pinatay ang pagkaka-loudspeaker bago inilagay sa tenga niya ang cellphone.
"Baka dumalaw rin kami sa kanya mamayang hapon ng Ninang mo pagkalabas ko ng opisina."
Kahit na alam niyang mag-ex ang dalawa ay naging maayos ang paghihiwalay ng mga ito at naging kaibigan pa ng kanyang mommy ang naging asawa ng Ninong na si Ninang Pinty kaya nung namatay ang ina ay hindi nagdalawang-isip ang kanyang Ninong na kupkupin siya sa tulong na rin ng panunudyo ng Ninang.
She smile automatically. "Okay 'Nong, tumawag lang ako kung sakaling hanapin ninyo ko."
Papatayin niya na sana ang tawag pero pinigilan nito. "Wait!"
"Bakit?"
"May lead na ba sa kaso na hawak ni Johann?" Doon nawala ang lahat ng ekspresyon sa mukha niya. Natahimik ang kabilang linya, nanantsa.
She don't know kung may kinalaman ang Ninong niya sa lahat ng nangyayari. Kung may alam ba ito sa totoo at posibleng kilala nito ang Roxanne na tinutukoy ng mga witness.
"Hindi ko alam, di ba sinabi ko ng hahayaan kong si Johann ang lumutas non." She massage her forehead dahil nakaramdam na naman siya ng pagkahilo.
Hindi niya pa rin alam kung tamang pagkatiwalaan ito ssa lahat ng 'to. Pwede rin kasing may kinalaman ito at hindi rin niya pinagkakatiwalaan.
"Okay,just want to know if you have lead already."
Bakit? May alam ka ba at tinatago?
She wanna asked that but her mind is blocking all the thoughts ans bravery to asked. Alam niyang tapat ito kaya siguro iyon na rin ang pumipigil sa kanya sa pagtatanong. Ayaw niyang masamain nito.
"Nothing, just the name Roxanne for the main suspect,"malamig niyang sambit nang manahimik na naman ang kabilang linya.
Hindi niya gusto ang nararamdaman kaya huminga siya ng malalim bago tinuwid ang tayo niya at humarap sa malaking salamin sa cr. Kitang-kita niya ang walang emosyong mga mata at maninipis na labi. "Tell me the truth Ninong, perhaps, do you know a woman who is under that name?"
May namumuo ng kasagutan sa isip niya pero gusto niya na marinig mula sa kausap. Baka naglakamali siya o kung tama ang hinala niya, mas lalo niyang mararamdaman ang pagkamuhi niya sa sariling ama.
"Wala."
She puckered her lips before pressing it to one another. "Okay, gotta go. Mag-aayos pa ako."
Nang mapatay niya ang tawag ay napahawak ang dalawang kamay niya sa maliit na lababo meron ang cr saka tumingin muli sa salamin sa kanyang harapan.
Habang nasa ilalim ng shower at binabasa ang sarili ay titig na titig siya sa sahig na parang anumang oras ay mawawala ito, unti-unting bumalik sa kanya ang lahat, mula sa ginawa ng mga ito sa kanyang Mommy,ang panggagahasa ng mga ito sa nanay niya habang nanonood lang ang demonyong yon kung paano ito babuyin, ang pagkakabaril nito sa harapan niya, ang huling mainit na yakap nito sa kanya, ang pagliligtas sa kanya ng Ninong at ang kagustuhan niyang bigyan ng hustisya lahat ng krimen na lumalaganap sa walang hustisyang bansang 'to.
She take her time in bathing saka lumabas ng maging okay na ang pakiramdam. She wore her usual outfits pero nangunot ang noo niya nang makitang kakaiba sa walk-in closet niya. Sa likod kasi ng nakahanger niyang mga damit ay may drawer pa na naroon na parang sinadya para itago. Mabilis ang ginawa niyang paghawi sa mga damit na nakahanger sa parteng yon at nang mawala na ang mga 'yon ay kitang-kita ng dalawang mata ang tatlong drawer na pumupuno sa may katangkaran niyang damitan.
She opened the first drawer, ang pinakababa at ganoon na lang ang panginginig ng kamay niya nang makitang cosmetic products ang lahat ng yon, hindi lang cosmetic products kung hindi may mga wigs pa na iba't ibang kulay at ikli. Nanginginig ang mga kamay niyang
kinuha ang isang wig at pinakatitigan.
Why on earth she have this? Hindi niya matandaan na bumili siya ng mga ganoon dahil wala siyang hilig sa mga ganoon at hindi rin siya marunong. Nawalan siya ng oras nung idinedicate niya ang lahat ng oras niya sa pagresolba ng kaso.
Nangangatal man at walang tumatakbo sa isip ay maingat niyang binaba ang wig sa dati nitong lagayan at binuksan ang pangalawang drawer. Ang namumula niyang mga mata ay mas lalong nanlaki at naging sunud-sunod na ang pag-agos ng luha sa mga mata nang makita niya ang maraming revealing and sexy clothes ang nakasalansan ng maayos doon. May mga skirts, dresses, tubes, halters, halos lahat ng damit pambabae ay naroon gayong hindi niya hilig ang mga iyon.
Ngayon ay nagtagpi-tagpi amg lahat sa kanya. Her psychiatrist said that she will have a thing that will cope up with her traumas, ang memories na nawawala, ang pagkakamakalimutin niya, ang pagtawag sa kanya sa ibang pangalan. Now, that's make sense.
Unti-unting nag-sink in sa kanya ang lahat. Hindi siya pinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang nangyayari. She read some books about mental issues para makatulong kung sakaling may mga tao siyang makasaluha na may ganoong kalagayan.
Nanginginig niyang inabot ang cellphone niya at hinagilap sa contacts ang number na kinalimutan niya na.
It rang twice before someone answer it. "Ria," doctor Agustin"s voice.
"Doc,"nanginginig niyang sambit.
Nasa dress pa rin ang mga mata niya, habang iniintay na magsalita ang nasa kabilang linya. Ramdam nito yata ang tensyon sa boses niya kaya napabuntong hininga ang nasa kabilang linya. "I'll go there. Nasaan ka?"
"Nasa condo," sagot niya bago nito pinatay ang tawag.
Hindi niya alam kung anong ginawa niya nung oras na mamatay ang tawag. Pero sinubukan niyang lakasan ang loob at tiningnan ang ikatlong drawer, yung pinakamataas. Kinailangan niya pang tumingkayad para mabuksan iyon at maibaba.
At doon na siya nanlumo sa nakita, her eyes settled on the pictures and bloody items on it. May mga langaw ang nakulong doon dahil na rin sa maruruming mga bagay na naroon. Mga natuyong dugo, nga nasunog na di niya alam kung ano. Pero may mga litrato na nakakalat sa drawer na iyon.
And there she saw different bloody bodies that was lying on the floor, lifeless. Iba't ibang lalaki man ay alam niyang na mukhang di gagawa ng maganda ang lahat base na rin sa kanilang itsura pero hindi dapat ganito. Hindi makatao ang ginawang parusa dahil hindi sagot ang kamatayan sa kahit na anong krimen ang ginawa.
Though she know she was heartless, but she never dream to kill a suspect. Hindi niya gusto na ilagay sa kamay niya ang batas pero hindi ganoon ang nangyari.
Bakit siya may ganito?
Hindi niya alam kung anong posisyon niya naabutan ni Doc pero narinig niya pa ang mahihina nitong pagmumura bago siya inalalayan palabas ng damitan niya.
Pinaupo siya nito sa kama pero wala pa rin sa huwisyo ang isip niya. Nasa kawalan pa rin ang mga mata hanggang sa abutan siya ng tubig ni Doctor Agustin. Unti-unti ay bumalik sa kanya ang lahat. Never she imagine to see something like that. Oo sanay na siyang makakita ng dugo, ng walang buhay na katawan pero hindi sa ganoong paraan.
"What really happened?" dahan-dahang tanong nito, sinusubukan kung ayos lang siya.
Umiling siya bilang sagot. Hindi niya alam. Hindi niya alam kung ano ang nangyari.
He sighed and gently massage her palms to calmed her. Nagbigay ng ginhawa sa paghinga niya ang ginagawa nito. Wala sa sariling pumatak ang luha sa mga mata niya.
"Dadalawin ko lang sana si Mommy ngayong araw. Finally, after so many years, kaya ko na siyang harapin na hindi sinisisi ang sarili ko kung bakit siya namatay ng maaga. Finally, I realized that it's just a part of her being my mother. Pero kasi nitong nakaraang araw parang hindi ko na kilala yung sarili ko."
"What do you mean? Paanong hindi mo kilala?" marahan at magaan ang boses nito na ayaw na ayaw niyang ginagamit nito sa kanya dahil pakiramdam niya ay pasyente na naman siya pero hindi niya na isinatinig dahil hindi niya na kayang makipagtalo.
"Palaging nagb-black out when I heard or feel something. Kunwari may mga nag-uusap tungkol rape, feminism, harassment, chidiah things o hindi kaya nap-pressure na ako sa trabaho,bigla na lang magba-black out. Then funny how I imagine that someone is working for me," natatawa niyang simula.
"Alam ko na makakalimutin ako, hindi ko maalala yung mga certain events and certain activities that I had. Then, makakatulog ako alam ko, pero paggising ko tapos ko na ang trabaho. I mean, naka-encode na lahat ng posibleng suspects at ang tamang suspect ay nakasulat na. Kaya nga naisip ko na nandyan si Mommy at may guardian angel ako.Hindi ko alam kung sadyang naapektuhan yung utak ko sa nangyari o sadyang makakalimutin lang ako,I thought it is just a minor. Pero kasi may mga places akong napuntahan na parang familiar sa akin pero wala akong maalala na napuntahan ko yong lugar na yon kahit sa panaginip. Then, nitong mga nakaraan. Di lang yon, alam mo yung feeling na dissoriented ka, yung magigising ka tapos igagala mo yung mata sa paligid mo tapos magtataka ka kung bakit ka nandoon. Tapos, minsan magigising ako na parang pagod na pagod, though wala akong maalqla na ginawa kong mabigat ng araw na yon.Tapos,nag-grocery ako may babaeng tumawag sa akin, Ria. But I am not Ria, I am Malibette kaya nakagawa ako ng pag-aaway sa grocery store na yon. Hindi ko alam, papalampasin ko na baka napagkamalan lang akong ibang tao pero yung maulit ng pangalawang beses at pangalan pa ng taong posibleng hawak namin, parang hindi ko na kaya. Kita ko sa mata niya yung takot nung tinawag niya ako sa pangalang yon, parang siguradong-sigurado siyang ako yon." Tumingin siya sa mukha ni Doctor Agustin pero nanantsa ang itsura nito. Alam nito ang lahat sa kanya. Kung may tao siyang pinagkakatiwalaan bukod sa kanyang ninong ay itong taong ito yon. Ito yung naging doctor niya nung nakuha siya ng Ninong, they said that she needs psychological treatment sa traumas niya.
Umiling siya sa harapan nito habang hilam ang mga mata. Sa lahat ng taong kilala niya, bukod sa Ninong ay ito lang ang nakakita ng totoong kahinaan niya. He was like her brother that knows her better than she know herself. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin kung sakaling tama yung hinala ko."
He took a deep breath and puckered his lips. "Kailangan mong maging malakas, kailangan mong tanggapin kung ano man ang kalalabasan ng mga test na gagawin ko sayo, okay?"
"Test? Na naman? Hindi ba magaling na ako? Hindi ba sabi mo wala na akong trauma?"
Parang nahihirapan itong sagutin siya kaya hinawakan nito ang parehong kamay niya, pampakalma pero sa ngayon, kahit na anong gawin nito ay parang sasabog siya.
"Doc! Hindi ba wala na? Hindi ba magaling na ako?"
"Hindi ko masabi, okay ka na nung nakaraang nakita kita. Pero hindi ko kontrol yung isip ko, kasi base sa narinig kong sintomas at sa dami nito na naayon doon, ay posibleng DID positive ka."
Umagos ang masaganang luha sa mga mata niya. Kahit na alam niya ang posibilidad na iyon nga ang nangyayari sa kanya ay parang may bomba pa rin na sumabog sa harapan niya.
That single bomb completely wrecked her to death.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top