Kabanata VIII

The moment she opened my eyes, the vision was still blurry kaya ipinikit niya na lang ulit ang mga mata niya at marahang minasahe ang tungki ng ilong. Her eyes settled on the bed side table where her alarm clock was, kaya mabilis siyang napabalikwas ng tayo sa sariling kama nang makitang gahol na gahol na siya sa oras para makapasok pero hindi niya iyon ininda at mabilis pa rin gumayak.

Nakaubos lang siya ng halos sampung minuto sa pag-aayos at pagligo. Hindi niyq na rin pinansin ang medyo masakit niyang ngipin dahil sa pagmamadali.

Muntik pa siyang matapilok habang iisa lang ang paang naglalakad sa kanya dahil hinahakbang niya na ang paa niya habang nagsusuot ng sapatos. Mabilis niya ring kinuha sa rack ang leather jacket niya.

Nakatitig siya sa floor number kung nasaan ang elevator habang hindi mapakali ang mga paa at paulit-ulit na tinatapik ang sahig. She crossed her arms around her chest and sighed heavily. Wala siyang choice kung hindi maghagdan dahil kung iintayin niya pa ang elevator ay tiyak na ang sobrang pagkahuli niya.

Lakad-takbo niyang tinungo ang parking kung nasaan ang motor niya at mabilis na sumakay roon. Sinuot niya na rin ang helmet at saka pinaandar ito ng mabilis.

Bakit ba kasi ngayon pa siya nahuli?  Paniguradong nagbibigay na ng kaso si Inspector at wala pa siya roon. Humingi pa siya ng isang kaso nung nakaraang linggo pero 'di siya pinagbigyan dahil walang dumating kung kaya't ngayon ay kailangan niya ng Class A case para mas challenging.

Nang makarating siya sa establisyimento ng WOLF ay agaran ang ginawa niyang pagbaba at walang pakundangang tinahak ang daan papasok. Takang-taka siyang inililibot ang paligid dahil ang dami pa ring tao sa labas na dapat ay naroon na sa loob kung saan idadaos ang meeting.

"What's happening in here? " di niya maiwasang tanungin ng mahina ang sarili habang inililibot pa rin ang paningin sa palakad-lakad lang na agents at detectives na imbes na nasa silid na ay palakad-lakad pa.

Ang alam niya ay dapat na nasa loob na ng conference room ang lahat at hindi na pagala-gala ang mga ito rito ngunit mukhang hindi pa nagsisimula ang meeting.

"Look who's here?" Kusang huminto ang paa niya sa paglalakad nang makita si Dale na preskong nakatayo sa harapan niya. He has a smudge smirk on his lips while his hands are still on his pocket. "Plano mo bang maging detective na onhand sa paghawak ng class C missions?" Natatawa niyang puna na nagpakunot ng noo niya. "And by the way, you want ice cream?"

Kusang nag-init ang ulo niya sa maangas nitong tanong. "Ano bang problema mo?  Pwede ba nagmamadali ako! Kung wala kang sasabihin at wala kang magawa, aalis na ako."

Kung kaylan nagmamadali ay saka ito haharang sa daan niya.Simula ng mawala ito sa mga kamay niya ay nagsimula ng lumaki ang ulo nito. Akala niya ay pati siya ay kaya nitong salingin pero sinisiguro niya naman na hindi siya papasiil dahil mas mataas siya rito.

Bago pa siya tuluyang makalayo sa lalaki ay mabilis na nitong nahawakan ang braso niya dahilan para mapahinto siya sa paghakbang. "Teka lang!" pagpigil nito. "Bakit ka ba nagmamadali? I am just asking you nicely if you want ice cream."

Asar niyang binaklas ang braso nito  mula sa pagkakahawak sa kanya at madilim na tinignan ito. "Bitawan mo ko hangga't mabait pa ako."

He chuckled."Bakit ka ba nagmamadali?  Saan ka nga pupunta?  Eh nakuha mo na naman ang mission mo kahapon kasama si Totoy mo 'di ba?"

Kusang nangunot ang noo niya at bahagyang napailing nang sa wakas ay matanggal niya na ang pagkakahawak nito. "Huwag mo nga akong niloloko. What mission did you get? A Class B? "

Ang akala niyang maiinis ay tumawa pa ito ng malakas na animo'y may katawa-tawa sa sinabi niya. "A Class A!" mayabang na saad nito.

She smirked. "Dream on,Kid!"

Tuluyan na siyang nakapasok sa opisina ng kanyang Ninong at taka naman itong tumingin sa kanya. "Bakit walang gathering? What's happening?"

Taka itong tumayo at napabalikwas pa ng madinig ang sunud-sunod niya tanong. "Nabigay ko na kahapon ang missions ninyo."

Mas lalong lumalim ang gitla ng noo niya sa nadinig. "Ninong pati ba naman ikaw! Don't mock me! What's my mission now!"

Bakit ba nila sinasabing kahapon, eh ang tahimik ng buhay kahapon at nag-grocery lang naman siya kasama si Totoy, pagkatapos ay umuwi na ito nang maihatid siya sa tapat ng condo unit niya.

Nag-iwas ito ng tingin at mahinang napabuntong-hininga bago nito kinuha ang brown envelop na nananahimik sa gilid na bahagi ng lamesa.

Nakangiti niya naman itong kinuha at mabilis ang naging pagbukas ng mga kamay  sa envelop. Her smile slowly fades as she read the case title. "Another Fraud case?" Ang mga mata niya ay mabilis na tinignan ang lalaking nasa kanyang harapan. Nakatingin din ito sa papel na hawak-hawak ng nanginginig niyang kamay. "Really Ninong?"

He shook his head. "Ang akala ko ay maayos mo ng natanggap ang hahawakan mong kaso--"

Tanggap?  Bukod sa minamaliit nito ang kakayahan niya ay naiinis siya dahil hindi ito tumupad sa usapan.

"Kilala mo ko! Kahit kailan ayoko ng minamaliit ako!"

"But that's not my intention."

"Eh ano?"

"Johann needs to know all about other cases. Kung ilalagay kita sa class A mission baka maguluhan siya," he explained.

"How come that I need to adjust for him!"

"You needed because you accept him!"

"But that's too much!" kailangan niya magkaroon ng malaking points  na makukuha niya lang kapag class a cases ang hahawakan niya. Pero bakit hindi ko makuha?

  All this time, palagi na lang ganito.

She can't accept big cases because of him? Well infact he needs to know how Class A cases solves too.

"Lower down your voice! Know how to respect!  I'm still your superior!" pinagana na naman nito ang kapangyarihan nito kapag narito sa office.

Pinatigas at inalis niya ang lahat ng emosyon na makikita sa kanya mukha at saka marahan na tumango rito. "Mauuna na ako," just like that nakaalis at nakalabas siya ng opisina nito.

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang makita ang isang cornetto chocolate ice cream na nasa lamesa, may nakapatong din na fudgee bar sa tabi lang ng ice cream. Kunot-noo niyang binalingan ng tingin ang lalaking abala sa sariling laptop. Tumikhim siya kaya nabaling ang mga mata nito sa kanya. "What's this?"Hindi pa rin si umuupo sa sarili niyang upuan at nakatayo lang sa tabi noon habang tinuturo ang mga pagkain sa lamesa niya.

Johann stood up mischievously ans waved his hand at her. "Sabi mo kasi kahapon ilibre kita ng ice cream."

Kusang nanulis ang labi niya habang di makapaniwalang nakatingin sa kausap. "Nag-grocery ako kahapon, sinama kita para may tagabuhat ako, at kahit anong kalkal ko sa utak ko ay wala akong maalala na nagpalibre ako sa 'yo ng ice cream."

He laughed as if she told him a good joke but when he realized he's the only one who was laughing,he stopped. "Boss Ma'am di tayo kahapon nag-grocery, nung isang araw pa po yon."

                             ***
               To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top