Ika-tatlumpu't-siyam

-Bratty-

NAKARATING na ako sa bahay kasama ang lalaking ito, baon ang isang balitang alam kong babago sa buhay ng mga anak ko- pati na ako.

Gustuhin ko mang ipagpabukas na o wag na lang ituloy ay hindi maaari.

Nahuli na, nalaman na niya ang totoo.

At ang gusto niya ay ipagtapat ko ito sa mga anak niya.

Gusto niya raw ipakita na bilang ama ay mahal na mahal niya ang kambal bilang karapatan niya rin naman iyon.

Kaya mga bes kong beks, mag-rally man tayo sa EDSA, sumayaw sa Obando, lumabas ng bahay kahit may enhanced community quarantine na, wala na tayong magagawa.

Karapatan niya ang ipaglalaban niya eh.

Ang dami-dami kong sinasabi sa isip ko, kaya naliliyo na ako eh.

Sa sobrang pagkaliyo ko, akala ko tinawag akong "mahal" ni Fredrick.

Assumera din ako minsan eh.

****

"Huh? Mahal?"

Kumunot ang noo niya at nag-iwas ng tingin. Kamot-kamot ang batok niya.

"Pinagsasabi mo diyan, wala akong sinabing mahal ah. You might just a-ano, misheard me kasi iyak ka ng iyak. It might got affected your hearing kaya ganun. Kung ano-anong naririnig mo. Hehehehe."

'Haba ng paliwanag ah. Defensive much?

****

"We're here, Bratty."

Ay. Ambilis naman. Bat ganun? Parang mas kabisado niya pa ang ruta papunta sa amin kesa saken? Well nevermind mga bes kong beks.

Bumaba na ako ng kotse at pumasok na ngbahay. Bumungad sa akin ang kambal at si Nathan na naglalaro. Isip bata talaga ang loko.

"Mommy!"

"Mom!"

Sabay na sigaw ng kambal at mainit akong sinalubong ng yakap.

Sarap umuwi ng bahay ng ganito kalalambing ang bubungad sa iyo.

"Kumain na ba kayo mga anak kong pogi na cute pa?"

Lumuhod ako upang pantayan sila at pinapak nila ng kiss ang pisngi ko. Ang cute.

"Di pa mommy, pewo di pa naman po kami gutom. Daming dalang foods ni daddy pogi. May spaghetti, tsaka doughnut, tsaka po Moo! Ang sawap mommy!"

"Tapos may dala pa pong toys si daddy pogi Mom. Nagalaw po tsaka nailaw. Ang ganda!!!"

Ang saya-saya ng kambal ko.

Nakakatuwa naman itong si Nathan, paglulutuan ko nga ito mamaya. Mahilig naman 'yan sa luto, tsaka choosy pa ba siya?

May sakit si Tita, sinong magluluto? Hmmp.

Ito lang naman ang hangad ko talaga eh, yung kasiyahan ng mga anak ko.

Pero I think mas magiging masaya sila kung makilala nila ang tunay nilang ama.

Ayoko nang maging selfish tulad ng sabi ni Fredrick.

"Ehem." Speaking of, mukhang masyado akong nalibang sa cuteness ng kambal at nakalimutan ko ang kasama ko.
Hays. Parang gusto ko ng umatras mga bes kong beks.

"Ha? Sir Fredrick, bakit mo siya kasama Bratmaylabs?"

Tumalim ang mga tingin ni Fredrick nung magsalita si Nathan. Bakit naman?

"Ah kasi, may importante akong sasabihin, Nathan, sa kambal, at may kinalaman siya rito."

Bumuntong hininga pa ako ng malalim. Kaninong santo ba ako dapat lumapit. Para akong mauubusan ng dila sa kaba sa magiging reaksyon nina Fredson at Rickson. Baka kasi magalit sila sa akin dahil itinago ko ang totoo. Sana hindi naman. Wag naman ganun. Baka hindi ko kayanin.

"Mukhang alam ko na kung ano."

Nathan said as he look at the twins, and Fredrick.

Afterall, alam naman niya ang lahat eh.

Mukha naman wala siyang tutol sa desisyon ko, I'm glad that he's really a very supportive friend of mine.

"Ano pong importanteng sasabihin? At bakit po nandito si Siw Fwedwick? Hello po sa inyo!"

Lumapit si Fredson to shake his hands with him, but the latter rather give him a tight hug.

"I miss you, my son."

"Ah eh na-m-miss din namin po kayo."

Halatang niilang si Fred.

"Ah, ganito kasi 'yan mga anak. Si Fredrick Deltran, ang owner ng 2D Corp. ay ang..."

Mga bes kong beks kayo na magsabi please. Parang hindi ko kaya. Ayaw ng gumana ng bibig ko, ng dila ko. Ayaw ng bumuka, ayaw ng maglabas ng tunog, ng katotohanan.

"Ano po Mommy?"

"Ah-eh."

"K-k-kasi, a-ano."

"Siya ang..."

"A-ano eh."

"I'm your father."

I gasped when I heard that. Si Fredrick na ang nagsabi at halata sa mukha ng kambal ang gulat.

"T-totoo mom? Siya ang papa namin?"

Tumango na lang ako at nagtakbo na si Bratson para yakapin din ang ama.

Umiyak sa sobrang galak ang kambal.

Gustong-gusto talaga nilang magkaroon ng tunay na ama.

Akala ko talaga noon, kapag nalaaman ni Fredrick ang totoo, ikakaila niya ang mga bata. Tatanggihan.

Or worst isumpa or pagtawanan lang ako. Pero mali ako mga bes kong beks, mahal niya ang mga bata.

Mahal na mahal.

Sana all.

I stood up at hinayaan na munang mag-moment ang mag-aama.

Matagal na panahon din ang nawala sa kanila dahil sa katangahan ko.
Nagpunta akong kusina upang ipaghanda sila ng hapunan.

"So ano na'ng plano mo ngayon Bratmaylabs? Ngayon na... Nasiwalat na ang katotohanan. Ang lihim mo ng ilang taon?"

Sinundan pala ako ni Nathan hanggang dito. Oh well, tsismoso nga pala siya ng taon.

"I'll give him what he want. His rights in his children. Ang maging ama."

I simply replied habang naghihiwa ng karne.

"So magbabalikan uli kayo?"

I look around at him with disbelief.
Anudaw?

"I said na hahayaan ko siyang maging ama sa kambal, pero hindi ang maging asawa ko, maging kami muli. He'll not get us as complete package, anyway, it's only twins who matters to him."

Ani ko pa. Napaisip nga ako kung paano yun? Siguro, maghahatian kami sa mga bata? Apat na araw saken, tatlo sa kanya?

Komplikado ba mga bes kong beks? Well, matagal na naman talagang komplikado ang buhay ko.

"Nakakainis ka, Bratty."

Huh?

"Nakakainis? Why do you say so---"

"Kanina ka pa English nang English! Dinudugo na ang ilong ko!"

Pfft! HAHAHAHAHA.

"Baliw ka Nathan. Hahahaha, nag-aksaya ka pa ng ketchup sa mukha mo! HAHAHAHA!"

Adik talaga itong isang ito. Naglagay pa ng ketchup sa ibaba ng ilong, kunwari dugo. Adik!!!

"Oh deh para di sayang, tikman mo."

"Yak! Nathan, kadiri ka!"

Naghabulan kami paikot sa lamesa na parang mga bata. Hahahaha, pati ako nahahawahan na ng pagka-isip-bata ng adik na ito.

"Wahhh! Nathan lubayan mo na nga ako!"

Nakakapagod tumakbo mga bes kong beks.

"E-ehem." Nakuha naman ang atensyon naming dalawa ng may kalakasang tikhim sa isang tabi. Na nagmula sa the one and only, Mr. Fredrick Deltran.

"Gutom na daw ang mga bata. Magpapadeliver na ba ako? O ititigil niyo ang paglalandian diyan at magluluto na?"

Problema niya, at biglang nagsungit? At ano daw? Naglalandian? Itulad ba ako sa kanila ni Cassy. Phew.

Nakalabas ang ilang ugat at nakakuyom pa ang mga kamay niya mga bes kong beks.

Ihhh! Scary.

Pasmado siguro siya mga bes kong beks kaya ganun.

Napansin ko namang naka-"pout" na yung mga labi ng mga bata. Sign na 'yan na gutom na nga sila.

Ang cute ano?

Hihihi.

"Magluluto na po, sir." I awkwardly said at itinuloy na ang ginagawa. Habang si Nathan naman ay naghilamos. At si Fredrick kasama ang mga bata ay nag-upo sa lamesa.

Okay, chicken adobo lang naman ang lulutuin ko kaya mabilis lang ito.

Matapos ang mga proseso sa pagluluto ay pinapakulo ko na ang adobo. Medyo masabaw ito dahil mahilig sa sabaw ng adobo ang kambal.

Speaking of them, nilingon ko silasaglit at nakapout pa rin sila pero kausap ang kanilang ama na-nakatingin sa akin?

Iwas!

Wrong move ka na naman Bratty.

Hayaan mo na 'yang ulupong na 'yan.

Wala lang sigurong makitang maganda sa paligid kaya sa'yo nakatingin.

Teka di naman ako maganda ah?

Nebermaynd.

"Ayan, luto naaaa!"

"Yehey!!!"

Nagpalakpakan ang kambal habang nagniningning pa ang mga mata.

Napaka-cute!!! Sarap pisilin ng paulit-ulit.

No wonder why walang pag-iimbot na tinanggap ni Fredrick ang responsibilidad bilang ama nila.

Lovable kasi talaga sila, sa appearance at sa ugali.

Pagkalagay na pagkalagay ko ng ulam ay siyang sabay pagtusok ng tinidor nina Nathan at Fredrick sa ulam- pfft. Nauna pa sa mga bata.

Tinampal ko ang mga kamay nila at parehas namang napadaing.

Madudurog na yung manok eh ayaw pang bitawan nung dalawa.

"Mas gutom pa sa bata? Balak niyo bang i-double kill yung manok? Magdadasal muna tayo bago kumain!"

Bagamat nakanguso na 'yung kambal at tahimik ay alam kong nagpipigil lang sila ng gutom. Sanay na naman sila sa ganito eh.

"Pangunahan mo..." Sabi ko habang minamatahan siya. Gutom na rin kasi ako eh mga bes kong beks eh.

"Seriously? Ako ang magli-lead? Bakit ako?"

Aba reklamador, bibwisi-bwisita sa pamamahay ko tas aangal ng ganan.

"Mr. Deltran, ikaw ang bwisi- este bisita kaya dapat ikaw ang manguna sa pagdarasal. Ganito kasi dito sa amin kahit itanong mo pa sa kupal na si Nathan---"

"Hindi ako kupal Bratmaylabs!"

"Whatever, basta ikaw ang mangunguna sa prayer. Well, kung ayaw mo naman, deh wag ka na ding kumain. Madali akong kausap."

I don't know what's gotten to me mga bes kong beks but there's something inside me that urges me to make taray of him.

Wawww, taglish.

Atleast di ko inaalis yung Wikang Filipino, sa college kasi balita ko inalis na? Tunay ba mga bes kong beks?

"O-okay, sige magdadasal na po."

Haha, ang cute ni Fredrick magdasal. Halatang di siya sanay, nauutal at namamawis pa ang mukha.

'Ang cute!'

Luh! Sino yun? Cute daw, asa.

"Amen!"

Sabay-sabay naming sabi at pasugod na aatakehin ang walang kalaban-laban na ulam. Pinigilan ko naman sila ulit sa pamamagitan ng makapangyarihan kong tampal.

Pak! Pak! Pak! Pak!

"Aww, Mom."

"Gutom na ako Mommy!! Huhuhu"

"Bratmaylabs, nakakadalawa ka na ha."

"What is it again? I'm starving already!"

Sabay-sabay nilang reklamo. Nagcross arms ako at nagtaas ng kilay.

"Naghugas na baga kayo ng madudumi niyong mga kamay?"

"Ako, Oo Bratmaylabs."

"Pwes magpatuloy ka sa pagkain, at kayong tatlo..."

I pointed the twins at ang magaling nilang ama.

"Hugas kamay sa gripo!"

Inakay ni Fred ang dalawa na nakanguso pa rin at humayo na sa lababo.

Habang kami naman ni Nathan ay naiwan para kumain na.

"Sarap mo talaga, Bratmaylabs magluto. Hmmm! Sarap talaga!"

"Salamat, Nathan unggoy. Hahaha."

At pinisil ko pa ang ilong niya.

Namula ng konti yung pinisil ko, ang cute!!! Hahaha.

"Siguro masarap ka din magmahal."

"Baliw ka. Hahahaha."

Pansin kong palingon-lingon si Fred dahil siguro sa ingay namin.

"Awwts po Papa, madiin po ang pagkuskos niyo sa kamay ko."

"Hala, sorry, my son. Hehehehe."

Ayan, lingon pa! Magka-stiff neck ka niyan.

"Bratmaylabs nganga ka, tas tingin ka dito."

Si shunga-shungang ako ay ngumanga nga at lumingon.

"Yan, my sons tapos na tayo. Kain n-na t-tayo."

What the heck! Sinubuan ako ni Nathan!
Ng isang kutsarang pagkain mga bes kong beksssss!!! Sa harap nilang tatloooo!

"Bowliw, ko tologo!"

Pinaghahampas ko pa ito sa mga braso niya habang sinisinghalan ito habang nasasamuwal ng pagkain sa bibig ko habang--- okay puro habang na!

"Papa, san po kayo pupunta?"

"Nawalan na ako ng ganang kumain, dun na lang ako sa salas."

Nagpantig naman ang tengako mga bes kong beks dahil dun.

"Isang hakbang mo pa Mr. Fredrick Deltran at lilipad ang malaking sandok na hawak-hawak ko papunta sayo!"

Nakakairita mga bes kong beks.

"Ayoko ng tinatalikuran at hinihindian ang grasya, baka magtampo 'yan kaya bumalik. Ka. DITO!"

Paglunok na lang ang nagawa ng kambal, nakanguso pa rin sila kasi hanggang ngayon ay di pa rin sila nakakakain.

Si Nathan naman ay lamon lang ng lamon, napakasiba akala mo naman may ambag. Hmmp.

At itong magaling na lalaki ay feeling manikin slash standee slash estatwa at hindi na nakaalis sa pwesto niya.

"Okay, fine. Sige po, bahay 'niyo' ito eh."


He said with full of sarcasm while ipinagdidiinan ang niyo.

Arti, libre kain na nga...

Ng matapos ang hapunan ay naghugas na ako ng pinggan.

"Bratty."

Ay, shedda. Muntik ko nang mabitawan yung baso ko sa gulat.

"Ano yun Sir Fredrick? Yung mga bata? Asan?"

"Kalaro yung gunggong dun---"

"May pangalan yung tao, at Nathan yun."

"Masyado ka yatang affected sa sinabi ko, na gunggong siya?"

Insert irap mga lima.

"Whatever, ano nga ba kasi yun? Sir?"

Sabi ko with full of formality. Sabihin niya pa feeling close ako.

"You don't have to call me 'Sir,' we're not in the office anymore, Bratty."

Hooh, nakakakilabot kapag binabanggit niya pa ang palayaw kong 'yun.

Di lang siguro ako sanay.

"Ano nga ho kasi ang gusto niyong sabihin? Diretsuhin niyo na lang, daming pasakalye."

Pagpaprangka ko habang pokus na pokus sa pagsasabon ng kubyertos.

"Ahm, ano kasi. Ganito ang plano ko para sa scheduling natin sa hatian sa bata."

"Excuse me, hindi sila laruan para paghatian! Anak ko sila!"

I retorted.

"Anak natin. And that is not what I mean by that, so ganito na nga. Weekdays sayo, weekends sa akin. At kung weekdays, dadalaw ako sayo, sa inyo pala I mean. Tapos kung weekends, ikaw naman ang dadalaw sa akin, I mean sa amin. Para palagi na tayong magkasama. Ah I mean, magkasamang alagaan at palakihin ang dalawang bata. Para magkatuwang pa rin tayo at di ka na mahirapan pa sa pagpapalaki sa kanila."

Haba ng sinabi niya, pulos I mean naman siya.

Mahilig siguro ito sa math noong nag-aaral pa!

Boom! Waley si Bakla!

"Sa tagal ko nang inaalagaan silang dalawa ng ako lang, at ginusto ko naman. Never akong nagreklamo, at never akong nahirapan dahil mahal ko sila. Pero kung 'yan ang gusto mo, okay, pagbibigyan kita. Pero binabalaan kita Fredrick, 'wag na 'wag mong sasaktan ang mga anak ko. Ako na lang, basta wag sila. Wag sila!"

Pagbabanta ko pa ng may kasamang pait dahil sa ala-alaala ng nakaraan.

Hindi pa rin talaga ako nakaka-move on.

"Okay, I promise---"

"I heard it before, the same way, but now in a complete different situation Mr. Deltran. And I hope that it will not end up as devastated as before. Just do it, just prove it. Fredrick. Sige na, humayo ka na dun. Baka hinahanap ka na ng mga bata."

"O-okay. Sige."

Hayyy. Sana this time mga bes kong beks di na ako magkamali, sana di na ako magsisi.

Na pinapasok kong muli siya, sa buhay ko.

Hayyy. Makapagbanlaw na nga!

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top