Kabanata X
Her forehead creased and her eyes narrowed habang nakatingin sa laptop niya. She is at the office, balak niya kasing mapabilis ang Class B case na hawak niya kaya inagahan niya na ang pagpasok para mas makapag-isip.
Tahimik ang buong paligid dahil malamang ay siya pa lang ang naroroon. Si Mang Dani naman na unang-unang pumapasok dahil ito ang tagalinis ng buong ahensya ay wala pa rin.
What the hell is this? Kelan niya to inin-code? She scroll the whole article up and read nonstop until the very last word written on it.
Naroon ang kaso at nakuhang information sa kaso na hinahawakan niya.
Tama rin ang naging hinala niya na ang misis ng biktima ang salarin ng pagnanakaw at inilalagay lang sa banko na charity na hawak nito para roon kunin ng pasimple. Ang alam ni Mr. Aguirre ay sa charity napapasok ang pera pero sa sobrang katandaan nito ay palagi na rin itong nakakalimot kaya tama rin ang sinabi ng babaeng empleyado ng bangko. Sa edad ng ginoo ay maaaring hindi na ayos ang utak nito o may mga alaala na ito na nakakalimutan.
Ginawa naman yong rason at tyempo ni Mrs. Aguirre sa asawa para makuha ang yaman nito pero sadyang malas ito at nahuli nga lang.
Nakakagulo pa ay naka-last save ito ngayong araw. How come it happen? Hindi niya alam kung matutuwa siya o ano dahil ang kaso na akala niya ay nangangalahati pa lang siya ay tapos na pala at wala na rin pala siyang aabalahin ngayon hanggang sa may ibigay na ipapagawa ng Ninong sa kanya.
She breath heavily before resting her back. Nasa screen pa rin ng laptop ang mga mata niya kahit na patay na ang screen non. She drummed her fingers as her lips pursed.
Nagdadalawang-isip niyang tiningnan ang cellphone niya at napamaang ng makita ang date ngayon.
Ang date kasi sa phone niya ay dapat bukas pa na date. Mas lalong lumalim ang gitla ng noo niya at kusa ng tumatambol ang dibdib niya. Is it possible na may nakalimutan na naman siyang events?
Her heart started to beat erotically as her gazes never leave the screen of her phone. Kahit patay na iyon ay hindi pa rin mawala sa mata niya ang nakita niya.
She hastily and greedily get her phone, naiiling niyang hinanap ang number ng Ninong sa contact list niya pero bago niya pa ito natawagan ay pinigil siya ng pagtawag ng isang unknown number.
She clicked her tongue before answering the phone.
"Who's this?" malamig niyang salubong sa tumawag.
Nabalot ng katahimikan ang kabilang linya. Tinuon niya ang mga mata sa maliit na globo na nasnaaking harapan. Inabot niya 'yon at pinaikot-ikot sa sarili nitong axis.
"Kung wala kang magawa sa buhay mo, pwede bang wag ako ang guluhin mo," naiinis na bulyaw niya.
"A-anak!" Her heart clenched so as her hands turned into fist. Natigil ang paglalaro niya sa globo at saka nawalan ng ekspresyon ang mukha.
"Who are you?" malamig na tanong niya.
She heard a sigh from the other line before he spoke. "Anak, this is papa. "
She laughed sarcastically,kasabay ng pagbukas ng pinto ng opisina at pumasok si Totoy. She motioned him to just go to his place and he obliged. "Papa?" natatawa niyang tanong. "Sa pagkakatanda ko wala na akong ama. Matagal ng patay ang tatay ko."
He sobbed and the pain inflected on it. "Anak gusto lang---! "
"You can just shut up!" galit na sigaw niya. Ramdam niya ang pagkatinag ni Totoy sa sarili nitong pwesto at nakatigalgal na nakatingin sa kanya pero wala siyang pakielam. "Wala akong tatay, wala na!"
Padabog niyang binagsak ang cellphone sa lamesa. Itinuon niya ang parehong kamay roon at saka marahang minasahe ang noo niya. She tilted her head only to see Totoy's face inch away from her.
"What are you doing?" kunot-noong tanong niya. Pasimple siyang tumikhim at lumayo ng bahagya rito.
"Masama po yong ginawa mo, Bossma'am," komento nito.
Unti-unting umakyat ang init sa batok niya saka kusang nanginig ang mga kamay niya. "You don't know anything," malamig kong tugon.
"Pero tatay mo pa rin siya, Bossma'am. Dapat nirerespeto mo po siya." Nangunot lalo ang noo niya nang makitang pinatong nito sa table niya ang isang cup ng ice cream.
"Ano yan?" asar na tanong niya habang tinuturo yung ice cream na nakapatong sa lamesa.
He pursed his lips and scratched his nape shyly. "Kasi Boss ma'am sabi mo gusto mo ng ice cream kahapon. "Nakatingin ito sa cup ng ice cream. "Kaya po ayan...strawberry flavor po katulad ng paborito ninyo. " Turo nito rito.
She clicked her tongue and sighed. "Thank you," saad niya na lang at saka bumalik ang tingin sa globo.
"Boss ma'am sa palagay ko lang, kailangan ninyo kausapin papa ninyo," maganang saad nito habang sumubo ng ice cream.
Umiling na lang siya at saka nag-iwas ng tingin. Puno kasi ng saya ang mga mata nito pero hindi niya alam kung bakit hindi siya mahawa. "Huwag mo na lang ako pakielaman."
Natahimik ito sa kanyang harapan kaya pasimple siyang tumingin sa kausap, may maliit na ngiti sa mga labi nito. "Kasi Boss ma'am kahit anong galit mo sa kanya, tatay mo siya kaya sa tingin ko kailangan at kailangan mo magpatawad para 'di ka magsisi sa huli."
She massaged her nape and gently titled her head para magalaw ang nananakit niyang batok. "Hindi ko kailanman pagsisihan na kinamuhian ko siya."
"Bakit Boss ma'am? Sapat na ba yung galit mo para sabihin mong habambuhay mo siyang kamumuhian?"
She chuckled sarcastically. "He let me witnessed how cruel the world is at my young age. He let me witnessed how his friends molested my mother and then killed her." Malabo na ang mga mata niya nang bumaling siya sa kausap.
Nagsimulang bumalik ang masayang mga ngiti ng Mommy niya sa kanyang isip. Her heart clenched but she hardly killed that emotion. Kailangan niyang maging malakas,matapang,walang kinakatakutan para matalo ang mga sumira sa buhay niya. No one deserves to treat and killed like how her mom got murdered. Hindi na siya papayag na may isang buhay pa na mawala at hindi mabigyan ng hustisya.
Nakaawang ang mga labi nito at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya, pero lahat ng gulat ay napalitan ng kakaibang emosyon na ayaw na ayaw niyang makita.
Awa? She don't needed pity or sympathy. She needs justice. At makukuha niya lang yon kapag napagbayaran na ng ama niya ang buhay ng kanyang nanay.
"Sa tingin mo ba deserve niya pa ang tawagin akong anak at ama ko siya? Kasi ako, nung hinayaan niyang mamatay yung nanay ko ay tinanggal ko na yung karapatan yon sa kanya," malamig na bigkas niya. "Simula ng araw na yon,pinangako ko sa sarili ko na wala ng babae o kahit sino ang mamatay ng walang kalaban-laban at kung sino man ang gagawa non, sisiguraduhin kong ako ang makakahuli at magdadala sa kulungan."
"S-sorry Boss ma'am," mahina nitong paghingi ng tawad. Dinig niya ang lungkot sa boses nito pero pinatay niya na ang pakiramdam na yon.
"Huwag ka na lang makielam sa personal kong buhay dahil hindi na sakop yon ng trabaho mo."
Nahihiya itong nagtikom ng bibig saka muling iniwas ang mga mata sa kanya. She rolled her eyes and glanced at the scattered documents on her table.
Her fingers stopped from tapping as her gazed diverted on the radio that was playing. Nangunot ang noo niya sa paghagulgol ng babaeng iniinterview."Kung alam ko lang sana na mawawala na siya sa amin, sana hindi ko na siya pinapunta sa lugar na yon."
Nagkatinginan sila ni Totoy at tumango siya enyales na kailangan nilang pumunta kung saan nangyari ang krimen.
"Let's go," saad niya nang makatayo sa pagkakaupo.
Nabasa at nasumite niya na rin pala ang kaso na hinahawakan niya kaya malaya niyang gawin ang lahat ng gusto niya.
Nang makababa ang elevator na sinasakyan nila ay tumingin pa siya kay Totoy. He was busy on his phone. "According sa news Boss ma'am, ay around Taft Avenue lang daw ang condo unit kung saan natagpuan ang bangkay nung babae. Sa loob daw kasi ng cr pinatay."
"Read initial reports of it," utos niya habang nagmamaneho. Diniin niya ang accelerator para mas bumilis.
Ramdam niya ang pagkalas nito sa pagkakahawak sa kanya kaya binagalan niya ang pagmamaneho para di ito mahirapan. Naramdaman niya rin ang hininga nito sa kanyang bandang tenga. "Tessa Olivar,40 years old, owned a condo unit and lived together with her only son,Gerald Olivar. Namatayan ng asawa dahil sa sunog noong sa dati nilang bahay. She has a hobby to draw and paint kaya halos lahat ng painting display sa bahay nila ay siya ang gumawa."
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top