Ika-labing-siyam

--Bratty--

I woke up with the same usual pain again. It seems like my puson is burning up. Kahit medyo masakit ay pinilit kong bumangon upang uminom ng pain reliever. Ito lang naman ang solusyon sa weird na monthly pain na ito. Napalingon naman ako sa kwartong pinanggalingan ko.

Did I just slept in his room, I mean in our room, again?

So tinotoo niya talaga ang kondisyon ko sa kanya?

May isang salita din pala siya.
Napatuon naman ang pansin ko sa suot ko.

This is not what I wear last night? S-So? Technically, b-binihisan niya ako?

Though mag-asawa kaming dalawa, we never saw each other naked. And I bet you guys know why.

Napayakap ako sa aking katawan. My body is a treasure for me. I'm a conservative person though may pagkamalandi noh.

Pero... Ano naman kung nakita niya akong hubad? I bet wala naman sigurong malisya sa kanya yun.

Isa pang pero. Pero ano yung pinapakita niya saken. Yung kagabi.

Yung pag-aalala at pagprotekta niya saken.

Was that true?

Was that something that I should believe?

Does he really cares for me?

Minsan hindi ko na rin alam kung anong dapat kong paniwalaan.

He's too unpredictable. Too inconsistent. And too... Paasa?

Whatever! Kung anu-anong iniisip ko. Positive lang Bratty! Positive!

Nang mawala na ang sakit ay sinimulan ko na ang dapat gawin. I am about to cook for my breakfast nang may makita akong pagkain sa 'takluban.'

Fried hotdog, egg, sinangag na kanin at isang basong gatas. May note pang naka-attach sa plato.

'Eat this, I don't want you to get hungry' -Mahal mo.

°\\\\\°

Okay, ako lang ba or talagang kakaiba itong nangyayari ngayon.

Sobrang, unusual lang. Well, kumain na rin ako.

Ang sarap kumain kung alam mong mahal mo ang nagluto.

^__^

Ng matapos ay naghugas na akong pinggan. Then naglaba naman ako. I am so happy about myself kasi asawang-asawa na talaga ang datingan ko. Hindi na ako nababano in the fact na dapat magkahiwalay ang 'puti' sa 'de-kolor' kapag naglalaba.

Isinampay ko na yung mga nalabhan ko then nagluto na ako ng tanghalian.

Ang niluluto ko ngayon ay pinakbet. Naituro sa akin ni Mommy Christina nung isang araw.

Nasarapan kasi ako nung naghanda siya nito kaya tinanong ko kung paano.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto when my phone rings. Obviously may tumatawag.

Without further checking kung sino ang tumawag ay seryoso ko itong sinagot.

"Hello."

"Good Afternoon Mahal ko. Did you ate the breakfast I prepared for you?" I was taken a back dahil malambing na boses na sumagot sa kabila ng linya. Hindi ko kinakaya...

"Uhm, Y-Yes." Inilagay ko na yung alamang tas hinalo-halo ang pagkain habang nangingiming sinagot ang tanong niya. Inipit ko na lang sa shoulder at tenga ko ang phone ko so I could use both of my hands while cooking.

"Are you okay already? You're stuttering." Wews, napansin niya pa yun? Napaisip naman ako nang palusot. Alangan namang sabihin kong, Mahal ko, ang lambing mo kasi masyado.

Ayan tuloy nanginginig ako, namumula't kinikilig. Like Duh!

"Uhm ano. Nagluluto kasi ako mahal ko ng tanghalian natin." I hope kagatin niya ang palusot.

I mixed the vegetables and spices. Ambango-bango. Actually, since I was young I really hate vegetables coz yun yung naririnig ko sa ibang bata.

Masama daw ang lasa. But when I tasted Mommy Christina's vegetable dish, napahiya ako.

"Talaga?! Anong niluluto mo Mahal ko?" Nagitla naman ako sa napakasiglang pagsalita ni Fredrick.

As in seriously?

Kailan pa siya naging excited sa pagkaing niluluto ko?

As far as I remember pinagtitiyagaan lang naman niya ang mga luto ko.

Pero panahon pa ba para magtaka?

I should be glad dahil for once may nagawa akong nagustuhan niya.

"Sikretong malufet!" Napahagikhik ako sa kalokohang itinugon ko. So 'jeje' of me.

Tuloy-tuloy lang ako sa paghalo ng ulam at mukhang malapit na itong maluto.

"Hmmp! Naughty. Iintayin ko yan ha. Ingat mahal ko, baka himatayin ka na naman." May bahid ng pang-aasar pero pag-aalala? Niyang sabi.

He's puzzling me. Badly.

"Sira! 'Ambot sa imo!'' Narinig ko lang yan sa t.v. Haha. Pinatay ko na rin ang tawag at hinango na ang pagkain.

Pero may hangin ng pagtataka ang umihip sa pagmumukha ko.

At di ko gusto ang amoy nun.

Why a sudden change of mood and 'pakikitungo' with me?

Hindi naman sa di ko gusto pero natatakot lang kasi ako.

Para kasi siyang lindol.

Sa una kalmado pero bigla na lang dadagundong 'out of nowhere.'

I sighed. Hindi ito ang panahon para magtaka Bratty!

------------------------------------------------------

Nakarating ako sa office ni Fredrick at sa bungad nito ay si 'Aling Vicky,' Fredrick's secretary if you couldn't recall, na busy'ng-busy sa pagta-type sa kanyang laptop na kung anuman na none of my business na.

Teka lang, business naman namin 'to so it's my business too.

Napatampal na lang ako sa aking noo, inatake na naman ako ng pagiging istupida ko.

"Good Morning Aling Vicky." Pagkuha ko ng atensyon sa kanya. Nagulat naman ito at binati ako pabalik.

Nginitian ko naman ito at sinabing ipapaabot lang ang tanghalian ng aking 'ulirang' asawa.

Papatalikod na sana ako upang umalis ng iluwa si Fredrick ng pinto ng pinakang-opisina niya.

"Vicky, tapos mo na ba--- Oh mahal ko. Andyan ka na pala." Napatda ako dahil sa pagtawag niya saken. Yung tono ng pananalita ay parang tuwang-tuwang narito ako matapos ang matagal na paghihintay.

Ang O. A. ko din mag-isip minsan.

Well, I just twist my head and face him with a bright smile.

"Ah dinala ko lang ang tanghalian mo sige b---"

"Sabayan mo na ako. Tara." Mamaalam na sana upang umalis pero naunahan niya ako.

Gusto niya akong makasama mananghalian?

Tatawag na ba ako ng pari?

Isa 'tong himala!

Halos mapatalon naman ako sa gitla ng hatakin niya ng marahan ang kanang kamay ko papasok ng kanyang office. Pero bago yun ay lumingon siya sa direksyon ni Aling Vicky.

"Vicky, you can go and have your lunch now." Pagkatapos naman nun ay agad ako nitong hinatak papasok.

Ang gitla kanina ay naging totally kaba na. Only me and him?

Napalunok ako ng marami..

Compose yourself Bratty!

Para kang timang. Naalala ko naman si Mommy Christina. At dahil nga sasamahan ko pa itong si Fredrick ay paniguradong matatagalan ako.

That's why I texted her na sasamahan ko muna ang ulupong niyang anak kung kaya matatagalan ako sa 'appointment' namin.

Napahagikhik naman ako sa reply ni Mommy Christina.

"Naku anak, tignan natin kung hindi lalong mabaliw sayo ang anak ko matapos matikman ang lutong kinaadikan ng mga Deltran." Mag-rereply pa sana ako ng makarinig ako ng pagtikhim.

"Ehem, Mahal ko. Aren't you here to serve me? Sinong ka-text mo diyan at tuwang-tuwa ka pa tapos kinikilig?" Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

Ang tono ng kaniyang pananalita ay napaka-'unfamiliar.'

Nag-initiate na lang ako na ihanda na yung kakainin niya tutal yun naman talaga ang agenda ko rito.

Pero nung bubuksan ko na ang lunchbox ay hinawakan niya ang dalawang braso ko sa pulsuan.

"Sinong ka-text mo?" Lalong napakunot ang noo ko. Big deal ba talaga yun at hindi siya matahimik?

"Si M-Mommy Christina. Uhm, nangangamusta." Half-truth kong sabi.

"Close na kayo ni Mommy ah. Di nga ako kinakamusta nun." Nakangisi siya.

'Kung alam mo lang.'

"Kakain ka ba o hindi?" Straightforward kong tanong. Dami niyang kuda eh, malipasan pa ng gutom.

"O-Oo n-naman mahal ko."
Tarantang pahayag niya.

"Sungit naman" Bulong na pasaring niya bagamat narinig ko.

Hindi ko na lamang ito pinagtuunan ng pansin. Ng mabuksan ko naman ang ulam ay kita kong nakatitig lang ito dun.

"Bakit?" Pagtanong ko sa kanya. Napakamot naman ang huli ng batok.

"Mahal ko, di kasi ako kumakain ng---"
Hindi ko na siya pinatapos at akmang itatabi na lang ang pagkain ng pigilan niya ako.

"Di ko naman sinabing 'di ko kakainin noh." Nakangiti lang siya at mukha namang...

Sincere?

Well, okay kung gusto niya.
Kita ko ang unang pagsubo niya ng kaning may gulay.

Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa laylayan ng aking damit. Siguro dahil sa kaba.

Kita ko ang marahan niyang pagnguya.

I can't read his face to know whether he like it or just pretending to like it.

Pero ikinabigla ko ang tuloy-tuloy niyang pagnguya.

"Sarap!" Dinilaan niya ang kanyang labi ng may dumikit na tirang gulay. Halos matuyot naman ang lalamunan ko sa nakakaakit na tanawin.

Anube! Ang landi Bratty ha!
Pero di nga? Nasarapan siya.

"Masarap?" Paninigurado ko. Baka kasi nabibingi lang ako eh.

"Yah, taste it yourself." Sabay akmang susubo ng pagkain sa kutsarang ginagamit niyang pang-kain.

"Uhm, eh." Nauutal kong sabi. Nahihiya kasi ako for I dunno reason. Bakla ka ng taon Bratty!

"Ayaw mo ba? Pasensya na, kuha na lang tayo ng ibang kutsa---"

"Hindi gusto ko!" Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagsigaw kong yun. Bahagya naman siyang nagulat pero napangisi pa rin. Namula ako sa ekspresyong pinapakita niya saken na parang sinasabing,

"Pabebe pa eh, gusto din naman."
Huuu!

"Say ahh, Mahal ko..." Malambing at buong pagsuyo niyang sabi.

Kahit 'hesitant' ay sinubo ko na ang kanyang....

Kutsarang may pagkain...

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top