Ika-tatlumpu
-Bratty-
"Ano ganun-ganun na lang yun? Magpapatira ka na lang basta-basta ng kung sino-sinong lalaki porke't nanghihina at kaawa-awa ganun?"
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit iritableng-iritable itong si Nathan kay Chucky.
Kita na ngang nangangailangan ng tulong yung tao eh.
"Bakit ba? Kilala ko naman yun eh." Depensa ko.
"Kahit na. Paano kung gawan kayo nun ng masama?"
"Manyak lang yun pero hindi naman nananakit ng tao."
"Oh tamo, manyak pala ang hayop. Naku. Dapat dun kaladkarin palabas ng bahay na ito!"
"Nathan naman eh!" Ang ginawa ko ay kinulong ko siya sa mga braso ko at pinigilang makapasok sa pansamantalang tulugan ni Chucky.
"Hayaan mo na siya Nathan. Sige na, isang gabi lang namang matutulog dito yun eh. Bukas na bukas ako pa magpapaalis sa kanya kapag okay na siya. Sige na."
Sinubukan kong magpacute hanggang sa makakaya ko. Afterall ito talaga ang talento ko since birth, ang mangumbinse!
Umiwas naman ng tingin si Nathan at nagkamot ng ilong.
Haha. Mannerism I think?
"Pasalamat ka cute ka. Sige na nga. Pero nakabantay ang dalawa kong mga mata sa kanya. At, dito rin ako matutulog!"
Aba't may pahabol pa ang mokong.
"Sige, bahala ka. Matulog ka kahit saan. Basta ba't magpaalam ka muna kay Tita Bets at Tito Manong." Pinal kong saad.
"Pumapayag ka?" Yung mukha niya talaga mga bes kong beks, gulat na gulat na ewan.
"Yes!Yes! Narinig niyo yun mga anak?"
"Opo Daddy pogi! Hihi." At ayun nagtatalon sila ng magkakayakap na parang ewan.
Ikot ng mata mga sampu. Tahimik na sana ang gabi ko ng biglang pumatak ang ulan.
"Ano ba yan. Buti na lang hindi ako naglaba't nagsampay ngayon. Hayss."
Pumunta ako ng kusina at ininit ang tirang adobo kaninang tanghali. Yung tatlo naman ay ayun, larong-laro na parang mga ewan talaga.
'Haynaku. Wag lang talagang mahawa sa kahanginan ni Nathan ang mga anak ko dahil tatambakan ko yan ng kurot!'
Natawa naman ako sa ideya na si Nathan ay nimimilipit sa sakit dahil sa kurot ko.
Haggang sa makarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay namin.
At dahil hindi napansin nung tatlo ay ako na lang ang tumingin. Pagbukas ko ng pinto ay malakas na hangin, ampiyasaw at pamilyar na sasakyan ang bumungad sa akin.
"D-Doc! Oh, kamusta na! Long time no see po!"
Agad akong tumakbo sa di inaasahang bisita at niyakap ito.
Nahiya din naman ako bigla sa inasta ko kaya agad akong bumitiw sa yakap ko sa kaniya.
"Haha. Long time no see din sayo Cute."
Hanggang ngayon talaga yun pa rin tawag niya sakin? Hindi kaya ako cute!
"Nakupo. Pasok na tayo, nababasa tayo dito sa labas eh." Pagkapasok naman namin ay natigilan ang tatlo matapos makita ang hindi inaasahang bisita.
"Ninooooong!" Tumakbo ang kambal at binigyan ito ng mahigpit na yakap.
"Hmm, sarap naman nun mga inaanak ko. Dahil diyan, may regalo si Ninong. Mga laruang galing pa sa states yun."
Dahil sa sinabi niya ay naalarma ako.
Ayokong i-spoil yung dalawa right.
"Cute alam ko yang nasa isip mo. Konti lang yung laruan, I swear."
"Hays. Mabuti naman." Kumalma na ako pero yung isang lalaki sa tabi ay ayun. Busangot na naman ang mukha.
Haynaku Nathan, hindi na kita ma-gets!
"Doc Samuel, Mga anak at ikaw Nathan, kain na tayo."
Agad naman silang tumalima sa hapagkainan at nagsimula ng kumain.
"This is really delicious, Cute. Are you really sure na hindi ka nag-Culinary?"
Ang kulit talaga ni Doc. Sa tuwing kakain ng niluto ko, yan ang tanong.
"Haynaku Doc---"
"Samuel na lang, Di ba?"
"Okay. S-Sam. Sam na lang doc."
Tumango naman siya at ngumiti ng napakalaki.
"Bakit ba lagi mo yang tinatanong, S-Sam sa tuwing natitikman mo luto ko. Di naman masyado masarap eh."
"Di kaya Mommy! Sawap-sawap nga eh!"
"Sabi din po ng classmates namin masawap po!"
"Aasawahin ba kita kung masama luto mo? Aray! Aray. Joke lang!"
Hinampas ko ng sandok si Nathan. Humihirit na naman eh.
"Hoo. Pakain din ha!"
"Ay gwapo! Huy Chucky! Bat gising ka pa?"
Nakakagulat naman itong si Chucky. Basta-basta na lang kumukurot sa adobong manok na kinakain ko.
"Gutom na kasi ako bakit ba? T-teka. Samuel?! Bro!"
Agad naman nagbro-hug ang dalawa.
Wait! Don't tell me, magkakilala silang dalawa?
I cannot.
"What are you doing here sa probinsya Charley?"
Napakamot naman ng ulo si Chucky.
"Yah know. Attending some parties?"
Kahit kailan talaga. Napaka-party whore nitong si manyak. Kami ni Nathan ay bahagyang nakikinig sa dalawa habang yung kambal ayun, wapakels. Ngasab lang ng ngasab ng adobo.
"Di ka na talaga nagbago eh. But how did you get here in Cute's little home?"
Kumunot pa ang noo ni Chucky pero na-gets din naman na ako ang tinutukoy ni Sam.
"Hehe. After the party kasi na-carnap ako at nabugbog. Luckily, my angel is there and saved me in the middle of the street." He said as if wala lang sa kaniya na na-carnap siya! Aba dapat i-report na agad yun sa pulisya ang nangyari!
"Huh? I-report na natin yun---"
"Wag na, angel." Kanina pa ito ah? Mukha ba akong may pakpak para maging anghel?
"Pero...---"
"It's really do fine. Okay. And I think okay na rin na nangyari yun 'coz an angel saved me from the ridiculous death."
Kumunot ako ang noo ko sa sinabi ni Chucky.
Ang dalawang lalaki naman ay bahagyang natigilan at tinitigan ng mariin si Chucky.
'Tini-tingin-tingin nito?' Si Chucky kasi nakatitig saken kaya naiilang ako. Yung tataah, di ba siya kakain?
Tumikhim ako at nagising naman ang diwa ng tatlo at magkakatabing kumain. Sa lalaki nilang lalaki ay halatang nasisikipan sila.
Idagdag mo pang nagbabanggaan sila ng mga braso at siko na parang mga ewan.
Di ko na lang binigyang pansin at tinapos na namin ang pagkain. Magbo-boluntaryo pa sana ang tatlo pati na rin ang kambal na maghugas ng pinggan pero ako na ang naghugas.
Pinapunta ko na lang sila sa sala para manood saglit ng t.v.
Ng matapos sa paglilinis ay dumeretso ako ng salas at narinig ang mumunting halakhak ng mga anak ko at doon ay naabutan kong naglalaro ang lima.
Agad naman akong naalarma sa kondisyon ng isa sa kanila.
"Uy, Chucky. Nabugbog ka di ba? Wag ka ngang magkikilos! Magpahinga ka na sa taas!"
Agad lumingon sa akin ang lima. Tinaasan ko lamang sila ng kilay.
"Nag-aalala ka ba saken, ha, Angel?"
A-anu daw? Ako? Nag-aalala? Ganun ba yun? Nagpapaalala lang naman ah.
"Oh di bahala ka jan! Wag kang aangal-angal na masakit katawan mo bukas! Hmmp."
Humalukipkip ako pero tinawahan lang ako ng kambal. Seryoso namang nakatingin ang dalawang lalaki samen.
Samen?
Luh, ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin ni Chucky kaya napaatras ako.
"Sige, Angel. Magpapahinga na ako. Ayoko namang pag-aalahanin ka."
'Wow ha. Ang kafal.' Napairap ako ng sampu.
"Diwow. Basta bukas lalayas ka na agad sa pamamahay na ito kung ayaw mong---"
Inilabas kong muli ang mahiwagang gunting kaya't nagmamadaling umurong si Manyak.
"Ah hehehe. Syempre naman, Angel. Magandang gabi."
Mabilisan siyang umakyat ng hagdan at nagpunta ng kwartong pambisita.
Sunod ko namang binalingan ang kambal na puro halakhak. Kinikiliti na nung dalawa ih.
"Hoy, Fred at Rick. Matulog na kayo. Maaga pa bukas."
Puro angal naman ang sumalubong saken.
"Mom maaga paaa."
"Mommy naglalawo pa kami ni Daddy Pogi eh."
"Mom lalawuin pa namin yung toys na pasalubong ni Ninong."
"Mommy sige naaa."
"Mom please."
"Matutulog o itatago ko ang mga story books niyo?" Nasa akin pa rin ang huling halakhak.
"Mom--- Mommy!"
Aba aangal pa.
"Itatago ko na nga lang parang ayaw niyo naman eh."
Naglakad ako ng napakabagal pero pinigil ako ng dalawang maliliit na bisig.
"Sige po Mommy, Goodnight."
At nagmamadali na silang umakyat din.
"Hoy, may nakakalimutan ata kayo?"
Turo-turo ko ang magkabilang pisngi at agad naman nilang nakuha ang nais ko.
Humakbang sila papalapit sa akin at lumuhod naman ako para maging kapantay nila ang mukha ko.
Binigyan nila ako ng mainit ang buong paggigil na mga malilit na halik sa tigkabilang pisngi.
"Goodnight po. Ayabyuu."
"Aybyuu too."
At pinatakan sila ng tigisang halik sa noo. Matapos nun ay dumiretso na sila sa kanilang silid.
Sunod ko namang binalingan ang dalawa na manghang nakatingin saken. Problema ng dalawang 'to?
"Oh na-maligno ba kayo? Bat kayo nakatulala diyan?"
Nilapitan ko sila at binigyan ng pitik sa tapat ng mga mata at saka lang nagising ang diwa.
"Ang cute mong maging ina Bratmaylabs."
Napangiti ako sa kaniyang tinuran.
"Pero mas cute kang maging asawa ko."
"Ano yun? Binubulong-bulong mo diyan Nathan?"
For sure nilalait-lait ako niyan. Ganyan naman yan, matapos pumuri ay lalait ng pabulong!
"Wala, wala, Bratmaylabs. Saan kako ako matutulog? Tabi ba tayo? Hehe."
Binatukan ko siya ng magtino. Naalog ata ang utak.
"Sira ka. Nasa kabila lang naman ang bahay mo, umuwi ka na!"
Sabi ko habang abalang inaayos ang nagulong mga upuan at nagkalat na piraso ng laruan.
"Eh naulan kaya. Ano tol?" Pagtukoy niya kay Doc Sam.
"Ah eh. Yeah. I hope you have enough room for us, Cute. Or maybe we could share with your room. It's really do fine with me, Cute."
Tamo tong si Nathan, pati si Doc ay hinahawahan ng kapilyuhan niya. Sarap upakan.
"Okay. Dito na kayo matulog since umuulan pa nga. Pero dun kayo sa kwarto na tinutulugan ni Chucky. Okay lang naman yun di ba?"
Mabilis silang tumango-tango na parang mga aso.
Kaya't pinaakyat ko na sila at ako naman ay pumunta na rin sa silid-tulugan ko.
'Hayys, nakakapagod ang buong maghapon. Ang daming happenings!'
Pinatay ko na isa-isa ang mga ilaw.
Hanggang sa ilaw na lang sa kwarto ko ang natitirang buhay.
Nakarinig ako ng pagkulog. At nakita ang malakas na pagkidlat.
Hindi tulad dati na natatakot pa ako, ngayon ay hindi na.
Nangyari na ang pinakakinatatakutan ko noon kaya para saan pa ang mag-inarte?
'Hayys. Kamusta ka na kaya?'
Di ko napigilang usal sa isip bago tuluyang pinatay ang ilaw sa kwarto at binalot ang lahat ng kadiliman.
----------------------------------
Tik-tilaok!
Rise and shine!!!!!!! Umaga na ulit.
Hayys.
"3, 4, 5, 6, 7, ------"
Luh ano yun? Parang may nagbibilang na ewan.
Paglabas na pagkalabas ko ng kwarto ay parang gusto ko ng higupin ang katawan ko pabalik dahil sa kagimbal-gimbal na nasaksihan.
Ishe, delewe, tetle, epet, lime, enem, pete, wele.--- Napakaraming abs!!!
'Anihan ata ng abs ngayon. Myghaad!'
Ayun ang tatlong mga lalaki, nagpu-push-ups ng sabay-sabay ng naka-hubad mg pang-itaas!
Nagpapaligsahan pa ata sila. Habang yung mga anak ko ay walampake at naglalaro lang ng mga laruan nila sa isang tabi.
"Hoy. Magtigil nga kayo diyan. Pawisang-pawisan na kayong lahat masyado. Oh etong tuyong basahan!"
Mabilisan naman silang nagsitayo at HD as in HIGH DEFINITIONED kong nakita ang mga abssss! Ang mga mata ko, nagkakasala!
"Ako muna punasan mo---"
"Nope, It's should be me---"
"Stop it guys, I'm the first one to get near him."
"Ano ba, English kayo ng English. Bratmaylabs pakipunasan na rin ang ilong ko, dinudugo ata."
"Silly, dude, pero ako talaga ang nauna."
"Paano mo naman nasabi ha?"
"Sige, magtalo muna kayo ako ng mauuna."
"Ano baaaa?! Inaabot ko lang tuwalya. Wala akong sinabi na pupunasan ko yang malalagkit at maasim niyong katawan. Tabi nga diyan!"
Pabebe man ang tunog ay wala na akong pake. Ipinagtatampal ko sa mukha nila ang mga tuwalya nila.
Nagpunta akong kusina para magluto at nabigla akong nakasunod na parang aso ang tatlo.
'Like seriously? Hindi ba sila magdadamit muna? Masarap-- I mean, masakit sa paningin ha! Nakakairita! Oo naiirita ako. May angal?!!'
Sinuot ko na ang apron at hindi sila napansin kahit kulang na lang ay magka-balihibo, buntot at labas-dila ang tatlong ito dahil mukha talaga silang mga aso na nagpa-puppy eyes pa na parang mga ewan.
"Tulungan na kita Bratmaylabs." Ani Nathan at kinuha ang itlog.
"Me too." Si Chucky at kinuha ang isa pang itlog.
"I want to help too." Si Doc Sam na kumuha din ng itlog.
Nakakatawa silang tignan. Para silang mga ewan talaga.
"Osige. Pakibati na lang niyang mga itlog niyo!"
Ako naman ay nagpakulo na ng mantika sa munti naming kawali.
Laking pagtataka ko lang ng paglingon ko ay mapapaglarong mga ngisi ang nakita ko sa tatlong damulag. Ang creepy nila!
"Ano mga tol. Magbati na daw tayo ng mga itlog natin!"
"Haha, Beauty of an angel with such devil's sinful words. I love it."
"Too hot to be cute, only."
Pinagbabato ko sila ng siyanse at iba pang gamit.
"Mga bastos. Layas!!!!"
Imbes na matakot ay tinawahan lang nila ako.
Napaka ng mga lalaking ito.
"Mom what happened, are you angwy?"
"Oo nga Mom. Nag-aaway po ba kayo?"
Magkasunod na bugad ng tanong ng mga anak ko na siguro'y nabulabog dahil sa kaingayan namin.
"Ah eh. Mga anak, naglalaro kami. Batuhan ba. Hehehe."
Biglang laki ng ngiti ng dalawa matapos akong matapos magsalita.
"Talaga po, pwede po kaming sumali?"
Napakamot ako ng batok.
'Hirap talagang mag-explain sa mga bata!'
"Naku, pang-matanda lang yun. Maglaro na lang kayo dun."
I immediately pushed the both of them pabalik sa pwesto nila kanina. Pagharap ko sa kusina ay naabutan kong nagbabati ang tatlo ng itlog sa isang malaking bowl.
Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang pagputok ng mga naglalakihan nilang mga masels, at biceps.
'Jusko po. Patawarin niyo po ang mga mata kong nagkakasala.'
Pinatigil ko rin sila kaagad nung nakikita kong halos magkalamat na yung bowl.
'Hmmmp.' Mga pwersado magbati.
----------------------------
Dumaan ang mga araw at patuloy na ulit na bumibisita si Doc Sam sa bahay, gayundin si Chucky na ipinagtaka ko. Pag tinatanong ko naman ang laging sasabihin:
"Alam ko kasing mami-miss mo ako."
Napaka-feeler.
Okay naman ang trabaho ko sa restaurant pero palagi akong inaabangan at kinukulit ni Xander.
Ewan ko dun, hindi ko siya kinikibo or tinitignan man lang. Si Sir Rogue ay kababalik lang mula sa business trip niya.
Si Boss Frost naman ay palagi akong sinasamahan na dalawin ang tita niya. At masaya ako na unti-unti ay nakaka-recover ito.
Salamat sa Diyos.
At ngayon nga ay ang araw ng paghuhukom. Charot!
Ang araw na dadalaw ako kina Mommy Christina. Kinakabahan man ay itutuloy ko pa rin ito.
Gusto pa sanang sumama ng dalawa pero agad ko silang sinaway at pinabantayan saglit kay Tita Bets na medyo okay na ang kalagayan mula sa sakit niya na iniinda noon.
'Tok-tok-tok.' Pagkatok ko sa pintuang na-miss ko ring katukin muli.
Pagkabukas ay nakangiti pero bakas ang lumbay na si Tito Manuel ang bumungad sa akin.
Sinamahan niya ako papunta sa tapat ng kwarto ni Mommy Christina. Siya na bukas-palad na tinanggap ako ng hindi tumitingin sa kasarian ko.
Siya na napakabuting tao, ina at asawa. Pero heto at may iniindang malubhang sakit.
Kumatok ako ng tatlong beses at sinambit ang paborito niyang linya.
"Knock, knock." Pinilit kong maging masigla ang boses ko kahit marahan na akong humihikbi.
"Luh. W-Who's there?" Ng marinig ko muli ang tinig ni Mommy Christina ay parang gusto ko ng humagulhol. Ang tinig na na-miss ko. At ang tinig na bakas na ang panghihina.
"Si Bratty po." At di ko na napigilan. Tuloy-tuloy ng rumagasa ang luha sa aking mga mata.
"Bratty who--- Bratty?!! Anak?!" Binuksan ko ang pintuan at nakita kobang nakaratay na si Mommy Christina.
Pumayat siya pero kahit ganun ay wala pa ring kupas ang ganda.
Agad akong nagkumahog na lumapit at yumakap sa kaniya.
Doon ay magkasama kaming naghagulhulan.
Isinara ni Tito Manuel ang pintuan at pansamantalang iniwan kami upang makapag-usap ng pribado.
Nagkamustahan lang naman kami ni Tita, nagpalitan ng biro, at oh well.
"Bakit kayo naghiwalay ng anak ko Bratty?"
I was dumbfounded at hindi ko alam ang isasagot ko.
Would I say hiniwalayan ko po siya dahil niloko niya ako or dahil hindi naman talaga ako mahal ng anak niya, or both?
Pero, with her condition? I strongly believe na baka hindi kayanin ng puso niya kapag nalaman niya ang katotohanan. And I don't want that to happen.
"Ah eh. Desisyon po naming dalawa yun Mommy Christina." Sinabi ko na lang.
Kumunot naman ang noo niya at halatang hindi naniniwala.
"Sig na, Please. Bratty, anak. Sabihin mo na sakin. Alam kong may mas malalim ka pang dahilan. Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?"
Mommy I trust you but with your condition right now? I won't take a risk.
"Yun lang po talaga---"
"What I hated the most are liars, anak. Sinusumpa ko ang mga sinungaling."
Natigilan ako sa biglang pagkaseryoso ng mukha niya. I can't believe that behind Mommy Christina's bubbly personality is this kind of attitude. Pero sino nga ba naman ang nais paglihiman? Pagsinungalingan?
Lumunok ako ng maraming laway. Nagdadalawang-isip at nalilito.
Dapat ko bang sabihin? Naluluha ako sa pagkalito.
"H-Hindi niya po ako m-mahal, Mommy Christina. He just used me."
Pag-amin ko.
"A-A-Ano??!" Hindi niya makapaniwalang tanong.
Naluhang muli si Mommy at ramdam kong nahihirapan siyang huminga dahil dun. Kaya't pilit ko siyang pinakalma at pinatahan. Pero di ko magawa.
'Oh no! Mommy!' Nagpa-panic na ako. I don't know what to do. Bumangon ako ng kama at naghanap ng kung ano na hindi ko alam. Natataranta na ako.
I was about to go outside to shout for help ng bumukas ito at dalawang pamilyar na maliliit na sigaw ang narinig ko.
"Mommy!"
"Mom!"
'Fredson?! Rickson?! Anong ginagawa nila dito?!'
Yumakap at nakitalukbong pa sa kumot ni Mommy Christina ang dalawa sa pag-aakalang ako yun.
Para akong natuod sa katotohanang nakita ni Mommy Christina ang kambal.
"Oh no. Sino po kayo? Nasaan po si Mommy?"
Pagtatanong ni Fred. Nais kong kumilos sa kinatatayuan ko pero may pwersang pumipigil saken.
"Oo nga po. Baka kinain na po si Mommy ng matandang aswang dun sa baba."
Pagtutukoy ni Rick sa aswang?
Ah baka si Tito Manuel ang tinutukoy niya?
Nakatulala lang si Mommy Christina sa dalawa...
Hindi na humihikbi...
Hindi na nahihirapan huminga...
Sa halip ay palipat-lipat ang tingin sa kambal tapos ay tumingin siya sa direksyon ko. Dahil dun ay lumingon din ang kambal at nagmadaling yumakap saken.
"Mommy, akala kinain ka na po ng matandang aswang."
"Oo nga, Mom."
"Anong ginagawa niyo ditong dalawa? Di ba sabi ko dun lang kayo kina Lola Bets niyo ah?"
Pagtatanong ko bagamat nakikita ko ang mapapanuring tingin ni Mommy sa kambal...
Lalo na kay Fredson...
Na kawangis na kawangis ng kaniyang ama.
Kung anu-anong dahilan ang sinabi ng dalawa pero para akong nabingi sa isiping nakita nila ang mga anak ko...
Sana lang talaga, hindi na lang ako pumunta...
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top