Ika-tatlumpu't-walo

-Bratty-

Kinabukasan, nagsimula muli ang walang humpay na team building activities bilang ito ang napagkasunduan. 

Ngayon nga ay namamahinga kami sa isang tabi para sa susunod pang aktibidad.

"Mommy, water po oh. Para di po kayo ma-dehydrate."

"Mom, punasan ko na po likod niyo oh."

"S-salamat mga anak." 

Shedda, kung ganito naman kaku-cute ang mag-aasikaso sayo ang sarap magpagod ng pa-juliet-juliet!

"Aww. Sana may anak din akong ganyan tulad mo Brat. Ahuhuhu."

Hirit naman ng isa kong katrabahong babae. 

Tawanan.

Sa gitna ng ingay ay natagpuan ko ang aking sarili na napuna ang pares ng mga mata na titig na titig sa akin.

I mean, sa amin.

Ang sama makatingin ni Sir Fredrick? Hmmp, bahala ka diyan.

Pakasasa ka sa 'Dyogasaurus' mong jowa.

"Guys, stand up! And please fall in line according to your groups kanina!"

The team building master motioned us.

"Goodluck Mommy! Paka-inin mo po sila ng alikabok! Ay buhangin palaaaa!"

"Mom bweak a leg! Ay bad pala yun, sige galingan niyo na lang po!"

Tawanan ang lahat sa sinabi ng kambal.

Even Cassy and Fredrick.

But when Cassy see me having a glimpse of her ay nag-iba ang expression ng mukha niya and turned into 'tini-tingin-tingin-mong-bakla-ka?-look.'

Hmmp.

Napakataray. Katulad na lang kagabi, matapos ang pound for pound madrama lines ko ay binigyan lang ako ng irap at nag-walk out na.

Kinaganda???

"The next activity is called 'the walking log.'"

Nagsi-angalan agad ang lahat. Ano ba kasi yung the walking log?

Palalakarin namin yung kahoy? Aba'y kay hirap nga.

"Okay, silence everybody. I know most of you alam na ito but I'm still going to elaborate the mechanics."

"Each group will have a pair of log attached with ropes. Those ropes will be your hand support as the group walks with the log, simultaneously. 

That's why it's called the walking log. Ang aim ng activity na ito ay maipaintindi sa atin na everyone's effort is important to have progress.

'A team will not improve, if one will not move.'

Matutunan niyo din dito ang tungkol sa pagkakaisa, pagsunod at leadership."

Ay kabogera, may pa-quotation.

At yun pala ang the walking log, though medyo magulo ang paliwanag ay na-pick up ko naman.

"But to have a twist sa activity na ito, magsha-shuffle tayo ng groupmates!!!"

What?! Maglalahok-lahok?

Maglalabo-labo? Di kaya maging magulo yun?

Bumaha ang reklamo kay Team Building Master pero simple lang ang sinabi niya sa amin or rather tinanong pala.

"Ano ang rule no.1?"

"Bawal magreklamo."

Sabay-sabay namin naming kuda sa tonong parang nalugi.

"Oh yun naman pala! Hala bunutan na! Kung pang-ilan kayong nabunot sa team ay siyang pwesto niyo sa kahoy, maliwanag ba?!"

"Yes! Master!"

Nagbunutan na nga, tig-walo lang naman ang kailangan sa bawat koponan at sana mababait at kakilala ko yung makakasama ko or better yet di na lang ako mabunot!

"Pampito sa Team B, Bratson Aguilar!" 

Walang gana akong nagpunta sa dulo ng kahoy only to realize na meron pa palang pu-pwesto sa likod ko.

Sana naman mabait yun!

Nakabuo na ang Team A at pinamumunuan ito ni Sir Rogue.

"Team B, Fredrick Deltran of 2D Corp.!" 

W-W-What?! Kagrupo ko siya?! At siya sa likod ko!

Juice na colored! Sabi ko na dapat di na lang ako nag-wish eh! -_-

Di ko nga matagalan ang tingin niyan eh, yun pang? Myghad, ayoko ng isipin!

At sa pagpwesto nga niya sa likuran ay halos manginig ang buo kong katawan dahil sa mainit na hininga niyang ibinuga sa batok ko.

Mahabagin!

Iligtas niyo po ako sa kalandian!

Nasa kabilang grupo si Cassy the Dyogasaurus na pinauulanan ako ng irap.

Wala na ba siyang ibang gagawin kundi umirap buong maghapon?

Akala naman niya aagawan ko siya, saksak niya sa baga niya itong lalaking ito!

At t-teka mga bes kong beks, bakit parang masyado atang magkadigkit kami nitong si Sir Fredrick.

Ewan ko ha, pero damang-dama ko ang mga maskels which is 'di ko karapat-dapat na madama!

Kalandian yun mga bes kong beks kaya hashtag usog-usog is me pauna.

Pero nube, bakit parang hindi manlang nagkalayo ang distansya namin?!

Lalo pa ngang dumi-digkit!

Ang awkward-awkward ng posisyon ko!!!

"Psst, kyaah. Pwedeng makipagpalit sa iyo? Dali na, nahihirapan kasi ako sa pwesto ko. Naku baka ikatalo pa natin."

Pakikiusap ko sa lalakinb nakapwesto sa una ko na kasamahan ko sa Restaurant.

"Naku Brat, di pwede eh. Ito ang rules, baka ma-dq tayo."

Hmp. Nakakainis!

Dq?

Eh yung likod ko dqt na dqt na sa kanya!!!

Okay waleeey mga bes kong beks!

"Okay! Paunahan lang na makarating sa finish line habang wina-water gun kayo ng mga hindi kasali! Para dagdag thrill!"

Gustong-gusto talaga kaming pahirapan ng gunggong na ito eh, nag-iinit na ang ulo ko sa kanya.

"Ready, set, lakadddd!!!!!!"

Buong pwersa kaming humakbang at tumimbwang agad kami!

Shedda dumag-an sa likod ko si Sir Fredrick!

Ang tigasss! Este ang bigat!!!!

"S-sorry." Bulong niya na nakakapagpanindig-balahibo. 

Anuba?! Kailangan ba sexy palagi sa pandinig kapag bumubulong?

"Everybody! Stand up! When I say kanan, kanan ang ihahakbang. At kapag kaliwa, kaliwa. Malinaw ba?!"

Ngayon naman naninigaw siya na parang militar.

Oh well, sumunod na lang kami sa kanya.

Everything goes smooth until nagsimula na ang basaan! At ang magaling na Nathan ang pasimuno!

"Bratmaylabs, be ready to get wet na! Bwahahahaha!"

"Ulol! Bunganga mo!"

Wala ng piniling lugar ang katabilan ng dila eh. Hahahaha.

"Kanan! Close talaga kayo ng lalaking yun? Kaliwa!"

Di ko inaasahan ang tanong nitong nasa likod ko.

Bakit siya interesado? Hmmp.

"Ah eh opo, kapitbahay ko po yan eh."

"Kanan! Ganun pala..." 

Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay dumulas ang paa ko at napatuwad ako! Nasubsob kaming lahat at may nafi-feel akong...

Mahabaging langit, juskopo, kay laki at kay habang banana. Myghad, iligtas niyo po ang isipan ko sa kalandian!

Umipod ako pero ang nangyari ay nasubsob din si sir at... At... At...

Lalong tumusok!!!!

Kung pwede lang magtago sa damit ni Kuyang nadagdaganan ko, wahh! Y-yung kamay niya, n-n-nagiging malikot!

"I fvcking miss you, and your hot sexy body. And I wanna' pound every inch of mine inside you. Right here, right now. Oh yeah."

Mga bes kong beks omooo! Save me!

"Ah ehh. S-s-sir. W-weg pe d-dite, meremeng tee."

Gusto ko na lang mapa-face palm kahit 'di ko alam meaning nun, ni-copy past ko lang.

"Shedda, ang hirap bumangon! Guys sa huli bumangon naman kayo oh!"

Tila nabalik naman ako sa wisyo at ngayon ko lang na-realize na nakasubsob pala ako and the rest of the team.

Habang si Sir Fredrick ay nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

T-teka, did I? No! I seriously daydreamed of him? Omoo!

Ang dumi-dumi na talaga ng pag-iisip ko!!!

Nahihiya akong bumangon at ipinagpatuloy ang game. Ang ending?

Natalo kami.

Nakailang subsob din kasi kami.
Wahhh! Ang landi-landi ng pag-iisip ko nakakainis!

Papunta ako ng room namin ng maalala ko ang kambal.

Luh, naiwan ko sila!

Nagmamadali naman akong bumalik sa venue kanina pero hindi ko sila nakita doon.

Naku, nasaan na kaya ang dalawang yun?

Naglakad-lakad ako sa tabing-dagat at nakita ko rin sila sa wakas.

Nagtatampisaw sa dagat kasama si...

Sir Fredrick?

I thought nauna na siya kanina, bumalik pa pala siya. Nakahinga ako nang maluwag dahil atleast okay naman ang mga anak ko at hindi nakuha ng masamang loob.

"Fredson! Rickson! Mga anak."

"My sons, tawag na kayo ng mommy niyo oh."

Nagtataka lang ako sa pakikitungo ni Fred sa dalawa.

I mean yes anak niya ito, pero hindi niya naman alam.

Lukso ng dugo?

Ewan ko, pero ang alam ko hindi dapat malapit ang mga bata sa kanya. 

Surely, kapag nalaman ni Fredrick ang totoo ire-reject niya rin sila.

Katulad ko...

"Mga anak, tara na sa room natin."

Agad kong pag-aya sa kanila paalis sa lalaking, argh.

Topless... At bottomless ang hotness.

Iww, pinagsasasabi ko?

"Mom. Naglalawo pa po kami with Tito Fwedwick, mabait naman po siya mom ah."

"Oo nga mommy."

Aba-aba, nagre-reasoning pa ang mga cute na batang ireh.

Hindi niyo ako madadaan sa pacute niyo. Kailangan mailayo ko kayo sa leon! Sa hot na leon...

Pweeee! Landi ko.

"Ah basta wag na makulit kung ayaw niyong magalit si Mommy."

"Sige na nga po. Basta wag kayo magalit." 

At sa huli, ang baklang-ina ang nagwagi.
"Sige na po, Sir. Alis na kami. Hehe."

Kunway pagpapalam ko kay Sir Fredrick.

"Okay, pero samahan ko na kayo. Wala naman na akong gagawin pa rito."

Huh? Aalis nga kami para umiwas sa kanya eh. Anube!

"Kayo pong bahala. Sige po."

Nagmadali akong humakbang pero mabilis niya kaming naabutan. Sa haba ng biyas at laking bulas niya, di na katakataka kung mabilis siya kumilos. Hmmp, mabilis din naman ako ah! Maliit at payat nga lang!

"You smell nice." Luh.

"Huh? Sir? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Ibig kong sabihin, ang bango mo."

Luh!!! Ako? Mabango? How come? Di nga ako nagpapabango eh!

"Tulad kanina."

"A-ano po uli yun?"

"Wala! Wala naman akong ibang sinabi pa."

Napakadefensive naman nito? Well pake ko. Mahalaga'y makapunta na kami sa room ng makapag-siesta na ang dalawang bulinggit na ito.

"Oh sir, dun po ang direksyon ng kwarto niyo ah. Magkahiwalay po tayo ng daan, wag na po kayo sumunod."

Ani kong pagpigil sa kanya.

"Sinasabi mo dyan? Di kita sinusundan ah, papunta akong banyo."

Huh? Banyo? Nangunot ang noo ng kambal dahil sa biglang paghinto namin ni Fredrick. Nginitian ko sila and I mouthed na nag-uusap lang kami.

"May banyo naman po kayo ah."

"Barado eh."

Ah ganun, okay. Dumiretso na kami sa paglalakad hanggang makarating na kami sa room.

"Oh sir? Bakit nakatayo kayo diyan sa may pinto? May kailangan po ba kayo? Andun po ang banyo, diretso lang po."

Pagtataboy ko sa kanya. Nakakailang kasi, yung mata niya parang scanner na ina-analyze ang paligid.

"I'm just checking if everything's fine, and so you are."

Sabi niya bago umalis. Pero hindi naman siya sa direksyon patungong banyo pumunta.

Ang weird naman nun, tsaka nung sinabi niya.

Anong 'and so you are?' Di ba plural ang you? Baka hindi lang para sa akin yung sinabi niya kundi para sa lahat! Tama! Yun nga siguro!!!

**********

Monday at back to work na din ang lahat!

Yung iba medyo may jetlag pa dahil sa byahe at dami ng activities, even Sir Rogue ganun din pero balita ko may imi-meet daw yun na investors.

Iba talaga kapag work-a-holic. Wala ng time mamahinga, kahit magkasakit na.

Sigh.

Wala naman bago ngayong araw.
May maluto naman na ang mga bata kaya dumiretso ako sa flowershop.

Okay naman ang lahat, hindi kami masyadong nakapagkwentuhan ni Feli dahil naka-assign siya ngayon sa stock ng flowers. Kaya mag-isa lamang ako sa counter habang si Seige ay naglilinis. Hindi naman kami kasi gasino nag-uusap ng lalaking ito.

Pero...

Kapansin-pansin na parang malamig ang pakikitungo ngayon ni Boss Frost sa amin.

Kasi naman, hindi manlang nag-good morning nung dumaan.

Ni hindi nga manlang kami tiningnan.
Maging si Seige ay napansin rin yun pero ipinagkibit-balikat na lang namin.

Uwian na at dala ko ang pasalubong kina Fredson at Rickson.

Everything's fine naman hanggang makatanggap ako ng tawag.

"Bratson Aguilar, I need to see you in my office now!"

Hala, wala man lang hello? Problema ni Sir Fredrick.

"Ah-ehh, bakit po? Sa weekend pa naman po ako magsa-submit ng draft ko po ah."

"Basta pumunta ka na lang!"

Hala, naninigaw. Inilayo ko pa tenga ko sa receiver sa lakas nun eh.

"Bakit po ba kayo nagagalit? May problema po ba dun sa ipinasa ko nung nakaraan? Palpak po ba?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot ulit.

Pigil-hinga naman si ako.

"Just do what I say. Understand Bratty?"

"O-okay po. Masusunod."

Agad niya ring ibinaba ang tawag at kumaripas naman ako ng takbo at sumakay ng taxi.

And to my surprise si Tito ito, ang tatay ni Nathan.

"Tito , sa 2D Corp. po. Salamat!"

Nagpapanic na ako nung magsalita.
"Hindi mo kailangang kabahan kung makita mong muli ang dati mong minamahal. May dahilan ang lahat."

H-huh? A-ano daw?

"Tito? Pinagsasasabi mo?"

May sa manghuhula yata itong si Tito eh.

"Wala, wala anak. Mukha ka kasing sinisilahan ang puwit diyan. Pinapakalma lang kita."

"Hahahahaha."

Iba din itong trip ni Tito.
Pagkarating ko sa mismong building ay agad akong nag-abot ng bayad at bumaba na.

"Bratty, anak, lahat ng bagay may dahilan."

Huh?

Ang weird ngayon ni Tito.

"Sige, po salamat sa paghatid. Ingat kayo sa byahe."

Ani ko at kumaripas na nang takbo papasok.

Binati naman nila ako ng good afternoon, ewan ko ba. Kilala ako ng lahat ng tao dito eh.

Baka ni-orient? Bakit naman? Ganun ba ako ka-special?

Nanginginig ang kamay kong pinindot ang pindutan sa elevator. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil pinapatawag ako ni Fredrick for an unknown reason?

"Sandali, pasabay na." Si Cassy.

Nag-ipod naman ako sa isang tabi upang magbigay ng espasyo. Alam niyo naman, malaki ang dinadala niyan. Baka sikip pa siya sa elevator.

Insert sarcasm mga bes kong beks.

"You seem nervous. Bibitayin ka na ba?"

Ano daw? Problema nito. Halata bang kinakabahan ako mga bes kong beks? Sabagay namamawis nga naman ako at nanginginig ang kamay. 

Bakit ba hindi ko mapigilan?

"Hehe, joke lang. Anong gagawin mo rito ngayon? Sa weekend pa dapat punta mo ah?" 

Kunwa'y pagche-change topic niya.

"Ah p-pinatawag kasi ako ni S-Sir Fredrick. Kakausapin daw ako. Ewan ko kung tungkol saan."

"Oww. Laland---, este may emergency meeting pala. Hehe. Sige goodluck. Sana hindi ka pa palayasin. Kidding aside. Hahahaha."

Hindi ko na lang pinansin ang pasaring niya dahil wala akong time para makipagtarayan pa.

Di naman ako mananalo, para saan pa. Tsaka mas pinagtutuunan ko ng pansin yung kaba ko no.

"Ting!"

Bumukas na muli ang elevator at agadakong tumungo sa office ng Leon.
At ayan na nga siya. Nakatungo sa sandamakmak na papeles habang nakakuyom ang dalawang kamay with nagngangalit na ugat pa.

Galit nga, naku po.

Jusko, ayokong maging punching bag!

"Totoo ba?!"

Luh. Nabigla ako dahil sa tanong niyang yun. Para kasi siyang literal na Leon na anumang oras ay mananakmal sa tono ng pananalita niya. Sa pagkajatanda ko naman ay wala akong ginawang kasalanan sa kaniya ah.

"Ang a-alin po---"

"T*ng ina. Playing innocent ha?! Gaano katagal mong itatago sa akin ang katotohanan?!"

T-teka wag niyang sabihin. Oh God, wag naman sana.

"Anak ko sina Fredson at Rickson! Bakit hindi mo sinabi?! Bakit mo sila itinago?!"

Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin.

"Hon, what's going on here? Bakit ka sumisigaw?"

Biglang eksena naman ni Cassy.

"Get out Cassandra! Labas ka sa usaping ito!"

"P-pero hon---"

"Just leave!!!"

Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kagalit.

At hindi ko alam ang dapat gawin. Natatameme na ako sa takot sa maaari niyang pwedeng gawin ngayong galit siya.

"Ano Bratson? Sagutin mo ang tanong ko?!"

"P-paano mo nalaman na---"

"Fvck! Kamukhang-kamukha ko yung isa sa mga bata magtataka ka pa?! I did the DNA testing when I donated blood for Rick and yes. It's 99.9% positive na anak ko sila. Eto ang ebidensya oh kung magpapatay-malisya ka pa din!"

Isinampal niya sa akin ang mga papeles na hawak niya. At nakita ko nga dun na totoo ang sinasabi niya. Nagagalit siya dahil itinago ko ang totoo.

"At first I can't believe it, isang baklang katulad mo manganganak? I just can't imagine how impossible was that. But now I see the results, naniniwala na rin ako. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mo itinago. Ano ganyan ba ang gusto mo ha? Gusto mong gumanti? Gusto mong gumanti sa lahat ng ginawa kong pangloloko sa iyo ngayon ha? Yan ba ang gusto mo? Gusto mong habambuhay kong hindi malaman ang katotohanan? Napaka-selfish mo pa rin kahit kailan! You even called yourself a mother pero nagawa mong itago ang anak mo sa sarili nilang ama.

Napakamakasarili mo Bratty!

Napakamakasarili mo!"

Ngayon ko lang napagtanto.

Tama nga ba siya?

Makasarili nga ba talaga ako?

Sarili ko nga lang ba ang iniisip ko?

Masama ba akong ina?

Or should I say, karapatdapat ba akong tawaging isang ina?'

"Ano magsalita ka! T*ng ina!"

I hold his hands na nakahawak sa kwelyo ng damit ko. And I speak.

"I-I'm sorry kung yun ang iniisip mo. Na itinago ko sila para makaganti. Pero believe me, hindi yun ang intensyon ko. Kahit kailan hindi ko inisip na gantihan ka o ang pamilya mo. Nung nalaman kong buntis ako, parang umikot patiwarik ang buhay ko.

Aba isang bakla? Nagbuntis?

Blessing siguro para sa akin pero alam kong sa paningin ng iba, abnormal ako.

Nahirapan ako sa loob ng ilang taon na mag-isa ko silang itinaguyod, oo, pero pinanindigan ko yun.

Kasi ang sabi ko, ayoko ng guluhin ka pa dahil tignan mo ngayon, maayos naman na ang buhay mo. Masaya ka na. Malaya ka na. Pero I just don't expect na magkikita pala ulit tayo at magkakaroon uli ng koneksyon sa isa't-isa. At alam mo bang takot na takot ako."

He just look at me intently. Hindi ko man mabasa ang sinasabi ng tingin niya, pero alam kong nakikinig siya.

"Takot na takot akong mabulgar ang totoo. Kasi, kahihiyan yun sayo.

At alam kong katulad ko...

Baka i-reject mo rin sila. Ayokong makitang nasasaktan ang mga anak ko dahil hindi sila tanggap ng sarili nilang ama. Kaya, I'm sorry.

I'm sorry.

Kung naging makasarili ako.

I'm sorry!"

Humagulhol na ako sa harapan niya. Wala na akong pakiala kahit magmukha akong dugyot at madungis pero naiiyak talaga ako ngayon.

"Now I understand, mahal."

W-w-wait, w-what? An-no daw?!

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top