Kabanata XIII
Nag-aagaw pa lang ang araw at dilim ay tinahak niya na ang opisina gamit ang kanyang motor. Pumapagaspas ang malamig ma simoy ng hangin sa kanyang balat na hindi niya naman iniinda dahil sa suot niyang lether jacket.
Maaga niyang naisip na pumasok dahil kailangan niya rin mangalap ng impormasyon ukol sa nasabing pagpapakamatay ng biktima.
Posible nga bang suicide ang nangyari o may mas malalim pang pangyayari? Pwede rin kasing pinatay ito para patahimikin sa mga sinasabi ng dalagita. Marami man kasing naniniwala sa tatay nito ay may mangilan-ngilan na sumusuporta at naniniwala sa musmos.
Didiretso siya sa lamay ng bata at doon magmamanman ng mga kilos. Posible kasing kumpleto roon ang mga maaaring suspects para di ang mga paghinalaan.
Mabilis ang nagawa niyang pagpadyak sa stand ng motor nang nagawa niya ng ihinto ito sa 'di kalakihang bahay pero masasabi niyang maayos at maganda,sakto sa isang pamilya na naninirahan doon.
She scanned the whole place, nakita niya roon ang mga teenagers na nakasuot pa ng pang-eskwela. Pare-parehas ng uniporme ang mga ito kaya sa tingin niya ay ang mga kaklase o kaibigan ng biktima sa paaralan.
Nakangiti siyang lumapit sa mga ito at agad namang natigil sa pag-kekwentuhan at napaayos ng tayo.
She cleared her throat and lifted her hand to wave at them. "Hi," nakangiti niyang saad.
Nag-aalinlangan na tumango at ngumiti pabalik ang babae na nasa gitna na nakapigtails ang buhok. "Hello po. "
Tumingin siya sa loob at tumuro sa loob. "Kaibigan ninyo ba siya?"
Tumango ulit ang naka-pig tails, bakas ang lungkot at panghihinayang sa mga mata nito. "Opo."
"Alam n'yo ba yung mga nangyayari sa kanya bago s'ya nagpakamatay? May alam ba kayo kung ano yung posibleng dahilan noon? "
The girl in the yellow bagpack nodded her head, pero pagala-gala ang mga mata nito tila takot.
She tapped her shoulders and smiled at her. "No worries, ako bahala."
"Eh kasi po si Kyla,pag nasa school po siya sobrang saya n'ya,ayaw na ayaw n'ya sa bahay nila pero wala s'yang magagawa pag tapos na ang klase."
"Bakit daw ayaw niya sa kanila?"
"Lagi raw po kasi siyang pinagsasamantalahan ng mga kaibigan ng papa niya."
Her hand clenched as she heard the girl's trembling voice.
"Hindi ba nagbago yung tingin ninyo sa kanta nung nag-kwento siya ng ganoon?"
Malungkot na umiling ang tatlong estudyante.
The girl in her straight hair said,"imbes na pandirihan siya, minsan kami ang gumagawa ng palusot kay tita para mag sleep over sa bahay namin o nila." Turo nito sa dalawa.
"Tita?"
"Opo, minsan kasi hindi umuuwi si tita kaya mas doble ang ginagawa sa kaniya."
Kung ganoon ay may nangyayari pa rin kahit na nasa bahay lang ang ginang? Nasasalisihan pa rin kaya ito? Bakit hindi na lang nito bantayan ang anak 24/7 kung ganoon ang nangyayari? Hindi ba nito talaga alam o wala siyang kaalam-alam na nasasalisihan pa rin ito?
"Close ba sila ng mama niya?"
"Opo, sobra po pero..." Huminto ang naka-pig tails at hindi alam kung itutuloy pa ang sasabihin.
"Pero?"
"Pero hindi niya alam kung dapat ba pagkatiwalaan pa ang mama n'ya?"
Nangunot ang noo niya at may namumuo ng pawis sa kanyang noo dahil sa init. Mataas na rin kasi ang araw sa pwesto nila. Kita niya rin ang pawis ng mga estudyante pero wala itong pakielam doon.
"Pero? "usisa niya.
"Pero nagbago ang tingin niya sa mama niya nung narinig niyang kausap nito ang papa niya tungkol sa problema niyang 'to. Narinig daw niyang nagsalita si Tita na gagawa ng paraan para mapahinto siya."
Mas dumoble ang kabog ng dibdib niya Magkahalong pagtataka,sakit, pagtatanong ang nararamdaman niya
Why the heck she would talk to his husband about plans to stopped her lives?
She smiled at them. Tinapik niya ang braso ng bawat isa nang makita niya ang nanay ng biktima na palapit sa kanya habang nakangiti.
Bago pa ito makalapit sa pwesto ng mga bata ay siya na ang humakbang palapit dito.
She walked next to her to enter the house. May iilang tao na naroon na pawang nakaputi. May iilan pang may dala-dala ng tray ng mga pagkain.
Lumapit ito sa kabaong ng anak, sumunod siya at saka tinignan ang biktima na tila natutulog lang suot ang puting bistida. Mapayapa na ang mukha nito kaya napangiti ako.
Atleast, she finally at ease. Wala ng mga taong mangungutya o manunukso sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para mapagbayaran ng papa mo ang lahat ng kasalanan n'ya sayo. Gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan mo," she said, talking to the girl.
She scanned the whole room, wala naman siyang napansin na kahina-hinala kaya 'di rin siya makaporma. Hindi niya pa rin magawang maalis ang atensyon niya o presensya sa ginang dahil baka makahalata.
Pero naagaw ang atensyon niya ng lalaking nakabusiness suit na pumasok sa loob ng bahay. Mabilis na lumapit ito sa ginang at hinalikan ang pisngi nito.
"Kumusta rito?" masuyong tanong nito sa kaharap.
Misis Vergara just smile sadly at him. Humarap ito sa kanya at sinenyas na lumapit siya ng mas mabuti kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto nito.
"This is Armando Vergara, my husband," di niya alam kung nagkataon o sinadya ang pagkakadiin sa pagpapakilala roon pero basa niya sa kilos nito ay pinaghihinaan nito na ito pumatay sa anak kung hindi nga suicide ang nangyari.
Bumaling siya sa lalaki na katabi ni Mrs. Vergara. She smiled and extented her right hand for him. "Miss Maria Elizabette Valderama,detective," simpleng pagpapakilala niya.
Agad nangunot ang noo nito at humarap sa asawa. "Detective?" parang kinukumpirma pa mula rito ang naging sagot niya.
She nervously nodded. "B-baka kasi t-tama rin n-na may ibang butas ang k-kaso, " she uttered.
"Hindi ka na naawa sa anak mo!" galit na pahayag ng lalaki. "Pagod na pagod na siya tapos ganito pa ang gusto mong mangyari! Tapos ano? Kapag lumabas ang totoo,pag-uusapan lamg siya ng mga tao at sasabihan ng kaawa-awa."
Imbes na sumagot ay nag-iwas lang ng tingin si Mrs. Vergara, walang balak magsalita o sumagot sa asawa kaya bumalik sa kanya ang tingin ng lalaki. Malamig ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya kaya sinuklian niya ng kaparehas na intensidad.
She smirked. "Bakit parang takot na takot ka yata sa pag-iimbestiga ko tungkol sa anak mo?" maanghang na tanong niya. "May tinatago ka ba?"
Hindi makapaniwalang tumingin ito saglit sa asawa saka sa kanya bago umiling. "Bahala ka sa kung anong gusto mo, basta siguraduhin mong makuha ang sagot na gusto ko at totoo."
Kumulo ang dugo niya kaya mas kumuyom ang kamao niya habang nakatingin sa maangas nitong mukha.
Wala naman siyang pakielam sa kung ano ang sasabihin nito, kung gusto nitong makakuha ng sagot na magugustuhan, ay siguraduhin nitong wala itong kinalaman sa pagkamatay ng anak dahil titiyakin niyang hindi nito gugustuhin ang mangyayari kung sakaling mayroon man.
Pero sa nakikita niya ngayon, imposibleng wala itong alam. Wala siyang tiwala sa mga tatay na may bisyo at ngayong nakita niya ito sa personal ay mas lumakas ang kutob niyang may alam o kinalaman ito sa kaso ng anak. Ang kailangan niya lang ay siguraduhing tama at walang palya ang nalalaman niya.
She stalked in front of him, taas-noo siyang tumingin sa ginoo saka tumaas ang isang sulok ng labi habang nakatingin dito. "You don't do that on the person whose finding the real culprit on your daughter's death dahil kung may kinalaman ka sa pagkamatay ng anak mo, sigurado akong hindi mo magugustuhan ang makukuha kong sagot." Bumaling ang mga mata niua kay Mrs. Vergara nang may inabot dito ang nakatiklop na intermediate paper. She raised a brow on her but she refused to looked back that's why she snatched the paper on her hand.
Mabilis niya itong binuksan saka umisang tingin muli kay Mrs. Vergara. "What's this?"
"S-she left me with that n-note only." Naglabas na ng sunud-sunod na luha ang mga mata nito habang nakatingin lang sa kabaong ng anak. Nanatili silang nakatayo sa tapat noon. Si Mr. Vergara naman ay masamang tiningnan ang asawa saka naglakad palabas ng kanilang bahay.
"Do you believe that Mr. Vergara also took advantage on her?" she asked coldly. Iyon kasi ang nakasulat sa liham. Hindi na nito kaya ang ginagawang pambababoy ng daddy nito at mga kaibigan ng ama sa kanya kasama na ang mga nakaschedule na araw ng pagdating ng mga kaibigan nito, so she decided to took her life instead, to stopped and rest in peace. Bukod sa pangalan ng ama ay may nakasulat pang lima pang pangalan kasunod ng haligi ng tahanan. That letter serves as confession letter on how she suffered on their hands.
Hindi sumagot ang ginang kaya saglit na tumingin ulit siya rito. Mabilis na nagpapahid ito ng luha sa mga mata niya, doon pa lang ay naawa na siya sa ginang. Losing a daughter hurts like hell especially when you can save her but you don't have a chance to save her.
Kusang nagtatangis ang bagang niya pero kailangan niyang kalmahan. Hindi siya maaaring gumawa ng disisyon kung hindi pa tapos ang imbestigasyon. Hindi siya maaring magparusa kung wala pang napapatunayan.
At that thought, she sighed to calm herself . She need to be calm in order to think straight. Hindi maaaring mawala ang kasong ito sa kanya, dahil alam niya na kapag napansin ng kanyang Ninong ang pagkaka-frustrate niya about dito ay ibibigay nito sa iba ito at hindi niyqyun hahayaang mangyari.
This case and the little girl needs justice and god knows she can give that justice in any instance. Hindi niya sinasabing hindi mabibigyan ng hustisya kapag hawak ng iba, ang sa kanya lang ay mas kaya niyang bigyan ito ng walang kahirap-hirap.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top