Ika-tatlumpu't-pito
-Bratty-
"TRUELITY BAKS! Haba ng hair moooo---- hmmm! Hmm!"
Sarap takpan ng bibig ni Feli, napaka-ingay.
Kinwento ko kasi yung tungkol sa 'mga' bakasyones na gaganapin sa weekends.
Nung feeling ko'y nag-uube na si Feli ay saka ko pinakawalan ang bibig niya. Charot!
"Eh alin yung pinili mo?"
Pinagdikit ko ang mga dulo ng hintuturo ko at tumingin sa malayo. Pantanga lang eh noh?
"Yung sa resto syempre, yun ang nauna eh. Aray!"
Bigla-bigla na lang nanghahampas ang baklang ito. Kakaurat ha.
"Bakit yun?! Si Fredrick na yun eh! FREDRICK DELTRAN! Gwapo, mayaman, matalino, at hawt at nasabi ko na ba yung gwapo? Wahhh! Sayang bakla! Sayang na sayang!!! Tanga mooo!"
Huh? Hindi naman ako nanghihinayang eh. Tsaka kung pipiliin ko sumama dun sa 2D Corp. di nakakahiya naman kay Sir Rogue na pinakiusapan ko pa maisama lang ang kambal ko?
Malabo naman kung pagsasabayin ko yung dalawa, as if pareho ng lugar na paggaganapan. Mahihirapan lang ako kaya no-choice kundi tanggihan ko talaga.
"Pero ikaw ha, di ka nagsasabi na nagwo-work ka din jan kay Fafa Fred. Tatlo na ang work mo paano mo nakakaya yun? Ako nga full-time dito ay maloka-loka na. Kalahi mo ba si Darna? And infareness naman ha, ampo-pogi ng tatlo mong boss!"
Kahit kailan talaga si Feli, napakilagalig. Kaya palaging nakakaaway si Seige eh. Si Seige kasi ay matahimikin at madalas ay seryoso tulad nina Boss Frost at Sir Rogue. Pero kahit ganun, bagay sila ni Feli!! Kyaah!
"Sorry naman. Nakalimutan ko na eh. Ganito lang siguro kapag may binubuhay na mga anak. Unlimited ang lakas."
Okay, nagtunog matanda ako sa sinabi kong yun hahaha.
"At unlimited ang ganda! Wahahaha!"
"Bolera!"
"Wahahaha."
"Ang ingay naman."
And speaking of the dev--- Nyii!
"Ay langya naman! May pahubad pa ang aspalto. Mukha namang palito!"
Eto na naman sila. Maglalaitan na naman.
"Sus. Makapula, di naman makatingin. At ang pisngi, pulang-pula! Bakla nga naman oh!"
"Mabuti ng bakla kesa palito!"
"Ah palito pala ha!"
"Hayufff! Ang asim ng kili-kili mo!"
"Hayuff! Ka Seige! Bubunutin ko ang balls mo! Hayp ka pag naabutan talaga kita!"
Buong shift ko ay napakasaya dahil sa dalawang panis na yan. And when it's my time na nagpaalam na ako kay Boss.
"Hatid na kita."
Huh?
"Hatid po boss? Naku wag na, di naman po ako babae. Isa po is I can commute naman. Hehe."
He stopped from what he's doing at hinarap ako with his cold stare. Shedda mga bes kong beks! Napakaseryoso ng tingin niya! Kakashookt!
"Tinatanggihan mo ba--"
"Eto na nga boss eh. Sasakay na hihi."
Ayoko talaga yung ganyang tingin niya. Huli niya 'yang pinakita nung may nambastos samin ni Feli na costumer eh
-----------------------------------------------------------------
"Ano ba naman yan. Puro bakla ang workers dito. Tatanga-tanga na nga, kasi sinabi nang tulips pero rose ang inarrange niyo! Nagalit ang girlfriend ko dahil sa inyo! Mga salot!"
Pasalamat siya malaki siya kaya di kami makalaban. Nagkataon naman na may sakit si Seige kaya wala kaming kasamang maton dito.
Pero alam naming tama kami. Kasi rose talaga yung nilagay niya dun sa listahan.
Ilang ulit na naming pinakita at pinaliwanag yun sa kanya pero di siya nakikinig. Ang gusto niya pa ay gumawa kami ng bagong arrangement ng walang bayad.
Nakakabaltik na sa totoo lang, pero kostumer siya eh. Letseng paniniwala 'yang 'the costumer is always right' na yan. Nakakasira ng disposisyon sa buhay!
"What going on here?"
Salamat sa Diyos! Dininig ang mga panalangin ko!
Nagtatakbo akong parang bata at humawak sa braso ni boss na mangiyak-ngiyak na.
"Boss, sorry po. Nakalagay po kasi sa list na pinapa-arrange niya is rose d-daw po. P-pero tulips daw po talaga yung pinapa-a-arrange niya. Gusto niya po ng b-bago nun na w-walang bayad. Sorry po Boss."
He looked at me and, and, and...
He kissed my forehead!
"Okay lang Brat. Let me handle this."
Mula sa napakagandang ngiti ay nagbago ang kaniyang face expression.
Napakalamig niyang tumingin. Parang tumatagos sa kaluluwa.
Para siyang baril na nakatutok direkta sayo at anytime ay pwede kang paputukan.
Sa pinakabrutal na paraan.
Nakakatakot talaga.
At matapos kausapin ni Boss 'yung maton sa labas ng flowershop.
Humagulhol!
Yes humagulhol yung lalaking nagrereklamo at magmula noon ay di na bumalik pa rito.
Hindi naman na kami ni Feli nagtanong kung anong pinag-usapan nila dahil basta.
Nangako kami na hindi na hahayaan pang maipakita ni sir yung ganun niyang side. Nakakatakot kasi talaga. Di na ako magtataka kung bakit naging SC President siya nung high school.
-----------------------------------------------------------------
"Ok, we're here. This is your house right?"
Ay nag-space out na pala ako. Nasa bahay na kami agad?
"Ah eh oo. Opo Boss. Sige b-bababa na po ako."
"Wait Brat. Di mo manlang ba ako papapasukin?"
H-huh? Nakakahiya ang bahay ko, nakakahiya kay Boss.
"Naku wag na po. Makalat po kasi sa bahay. Nakakahiya po sa inyo."
"Makalat? Bakit may mga bata ba diyan sa bahay mo?"
Ay paktay. Di nga pala alam ni Boss na all this time, may mga anak ako.
Mahalaga pa bang malaman niya yun?
"Ay kasi po---"
"Takbo kuya maabutan na tayo ni Daddy pogi! Bilis! Bilis!"
"Wah eto na nga eh! Ay si Mom! Mom!!!"
Niyakap ako ng mahigpit ng dalawang chikiting at bumitin pa sa akin na parang unggoy.
"Pasensya na Bratmaylabs ang kulit kasi eh, gusto maglaro kahit gabing-gabi na... Ay may kasama ka pala. Sino siya?"
As I looked back to Boss, nabigla ako.
His eyes is...
His eyes is so cold.
P-pero, bakit? May ginawa ba akong mali?
"Aalis na ako. Good night sa'yo saka sa pamilya mo."
Pati pananalita niya, napakalamig.
What did I do? Mga bes kong beks anong nangyayari?
Harurot na nagdrive si Boss paalis. Galit ba siya? Saken?
"Problema nun Bratmaylabs? Galit ba yun sa kapwa niya gwapo? Nakita lang ako, umusok na ang ilong."
Nyii.
"Ikaw ata ang may gawa eh! Boss ko yun! Sa flowershop! Nakakainis ka!"
"Huh? Anong ginawa ko? Kasalanan ko bang gwapo ako? Uyy sandali Bratmaylabs!"
Nagwalk-out na lang ako habang nakabitin sa mga binti ko yung kambal.
Ang siste para akong baging.
Nabadtrip si Boss kay Nathan? Bat naman? May issue kaya sila? Bakit ba ang dami kong tanong?!
May problema lang siguro yun si Boss or sinumpong.
-----------------------------------------------------------------
Araw ng paglarga papuntang beach!
Handang-handa na kaming mag-ina pero hindi pa kami makaalis. Si Nathan kasi eh pahintay pa! Ang tagal naman nun.
"Mommy! Ayan na si Daddy pogi!"
Huh? Sa-an?
"Wow naman Nathan. Nagmukha kang tao, himalaaaa!"
"Uy! Ang pogi ni Daddy pogi!"
"Sing-pogi lang kami Wick!"
Naka-board shorts ang loko tas polo na nakatanggal ang kabit ng tatlong butones. Artistahin!
Rumampa pa ang unggoy, feel na feel!
"Tama na yan Nathan! Dun mo yan gawin sa beach ng makabingwit ka na ng babae. Tanda-tanda mo na, hindi ka pa nag-aasawa."
"May asawa na ako noh!"
"Sino?"
"Ikaw!"
"Baliw! Hahaha."
"Ayiiiiieeeeeeeeh!"
Luh. Ang mga bata, may pag-ayieh?
"Mommy! Daddy pogi ha."
"Bakit nak?"
"Kinikilig lang po!"
Huh? Paano nila nalaman yun?
"At san mo natutunan yan. Bawal pa yan sa mga babiesna katulad niyo."
Sabay naman nilang itinuro ang pabidang unggoy.
Kahit kailan talaga...
-----------------------------------------------------------------
"ANG CUTEEEEEEEE!"
"Kyaah! Your sons are so adorable!"
"Sarap pisilin! Wah!"
Mga pashneyang babae ito! Kung makapisil sa mga anak ko kala mo naman piniritong manok!
"Ah eh tama na yan. Magtatabi pa tayo ng gamit hehe."
"Sige, pero samin ka makiki-room! Afterall, babaihan ka naman!"
Babaihan?
"Wah! Mommy helppppppp!!"
"Mom! Waittttt!"
Hehe. At talagang nauna pa silang dalhin yung mga anak ko sa room. Kakaloka.
'Marunong silang maglakad mag-isa!'
Hmmp.
Bilang ako ang naiwan mag-isa ay ako lang ang magdadala ng mga gamit namin. Ang heavy!!!
"Ako na Miss."
Nyii. Miss daw? Napagkamalan pang babae.
"Haha, di ako miss. Anyway, salamat kuya sa pagdadala."
Nag-ikot siya ng tingin saglit at...
"Walang anuman Bratty."
A-alexander?! Ginagawa niya rito? Akala ko pa naman huling pagkikita na namin yung sa resto.
Bigla na naman siyang umulpot ngayon– at dala-dala pa ang mga gamit ko.
Matapos mailapag sa tapat ng room ang mga gamit namin ay nagpasalamat ako agad sa kanya at akmang papasok na nang hinatak niya ang braso ko.
Di na talaga nawala ang hatakan eh noh?
"A-ano yun?"
Tinuturo niya ng pisngi niya.
"Di libre ang pagtulong ko sayo. Kiss na lang ang kabayaran para sa isang magandang dilag na tulad mo."
Hmmm.
Boys will always be boys.
Mapaglaro.
Mapaghamon.
Mapanubok.
Maparupok.
Mapanghikayat.
Pero sa huli, wala namang paninindigan. Hindi ka paninindigan.
Pa-fall.
Paasa.
"Sige ba."
At ang pinakanatutunan ko sa lahat ng nangyari noon?
Yun ay ang 'wag na lang seryosohin lahat ng ginagawa ng mga tao sa paligid ko.
Minsan ginagawa ng mga tao ang mga bagay na nakakapagpalito sa damdamin ng iba dahil sa boredom.
Nakakatawa, oo.
Pero aminin niyo. Minsan na rin kayong naging pampalipas-oras mga bes kong beks.
He seemed to be so shock pero natuwa rin dahil sa sinabi ko.
He assumed that I'm that old Bratson.
Yung walang alam sa laro ng malalandi.
As he close his eyes and my lips are about to reach his cheeks.
Tumakbo na ako ng room, dala ang gamit at isinara ang pinto.
A friendly advice para bwisitin ang malalandi:
No. 1: Painitin sa simula, kunwari bibigay, then bitinin mo!
Sa room ay tipon-tipon ang mga girls at mistulang ginawang stuff toy ang mga anak ko.
Nakakatawa yung mukha nung kambal, parang windang na windang.
Thanks to the bell ay nagpunta na kami sa assembly area.
My i-a-announce siguro, or baka, start na ng activities!
Just so you know, hindi pa ako nakakaato ng mga ganan-ganan dahil pinagbabawalan ako ni Mommy sa mga bagay na nangangailangan ng too much physical effort.
Speaking of her, and my daddy too, I really miss them.
Mahirap din pala magpaka-independent lalo na kung nami-miss mo yung dati mong kasama sa isang bubong.
Pati na rin si... Ah! Nevermind!
"Wag kayong maglililikot dun ah."
Hatak-hatak ko ang mga anak ko. Ayaw na daw nila dun sa mga monsters na babae, hahahaha.
"Aye, aye, Mommy!"
Sa assembly area ay isang bagay ang agad kong napuna ko...
Ang 2D Corp!
So it means na, dito rin gaganapin ang celebration nila? The heck! Paano nangyari yun?!
Pagpunta dun ay nagtago agad kami sa may gitnang pila ng team namin.
At talagang kahati pa namin sila sa Assembly area?
"Okay guys---"
"So to start this--"
"Para simulan---"
"Good Morni---"
Ano ba talaga?
"Sige Mr. Deltran ikaw na magsimula."
"Hindi, you go first."
"Ikaw na sabi eh!"
"Ikaw na mag---"
"Ano ba ang iingay niyo! Para kayong mga bata!" Yung babae na nakasalamin sa 2D Corp. yung nagsalita. Or should I say, bumulyaw?
"Okay, okay. I have a suggestion, everybody. Since coincidentally ay nagsabay ang ganap natin dito sa beach resort. Why not na magsama na lang tayo as one, and magpakasaya. The more the merrier right! Tama na muna 'yang pagtatalo! Let's just jave some fun!"
That's Cassy, as she entered the scene wearing her walang kamatayang panty't-bra tandem covered by a see through dress– para wag lang masabing over-revealling eh noh?
"Grabe mga bro. Sarap talaga niyang si Cassy, ang sexy, ang ganda, matalino, at balita ko, masarap sa kama!"
"Hahahahaha."
Tinakluban ko agad ang tenga ng mga anak ko dahil sa katampalasanan ng dila ng iba naming kasamahan.
Si Nathan, on the other hand ay minatahan yung nagsalita at natahimik naman ang mga lalaki.
Nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na si Nathan ang pinakaginagalang ng lahat ng waiters namin?
Haha. Ngayon alam niyo na.
Matapos ang further announcements ay magbibihis na kami!
Swimming and pa-activities na kasi!
I'm so excited!!!
Matapos lumabas ng banyo wearing my simple t-shirt and shorts ay na-shookt naman ako sa tinging ipinupukol sa akin ng girlash!
"Bakit ganyan lang ang suot mo Brat?!"
"Dapat bonggahan mo pa!"
Napakamot naman ako ng ulo, di na naman masama ang sinuot ko ah.
"Bongga na kaya ito. Hmmp."
Kasi naman, hindi na ako nagsususuot ng mga damitan ko dati. Puro simple lang ang sinusuot ko.
"Di kami papayag!"
"Sa ganda mong 'yan? Dapat bongga ka noh. Para bongga ang team resto! Ikaw ang ipantatapat natin sa Cassy na puro boobs ang pinaiiral!"
May lihim na galit din pala sila sa babaeng yun? Hindi ko ine-expect yun ah.
"Kaya bumalik ka at suotin mo ito!"
Sinunod ko naman ang gusto nila, ang kaso lang. Yung dibdib ko ay medyo nahahalata? Hindi kasing O.A. nung kay Cassy pero obvious talaga yung dibdib ko eh.
"Bakit ang tagal mo diyan Brat-- Omyghad!"
Anubayan! Bigla-bigla na lang silang nagbubukas ng pinto!
"Ang sexy mo!!! Transgen ka ba?!"
Luh! Sinasabi ko na nga ba eh, mapagkakamalan ako.
"Hindi ah, ano lang yan. Silicon, ganun!"
Mukhang duda pa sila pero hinatak na nila ako palabas.
"Teka yung mga anak ko---"
"Duh! Nauna na dun kasama ang ibang babaita. Kaya tara na!"
Parang kinakabag ako ng hiya. Ngayon lang ulit ako nagdamit ng ganito!
"Wag ka ng mahiya bakla! Mas babae ka pa nga samin eh! Ang gawin mo, umawra! Talbugan mo ang Cassy na yun!"
Mukhang wala na akong magagawa. Napasubo ako sa laban na hindi para sa akin.
Pagdating namin sa may buhanginan ay pinagtinginan agad kami ng lahat.
Natural ang dami ko kasing babaeng kasama na naka-swimsuit. Kaya paniguradong pagtitinginan sila.
"Babe! Ikaw ba yan?!"
Ay si Sir Rogue pala.
At...
At...
Sandamakmak na abs!
Nagkakasala ang mga mata ko!
"Bakit po sir este b-babe? May ipapagawa po ba kayo?"
Muntik pa akong magkamali, may kasunduan nga pala kami.
Kung makatitig naman saken, kala mo naman sobrang ganda ko...
Hmmp.
"Love me."
"......"
Nudaw?
"Ah ibig kong sabihin! M-maglalaro tayo ng volleyball! Ang grupo natin laban sa 2D Corp.!"
Naghiyawan ang lahat at nagsisalangan agad ang mga players.
Walang arte-arte.
'Hampasan ng bola, talbugan ng dyoga.'
Napakahusay!
Pantay lang ang score ng magpalitan ulit ng players at isinalang ako.
At napatapat pa naman kay Sir Fredrick na...
Mukhang gigil na gigil na.
Parang gusto niyang kumain ng buhay na tao sa sama ng tingin niya saken.
Ganun ba ako ka-chaka para magkaganyan siya.
Ang creepy eh.
Ng magsimula na ay maloka-loka ako kung paano titirahin ang pangmalakasang atake ni Fredrick.
Kita kong hinihimas-himas na siya ni Cassy sa likod para kumalma, pero binabalewala lang niya ang huli.
All through out the game ay nakatingin siya saken, kahit san ako pumwesto.
Ano ba talagang problema ng mga tao ngayon? Ang wi-weird nilang lahat!
Naka-ilang paltos kami, at ang kahuli-hulihan ay pinilit kong saluhin.
Pero malas lang, mukhang mukha ko ang makakasalo!
Hinanda ko na ang sarili sa impact, pero iba ang naramdaman kong impact!
Abs, muscle, at biceps impact! Shete niyayakap ako ni Sir Rogue!
Ng makakalas naman ako sa yakap ay wala na yung kabilang koponan.
Nag-walk out na sila na pinangungunahan ni Sir Fredrick na nagmumura pa.
Sila na ang nanalo, sila pa ang galit?
May issue ba sila sa pagiging winner?
Ang weird-weird-weird ng lahat!
Parang itong si Sir Rogue!
Titig na titig na naman saken. Pashneya!
-----------------------------------------------------------------
Tulog na ang mga bata pagsapit ng dapithapon.
Hindi na sila nakapaghapunan sa pagod paglalaro kasama yung girls na hindi sila tinantanan.
Yung kalalakihan sa amin ay nag-iinom na kasama si Sir Rogue.
Ako?
Mag-isa lang naman na binabagtas ang buhanginan.
Ang saya din pala ng ganito, yung preskong simoy ng hangin, malambot na buhangin na kumukiliti sa talampakan mo, at halinghing ng kalikasan.
Nakakarelax.
Hayyy.
"Excuse me, Bratty."
Okay binabawi ko na yung nakaka-relax.
"Yes, Cassy?" Hehe. Kitang nagrerelax ako with nature eh, bat may kampon ng polusyon diney?
"Mind if I join you?"
Yung tanong ko, sinagot din ng tanong.
Werpa!
"Hindi naman. Hindi naman saken 'tong resort eh."
She heaved a deep sigh at nagsimula ng convo.
"You know what, hindi talaga dapat dito gaganapin yung celebration ng 2D Corp. Alam mo yun? Settled down na lahat ng plans for it, then out of a sudden, for no definite reason ay biglang magbabago ang lahat?! I just can't believe it!"
Pake ko? Bakit niya sinasabi sakin yung mga bagay na yun?
"And lately, Fredrick has been acting really, terribly, and incredibly weird! He's doing such unusual things! Just because someone go back his life again!"
Someone? The who?
Kakalokang babaeng ito. Magrereklamo na lang sa boyfriend niya, saken pa sinasabi.
We're not even friends though.
Prangkahan na mga bes kong beks.
Baka naman O.A. lang itong babaeng ito.
Sadya na naman weird ang ulupong na yun.
"Ito lang ang masasabi ko sayo Bratty! Eag ka ng umasa kay Fredrick! Hinding-hindi mo na siya makukuha pa! I know you came back to our lives with a purpose. And if you're planning or rather already trying to steal him from me. Wag ka ng sumubok, dahil hindi ka mananalo sa akin! Tandaan mo yan bakla!"
Sa tanang buhay ko, masasabi kong ito na ang pinakamalupit na joke na narinig ko.
Ako? Magbabalak na agawin siya? Para ano?
Pinalaya ko na siya noon.
Okay na yun.
Tanggap ko na, na di talaga pwede.
"Manalo? Yun ba sa tingin mo ang gusto kong mangyari Cassy? Manalo sa puso niya at maagaw siya sayo? Pwes mali ka!
Nung minahal ko siya, dun pa lang.
Talo na ako!
Nung nalaman kong niloloko niya ako, dahil dun halos mabaliw ako.
At nung manggaling mismo sa bibig n-niya, na...
Hindi niya talaga ako mahal...
Namatay na ako!
Itong nakikita mo ngayon?
Ito ang bangkay ng masakit na katotohanan noon.
At sawa na akong mamatay ng paulit-ulit, kaya...
Tama na. Please lang... "
Sinungaling ako,
Kasi yung sinabi kong huling luha noon...
Nasundan na naman ngayon.
Habang kausap ang taong mahal
Ng mahal ko.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top