Kabanata I
PADABOG niiyang binaba ang stand ng kaniyang motor na dala at marahas na isinabit sa salamin ang helmet niyang kakahubad lang. Kunot ang noo niyang hinakbang ang distansya ng opisina mula sa lugar kung saan niya pi-nark ang kaniyang motor. Pero bahagya siyang napatigil at inis na napapikit nang may malakas na pwersa ang bumangga sa kaniya.
Hindi alintana ang init ng araw, at mga matang nagmamasid na katulad niya ay papasok din sa opisina, ikinawit niya ang parehong kamay sa baywang at manghang tumingin sa lalaki.
"S-sorry," puno ng pag-aalangan nitong paghingi ng paumanhin. Nakayuko ang lalaking ito na halos 'di niya na makita ang mukha.
Hindi niya nais bulyawan ang mukhang totoy na ito sa harapan ng opisina, ngunit sadyang masama ang naging gising niya at ito pa yata ang mapagbabalingan niya ng inis. Mainit ang sikat ng araw na nakadagdag sa pagkulo ng dugo niya sa nangyari ngayong umaga.
"Alam mo ba na ang sama na ng gising ko tapos mas winasak mo pa,tanga!" asar at nagtitimping saad niya. May mangilan-ngilan ang napapatingin sa kanila, ngunit wala siyang pakialam. Ang pangit na nga ng simula ng araw niya ay tila nakisabay pa ang tangang baguhan na ito na akala mo naman talaga ay totoy dahil sa ayos at itsura.
Pansin niyang kahit na may ilang distansya pa sila ang nanginginig na nitong mga kamay. "S-sorry po talaga."
She sighed to calm herself down. Mabilis niyang hinawakan ang baba nito at pinatingin sa kaniya. Kahit na natatakpan ng bangs nito ang itim na mga mata ay nararamdaman pa rin niya ang takot na nagmumula rito. Bahagya na ring namula ang mukha nito kaya napaiwas muli ito ng tingin. "Baguhan?" she asked, kumuha siya ng bubblegum sa bulsa niya at saka walang pakialam na hinubaran saka sinubo. Ramdam niya ang lamig nito sa bibig na bahagyang nakapagbura ng mainit na epekto ng gising niya.
He nod repeatedly that made her smirk. She has that idea, pero ang malaman mula rito na baguhan nga ito ay tila kawili-wili. Wala sa karakas ng karakter ng pagkatao nito ang lulutas ng madudugong kaso.
"Sa susunod, huwag kang tatanga-tanga. Kailangan mong matutong maging matalino,katulad ko," mahina man ngunit puno ng diin niyang bulong bago niya ito iwang nakayuko.
Hindi niya niya hinayaan pa itong sumagot dahil baka may kung ano pang lumabas sa bibig nito na makapagpasira na naman sa namumuong ganda ng mood niya. Mabibigat ang hakbang na tinahak niya ang opisina ng kaniyang Ninong, papasok sana si Kade roon, isa sa mga agent ng unit na hawak ng kaniyang Ninong ngunit hindi na nito natuloy dahil naroon na rin siya sa harapan ng opisina.
Hindi niya dapat inuubos at inaaksaya ang oras niya sa maliit na bagay. Kailangan niyang makausap si Ninong at malaman kung bakit nito binigay ang numero niya sa demonyong 'yon. Siguraduhin lang talaga nito na may maayos itong dahilan dahil ang hindi niya talaga mapapatawad ay ang pagbulahaw sa kanya sa masarap na pagkakatulog.
Ang ninong na sinasabi niya ay ang Chief Inspector ng kinikilalang detective agency ng pinas. Ang Wolf agency. Ang lahat ng kaso ng gobyerno ay sila ang humaharap, at lahat ng iyon ay kanilang nareresolba. Sa katunayan ay nabigyan na rin sila ng parangal ng Malacañang dahil sa mahusay na pagresolba ng bawat kaso.
Nang makarating siya sa pinto ng opisina nito ay hindi na siya nag-aksaya ng oras para kumatok sa pinto at mabilis na lang na binuksan ito. Nakita niya pa ang bahagyang paglaki ng mata ng kan'yang ninong dahil sa gulat sa marahas na pagbukas ng pero agad itong napabuntong- hininga at ibinaba ang ballpen na hawak bago ito sumandal sa swivel chair nang nakatingin sa kaniya.
He already knows why she was there! Good! Dahil ayaw niya ng pahabain ang usapan. Gustong-gusto na niyang sigawan ito ngunit alam niyang wala rin namang maidudulot na maganda ang galit. Nirerespeto pa rin niya ang kaniyang Ninong kaya naman,pinilit niyang maliwanagan ang isip.
Mabigat ngunit naging mabilis ang paghakbang niya palapit nakaupong lalaki at saka tumaas ang kilay niya sa kalmado nitong mukha. Prente itong nakaupo sa sariling upuan habang magkadaop ang parehong kamay at nakapatong ang siko sa lamesa.
"What brings you here?" he calmly asked.
She smirked sarcastically. "I know what you did... " matigas at mariing saad niya. Kapansin-pansin ang mabilis nito pagbabago ng ekspresyon. Nawala ang lahat ng pagkakalmante sa postura nito habang nakatingin sa kanya. "Why did you do that?" She gritted her teeth as her heart was beating frustratedly.
Ang ayaw niya sa lahat ay nasa kasarapan na siya ng kaniyang pagtulog ay biglang may manggagambala na hindi niya inaasahan. Ang mas nakakainis pa ay sumalubong sa kaniya ang boses ng demonyong iyon.
"Bakit?!" she was trying to comfort herself. Ayaw niyang maglabas ng emosyon pero sa nakikita niyang pagkakalmante ng kaniyang ninong ay parang wala itong balak magbigay ng kung anong dahilan o palusot. Nanatiling matigas ang ekspresyon nito habang nasa kaniya ang buong atensyon. Nang alam niyang wala itong balak sumagot ay mabilis siyang lumapit sa lamesa nito at itinuon ang dalawang kamay roon. "Why did you do that? Bakit mo ibinigay ang number ko sa gagong iyon?"
Alam na alam nito ang pinagdaanan niya sa kamay ng gagong 'yon. Alam nito lahat 'yon tapos ito pa ang gumawa ng paraan para makausap niya 'yon.
He scratched his brows as he rested his arms on his swivel chair's armrest. "You need that-" Mabilis niyang hinampas muli ang mesa at nag-aalab ang galit na nakatingin sa kaharap.
"I. Dont. Need. Him," mariin ngunit dahan-dahan niyang saad. "Hindi ko siya kailangan... kahit kaylan hinding-hindi ko siya kakailanganin!" bumabalik lahat ng poot at galit na nararamdaman niya. Okay na siya, eh. Kinaya na niya, kinaya niyang kalimutan lahat pero sa isang iglap, sa isang tawag, biglang gumuho lahat ng pader na itinayo niya para sa sarili.
"He still your father," he stated the obvious.
That she wished na hindi na lang. Sana hindi na lang siya ang kaniyang ama. Dahil habang tumatagal ay kinasusuklaman na rin niya ang sarili niya dahil may dugo siya ng taong sumira ng buhay niya.
She cackled and looked at him, hindi makapaniwala sa kaniyang nadinig. She was clenching her jaw and her hands were shaking. "Really? He still my father?"
Puno ng awa at lambot ang ekspresyon ng kaniyang ninong, alam niyang hindi nito gusto ang magtanim siya ng sama ng loob sa ama subalit masisisi ba siya? "He still and always will." He catched his breath and narrow his eyes. "You need to forgive him."
Titig na titig siya sa tinuran ng ama-amahan, she can tell that the man in front of her finally got his senses back. She saw how he licked his lips and had a look asking for apology while clasping both of her hands. Did he hear himself a while ago? Patawarin siya? Sino ba ang taong ayaw magpatawad? Sino ba ang taong ayaw bumitaw sa kasalanan? Sino ba ang ayaw makahinga ng maluwag? She badly wants to forget everything but how? She saw it on her own two eyes, she even experience hell because of the things that her own father let her experience.Sana ganoon kadali iyon, pero paano ba? Sinira ng sarili niyang ama ang buhay niya. Pinatay nito ang kaniyang ina, tapos patawarin siya? Kaya hindi niya alam kung paano pumapasok sa utak ng taong nasa harapan niya ang kaisipan ng pagpapatawad. It's just similar to just forget what happen to her mother because of that monster.
Alam na alam ng ninong niya ang pinagdaanan niya sa kamay ng sariling ama. She became like that because of him. Matigas, walang kinakatakutan,galit sa lalaki at mahirap makuha ang tiwala. Oo, dahil sa gagong iyon.
She should be thankful, yes, pero bakit ang hirap magpasalamat at ang hirap tumanaw ng utang na loob?
Tahimik itong nakatingin lang sa kaniya. Magsasalita na sana pero kusang bumalik sa pagkakatikom ang bibig. Nakasandal pa rin sa sariling inuupuan at tahimik lang nakatingin lang na nakatingin sa kaniya, siguro ay pinapakiramdaman ang emosyon na ibinubuhos niya. "I'm sorry."
"Huwag na huwag ka na ulit gagawa ng dahilan kung bakit kailangan kong bumalik sa umpisa," she said, walang emosyon ang nababakas sa mukha. "Hindi ko siya tatay... Hindi na."
Kita niya ang bahagyang pagbuka ng bibig nito na naputol ng magkakasunod na pagkatok ng pinto kasabay ng pagbukas. Bumungad sa harapan nila ang baguhan na nakabangga niya kanina. May malawak na ngiti ang mga labi nito habang diniretso ang mga mata sa table ng kaniyang Ninong. 'Di nito napansin ang kaniyang presensya dahil tuloy-tuloy ang paglalakad nito at dumiretso sa harapan ng kaniyang ninong na may malaki pa ring ngiti na nakaukit sa labi.
"Hi po! Ako po si Johann Van Buenavista!" nakangiting pagpapakilala nito sa harapan ng Ninong, bahagya pa itong nag-bow sa harapan ng Chief Inspector.
Nang tignan niya ang Ninong ay nakangiti na itong nakatingin sa bagong dating. Nang mapansin at maramdaman siguro nito ang pagkakatitig niya ay inilahad ng Chief Inspector ang kamay nito sa harapan niya na nagpabaling sa lalaki sa kanyang pwesto. His smile earlier is slowly fading as soon as his eyes landed on her.
Kaswal na tumayo ang Ninong sa pagkakaupo at lumapit dito. Umakbay pa ang opisyal dito kaya napataas ang kilay niya habang nakatingin sa dalawa.
Si totoy naman ay bahagyang napayuko, iniiwasan na mapatingin sa kaniya.
As Chief inspector noticed his weird moves, he cackled that made her scratch her brows.
"Baguhan?" she asked whilst smirking. "Kanino mo ipapahandle?" Para mawala ang atensyon nito sa naging reaksyon ni totoy. "I suggest you gave him to Detective DeMarco para naman may katulong siya sa paglutas ng kaso, malay mo matalo niya na ako sa pagiging numero uno."
Naalala niya na naman ang isa sa mahambog na detective ng agency, kung hindi naman dahil sa kaniya ay hindi ito maaambunan ng kahit na anong bahagi ng galing niya.
His brows curled up looking at her annoyingly. Pero nakangiti lang siyang bumaling kay Totoy at marahas niyang pinalo ang balikat nito na naging dahilan kung bakit bumaling ang tingin niya sa kanya "Mapupunta ka yata kay Del Marco, hindi mo makikita kung paano ako rumisolba ng kaso."
"He is under you." Her smile slowly fades as her head moves to meet Chief's gaze.
"Ano?"
"He is under your care. On your next cases, you will have him to assist you."
She laughed and clap her hands sarcastically. "Nagpapatawa ka ba?" Tinignan niya ito saglit bago humarap sa lalaking tahimik lang sa sulok. "Eh anong matutulong niyan sa akin? Kaya kong rumesolba mag-isa. I don't need him. "
"No,you need him," he confidently said. Tiningnan niya ng isang beses ang baguhan, ngunit nag-iwas lang ito ng tingin sa kaniya. Binalik niya ang paningin sa Chief Inspector at wala na ang ekspresyon ng kaniyang Ninong kani-kanina. He is back with his authorative persona. "You need him to grant your promotion."
Ang kaninang mga tanong sa utak niya ay biglang nawala nang madinig niya 'yon. He knew her too well, too well to the point that he know why she needs that promotion.
She wants to prove something. Sa lahat ng taong nakapaligid sa kaniya at sa taong sumira ng buhay nila.
"You know me too well."
"Yes, I knew you. Too well."
Maangas niyang binalingan ng tingin si Totoy at tinaasan ito ng kilay. Palihim niya itong tinignan at lalong umarko ang kilay niya sa ayos nito. Hindi niya masyadong napagmasdan ito kanina at ngayon na nakita niya na ay alam niya na wala itong matutulong sa mga kasong haharapin niya.
Para itong totoy na nawawala dahil mukha pa itong bata dahil sa walang ayos nitong buhok, nakabagsak lang ito na halos tabunan na ang mga mata. Ang suot nitong t-shirt na puti ay masyadong plain na pinaresan lang ng maong pants. Ang sa pambaba naman ay nakasuot ito ng simpleng sneakers.
Marahan siyang umiling habang nakatingin dito. Mahihirapan nga yata siya rito at napasubo. Mukha itong mabait at sa tingin niya kung magpapaawa lang ang mga kriminal sa lalaki ay mauuto na nila ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top