Ika-tatlumpu't-lima
-Bratty-
"Tita Veronica ito na po ang binalatang mansanas. Kumain na po kayo oh."
Kasama si Boss Frost ay dinalaw kong muli si Tita Veronica.
Nanamlay daw kasi si Tita. Hindi masyadong nagkakakain. At madalas ay tulala. Which is hindi nakakatulong sa kondisyon niya.
"Tita kain na po kayo oh. Nagdala po kami ng mga paborito niyong bulaklak. Sige na, Tita. Please."
Pati si Boss Frost ay sinamahan na akong kumbinsihin itong si Tita na kumain.
Pero imbes na tumango o umiling o magsalita manlang ay ngumiti lang si Tita. Ngiting alam mong may tinatagong sakit.
"Tita, ano bang problema? Baka naman po may maitulong po kami Tita sa dinadala niyo."
Nag-angat ng tingin si Tita direkta sa aking mga mata. At naglibot ang paningin niya sa buo kong mukha.
"Kasing-ganda mo siya..."
Huh? Ako? Magandaa?
"Sino po Tita? Anak niyo po?"
Umiling si Tita at inabot pa ng kaniyang kanang kamay ang aking mukha. Marahan pa niyang hinimas ito.
"Kasing-ganda mo ang minahal ng aking anak."
Hala.
"Naku, Tita. Binobola mo naman ako. Hahaha."
Pero kabaligtaran ng ibinigay kong ekspresyon ang biglang pagseryoso ng kaniyang mukha.
"Katulad na katulad mo siya. Mabait, maalaga, maalalahanin, mabuting tao, at binabae. Hihihi."
Para naman akong nahiya sa sinabi ni Tita. Ang anak niya nagmahal ng isang tulad ko na kasapi ng ikatlong kasarian?
For Real?!
Honestly, hindi ko ine-expect yun.
"But sadly, I was so fool back then to hinder their relationship. I even manipulated his mind para lang layuan ang anak ko. Para gumawa ng paraan para maghiwalay sila. Para maikasal ang anak ko sa isang anak mayaman na magpapaangat ng negosyo namin."
Tita bowed her head and wept.
Nagsimula ng magsituluan ang mga luha mula sa kaniyang mga mata at lumaya ang mga hikbi mula sa kaniyang bibig.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Gusto kong iparamdam kay Tita na okay lang ang lahat, at hindi siya nag-iisa.
"My son was very mad at me. He even wished for me na maglaho na at pinagsisihan niyang naging ina niya ako. Oh God, my son, Adam, I really miss you."
Masakit sa pakiramdam na kamuhian ka. Alam na alam ko ang pakiramdam na yan Tita. Hindi ka nag-iisa.
"Okay lang yan tita. I feel very sorry for you..."
"And you know what slaps me really hard? Yung katotohanang hindi nagalit yung minahal ng anak ko saken. He even visited me here yesterday, gave me some bunch of flowers and fruits, and talk to me as if I did nothing wrong to him. He even thank me kasi kung 'di daw dahil saken ay wala ang lalaking pinakamamahal niya ngayon at ang kanilang supling. Palagi niyang sinusubukan pero ayaw talaga akong bisitahin ng anak ko. He really hates me to death and I can't help but to cry everytime I remember him. Kasalanan ko ito eh, this is all my fault kaya ganito siya saken. Kinakarma na ako ngayon sa mga naging kasalanan ko."
Hinawakan ko naman ang mga kamay ni Tita. Yung mahigpit na mahigpit.
"Tita..." I sighed.
"Please don't feel so bad about yourself... Lahat naman tayo... Nagkakamali. Indeed, we're only humans and we're all not perfect. Naniniwala ako Tita na kahit gaano man kabigat yang kasalanan mo ay magagawa ka ring patawarin ng anak mo. Hindi ka rin niya matitiis, anak mo yun eh. Tsaka mahal ka nun Tita. Yung mga nasabi niya? Siguro nasabi niya lang yun kasi galit siya. Wag mo Tita masyadong damdamin. Tsaka ang mahalaga naman Tita ay nagsisisi ka na at natuto ka na. Kaya... Wag na po kayong malungkot. Sige po, mababawasan ang beauty niyo. Bilang na lang ang mga magaganda sa Earth baka mabawasan pa Tita. Naku-naku."
Humagalpak naman ng tawa si Tita. Hindi man napakalakas ay atleast naman this time totoo siyang ngumingiti, at tumatawa.
Masaya akong mukhang nakatulong kay Tita.
As I look to Boss Frost, mukhang masaya rin siya. And he even mouthed "thank you" to me and give me a bright smile.
Pogi! Hahaha.
Sana palagi na lang siyang ngumingiti, hindi yung palagi siyang seryoso kaya di nagkaka-jowa eh. Hahaha.
-----------------------------------------------------------------
"Sabay ka na sakin Bratson, idadaan na kita sa inyo. 'Di ba padadalhan mo pa ng lunch ang mga anak mo?"
Kumunot ang noo ko. Paano nalaman ni Boss yung tungkol sa paghahatid ko ng pananghalian sa mga anak ko?
Nevermind na nga, nagmamadali ako eh.
"Wag na po sir. Si Nathan na po ang bahala sa mga anak ko ngayon. May importante pa po akong pupuntahan ngayon eh. Sige po."
Nagmamadali kong saad at tumalikod na upang tumakbo papuntang paradahan ng dyip.
"Wait. Brat! I have somethig to ask!"
Lumingon ako kay sir sa dahil sa di ko inaasahang pagsigaw niya.
"Ano po yun Boss?"
Nagkamot -batok pa si sir at hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Yung Nathan. B-Boyfriend mo ba yun?"
Ano daw?!!
Myghad!
Parang gusto kong matawa. Hahaha.
"Boss. Patawa kayo, di ko yun boyfriend. Kaya pa, kaibigan ko lang yun hahahaha."
Di ko na inalam ang magiging reaksyon ni Boss at humayo na agad-agad!
Pasaan ako?
Dun lang naman sa office 2D Publishing Corp. Bago sa pandinig eh noh?
Ewan ko ba jan kung papaano nagkaroon niyan sa probinsyang ito.
Matagal na rin mula ng mangyari ang insidente ng pagkakasakit ni Rickson. Medyo nagtagal pa ang pagkaka-confine niya sa ospital but okay naman na siya ngayon. Laking pasalamat ko na lang talaga at naagapan namin.
Kaya lang, nitong mga nakaraang araw ay naging paranoid na ako. Palagi kong chine-check kung okay ba sila, kung wala ba silang nararamdamang kakaiba. Naging mapili na rin ako sa ipapakain sa kanila at naging mas metikulosa. Ewan ko ba, takot na takot lang talaga akong mawala ang mga anak ko.
Pero sa ngayon medyo okay-okay na ako, at ngayon ay gagawin na ang bagay na sa tingin ko dapat kong gawin.
Alang-alang na lang sa salitang "utang na loob."
Ng makarating sa bayan ay kitang-kita agad ang napakatayog na gusali ng kompanyang pupuntahan ko.
"Good Afternoon Mam."
Pagbati ng security guard na, medyo pamilyar? Parang siya rin yung sekyu nung kompanya nina daddy noon ah.
Well, nevermind. Halos magkakamukha na rin naman talaga itsura ng mga guard.
Chart!
Pagkapasok ko pa lang ay niyakap na ako ng nostalgic feeling. Bigword!
Pero yun talaga ang nararamdaman ko, kay tagal na ng huli akong pumasok sa ganito kalaking gusali.
Ng makarating sa bungad ng front desk upang itanong kung saan ang kanilang boss matatagpuan ng magsalita agad ang mga receptionist.
"Magandang tanghali po Mam. Matagal na po kayong hinihintay ni sir. Just go to the topmost floor of this building to meet him, but don't worry, you'll be accompanied by his executive secretary. Which is... Oh, she's here na po. Mam Vicky, Good Afternoon."
A-aling V-V-Vicky?! Totoo ba ito?!
Wahh. Parang walang nagbago sa itsura, postura, and etc. niya!
Sikreto neto?
"Mam Bratty. Long time no see. It's good to have you back. Halika na, I will take you to Sir Deltran's office."
"Ah... Eh... Hihi, sige po Aling Vicky? Okay lang po bang yun pa rin ang itawag ko sa inyo?"
She smiled so sweetly which make her aura more brighter.
"Syempre naman. Na-miss kong marinig yan kahit 'di na uso yung joke. Hahahaha."
She really never changed, unlike me.
Bitbit ang kaba at hiya ay nagtungo na nga kami sa opisina ng kanilang 'boss.'
Nakakawindang lang dahil bawat empleyadong nadaanan namin dito sa ground floor at maging sa mga nakasabay namin sa elevator ay binabati ako at tinatawag ako sa dati kong palayaw.
Kilala nila akong lahat, ang weird lang.
Ng makarating na nga ako sa pinakatuktok ng gusaling ito ay niyakap ako ng napakalamig na hangin dulot ng aircon.
Grabe naman sa lamig, di na ako sanay sa ganito. Tamang electric fan lang kami sa amin eh.
"Good Afternoon---"
"Ay! Kalabaw! Ay este, Good Morning, ay tanghali na pala! Sorry po sir!"
Tumungo na lamang ako dulot ng hiya. At nag-angat din agad ng tingin.
Hindi nakatakas saken ang pasimple niyang pagngiti bago pinaseryoso ang kaniyang mukha.
The heck, pinagtatawanan ako ng ulupong.
T-teka? Anong sinabi ko?
"Bratty! Could you please take a sit? Di ka ba nangangalay sa kinatatayuan mo?"
Dala ng pinagsamang gulat at kaba ay medyo nataranta ako sa pag-upo.
Tawagin ba naman ako sa dati kong palayaw.
Ang ending yung bangko kong naupuan sa harap ng kaniyang harapan ay yung pinakamalapit sa kaniya.
Nalula ako sa lapit ng aming distansya kaya agad akong umurong sa isang bangko.
'Bratty! Compose yourself! Para kang baklang na nakita ang kaniyang crush na topless!'
"So are you here, to accept my offer?"
Bakit ganun yung boses niya nakakakaba?
'Little heart stop na sa pagtibok ng mabilis. Plish nemen!'
Lunok-laway naman akong sumagot sa kanya.
"Ah eh, oo. Bilang kabayaran na rin sa ginawa mong pagtulong. Pasensya ka na, naabala kita. Hindi ko naman kasi alam na number mo pala yung natawagan ko. Masyado na akong emosyonal ng mga panahong yun eh. Sorry."
He smiled which almost make me drool.
I swear, kakaiba siya ngumiti!
May mahika!
Baka may gayuma?
Teka nga, bat niya naman ako gagayumahin? Feelingerang tunay.
Magtigil Bratty, hindi ka nandito para umasa at humarot.
"You don't have to apologize me. Besides I'm glad to help you, and your child. By the way, how is he? He's Rickson right?"
Iba talaga kapag may-ari ng nagtatayugang kompanya. Hindi matawaran ang pagka-english speaking.
Medyo nangangalawang na ako diyan eh. Duh, aanhin ko ba yung pag-e-english sa mga trabaho ko? Hamak na servant sa isang restaurant at worker sa isang flowershop lang naman ako.
"Okay na naman po siya. Wala naman pong naging komplikasyon ang kaniyang kondisyon. Madali lamang po pati yun na nagamot, salamat na rin po sa dugo niyo. Kaya lang po medyo naging istrikto na ako pagdating sa lahat ng bagay sa kanya. Mahirap na, ayy. Ang daldal ko na."
Teka nga, bakit biglang naging komportable akong kausap siya?
Ay awan. Naguguluhan na ako sa sarili ko. Focus Bratty! Focus!
"Haha. It's fine. So kailan mo balak magsimula?"
Yan, ayan nga. Magfocus sa business at pambayad utang na loob. Yun ang isipin mo Bratty, this. Is. Business!
Business lang, walang personalan...
Walang halungkatan ng nakaraan...
"Uhm this weekend na po, Sir. Isa-submit ko na lang po dito yung mga gawa ko." He nodded and smiled.
"That's pretty good to hear... Can't wait to see you again."
Wait. Nabingi yata ako?
"Ano po sir?"
"Huh? Sabi ko, can't wait to read your work. Hehe."
Masyado siyang pa-cute. Makangiti naman itong ulupong na ito. Hindi na ako padadala sa mga ganyan.
"Osige po sir. Aalis na po ako, kailangan na po ako sa bahay eh."
Buti wala akong shift ngayon sa restaurant, at nakadaan pa ako dito.
Hayyy.
"Wait Bratty..." Naimpida naman ang balak ko sanang pagtayo upang lumisan na.
"A-ano po yun, Sir?"
"Gusto ko lang sana magrequest na baka kung pu-pwede. Isama mo yung kambal dito sa draft submission mo?"
I blinked three times mga bes kong beks. Why all of a sudden ay magre-request siya ng ganun? Anong kailangan niya sa mga anak ko?
"Don't get me wrong. I just want them to be the one to read the stories you wrote... For me..."
Ah ganun pala. Sabagay, magaling nga naman yung dalawang yun magbasa.
"Ah sige-sige po."
Walang lingon-lingon akong lalabas ng pinto.
Sa wakas---
"B-Bratty!"
A-ano na naman?!
"Ah eh, ano po yun sir?" Hindi ba pwedeng sabihin na lang niya lahat ng gusto niyang sabihin para isang bagsakan na?
Nakakaloka ng lingunin siya ng paulit-ulit.
Magkaka-stiff na yata ako neto.
"Uhm. Nevermind. Sorry, sige you may go..."
He totally changed.
Why?
Mas naging weird siya ngayon.
Haynaku, ewan. Makalayas na ng gusaling ito at baka tawagin na niya naman ako.
-----------------------------------------------------------------
Dumating ang weekend at ito ang araw na magpapasa ako ng unang draft ko para sa 2D Publishing Corp. Sana naman magustuhan niya ito.
Pero nahihinaan pa rin ako sa sarili ko eh. Kasi ako? Nakakapagsulat ng kwento?
Kahit na sabihin natin na pambata pero di pa rin biro yun eh.
Minsan naiisip ko kung nararapat ba sa isang tulad ko na tanggapin ang ganitong opportunity pero, wala naman masamang sumubok.
Afterall, ang hanggad ko lang naman ay magkaroon ng dagdag kita pangtustos sa pangangailangan ng mga anak ko at makatanaw ng utang na loob kay Fredrick.
Kung hindi ko pa nasasabi ay siya ang nagbayad ng hospital bills noon ni Rick.
Pinalipat din ito sa mas maganda at maayos na kwarto. Idagdag mo pa ang mas magaling na doktor.
Hindi ko na nagawa pa iyong tanggihan lahat sapagkat cannot be reach na siya nung tinatawagan ko tsaka, kailangan din kasi namin.
Ah basta. Kahit manlang ang dangal at hiya mailigtas ko, wag na yung puso at nararamdaman ko para sa kanya.
"Mga anak handa na ba kayo?"
Sabay na tumakbo sa aking harapan sina Fred at Rick na halata mong excuted na excited.
"Tawa na po! Mommy! Bilis!" Ang mga cute kong bulol na anak, hahaha.
"Oo na, oo na. Sige na, ila-lock ko pa itong pinto."
Pagkakandado ko ng pinto ay humarap na ako sa mga bata. And to my surprise...
"Bratmaylabs!"
"Ay manyak!" Nakakagulat naman itong si Nathan. Palagi na lang eh.
"Grabe ka Bratmaylabs. Kung alam ko lang, ako ang minamanyak mo lalo na kapag nakikita mo ito oh."
Inangat pa ni Nathan ang kaniyang t-shirt at lumantad ang tumpok-tumpok ng mga pandesal.
Nag-iwas ako ng tingin pero alam kong namumula ako ngayon. Masyadong padalos-dalos kumilos si Nathan.
Nakakabigla.
"Ewan ko sayo. Tumabi ka nga."
Pagkatapos ay binigyan siya ng malupit na irap.
"Eto naman ang sungit-sungit. Pinakitaan na nga siya. Hmmp. Gusto ko lang naman na samahan kayo ng mga bata. Ihahatid ko lang kayo."
Huh? Ihahatid? Huwhy? Anong panis ang nakain nito?
"Huh? Ihahatid bang? Wag na, kaya na naming mag-commute---"
"Hindi ka makakatanggi. Nakahiram na ako ng tricycle, Bratmaylabs. Aarte pa ba?"
Aba-aba.
"Wala akong pake, magdrive ka mag-isa mo! Ibangga mo pa kami eh!"
-----------------------------------------------------------------
Kababa lang namin sa hiram na tricycle ni Nathan. Nakakainis!
Paano niya ako napasakay?
Buhatin ba naman ako kanina. Hayuff!
Inis na inis ko siyang pinaghahampas pagkalabas ng tricycle.
"Sira ka! Loko-loko ka! Ang sakit-sakit ng likod ko sa pagkakalagay mo saken sa loob kanina. Ha! Ayan eto pa tanggapin mo ang galit ko bwiset kaaa!"
Ayan todo hampas si ako. Nakakainis kasi.
"Aray-aray. Bratmaylabs, masakit. Tama na. Inihatid ko naman kayo ng ligtas eh."
Aba, nangongonsensya pa ang mokong.
"Okay fine. Sige, salamat. Oh eto ang bayad."
Iniabot ko sa kanya ang pera pero pinaningkitan niya lang ako ng mga mata.
"Hindi naman ako nagpapabayad ah."
Luh. Ganurn?
"Okay sige bahala ka---"
"Hindi ako tumatanggap ng pera. Kiss pwede pa."
Pagkasabi niya nun ay nagbigay pa siya ng nakakalokong ngisi. Kahit kailan napaka-loko-loko talaga.
Pero teka nga. Palagi niya na lang akong pinagti-tripan,siguro oras na para ako naman ang mang-trip sa kanya.
Insert Evil laugh, with thunder and lightning effect.
Bwahahahahahahahaha.
Sa isang mabilis na aksyon.
"Oh asan na yung---"
"Tsup." Binigyan ko siya ng mabilisang halik sa pisngi sabay takbo at hinatak ang kambal na nakatulala sa mataas na gusali.
Ng lingunin ko si Nathan ay ayun.
#Tulala.
Bwahahahahaha. Tagumpay! Pihadong madadala na yun sa pangti-trip saken.
Naku, alam kong nandidiri pa din ang mga lalaki sa bakla. At ang isipin na hinalikan sila ng kapwa lalaki ay nakakaasiwa pa rin.
Tutal alam ko na kung saan ang office ni Sir Deltran hindi na ako nagtanong pa at diretso na kami ng elevator.
Masaya kaming tatlo lalo na ang dalawa na ngayon lang nakasakay ng elevator. Haha.
"Mom nakakalula."
"Mommy pawang nasa space ang feeling!"
Pagkarating namin sa floor ay bumungad si Aling Vicky. At mukhang nagulat pa siya sa dalawa kong kasama, at namangha na rin.
"Ma'am B-Bratty! May anak ka na?"
Dinaan ko na lang sa tango ang sagot.
"Ang ku-cute niyo naman. Gusto niyo sumama saken? Mag playhouse dito. Maraming laruan at mga pagkain!"
Huh? Playhouse?
"Playhouse? May ganun dito Aling Vicky?"
Amazing naman ng kompanyang ito, may pa-ganun.
"Yeah. Para sa dalawang cute na chikiting na ito."
Haa? Ano dawww?!
"Ah, I mean. Para sa mga bata na mapapadpad dito hehe. Tutal publishing company naman ito para sa mga childhood stories."
Ah ganun pala. Mali lang ang pagkakaintindi ko.
"Ay Ate! San po si Sir Deltran pogi?"
Pagtatanong ni Fred. Sasawayin ko na sana ang dalawa ng tumakbo na ang mga ito matapos ituro ni Aling Vicky ang direksyon na kinaroroonan ng boss niya.
Ngumiti at nag-peace sign na lang si Aling Vicky.
Naku, mukhang ngayon pa lang magsisisi na ako na isinama ko pa ang dalawang bulinggit eh.
Pumasok ang dalawa sa kwarto ng walang katok-katok kaya nagmadali akong sumunod agad-agad.
"Fredson! Ricks-s-son..."
And to my shock I saw Fredrick again...
And Cassy...
K-i-s-s-i-n-g.
Itutuloy...
-----------------------------------------------------------------
Author's Note: If you want to read an underrated yet wonderful boyxboy themed stories, just checked out RainboWonderland's works! Thank you!
Keep safe everyone amidst Covid pandemic!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top