Ika-tatlumpu't-apat
-Bratty-
AWKWARD? Batak na batak na ako sa salitang yan.
I just didn't expect this kind of awkwardness. Ni ang matignan si Fredrick ay hindi ko na magawa.
Pina-akyat ko na sa taas ang kambal at hindi naman nagtanong si Fredrick ukol sa kanila. Nakatitig lang siya saken.
Alam ko, kahit hindi ako nakatingin kasi nanginginig ang katawan ko.
Buti na lang nandito si Nathan.
"Bratmaylabs, nag-aano dito yan? Diba mayaman yan? Tsaka ngayon ko lang napansin. Parang pinagbiak na arinola sila ni Fredson."
Kaya lang napakadaldal.
"Wag kang maingay Nathan. Kasi hindi niya rin alam ito, he is the father of Rick and Fred."
Walang kaabog-abog kong ani.
Kalahating nabigla at kalahating namangha ang reaksyon ni Nathan.
Obviously, halatang ine-expect niya na yun.
Pero may sinasabi pa ang kaniyang mga mata na hindi ko maintindihan.
Well, hindi ko na dapat pakialaman pa yun.
Ang dapat kong gawin ay asikasuhin ang pabida kong bisita.
Gabing-gabi na, nasugod pa ako rito.
Atsaka, paano niya nalaman ang address namin?!
"Kape? o Juice? Wala kaming mamahaling alak o kung ano pa mang sosyal na inumin."
Malamig kong turan. Ewan ko ba, naalibadbaran ako sa kaniya.
Tulog na dapat ako ih, um-extra pa ito.
"Water is good." Nyenyenyenye. Wala ba yun sa choices! Hindi nasunod sa instructions!
"Oh eto. Bat ka napadalaw dito?"
"Uhm to convince you? Remember? Yung offer ko sayo during the contest?"
Seryoso? Para dun kailangan akong sugurin sa pamamahay ko ng dis-oras ng gabi?
"O-Okay. Naiintindihan ko na nag-effort ka pa na puntahan ako dito pero sa tingin ko hindi naman para saken ang pagsusulat. Ibig kong sabihin, hindi naman talaga ako magaling. Tsaka marami pa namang iba diyan, mas may alam at bihasa. Besides busy rin ako sa work ko at pagtutok s-sa mga a-anak ko."
I said with conviction– but knowing Fredrick? He is so determined and aggressive.
"Yun lang ba? Twice a week lang naman tayo magmi-meet. Just spare me some hours. Ipapasa mo lang yun sa amin and it's okay na. About your cute kids? Pwedeng-pwede mo silang isama."
Pangungumbinsi pa niya sa akin.
But I still answered no. Hindi ba siya nakakaramdam na umiiwas na ako sa kanya? Bakit ba siya namimilit? Tsaka, bakit ba ako?
"We will pay you Php12,000.00 per story that you will write for us..."
T-t-t-twelve t-t-thousand p-pesos kada isusulat ko na kwento?!
I cannot!
I mean, that was pretty big! Pretty good to be true and pretty convenient!
Susulat lang at kikita na ng malaki?!
Wow!
P-pero, It's Fredrick who is offering me this one great opportunity.
Kailangan ko itong pag-isipan ng mabuti.
"Okay. Pag-iisipan ko."
That's all that I can say for now para matapos na at ng makaalis na siya.
Nakakailang pa rin talaga ang kaniyang presensya.
"Thank you M-ma, I mean Bratson. And I'm sorry para sa biglaan kong pagpunta rito. Hindi ko lang kasi kayang pakawalan ka pa."
Nangunot ang noo ko.
"Huh?"
"I-I mean, pakawalan ang chance na makuha ka as my writer. Hehe."
Biglang nagbago ang aura niya, para siyang nahihiya na ewan. Baka naiihi? Whatever.
"Ah ganun ba. Sige, salamat din. At makakaalis ka na."
I don't wanna' be rude but hindi ko na talaga kayang tiisin ang sitwasyon na kasama siya.
"Uhm, nga pala. What is the name of the cute little boy a while ago? The one who opened the door for me?"
Muntik ko nang mahulog ang mga iniimis ko dahil sa tanong niya. Why is he suddenly interested about my son?
"His name is Fredson. Fredson Dela Vega. He and Rick are twins." I said.
But silence filled the whole room after it. Again, heto na naman siya at tinititigan ako na parang ewan.
He is looking straight into my eyes and I can't help but to melt due to it. It feels like just because of those stares, every negativities in my mind and my heart turns into hope. Aasa na naman ba ako?
Graduate na ako dito di ba? With flying reality slap pa nga di ba?
Bratson do something!
"Hehehe, sige. Pwede ka ng tumuloy. Hehe."
Nakatitig pa rin siya. Bakit di pa siya umaalis? Hindi ba niya ako naririnig?
"I miss you."
"Huh? Anong sabi mo?"
Anong sabi niya mga bes kong beks? Hindi ko narinig eh.
T-Teka bakit siya humahakbang papalapit?
Luh? Teka naabante nga siya.
"Uhm...."
Before I could utter a sentence he was already in front of me. In a very close distance! I cannot!
Hinawakan niya ang kanang kamay ko at...
May inipit na papel?
"Here's my calling card. Just call me if you already made up your mind."
Yung hininga ko, parang kinakapos na...
"Aalis na ako. Hope to see you soon...
In my office..."
----------------------------------------------------------
Morning came and iti-treat ko ngayon ang mga anak ko. Papasyal kami sa park!
"Mommy! Nasaan yung medyas ko po? Yung pebowit ko po, yung kulay wed."
"Mom! Yung pebowit ko pong owange na polo di ko makita."
"Bratmaylabs, yung XXL kong briefs di ko maki-- aray! Aray! Tama na bratmaylabs!"
Agang-aga nawiwindang ako. Bakit ba kasi nagyaya pa ako eh. Tapos itong damulag na ito makikisali pa.
"Loko-loko! Kitang natataranta na nga ako makikisali ka pa."
Ayan, hampas pa. Gigil na gigil ako sayo ha! Walangyaka! Di mo ako pinatulog!
May patitig-titig effect ka pa kagabi!
Tapos humakbang ka pa palapit aabutan lang naman pala ako ng calling card pwede namang iabot ng hindi nagkakalapit! Bwisit ka!
Bakit yun ang iniisip ko? Waaah! Erase!
"Pasesya na hehe."
"Tapos anong XXL ano ka sumo wrestler?! Anak nandun sa ilalim nung cabinet yung shoes mo! Isa ko pang anak nandun pa sa sampayan ang polo mo, kukunin ko muna."
Dali-dali na ako naglakad. Bakit ba kasi kami nagmamadali?
Excitement? Eeeengg!
Hindi!
Takot kami sa traffic!
"Haha. XXL talaga ako ang laki kasi ni Yuthan."
Huh? Yuthan? Sino yun? Anong koneksyon nun sa size ng briefs niya? Tsaka bat ba siya buntot ng buntot, hilig talagang makisali nitong si Nathan sa family gathering namin!
"Yuthan ka jan?" Pumasok na ako pagkapinaw ko ng polo. Tinanggal ko na ito sa hanger at ipinasuot kay Fredson.
"Yuthan. Ang kaagapay ni Nathan sa E-Yutha---- Aray! Bratmaylabs! Joke lang! Aray! Aray! Tama na. Ansakit, hoo pula na. Tama na. Ugh! Ugh! Shet. Aray! Joke ulit, tama na kasi Bratmaylabs! Hahaha. Araykopu!"
Ugok! Hindi na talaga nagbago si Nathan, hahaha. Ogag pa rin.
"Tse. Magtigil ka nga Nathan. May mga bata oh."
Tumingin naman ang dalawang bata matapos ma-mention. Nanginginang pa ang kanilang mga mata.
Ang cute!!!
"Tapos na po kaming magbihis!" Kyaah. Ang cute nila pareho. Parang ayoko ng mamasyal at sa halip ay titigan na sila buong maghapon.
Chart. Hahaha.
"Sige tara na!" Humakbang na kaming mag-iina at naiwan si Nathan na nangungunot ang noo. Why kaya?
"Itong mga gamit oh naiwan."
Ay yun naman pala.
"Ikaw ang bibitbit niyan. Tutal kisali ka na rin lang, panindigan mo na."
Naglakad na kaming tatlo ng ngiting tagumpay.
"Daya mo naman Bratmaylabs ih. Wait, don't leave meeee!"
-----------------------------------------------------------
"Wihh! Ang ganda dito Mommy! Bili po tayo nun oh! Yun pong kulay pink!"
"Oo nga Mom, ako din! Ako din!"
Lumapit ako sa nagtitinda ng cotton candy.
"Eto po ang bayad para jan."
H-Huh?
"Uy, bat ikaw nagbayad Nathan? May pera ako oh!"
Ipinakita ko pa sa kanya ang wallet kong puro barya. Nakahiwalay ang mga luma at 2018 coins.
Hobby ko na din mag-collect ng 2018 coins eh. I cannot!
"Ikaw din nagbayad sa taxi kanina. Nakakahiya na."
I said in a very humble way.
"Naku Bratmaylabs maliit na bagay lang ito. Tsaka date natin 'to."
Huh?
"Ibig k-kong sabihin ano, family date. Ako ang bala-balang daddy, ang kambal ang mga anak natin, at...
...ikaw ang asawa ko..."
Lunok-lunok.
E-enedew?
"Ewan ko sayo Nathan puro ka biro."
Kinuha ko na ang cotton candy at nagpasalamat sa tindero.
Agad kong nilampasan si Nathan.
Baka kasi makita niya ang mukha kong pinamumulahan.
Oo na, kinikilig na.
Hindi ko kinakaya!
"Oh mga anak. Ang tawag dito ay cotton candy. Mainit-init pa yan!"
Pagkaabot ko nun ay agad nila itong nginasab.
"Ang tamis!"
"Sarap Mom."
"Pagka-ubos niyo niyan saka kayo maglaro sa playground."
Matapos ubusin ang cotton candy ay agad nagsitakbo ang dalawa. Ang cute nilang tumakbo, hihihi.
"Hays. Ang laki na nilang dalawa. Parang kailan lang tinutulungan pa kitang palitan sila ng lampin, patulugin sa gabi, tsaka paliguan. Hanga din ako sa katatagan mo, nagawa mo silang buhayin mag-isa."
Biglang eksena ni Nathan sa tabi ko. Napakaseryoso, hindi bagay sa kanya.
"Ewan ko ba. Sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti sa kanilang mukha parang nawawala ang pagod ko. Kahit na mahirap mamuhay sa mundo na puno ng pasakit at panghuhusga, nagagawa ko pa ring ngumiti. Dahil sa kanila yun, sila ang buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin kung mawawala sila saken, mababaliw ako."
"Hindi na kailangan." Lumingon ako kay Nathan na naghahangin ang mukha. Pupusta ako may banat na naman ito.
"Huh---"
"Matagal ka na namang baliw."
"Loko---"
"Baliw na baliw saken-- Aray! Aray! Sorry na Bratmaylabs. Last ko na yun, Aray!"
Ayan banat pa ang sarap mong banatan!
"Ayyyy! Yung bata natumba!!!"
Huh? Ano daw?
Nagkatinginan kami ni Nathan at agad naki-usyoso sa nangyayari.
"R-Rick! Anak ko! Gising-gising Rick!"
Bakit siya namumutla? Ang sigla-sigla niya kanina ah!
"Nathan tulong! Dalhin natin siya sa ospital! Yung anak ko!"
Jusko! Nagdurugo ang ilong niya!
Di nagtagal ay dumating na ambulansya at nagtungo agad kami sa Ospital.
Panginoon ko, sana po iligtas niyo po ang anak ko.
---------------------------------------------------------
"Bumababa ang platelet count ng pasyente, and he is still bleeding."
"A-ano pong ibig niyong sabihin doc?" Kasalukuyan kaming kausap ng doctor habang ang anak ko ay nasa loob ng hospital room.
"He has a dengue, ma'am. As you can see, we are trying our very best para ma-ampat ang pagdurugo ng bata. But for now, we have to undergo an immediate blood transfusion. Usually 'di naman ito necessary para sa mga dengue patients pero sa kaso ng anak niyo po. Kailangang-kailangan niyang masalinan ng dugo bago pa magkaroon ng ibang komplikasyon."
Akala ko makakahinga na ako ng maluwag, pero parang lalong sumikip ang dibdib ko. Bratty, anong katangahan na naman ang ginawa mo?
Hindi mo iningatan ang anak mo.
"And another problem is napaka-rare ng bloodtype ng anak mo which is AB negative."
M-my God.
"Doc A po ang blood type ko. Paano na ito?"
Halos mabuwal na ako sa aking kinakatayuan, thank God Nathan is there para alalayan ako.
"Kung ganoon ay kailangan nating maghanap ng dugong magma-match sa kanya. Mga kapamilya o malalapit na kamag-anak."
Bakit ganito? Bakit ang bilis-bilis? Masaya pa kami kanina ah.
"Excuse me." Ani ko at umalis. Pumunta ako ng room ng anak ko at tuluyan ng bumulwak ang luha ko.
Ang saya-saya pa naman namin kanina, bakit ganun? Bakit hindi ko napansin na may iniinda palang sakit ang anak ko?
Ang tanga-tanga ko. Wala akong kwentang magulang.
W-wala akong silbi.
I dialed my phone to call for a help. Ito lang naman ang kaya kong gawin kapag naiipit sa problema, ang humingi ng tulong.
"M-mommy. Help po, nasa St. Carmelita Hospital kami ngayon. Rick is sick. Mommy I need you p-please---"
Naputol ang linya.
Ang malas naman. Busy pa ata si Mommy.
"Sorry Rick, walang magawa si Mommy."
The door opened at iniluwa nun ang anak kong si Fred.
"Mom, don't wry please. I know Wick can do it. Malakas siya. Mom, tahan na."
I cried and I hug him, tightly.
I'm still lucky, Yes I am. Kahit na mahina ako, there are those people na nagpapalakas at nagpapatatag ng loob ko.
I'm happy to have them, and I don't want to lose anyone from them.
Especially my twins...
----------------------------------------------------------
"Uy. Bratmaylabs, gising na."
"Mom gising na."
"M-mommy. Wake up na."
Huh? Nakatulog pala ako?
"Okay ka na anak?!" I said with full of shock.
Niyakap ko ang anak ko na parang kanina lang ay hinang-hinang nakahimlay sa kamang ito.
Oh God! Ayaw ko ng maalala pa.
"H-hindi ako makahinga m-mommy."
"Okay ka na ba talaga? What happened nung nakatulog ako?"
Nagtinginan naman ang tatlo.
I think nagtuturuan kung sino ang magke-kwento.
"Nagpunta po dito Mom si Sir Deltran."
I look on Fredson's direction.
"H-huh?"
"Sabi niya you called fow help that's why he came. Siya po ang nagdonate ng dugo kay Wick."
W-w-what?! I checked my phone dial history and what the hell, hindi ko siguro napansin. Hindi si Mommy ang natawagan ko, kundi si Fredrick!
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top