Ika-labing-lima
--Bratty--
In just a blink of an eye, everything's back to the way it is used to be.
Nagising na naman ako ng hindi lang puso ko ang kumikirot dahil sa ganap kahapon, kundi pati na rin ang puson ko.
Sa totoo lang ay nagtataka na ako sa buwan-buwan na pagsakit ng puson ko. Hindi naman ako nagkakaroon ng problema sa pag-ihi ko. Pero ang sakit niya talaga.
At minsan nakita ko ang dumi ko nagkakaroon ng bakas ng kulay pula. Which I find weird. Salamat na lang yalaga sa pain reliever at nawawala ang sakit.
Bumangon ako nabungaran ang condo na walang laman kundi ako at ang mga gamit lang.
Napabuntong-hininga ako. Ganito na naman ulit kami. Hindi ko alam mung anong nagpabago sa timpla ni Fredrick sa isang iglap, pero I think malaki ang kinalaman nun kay Cassy.
Nagluto na lang ako ng pang-agahan ko, at matapos nito ay naghugas na rin ng pinagkainan. Kinuha ko na ang mga damit sa libanginan upang maglaba.
But I was surprised to see a pants in Fredrick's room garbage bin. Later that I found out, ito pala yung nasirang black pants na tinahi ko para sa kanya.
Hindi niya manlang sinuot...
Habang maluha-luha ay isinama ko na rin ito sa lalabhan. Ng magtanghali at matuyo ay itinabi ko uli ito sa closet niya, inilagay ko yung pants sa kailalilaliman para di niya makita at mahalata.
Nagpunas ako ng luha at pinagalitan ang sarili ko.
"Bratty di ba sabi mo hindi ka na magiging childish? Brat? At immature? Ano 'to? Bakit ka umiiyak?! Di ba you vowed in front of God and the person you loved the most, for better or for worst, in sickness and health, and in richer or for poorer, right? Bratty! Wag kang umiyak! Masanay ka na dapat! Maging masaya lang!" At ngumiti ng pilit. Kasunod ay dali-dali akong nagtungo sa kusina at nagluto ng pananghalian.
Tapos ay nagtungo na rin ako sa opisina ng mahal ko.
Binati naman ako ng mga empleyadong nakasulubong. Nagtanguhan na lang kami ni Maureen ng magkasalubong kami. Pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala kung kaya't binigyan ko na lang siya ng pilit na ngiti.
Pero parang hindi nakatulong kasi lalong nag-alala ang kaniyang tingin.
She just patted my shoulders and whispered such words.
"Kaya mo po 'yan mam." I mouthed 'thank you' sa kanya. Sa mga panahon ngayon, words of encouragement ang kinakailangan ko...
Pagkarating na pagkarating ko sa bungad ng office ng asawa ko ay isang babae or I should say ginang ang bumungad sa akin.
She look a kind of already in her 30's I think?
"Ay. Good Morning po Si-- este Mam, I am Vicky the new secretary po." Napangiti naman ako dahil sa sobrang pagka-polite niya. To be fair, mukhang na-orient na agad siya kung sino ako.
Sa wakas may maganda na rin akong mabubungaran dito sa office.
"Goodmorning. Ikaw pala ang bago? Haha, welcome to the company Aling Vicky!" Napahagalpak naman kami ng tawa.
"Uhm, ano po palang sadya niyo rito?" Pagtatanong niya. I raised my stuffs, smiled to her and said.
"Dadalhan ng tanghalian ang asawa ko. Daily ko kasi itong ginagawa. Nakasanayan ko na rin kasi." Actually, this is my mommy's hobby before. And dalhan si daddy palagi ng lunch niya so na-adapt ko lang.
"Ay! Ang sweet niyo naman po mam! Sana lahat ng mga asawa katulad niyo. Maalahanin." Napangiti naman at bahagyang nahiya ako sa sinabi niya.
Mukhang madali lang makasundo itong si Aling Vicky. Kita kong mukhang napakabuti niyang babae.
"Enekebe. Hinde nemen mesyede." Pagpapabebe ko na tinawahan naman niya. I guess hindi bagay sakin ang mag-astang sanggol.
"Ah sige, pasok na po kayo mam. Para mawala na rin ang init ng ulo ng asawa niyo, highblood masyado eh. Marami ng empleyado ang napagalitan, buti na lang hindi ako napagbubuntunan bilang bago pa lang po ako." Natigilan naman ako sa sanay pagbukas ng pintuan.
Natakot ako at kinabahan. Malamang sa malamang kung susubukan kong pumasok diyan ay sisinghalan niya lang ako. Masama pa naman ito magalit pag naiistorbo.
Kaya't napagdesisyunan ko ng wag pumasok. Sa halip ay ibinagay ko na lang ang pagkain kay Aling Vicky at sinabihang ibigay na lang ito sa kanyang boss kung nagugutom ito.
Hahayo na sana ako ng may pumasok sa isip ko.
"Nga pala, Aling Vicky. Kung hindi niya po yan kakainin, sa inyo na lang po. Ibigay mo na lang yung lalagyan sa akin bukas, ha." Medyo nagtaka ang anyo ng kanyang mukha pero um-oo na rin ito at ngumiti.
MALALIM na sa gabi at wala pa rin si Fredrick. Hindi naman sa hindi ko ito inaasahan pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. You know, anumang mangyari, asawa ko pa rin siya.
Nagitla naman ako sa napakalakas na kalabong mula sa pinto.
"T*RANT*DONG PINTO *Hik! BAKIT HINDI KA *Hik! BUMUKAS!" Boses yun ni Fredrick na mukhang nakainom.
Dahil dun ay dali-dali akong pumuntang pinto upang pagbuksan siya.
At nabungaran ko ang itsura niyang lasing na lasing. At bahagya napatumba siya saken.
Bukod sa amoy alak, at sigarilyo ay amoy babae rin ito. Napangiti na lang ako ng mapait dahil alam ko na kung san siya galing.
Nakitaan ko rin siya ng kiss marks sa leeg at sa dibdib na bahagyang nakabukas ang dalawang butones. Halos pumatak ang mga luha ko dahil sa nasaksihan
"Ikaw na namang bakla ka?! Palagi na lang kitang nakikita! Nakakasuka ka na!" At buong-lakas niya akong itinulak. Hindi lang 'yon dahil nakatanggap ako ng sipa mula sa kanya. Ito ang kauna-unahang beses na sinaktan niya ako ng pisikal.
"Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo, alam mo ba yun? Ha?! *Hik! Bakla! Salot ka, salot ka sa buhay ko! *Hik! Tumabi ka diyan. Tabi! LAYASSSS!!!" At pinagtabuyan niya ako palayo. Sinigawan, at iniwang parang basahan.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.
Bakit biglang ganun?
Ano bang mali kong ginawa?
Nasobrahan ba sa alat ang luto ko?
Sa tamis? Pait? Asim? Anghang? O walang lasa?
Hindi ba maayos ang laba ko? May tirang mantsa o nasira?
Masama ba ang ugali ko? Pangit o ano?
I cried due to frustration. I get some basin of water to clean Fredrick's body. Naabutan ko naman itong nakahiga at waring kinakausap ang sarili!
"Alis! *Hik! Umalis ka dito! Ayaw ko sayo!" Pagtataboy niya saken nung makita niya ako bagamat nanghihina na siya sa sobrang kalasingan.
"Mahal ko, pupunasan lang kita. Tamo oh, n-naka-business attire ka pa. Sige na." Kita ko naman ang doubt sa mukha niya pero hindi na rin ako tinutulan.
Hinubad ko muna ang kaniyang suot na coat. Tapos ang suot niyang long-sleeves then ang ang sando. Marahan kong pinunasan ang kaniyang leeg, pababa sa maskulado niyang katawan.
Hindi ko na lang siya pinakatitigan dahil baka isipin niya pang minamanyak ko siya.
Huhubarin ko na rin sana ang kaniyang pantalon ng hawakan niya ang dalawa kong kamay.
Napatingin naman ako sa kanya, nagtatanong ang aking mga tingin.
Pero hindi siya umimik bagkus ay tinitigan lang din ako.
Kaagad din naman siyang bumitaw at itinuloy ko ang paghubo ng kaniyang pantalon.
Kaya lang hindi ko alam kung paano ito tatanggalin ng hindi nadadaitan ang kaniyang pag-aari. Like hello, di porket asawa ko siya ay okay lang na mahawak-hawakan ko yun.
Atsaka hindi ako manyak!
Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang butones. Butones lang! At kinalas.
Kasunod naman ay ang kaniyang zipper.
Napalunok ako ng marami. Ano ng gagawin ko ngayon? Dahan-dahan ang ginawa kong pagkilos, walang hinga-hinga. Tinignan ko naman siya at mapungay-pungay na ang mata, waring patulog na pero nakatingin siya saken.
Isang kisap kong binaba ang zipper sabay bitaw agad!
Hooo! I did it! Success. Palakpakan! Tuwang-tuwa ako na parang nanalo sa lotto!
Pagkatapos nun ay dahan-dahan ko ng hinubo ang pantalon and Viola. Namula ng parang kamatis ang mukha ko.
M-mayroon kasing something na umigkas na parang spring. Walang tingin-tingin ko siyang pinunasan sa kaniyang binti, at hita. Yung private part niya? Balanasiyajan!
Pagkatapos nun ay iniligpit ko na ang ginamit ko at kinumutan siya. Tinignan ko naman ang kaniyang natutulog na anyo at nginitian ng pilit. Lumapit ako sa kaniya at nagwika.
"Hihi. Ang gwapo talaga ng asawa ko! Sana palagi ka na lang tulog para mabait ka saken. Mwaaah! Goodnight! Sweet Dreams!" Hinalikan ko siya sa noo at iniwan na.
"Ay! Bat basa ang mata ko?" Tinignan ko naman ito at nagtaka.
"L-luha?" Natawa na lang ako dahil sa sariling katangahan.
------------------------------------------------------
Ilang buwan ang lumipas at mag-iisang-taon na kaming kasal ni Fredrick. Hindi ko masasabing may nagbago pero masaya pa rin naman ako dahil kasama ko pa rin siya.
Ngayon nga ay nakahanda na ang surpresa ko para sa kaniya. Ssssh! Wag kayong maingay ha!
Masaya akong nagluto, nag-ayos, nagkabit ng tarpaulin at kung anu-ano pang paghahanda.
Kinuntsaba ko na rin si mna Maureen at Aling Vicky para timbrehan ako kung pauwi na si Fredrick.
Mga 7:30 ng gabi ay natapos. Nagtunog naman ang cellphone ko at sina Maureen at Aling Vicky ang nagtext.
From: Aling Vicky
Mam Pauwi na si Sir. Goodluck! Happy anniversary sa inyo!🎆🎇 Isuko na ang bataan!
Received: 7:33pm
Bahagya naman akong namula sa sinabi niya. Natanong niya rin kasi ako mga minsan kung may nangyari na sa amin ni Fredrick.
And kung anu-anong palusot na lang ang sinabi ko.
From: Maureen
Mam Deltran, nakasakay na ng elevator si sir! Congrats in advance. Stay strong!
Received: 7:35pm
Haha. Ni-reply-an ko na lang sila ng "Thank you" at inihanda ang sarili ko. This is it!
------------------------------------------------------
Napabangon ako mula sa pagkaka-ubo-ob. Antagal niya kasi. Napatingin naman ako sa orasan and it is already 11:30p.m.
"Maygad! Nakatulog ako ng matagal!" Sinilip ko ang kwarto niya kung naroon na siya.
"Huh? Wala pa siya? Hindi pa siya nakakauwi?" Tinext ko naman ang dalawa pero sabi nila wala na daw ito sa kaniyang opisina.
"Ay! Ang boba ko talaga! Para san pa ang GPS eh nuh?!" Kamakailan lang ay itinuro sa akin ni Maureen kung paano yun gamitin at kung paano mang-track ng device gamit yun.
"B-BARbaro?" Isang bar? Ang chaka ng name ha!
Matapos malaman ang lokasyon niya ay nagdesisyon akong puntahan siya.
Kaya lang? Saan ako sasakay? Wala ng sasakyan ng ganitong oras eh!
Tinignan ko naman ang distansya ng bar na yun mula dito. Ay! Malapit lang pala!
Nilakad ko na lang at nakarating ako sa bar ng hinihingal.
Nakisingit ako sa kumpol ng mga tao para hindi mapuna ang suot ko. Hindi naman pangit suot ko, pero hindi lang ito angkop sa ganitong klase ng lugar?
Grabe ang lalandi naman ng mga tao dito. Kulang na lang mags*x sila sa dancefloor eh! Ang haharot!
Hindi ko siya nakita sa groundfloor so I suggest na nasa second floor siya. And I think this is for the VIPs. Humanap ako ng makukublihan habang naghahanap. Mahirap na baka masita pa ako at palabasin ng bar.
I still find it hard to find him until loud voices or noises to be exact, captured .y attention.
They are obviously cheering two persons who are kissing each other.
"Ang lalandi talaga." Angal ko na lang. Mga liberated na talaga mga tao ngayon.
Ngunit tila nabato ako ng maghiwalay ang mukha ng dalawa.
"F-Fredrick." Bulong kong tila mapapatid na ang hininga. Nandito pala siya sa bar kasama ang mga barkada at babae niya.
"Ayos ka talaga bro! Iba ka talaga! Galing humalik ah! Na-try mo na ba yan sa ASAWA mo?" Natawa naman silang lahat dahil sa tinuran ng kabarkada niya na kung hindi ako nagkakamali ay nagtatrabaho din sa kompanya namin, si Paul.
"ULOL! Neknek niya! Hindi ako pumapatol sa bakla!" Natawa naman ulit sila. Napatakip na lang ako ng bibig. Pinipigil ang pagpalahaw ng iyak.
"Haha. Tama yan bro! Kasi ang mga pumapatol sa bakla ay?" Hinintay naman nila ang tugon ni Fredrick.
"B-bakla rin." Mahina pero buo nitong saad.
"Pwes! Tuloy ang happy-happy!" At nakipagsayaw at inom sila sa kanya-kanya nilang kapareha.
Ngunit sa isang iglap ay nagtama ang tingin namin ni Fredrick.
Dali-dali akong tumalikod at tumakbo pauwi. Nakita ko ang mga pinagkakalat ko sa loob ng condo.
"Lahat 'to. Lahat 'to mga basura na lang." Tinanggal ko ang tarpaulin at mga pinagdidikit ko sa pader.
Isinuksok ko na lang ito sa ilalim ng kama ko. Siguro baka bukas ko na lang ito itapon. Ang mga pagkain ay inilagay ko na lang sa refrigerator. Baka bukas ipamigay ko na lang, kainin o itapon. Bahala na. Hindi na rin naman yun mahalaga. Tulad ko.
Humihikbi ako habang hinuhugasan ang mga pinggan ng tumunog ang cellphone ko.
It is mommy who's calling...
"H-hello." I tried to make my voice a little cheerful.
"Anak!!! Nagising ba kita?" She asked.
I breathed heavily before I answer.
"Hindi n-naman mommy."
"Nga pala. Naalala ko lang kasi na Anniversary niyo pala. Gusto ko lang kayong batiin dalawa ni Fredrick. Happy Anniversary anak! Kamusta ang gabi with the love of your life?" Mapanuksong tanong ni Mommy. Kahit kailan hindi na talaga nagbago.
"Uhm, m-masaya." I lied.
"And then? Anong ginawa niyo."
Naalala ko yung mga nakita ko kanina. And it tear my heart.
"Sinurprise n-niya ako." Sobra niya akong sinurprise kanina ng makita siyang nasa bar.
"K-kumain kaming m-magkasama." Kasama niya ang mga kabarkada at babae niyang nag-iinom at nagsasaya.
"N-nagsayaw kaming d-dalawa, nagyakapan, n-naglambingan." Kasayaw niya ang babae niya, kayakapan, kahalikan.
"Na nakapagpakilig sa akin ng husto." Na nakapagpakirot sa puso ko ng husto.
"Ay! Nakakatuwa naman 'yang asawa mo. A for Effort para sayo. Pero teka, anak, bakit parang di ka naman masaya. T-teka, may problema ba? Naiyak ka ba?" Pinunasan ko muna ang mga luhang pumatak na naman sa mga mata ko, pinakalma ko ang sarili ko bago ko siya tinugon.
"Masaya ako noh Mommy! Okay na okay ako! Actually, umiiyak nga ako but it is just tears of joy noh! Patawa ka mommy. Sino ba namang umiiyak matapos bigyan ng bonggang anniversary celebration?! Duh!" I lied again.
I'm such a liar.
"Ooookay. Sige anak. Mukhang nireregla ka na naman. Osiya! Goodnight na! Sabihin mo na lang kapag nakabuo na kayo ni Fredrick ha! Ciao!"
Napangiti ako ng kaunti matapos kausapin si mommy. She's really a stress reliever. No wonder why daddy loves her.
Sana naging katulad na lang din ako ni mommy. Siya kasi yung kahit gaano kasama yung mga nangyayari sa paligid niya ay nakakaya niya pa ring ngumiti at maging positibo.
A loud bang in the door stopped me from spacing out.
Lamnadis.
Pagbukas ko pa lang ng pinto, ay naganap ang inaasahan ko. He shouted, call me names and cursed me to death.
I just carried him to his room and took care of him. Matapos nun ay iniwan ko na siyang natutulog ng mahimbing.
Tatlong salita.
I promised that if you said those words I will set you free and let you live your life the way you really want it to be.
Tutal malapit na ring namang sumuko ang puso kong mahalin ka...
"Happy Anniversary, Mahal ko..." I whispered as I closes the door of my husband's room.
Itutuloy...
A/N: Kaya niyo pa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top