Ika-tatlumpu't-isa

--Bratty--

PURONG katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Mommy Christina at Tito Manuel, maliban na lang sa maliliit at makukulit na ingay na gawa ng kambal habang naglalaro sa kwarto ni Mommy.

Malalim ang tinging ipinupukol ng dalawa sa kambal na siyang labis kong ikinabahala. Ikinabigla ko lang ay ang pagsampa ni Fredson sa kama ni Mommy at pagkakasubsob sa bandang puson nito!

Agad ko sana itong sasawayin ng makita kong ngumiti lang si Mommy at marahang hinihimas-himas ang ulo ng anak ko.

WALANG nagsasalita hanggang sa magsimulang magtanong ang dalawa. Ang kambal kong pumuslit pa ng sasakyan ko makasama lang sakin.

Jusko! Ano ba itong nangyayari samin!

"Mommy, sino po sila? Tsaka si Lolo aswang po oh nasa pinto lang. Di po ba kayo natatakot?" Ang natatakot na pag-aalala ni Rickson saken.

Tinignan ko naman si Tito at nakita ko ang naka-imprentangMonsters Inc. na picture sa kaniyang damit. Nakanganga pa ang halimaw na waring mananakmal.

Ito siguro ang una nilang makita ng matagpuan sila ni Tito na pumupuslit ng trunk ng kotse.

Nakakunot lang ang noo ni Tito pero nakangiting parang ewan.

"Ikaw po ba ang isa pang Lola namin? Ang ganda niyo po." At hinimas-himas pa ni Fred ang pisngi ni Mommy Christina!

Balak ko sanang muling sawayin ito pero muli akong nabigo.

Mukhang wala akong karapatang magsalita sa eksenang 'to ah!

"Oo. Ako ang Lola Christina mo, apo."

Wika ni Mommy habang nagniningning pa ang mga mata sa saya. Kahit ako'y medyo napangiti sa eksena.

Pero hindi dapat...

"Ah eh, M-mommy Christina. Aalis na po kami. Hehe. May pasok pa bukas ang mga bata. Sige po, dadalaw po ako ulit. Ah, hehe."

Dali-dali ko naman hinatak ang kambal na kumakaway pa sa kanilang 'lola.' Laking gulat ko naman ng bumelat ito sa kanilang 'lolo.'

Agad ko silang sinaway.
Napatigil na lang ako sa mahina pero buong pagtawag ni Mommy Christina. Dahil dun ay pina-una ko na ang dalawa.

"Ano po iyon?" I tried acting normal in front of them.

"Hindi na kami magtatanong." Makahulugang panimula ni Mommy.

"Pero kung pwede lang ay isama mo ulit ang dalawang bata sa pagdalaw mo rito. Pwede ba yun? Bratty, anak? Para saken?"

May sumipang kaba sa puso ko dahil dun sa sinabi ni Mommy.

Nahalata kaya nila?

Namukhaan kaya nila ang kambal, especially Fredson?

Sana hindi...

Ayoko ng maging parte ng buhay niya, ayoko na siyang guluhin pa.

"Ah eh. Kasi po, magiging busy po yung dalawa sa school, k-kaya baka hindi ko na po ulit sila maisama. Hehe."

Hindi ako marunong magsinungaling at magdahilan, I know.

"Please Bratty, anak. Matitiis mo ba ako? Please. Please, anak. Para saken, please."

Para na siyang maiiyak. Bakit siya naiiyak?

Oh Lord. Please guide me sa sasabihin ko.

"Okay po. Susubukan ko po."

After I said that, she gave me a big and bright smile while wiping her tears and spread her arms to invite me for a hug.

Bakit kailangan niya maranasan ang ganitong klaseng paghihirap?

Napakabuti niyang tao, ina, at asawa.
At napakabusilak ng kaniyang puso para manipulahin lang ng sakit.

Naiiyak ako sa awa sa dating masiglang-masigla na si Mommy.

'Kung ang kambal lang ang makakatulong sayo Mommy Christina para gumaling.

I would gladly take the risk. Kahit ang kahulugan nito ay ang muling pagsikip ng mundo namin ng anak mo, ng dati kong, ah fake nga pala yun. Ng dati kong minahal na lang.

'Dati? Eh Ngayon ba?'

I scratched my head at dumiretso na lang sa kotse kasama ang kambal. Pinaandar naman na ito ng driver. Ang driver ni Boss Frost.

Oh yes! Narinig niya kasi kami ni Feli na nag-uusap about sa pagdalaw ko sa 'kamag-anak' ko daw na may sakit. Ayun ni-offer ang serbisyo ng kaniyang driver at mismong sasakyan!

Na hindi ko naman matanggihan dahil tatanggalin niya daw ako kapag tumanggi ako!

Ang lupit niya talaga.
Pinagsabihan ko ang dalawa, at kapwa din naman sila humingi ng tawad sa ginawa nilang pagpuslit.

Hinalik-halikan pa ako ng dalawa sa tigkabilang pisngi.

'Paano ko ba matitiis ang dalawang makulit na ito?'

Ng maka-uwi kami ay agad silang tumakbo papasok ng bahay at bumungad sa kanilang 'daddy pogi.' At nagkwento ito sa kaniya.

Tinignan naman ako ni Nathan ng may pag-aalala.

Alam kong hindi lingid sa kaalaman niya ang kwento ko, kaya alam ko ang kahulugan ng mga tingin niyang 'yan.
I just give him a short smile.

Pero lalo lang siyang nagmukhang nag-aalala.

Mahina talaga ako sa aspeto ng 'pagpapanggap.'

---------------------------

Tulog na ang mga bata, nakauwi na rin si Nathan. Heto ako at nagpapahangin sa tapat ng bintana ng aking kwarto. Iniisip kung paano ako napunta sa sitwasyong ito.

Labis na paghahangad...

Labis na pag-asa...

Labis na pagtitiwala...

Labis na pagmamahal...

Mga bagay na mali saken. Ah hindi, lahat mali saken.

Ang pagkatao ko, estado ko sa buhay, ang sekswalidad, ang abnormalidad ko, ang buong ako.

Tumulo ang mga luha ng mga naipong drama sa aking utak.

At sa mga ganitong pagkakataon, isa lang ang hinihingan ko ng tulong...

"H-hello.. M-Mommy..."

Kinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari, mula sa sakit ni Mommy Christina hanggang sa pagdalaw namin dito.

Malalim siyang napabuntong-hininga matapos kong mangiyak-ngiyak na magkwento.

"Anak, right from the start sinabi ko na sayo na dapat mong sabihin kay Fredrick ang tungkol sa anak niyo di ba? Alam mo yan. Anak, pero hindi kita pinilit. Kasi alam kong mahirap 'pa' para sayo. Pero tignan mo ang nagyayari ngayon, natatakot kang malaman nila ang totoo. Anak, walang sikretong hindi nabubunyag. At isa pa, alam mo namang karapatan din naman ni Fredrick na malaman ang tungkol sa mga anak niya..."

Pinunasan ko ang mga tumulong luha sa aking pisngi bago sumagot.

"Pero Mommy, ayoko ng maging parte ng buhay niya... Ayoko na siyang guluhin---"

"Alam kong hindi yan ang dahilan. Alam kong mahal mo pa rin siya anak! At natatakot kang kunin niya sayo ang mga anak niyo!"

I covered my mouth due to sobs that keep escaping along with my breath.

"Takot ako Mommy. Hindi dahil iniisip kong kukunin niya ang mga anak namin! K-kundi d-d-dahil baka hindi niya tanggapin sina F-Fredson at Ricks-son. At hindi ko kakayaning madurog ang puso ng mga anak ko dahil sa hindi sila kayang tanggapin ng sarili nilang ama. At dahil sa katotohanang ako ang nagluwal sa kanila kaya hindi sila kayang tanggapin nito. Ako na kung titingnan ay abnormal, at immoral. At b-baka isipin pa niyang ibinenta ko ang, ang, k-kalu-l-luwa ko sa demonyo para l-lang mab-buntis."

Humagulhol lang ako.

Frustrations have totally colonized my system...

Naririnig ko na rin ang pag-iyak ni Mommy sa kabilang linya. Tila naubusan ng maipapayo sa sobrang sakit na nadarama.

Di nagtagal ay natapos din ang pag-uusap namin ni Mommy. Kumalma na ako ng kaunti dahil nailabas ko na ang mga saloobin ko.

At natulog....

-----------------------------

Lunes ng umaga ay maaga akong nagising at ipinaghanda ang mga anak ko ng kanilang pang-agahan. Tahimik kaming nagsalong pamilya ng bulabugin muli kami ni Nathan.

Walang kupas! Panira ng umaga!

"Bratmaylabss! Mga anak ko. Magandang umagaaaaaaa!" Maligalig niyang pagbati na halos ikabulon ko sa sobrang pagkagitla.

Dagli namang tumayo at tumakbo ang kambal na kapwa katatapos lang kumain.

"Magandang umaga din, Daddy Pogi!"

Ang cute nilang tignan habang nagyayakapan, para silang mag-aama! Hahaha.

"Ehem. Mag-ayos na kayong dalawa at papasok pa kayo."

Kunwari ay pagsusungit ko.
Ngumuso naman ang dalawa na mukhang mga pato. Kaya natawa naman ako...

-------------
Nauna na sa labas ang kambal at naiwan akong nag-iimpis ng hapagkainan. Si Nathan naman ay nakatingin sa akin at nakangiti na parang nasisiraan ng bait.
Hindi ko na lamang siya tinapunan ng pansin at tinapos na ang paglilinis.

"Tayo na..." Marahan kong pag-aya kay Nathan.

Pero natulala lang siya na parang– nasisiraan talaga ng bait? Ipapatokhang ko na 'to eh. Parang aning!

"T-totoo, T-Tayo na?"

Enedew?

Tanong ko sa isipan bago napagtanto ang kahulugan ng kaniyang sinabi.

"Sira! Ang ibig kong sabihin alis na tayo! Tara na nga!" Tinulak ko ang kaniyang matitigas na dibdib sabay hakbang na papalayo.

'Kahit kailan talaga itong si Nathan! Advanced mag-isip!'

-----------------------------
Bago magbukas ang restaurant ay pinulong muna kami ni Sir Rogue.
'Bakit kaya? May idea ba kayo mga bes kong beks?'

"Everybody, I just want to formally announce that we will be the one to cater the upcoming 2D Corp. 6th Anniversary!" Nagpalakpakan ang lahat kaya nakisabay na rin ako.
2D Corp.?

I felt weird just by thinking about the name of that company.

Tapos ang mga babae kong ka-trabaho, parang mga bulateng binudburan ng asin!

"Wahhh! Balita ko gwapo may-ari nung 2D. Corp. eh noh?"

Landi lang ha.

"Oo nga eh. Grobe-grobe! Kailangan maganda ako para maakit siya saken! Pak! Daig ko pang nanalo sa lotto pag nagkataon!"

Wow ha. Pangmalakasan ang pagiging Advanced lumandi ng babaeng ito. -.-

"Mga gaga! Di yun pumapatol sa low-class katulad niyo. At isa pa, ang ganda-ganda nung jowa nun. Asa pa kayo."

At ayun nagsasabunutan na sila...

"Excuse me Brat."

"Ay-gwapo-kayo!" Tinakpan ko ang matabil kong mga bibig dahil sa kalapastanganang lumabas sa bibig ko. Nakakahiya kay Sir Rogue!

"Haha. I know..."

He smiled so bright, pero agad din itong nawala at nagpalit siya ng mood into serious one, instantly! Daig pa nya ang emoji.

"You will be my date on the 2D Corp. 6th Anniv..."

W-w-wait. What?!

"Bakit po ako?"

Mga bes kong beks, mukha ba akong babae? Maghad! Bulag ata si sir!

"Bakit hindi ikaw?"

Binato niya ako ng tanong na obvious naman ang sagot.

"Kasi hindi po ako babae!"

I managed to say kahit nakakailang ang tingin niya saken.

"The hell I care. I wanted you to be my date, and that's it! And don't try to refuse me again, may utang ka pa saken."

I was there, not moving, and left dumbfounded.

Nakakawindang!

-----------------------------

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ko mag-isa.

Napakatagal ko na nung huling nag-ayos ng sarili ko. May mga pinadalang make-up artists at stylists si Sir pero sinabihan ko na silang kaya kong ang sarili ko. But I assure them that I won't tell to him na hindi nila ako inayusan.
'Aja! Para 'to sa bonus! Para 'to sa mga anak ko!'

Yeah, you heard or rather read it right. In-offer-an ako ni sir ng incentive na bonus bilang pagsama ko sa kaniya!
Malaking tulong din yun para sa pag-aaral nina Fredson at Rickson!

And speaking of them, malapit na pala ang contest na sinalihan nila. Kasama nga nila ang 'daddy pogi' nila ngayon na nagpapraktis.

Si Nathan na kahit badtrip ngayon, ay nagawa pa ring bantayan ang dalawa kong anak. Bakit siya badtrip? Aba malay ko!

Tapos na ako sa pag-aayos ng mukha, kilay, buhok, labi, pilik, etc.
Next is the gown. Gown na medyo, ah, revealing?

Si sir ang nagwagi para sa susuotin ko ngayong gabi. Ang gusto ko lang kasi yung simple lang, hindi itong halos luluwa na ang dibdib ko! Tapos ay may mahaba pang slit which partially exposes my right leg!

Ngtumingin ako sa salamin. It all just feel so nostalgic...

I shook my head and walk outside the room. Hindi talaga ako sanay na hindi naka-taklob ang dibdib ko. Naiilang ako sa pakiramdam na medyo expose ang pinakakatago-tago kong dibdib. But knowing I'm a gay, they might just think na fake ang dibdib ko and made by silicon which is pabor saken.

Nang makita naman ako ng hairstylists at make-up artists ay bigla silang nagsinganga. Nginitian ko na lanh sila at nagpaalam.

Sa baba, naabutan ko si Sir Rogue. Na nakatingin sa ibang direksyon with his very serious and annoyed looks. Naiinip na siguro. Pero kahit ganun, napakagwapo niya pa ring tignan habang naka-formal attire.

"Ehem." Pagtawag ko ng kaniyang pansin.

"Napakataga----l m-mo... " Para siyang shunga na nakatulala at nakanganga pa.

"Sorry sir Ha. Medyo natagalan lang." He is still, intensely staring at me, from the very top to toe!

Nakakailang na, kaya ako na nag-aya.

"Shall we? Sir?" I asked him.

"S-shall we. I-I mean, tara na."

Si Sir Rogue? Nabubulol? I cannot!

"Uhm, Sorry talaga sir ha, late na po tayo dahil saken---"

Paghingi ko ng sincere na paumanhin while we enter his hindi-ko-alam-ang-tawag car.

At ipinagbukas pa talaga niya ako ng pinto. But he gestured me to stop.

"It's really do okay Brat. Maganda naman ang kinalabasan, those make-up artists and stylists deserved a bonus!"

Pinigilan kong matawa sa katotohanang akala ni sir na yung mga yun ang nag-ayos saken.

"But scratched the sir. Call me "babe" instead. And that's an order!" Pinal niyang saad kahit di pa ako tuluyang nakaka-react.

At a-anudaw? Babe?

"P-pero S-Sir---"

"Babe wag mo akong simulan."

Namula ako dahil sa sinabi niya. Wait, don't misinterpret what I've said mga bes kong beks. Namula sa hiya, hindi dahil kinilig!

Okaypayn, kinilig naman ako. Konti lang naman!

"O-okay. B-babe."

"Good!"

Nagitla ako ng bigla siyang lumapit at halos magkadikit na ang mukha namin.
'Ah! Seatbelt!'

"Ah S-si- este babe. Ako na!"

Pero hindi siya nagsalita, at mas inilapit pa ang mukha niya sa mukha ko.
Kinagat niya ang labi niya bago inilayo ang mukha niya sa mukha ko.

'Next time, uunahan ko na siya sa pagkakabit ng seatbelt!'

"Pasalamat ka, nakakapagpigil pa ako."

"A-ano yun b-babe?" I asked him.

"Wala sabi ko ang ganda mo..."

Namula naman ako dahil dun. Bolero din pala siya...

-----------------------------

At sa wakas ay nakarating na kami sa venue. Sa labas pa lang ay bakas na bakas na ang ka-elegantehan ng lugar.

Kaya nga nagtataka ako kung bakit ayaw sumama ni Nathan na magserve dito, sayang ang bonus!

Di bale, sobrang dami na namang kapwa ko waiter at waitress sa iba't-ibang branch ang nandito, at tagabantay naman siya ng mga anak ko.

Naglakad kami sa red carpet at parang mga bubuyog na nagsi-ulputan at nagdadakdak ang reporters.

Nahihiya naman ako dahil hindi ako sanay sa publicity, eversince.

Buti na lang sinasalo ako ni sir kapag napapansin ako ng reporters.

Ng matapos na ang interview ay tuluyan na kaming pumasok at nakita kung gaano kaganda at elegante ang loob ng venue.

"And for expressing his warm gratitude, let us all give a warm round of applause for Fredrick Deltran! The owner and the CEO of the 2D Corporation!"

Ang pagkamangha ko kanina ay sa isang iglap ay naging pagkagulat habang pumapalapak ang lahat sa taong ayoko ng makita pa...

Fredrick, mahal ko...

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top