Kabanata V
Pagtapak na pagtapak pa lang ng mga paa niya sa concrete na daan sa harapan ng malaking gusali ay 'di niya na maiwasang hindi tignan ang taas na bahagi ng establisyimento. Malalaki ang mga letra na matatag na nakatayo sa taas ng bahagi ng gusali.
"Boss Ma'am ang yaman talaga ng mga Dela Cuesta, no?"komento ni Totoy na abala rin ang mata sa panunuyod at paghanga sa kakaibang istruktura ng napakalaking gusali. "Kaya siguro marami rin silang kalaban sa negosyo na gusto silang pabagsakin."
"Minsan sa sobrang makapangyarihan mo, mas mabuti ng magkaroon ka ng konti ngunit totoong kaibigan kaysa marami nga ngunit peke lang naman."
"Goodmorning Ma'am,any scheduled meeting?" tanong ng nass front desk.
She scan the whole lobby before directing her eyes on the woman in front and smile. "I am Maria Elizabette Valderama,the deputy detective of WOLF agency. I am here together with my co-associate to fulfill Mister Dela Cuesta's request for us to run an investigation." May ngiti siyang ibinibigay lang sa mga tao na katulad nito.
Kita niya ang bahagyang pagkagulat nito ngunit nakabawi rin naman. Kaya ngumiti ito at sumenyas sa kanila na maghintay bago ito tumawag gamit ang telepono. Ilang minuto rin itong may kausap sa telepono bago ito muling lumapit sa kanila at ngumiti.
"Mister Dela Cuesta personally wants to accompany you to his office,is it okay for you to wait for five minutes?" she nodded as her response.
Imbes na umupo sa couch na malapit ay nanatili siyang nakatayo habang binubuklat ang white folder na dala-dala niya. Her eyes scanned the whole printed document and gently caressed her lips as she bit it. Itinuon niya ang bigat sa mga paa habang napapanguso ng bahagya habang binabasa pa rin ang mga dokumentong hawak. Inisa-isa niya ring tinignan ang mga litrato na kuha mula CCTV doon sa opisina. Kanina ay pinaprint niya ang mga angulo na kuha ng cctv sa mga oras na lumalapit ang apat na posibleng suspect.
Kusang tumigil ang mga mata sa pag-scan ng documents ng may naramdaman siyang kakaiba. Ramdam niya ang anino ng kung sino sa harapan kaya napilitan siyang iangat ang ulo. A mid-thirties man is standing in front with his unusual stare. Nakapasok sa bulsa ng grayish pants nito ang mga kamay habang wala pa ring emosyon ang mga mukha.
"I am James Dela Cuesta, the CEO."Hinuli nito ang kanyang mga kamay at nakipagkamay. "I bet you are from WOLF since I had to call them for assistance," mahina ngunit may pagkapasensyosyo niyang saad nang binanggit nito ang kanilang agency.
She upcurve her lips thinly before taking a nod to answer his question. "I am Malibette, deputy detective."Hinayaan niya itong makipagkamay bago bumaling saglit kay Johann na tahimik lang sa kanyang likuran. "This is Johann Buenavista, my partner."
He slightly tilted his head to see the man behind her and then nod. "I believe it is more relaxing to talk at my office," konting pag-immbita nito. "Shall we?" Iminuwestra ng kamay nito ang elevator kaya tumuloy na sila roon.
Nang tuluyan nang makapasok ng opisina nito ay hindi na siya nag-aksaya ng oras at pinakita sa kliyente ang apat na information ng suspects. Habang nakaupo ito sa sariling swivel chair ay inilatag niya sa harapan nito ang mga dokumento na binabasa niya kani-kanina.
Gumala ang mga mata nito sa mesa.He narrowed his eyes as he glanced every pictures captured by the CCTV. Kusa at naging mabilis naman ang pagbukas ng pinto at tumambad si Johann na kasunod ang apat na taong nasa mga litrato. Kunot ang noo ni Rome habang may mayabang pa ring awra ang nakapalibot dito. Si Selene at si Emily naman ay kapwa magkahinang ang parehong mga kamay at hindi makatingin sa amin habang wala pa ring ideya si Mang Damien dahil nakakunot pa rin ang noo nito at puno ng tanong ang mukha.
"Bro, what's the meaning of this?"Nakangising tanong nito at hindi na inintay ang pagpapaupo ni James dahil kusa na itong umupo sa silya na nasa harapan ng swivel chair nito.
James cleared his throat and glanced at her for a second before dragging his sight on the four of them. "Nasabi ko ng nawawalan ng mahalagang dokumento ang kompanya kaya nagpatulong ako sa isang detective para malaman kung sino ang kumuha. Dahil kung hindi maibabalik yon, siguradong malaki ang kahaharaping problema ng kompanya. That document itself causes millions dahil naroon lahat ng plano o bagong product na ilalabas natin. Kapag nakuha iyon ng kalaban sa negosyo, posibleng gamitin nila ang mga produktong naroon."
"Anong kinalaman naman namin doon?" si Rome lang talaga ang naglalakas ng loob magtanong dahil ang tatlo ay tahimik lang na nakayuko habang nakatayo.
"Kayo ang ibinigay na primary suspects sa pagkawala no'n. "
"Ano? "
"P-po? "
"A-ano po?"
Doon lang narinig ang boses ng tatlong nananahimik kanina. Tumikhim siya at saka naglakad patungong harapan ng lahat. Inilagay niya ang kanyang parehong kamay sa likuran at doon pinagsaklop saka matapang at taas noong tumingin sa lahat.
"Kayong apat sa lahat ng empleyado ang maaaring kumuha ng dokumento. Sa oras ng paglabas mo Mang Damian, maaaring kinuha mo iyon nung wala ng tao. Dahil nasa iyo pinapasa ang lahat ng dokumento ay maaari rin namang ikaw yon Ma'am Selene. Bukod kay Ma'am Selene, ay maaaring ikaw rin yon, Miss Emily dahil bukod kay Selene ay sayo rin pinapasa ang lahat."Isa-isa niya tinuro ang mga taong nabanggit habang iniisa-isa rin ang mga posibilidad na ginawa ng mga ito para maitakas ang nasabing dokumento.
"Eh sa akin?" tanong ni Rome. "Wala naman 'di ba?"
Bahagya siyang umiling habang nakangisi. "Pagala-gala ka sa loob ng kompanyang 'to. Nakakarating ka kung saan-saan kaya posible ring makakuha ka ng kung anong dokumento na walang nakakapansin."
Tumingin siya sa mga larawan na nasa lamesa ni Mr.Dela Cuesta kaya nabaling din ang mga mata ng lahat doon. "Nandito ang kuha ng CCTV footages from exactly 12 noon kung saan dinala ang mga papeles sa table ni Ms. Selene hanggang sa nawala ito na parang bula."
Dahan-dahan ang mga itong lumapit sa lamesa ng boss at inisa-isa ang mga larawan.
"Isa sa inyo ay malayang makapaglagay ng mga dokumento sa isang malaking sisidlan. " Unti-unting napabaling sila kay Mang Damian na hindi niya kakikitaan ng pangamba, tanging kalituhan lang ang mayroon sa nasabing mukha.
"Mang Damian ikaw? "
"Akala ko pa naman tapat ka!"
"Mang Damian."
Kusang nanlaki ang mga mata nito ng matunugang ito ang napagbibintangan."H-hindi. H-hindi ako."
"Miss Valderama," mahina ngunit puno ng awtoridad na saad ni Mr. Dela Cuesta.
"H-hindi ako,"nanginig at todo iling pang pagtanggi ni Mang Damian,nabaling ang mga mata nito at lumapit pa sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. "Ma'am hindi po ako. Maniwala ka. "
"Magkano Mang Damian?"
Kusang lumawak ang ngisi niya nang bumaling kay Rome na nakangisi rin sa harap ng kaawa-awang matanda. Di pa ito nakuntento at lumapit pa sa ginoo sabay tapik ng balikat nito. "Mang Damian ano na? Magkano?"
"Magkano nga ba?" monotono niya habang nakatingin sa mayabang na lalaki.
Kusang nawala ang ngisi sa mukha nito nang bumaling sa kanya. "Aba malay ko, kaya ko nga tinatanong to!" Sabay duro sa matanda.
"Magkano ang binayad sa 'yo para magtaksil ka sa kaibigan mo?"ulit niya sa tanong.
"Ako? Hindi ko magagawa yan! Iyang hukluban na yan ang kumuha ng Financial reports at mga proposed product document na aapprobahan pa lang. "
Doon mas lalong lumawak ang ngisi niya, dahan-dahan siyang humarap sa lalaki,pinasok niya ang kamay sa bulsa ng kanyang leather jacket. "Sa pagkakaalam ko, ang alam ninyo lang na importanteng dokumentong nawawala ay tungkol sa proposed products," takang pahayag niya. "Paano mo nalamang pati financial documents ay nawawala kung ganoon?"
Nawalan na ng kulay ang mukha nito at tumingin sa kaibigan na nakatiim bagang na nakatingin lang din dito. '"Bro hindi ko alam ang sinasabi nito. Binayaran ka ba ng matandang 'to para baliktadin ang kwento?"
"Nasa squatter area ang bahay ni Mang Damian, may binubuhay siyang anak, sa tingin mong estado niya kaya niya pang magbayad?" Natatawa niyang tanong. "Kung talagang si Mang Damian hindi ba mas maganda kung sosolohin niya na lang yung pera at tumakas na?"
She signalled Totoy to move infront na mabilis nitong sinunod. Inihanda nito ang laptop at pinlay ang CCTV footage. Alam niya kasi na posibleng sabihing dinoktor niya ang mga picture na galing sa cctv kung iyon ang gagamitin niya.
Kitang-kita sa video kung paano limasin ni Rome ang mga dokumento sa lamesa ni Selene. Hindi rin ito napansin ng huli dahil abala sa pag-aayos ng sariling gamit. "Lahat ng dokumento na nasa lamesa ni Miss Selene ay nawala."
"Inihahatid sundo ko siya sa bahay nila. Kaya normal na kinukuha ko ang mga gamit niya dahil nga nanliligaw ako at nasanay na siya na kinukuha ko ang mga gamit niya,yung mga dokumento."
Itinuro niyq muli ang laptop at nagsimula na ulit ang video. "Mapapansin din na nahirapan ka sa pagsara ng zipper ng bag mo kaya 'di mo napansin na napunit na pala ng bahagya yung iilang papeles."
"Hindi yan napunit. Sadyang marami lang laman ang bag ko kaya nahirapan akong isara."
She smirk and shrugged. "Talaga? Bakit parang hindi naman?" Wala kasing umbok ang bag nito katulad ng sinasabi nito na maraming laman iyon.
"Nasaan ang ebidensya mo kung ganoon? Bukod diyan sa video na yan na nagpapakita lang naman ng pagmamahal ko kay Selene. Kalokohan!" naiiling na saad nito. Hindi naniniwala.
Tahimik lang ang bawat sulok ng opisina. Walang nagtangkang magsalita kaya hindi naputol ang paninitig niya sa binata.
"Nasa iyo yung ebidensyang sinasabi ko."
Gilalas sa nadinig ay hindi na ito makagalaw ng siya'y humakbang palapit sa kausap. Padabog niyang kinuha ang back pack nito at buong pwersang binuksan ang zipper. Hirap pa nga dahil sa papel na kumagat dito. "Ano to kung ganoon? " Pumunit siya ng maliit na bahagi ng papel na kinagat ng zipper.
Hiyang-hiya at wala ng kulay ang mukha nito ng bumaling sa mga tao sa silid. Mga wala na ang emosyon sa mukha ng mga ito habang Selene naman ay hindi makatingin sa lalaki.
"Bro," hingi nito ng tulong sa kaibigan. Sinubukan pa nitong lumapit ngunit sinalubong ito ng masamang tingin.
"I helped you, pero ito ang sinukli mo?"
Naging tahimik na naman ang paligid. Kaya bahagya siyang tumikhim na naging dahilan ng pagbaling sa kanya ng mga naroon. "Parating na ang mga pulis kaya mauna na kami."
Sakto namang binuksan nila ang pinto palabas ay nakasalubong namin ang mga ito. She salute and they do the same. Marahan at bahagya siyang tumango saka naunang lumabas,sumunod din naman si Totoy na tahimik lang.
Nakakaawa si Mr. Dela Cuesta, he invested on that friendship yet his friend had attacked him behind behind his back.
Sa kanyang palagay naman, yung may mga ganoon kalaking kompanya ay nararapat lang na kaunti ang kaibigan. Hindi naman kasi masusukat sa dami o kaunti ng kaibigan mo kung anong klaseng tao ka. Mas mahalaga na ang totoo kaysa sa dami ng mga ito dahil hindi mo rin naman masisiguro na tapat sila sayo kahit gaano ka pa katapat sa kanila.
"Saan mo gusto kumain?" tanong niya sa lalaki na kakasakay lang sa aking likuran. Isinaayos niya na ang helmet saka itinaas ang black na salamin noon para makita niya ng maigi ang daan.
"H-huwag na po."
She smirked. "Reward mo na yan. Saan nga? My treat!"
"K-kahit saan na lang po."
She nodded and start the engine. Ramdam naman niya ang marahan at bahagya nitong paghapit sa jacket na suot niya kaya mas lalo siyang napangisi. "Bakla ka ba? "
Kita niya sa side mirror ang pamumula nito, nanlalaki pa ang mga mata nito nang umiling-iling. "H-hindi po."
Pinaharurot nuya na ng mabilis ang motor at walang habas na itinigil sa harapan ng isang karinderia.
Pabaling-baling ang mga mata nito sa buong paligid. Dahan-dahan pa ang hakbang nito papasok kaya maangas niya itong sinundan saka inakbayan. Tumaas ang kilay niya ng humarap ito sa kanya. "Ngayon ka lang ba makakakain sa karenderia?"
Sunod-sunod itong umiling at nahihiyang bumaba ang mga mata. "Hindi po. Nakakagulat lang na kumakain ka pala sa ganitong lugar." May maliit na ngiti ang mayroon sa labi nito.
"Anong akala mo sa akin? Diyos? Di nakakakain sa ganitong karenderia?" Rumolyo ang mga mata niya bago ito hinila sa kamay para mas madali silang makapasok.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top