Ika-siyam
--Bratty--
Kinabukasan ay gumising akong hindi lang puso ang masakit, kundi pati ang puson ko.
Hindi ko mawari kung bakit ako nagkakaganito.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, ayaw kasi ni Fredrick ng naiistorbo sa pagtulog.
Pumunta ako ng banyo at maayos akong nakaihi at gayundin sa kulay at kalagayan ng aking ihi.
So wala akong U.T.I.?
Pero gayunpaman ay di pa rin nawawala ang sakit ng puson ko.
Ang ginawa ko na lang ay kumuha ako ng isang basong tubig at pain reliever capsule at agad itong ininom kasunod ang gamot.
Sa totoo lang, dati ko pa ito nararanasan mga 14 years old pa lang ako. Hindi ko na ito sinabi kina mommy at daddy dahil akala ko ay mawawala rin ito pero di ko inaasahan na magpasa-hanggang ngayon na may asawa na ako ay hindi pa rin ito nawawala.
I just shrugged all these thoughts at nagsimula ng kumilos nung okay na ang pakiramdam ko.
I just cooked a simple yet special food for my husband. As I promised, hinding-hindi ko siya susukuan.
A little later ay nagising na rin siya at sabay kaming kumain ng may matatamis na ngiti sa mga labi.
Pero sa kabila ng ngiting iyon ay ang pait ng mga natuklasan ko. Pero ano pa bang magagawa ko? Minahal ko na siya eh.
When you love someone you can do and give or rather sacrifice everything just for that person. Handang magbigay kahit ubos na ubos na, kahit wala ng matira sa'yo. Thay is what you called true love.
At ako, handa akong magpanggap na walang alam, handa akong ibigay ang lahat mahalin niya lang at maging akin siyang buo.
"Uhm, mahal mali-late nga pala ako ng uwi mamaya ha. Busy kasi sa opisina alam mo na. Nag-a-adjust pa ako, ito namang kasing si dad ay masyadong tiwala saken and just left all the work and responsibilities to me. Naiintindihan ko naman siya, hindi na rin naman kasi siya bumabata. Haha."
Nakitawa na lang ako sa kanya bagamat nakaramdam mulit ng pait nung marinig ko ang salitang "TIWALA."
"Ah sige alis na ako mahal ha. I love you." Aniya sabay halik sa pisngi ko sabay alis.
Napabuntong hininga na lang ako.
Ano ba itong nangyayari sa buhay ko?
Hindi ako gasinong marunong maglinis kung kaya't medyo maalikabok sa kabahayan namin.
Sanay kasi ako na katulong ang naglilinis ng bahay para sa akin kahit hindi ko na-mention sa mga nakaraang chapter.
Hindi rin ako marunong maglaba, salamat na lang talaga at may washing machine dahil hindi ko maaatim na mangapal ang mga kamay ko dahil sa kalyo kakukusot!
Sa paghuhugas naman ng pinggan ay medyo naaalangan pa ako kapag nakakahawak ako ng tira-tira.
Feeling ko kasi pampulubi ang ganung gawain. Kaya't nagpabili ako ng gloves na para sa paghuhugas ng pinggan kay Fredrick.
Sa pagluluto naman ay ginagawa ko ang best ko para matuto. Dati pa ako tinuturuan ni mommy pero sinukuan niya rin ako, nasasayang lang daw ang ingridients dahil saken.
Buti na lang nagugustuhan ni Fredrick ang mga pagkaing niluluto ko kasi nagagawa niya itong kainin.
So nag-aaral akong mabuti sa pagluluto. Nagbabasa ng magazines about cooking, nanuod ng videos sa youtube about it and etc.
Hayy. Asawang-asawa na talaga ang lagay ko ngayon. Lihim akong napangiti at bahagyang nawaglit sa aking isipan ang mapait na katotohanan.
Nangingiti pa akong nagluluto ng pananghalian para sa aking asawa.
Ang niluluto ko ay kaldereta. Sana magustuhan ni Fredrick 'to.
Naniniwala din kasi akong "a key to a man's heart is through his stomach." Kung kaya't dapat pagbutihin ko ito.
Pagdating ko sa company building namin ay masaya kong binati ang bawat empleyadong makakasalubong ko.
NGUNIT napataas ang isang kilay ko ng walang sekretaryang bumungad sa akin.
Hindi kaya pinalayas na sa sobramg kalandian nito?
Lihim naman akong napangiti sa aking naisip. If ever, buti nga, konting kahihiyan naman kasi bessssss.
PERO agad nabura ang mga ngiti ko sa labi ng mabungaran ko ang aking asawa habang masayang kasalo at SINUSUBUAN ng malantod na sekretarya.
Magpagayunpaman ay pilit akong ngumiti bagamat nangunguyom ang mga kamao sa inis at selos.
"Oh-oh. B-Bratty. N-nandiyan ka pala. Di ka manlang nagpasabi." Wow. Kailangan talagang magsabi pa ako.
Asawa mo ako uy! It's my responsibility na alagaan ka at hindi ng malanding yan!
Asik ko sa aking isipan.
"Uhm. A-ano. Upo ka, nakisabay na pala ako kay Cassy na kumain. Kaysa bumaba pa ng cafeteria, nakakatamad lang." Hmmp. Obviously mukhang tuwang-tuwa ka pa ngang kasalo yang kiring yan!
At may pa Cassy, pa ha. Eh kung i-Cass-Cass ko yang walang Cassyng landing babaeng 'yan!
Nakakakilabot ang suot nitong halos lumuwa na ang laman at kaluluwa!
At talagang may pa-nakaw-nakaw pang tingin ang Fredrick na 'to sa babaeng haliparot.
Pwes, magtutuos tayo ngayon.
Umangat naman ang isang sulok ng labi ko ng makita kung anong ulam ang nilalantakan nila.
Kaldereta din pala!
Kaldereta ng Legal na asawa vs. Kaldereta ng Galgal na malandi.
"Uhm, mahal, tikman mo itong kalderetang niluto ko para sayo. Masarap yan oh dali-dali. Say ahhhh." Pagsusubo ko ng ulam na kaldereta na niluto ko para sa kanya.
"Ayan. Masarap ba?" Pagtatanong ko naman matapos siyang subuan. Ngumuya-nguya pa ito ngunit nagulat ako ng bigla itong masamid. Bibigyan ko na sana siya ng tubig ngunit naunahan ako ng malandi nitong sekretarya.
"Oh sir, eto po tubig. Wag niyo po kasing BINIBIGLA, DAHAN-DAHAN lang." Hindi ko alam pero I heard malice from her tonewith matching malanding hagod sa likod ng asawa ko.
Bakit ba lahat ng tungkol sa babaeng 'to ay may koneksyon sa salitang Landi? Dun siguro siya pinaglihi.
Napaikot na lang ako ng mata. Hindi ako bulag para hindi ko makitang humu-hokage itong babaeng 'to.
Kababaing tao.
Nang matapos ang insidente ay ipinagpatuloy nila ang pananghalian. Naitanong ko pa kung kaninong kaldereta ang mas masarap, napa-ismid na lang ako sa itinugon ng asawa ko.
"Pareho naman silang masarap para saken." Pareho? Yung akin with love yung kanya with landi lang so how come naging pareho yun.
Napailing na lang ako. Medyo na-o-O.P. na rin ako minsan kasi para silang may sariling mundong dalawa. Hindi ko naman maintindihan yung pinag-uusapan nilang dalawa kasi puro tungkol yun sa kompanya.
Kung sana katulad ako ng babaeng ito na matalino eh di sana magkasama kaming nagtatrabaho at bantay sarado ko ang asawa ko mula sa mga AHAS sa TABI-TABI.
Maya-maya ay ng matapos mumain ay umalis na rin ang sekretarya na binigyan ko ng sampung ikot ng mata.
Bumaling agad ako sa aking asawa at marahan itong kinausap.
"Mahal ko, meron sana akong ipapakausap sayo." Panimula kong sabi sa kanya habang nakatuon naman ang kalahating atensyon niya sa tina-type sa laptop niya.
"Anything mahal that I can give to you." Malambing naman nitong tugon sakin bagamat tuloy pa rin sa pagta-type.
"Pwede bang wag kang gasinong maglalalapit kay Cassandra, yung medyo maging distant like hindi mo siya sasabayan sa pagkain ganun." Pagkasabi ko naman nun ay agad itong napatingin sa akin.
"But mahal ko. She's my secretary, so I would definitely always have to be with her, talk with her. So how could I distant myself to her?" Ganting tugon naman nito sa akin.
"Alam ko naman yun. What I am telling you is wag mong gawing friends ang turingan niyo. Pang boss-employee lang ganun!" Ani ko naman.
Bahagyang napakamot naman sa ulo si Fredrick.
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Are you jealous?" Biglang bago ng tono nito mula sa pagtataka patungong panunuya.
"Stop teasing me Fredrick Deltran I'm serious!" Pagsigaw ko bilang nasukol niya ako dun sa sinabi niya.
"Okay, okay, sige. I will follow you mahal ko. Basta huwag ka lang magagalit... At magseselos." He assured na may halo pa ring panunuya.
"Tse! Hindi ako nagseselos!!!" Guilty kong pagsigaw. Tawang-tawa naman ang asawa kong ulupong sa reaksyon ko.
"Ang cute mo talaga magalit. Swerte ko talaga sa'yo." Sabay piga sa dalawa kong pisngi na ikinapula ko masyado.
"Uy! Namumula siya. Kinikilig ang asawa ko saken." Tapos lumapit siya saken at kiniliti-kiliti pa ako.
Ilang minuto kaming naglambingan at napagpasiyahan ko na ring umalis.
Ng makalabas amo ng opisina ng asawa ko ay nakatanggap ako ng pasimpleng irap mula sa sekretarya nito. Akala niya hindi ko napansin yun pwes nagkakamali siya.
May napadaang empleyado ako at tinanong ko ito.
"Sino ba ang secretary ng asawa ko?" Sabi ko.
Bigla namang sumabat ang gaga.
"Ako po Sir este Mam. Nagkita pa nga tayo di ba habang sabay kaming kumakain ng asawa mo. Makakalimutin na po yata ako." Parang nanghahamon nitong sambit.
Hmm, dear, you're a bitch? Well, I'm the BRAT!
"Pasensya na, nalito lang kasi ako sa outfit mo teh. Mas mukha ka kasing prostitute kesa secretary. Kinukulang ba ng tela sa inyo? Sabihin mo lang at magdo-donate ako ng macover up din minsan ang kaluluwa mong lumuluwa." Narinig ko ang bahagyang bungisngis ng empleyadong napagtanungan ko kanina sa likod. Atleast we have some audience for our show.
On the other hand, the bitch is obviously nagpipigil lang ng kaniyang inis. Haha. Ganyan nga Ms. Landi. Pero gumuhit din agad sa mukha nito ang ngiti.
"Pasensya na po. But I think there's nothing wrong with what I'm wearing. Ganito po talaga ang suot ng mga MAGAGANDA, at SEXY. Sinusuot ko lang kung anong nararapat sa itsurang meron ako." Huwow. Ipinagdidiinan pa talagang maganda at sexy siya, pwes...
"Ay may nakalimutan ka dear. Maganda, sexy, at higit sa lahat, MALANDI. And let me tell you this, landiin mo pa ang asawa ko at hindi ako mangingiming kaladkarin ka palabas ng building at ihudhod yang dibdib mo sa kalsada. Baka sakaling mawala ang kati! Kidding aside, sige, I should go na. See you again Landi!" Ani ko sabay nag-wave sa kanya.
Nakita ko namang nagpapadyak ito sa inis. Haha, mas mukha pa siyang brat kesa sakin.
"Naku mam, buti naman at pinuna niyo yang babaeng yan. Marami na nga pong ibang babaeng empleyado ang naiinis diyan eh. Ang sagwa manamit. At-- ay sorry po!" Hinging paumanhin ng empleyadong kasabay ko maglakad dahil sa mga sinabi niya. Natawa naman ako dahil dun.
"Haha. Okay lang. You don't need to apologize because you did nothing wrong. Haha." I assured her. Mukhang natatatakot sakin eh.
"Ganun po ba? Akala ko po kasi mataray talaga kayo. Mabait din po pala kayo." She had a point there.
"Haha. Minsan lang naman yun--" sabay tingin sa I.D. niya
"Maureen. Oh sige una na ako. 'Till next time. Ciao."
Pamamaalam ko at lumarga na.
Pagkauwi ko ay nanuod lang ako ng t.v. Kukunin lo sana ang baso ng tubig sa tabi ko ng maihulog ko ito at mabasag.
Bigla akong binalutan ng kaba.
Nilinis ko ang kalat at tumingin sa orasan.
Oras na pala ng hapunan kaya't nagluto na ako.
Pinatay ko na rin ang t.v. dahil wala na sa palabas ang konsentrasyon ko kundi sa asawa kong alas-diyes na ng gabi ay hindi pa rin umuuwi.
"Sabi niya magpapagabi siya pero di ko naman inaasahang ganito ka-late. Baka nagugutom na yon." Dahil hindi mapawi ang kaba at pag-aalala ko ay napilitan akong puntahan ang aking asawa muli sa opisina nito.
Kahit na natatakot ako sa dilim ay tinapangan ko ang loob upbg lumabas at maghanap ng taxi papunta roon.
Pero sana... Hindi na lang pala ako pumunta...
Itutuloy...
A/N: Nakapag-update din sa wakassss. Nakakalokaaaaa, ayoko ng maging Gradeeee 12!!!!!! Kakastresssssss! HAHAHAHAHA.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top