Ika-labing-dalawa

--Bratty--

I'd just came home from delivering my husband's lunch.
Ewan ko kung kakainin niya yun pero I'm sure that he'll not.

Iniiwan ko na lang yung pagkain sa pintuan kasi palagi na lang naka-lock ang pinto tuwing tanghali.

Halatang ayaw niya talaga akong papasukin!

This is my routine everyday, gigising ng wala na siya, kakain ng agahan mag-isa, ipagluluto at dadalhan siya ng baon, magluluto ng hapunan at hihintayin siya, pero umuuwi siya ng sobrang lalim sa gabi kaya nakakatulog din ako.

Halos hindi na nga kami nagkikita kahit nasa isang bubong lang kami eh...

Kung gaano kabilis naging kami, ganun kabilis din namang nagbago ang pagsasama namin.

Ito na ba ang parusa saken sa pagiging ganito ko? Bakla, salot, shokla, sirena, and everything?
Ito na ba ang parusa saken dahil di ako nag-aaral ng mabuti?

Ito na ba ang parusa saken na kahit minsan ay di nakaranas ng hirap?

O ito na ba ang parusa sa tulad kong masyadong mataas ang pangarap?

Ang pangarap ko lang naman...

Magkaroon ng asawang mabuti at mahal na mahal ako.

But I think hindi yun gustong ibigay saken ni Tadhana.

Haha. Bakit ba ako biglang naging senti?

Dapat siguro maglibang-libang muna ako eh noh?

San kaya maganda?

----------------------------

Nandito ako ngayon sa isang mall somewhere over the rainbow.
Anong agenda ko rito? Ano pa eh di ang favorite kong hobby! Ang magshopping!

Bili ng damit, shoes, make up kits, accecories, lahat! Lahat ng pampaganda at nakakaganda binili ko. Bumili na rin ako ng bagong phone. Thanks to my credit card talaga, I love you!

Currently, I'm here in the ground floor at naghahanap ng magandang summer outfit. Ang init na kasi!

Pero parang nawalan na ako ng gana...

Ikaw ba naman ang makita mong masayang kumakain ng lunch ang asawa mo kasama ang iba. Ang lakas ng loob mag-P.D.A. mga walang hiya!

I walked out bago pa ako makagawa ng pagsisisihan ko. Nagpunta na lang ako sa Arcade at naglabas ng sama ng loob.

KUNTODO ako sa paghampas sa whack-a-hoe at halos masira na ito. Pinigilan naman ako ng mga staff mula sa tuluyang pagdurog sa arcade game.

Sunod ko namang pinagbalingan ang coin dozzer. Halos gibain ko na ito sa paulit-ulit na pag-alog dito, atleast manlang tulad ko may MAHULOG na piso!

Okay corny yun. Pinalayas na naman ako ng mga pabidang staff! Kitang nagpapalipas ng sakit yung tao mahadera!

Kasunod ko namang binalingan ang basketball! Bato lang ako ng bato kahit kung saan-saan na tumatama at tumatalbog ang bola! Wala akong pakialam kung may bulag na matama---

"Aray!!!" Pagdaing ko ng tumama sa kaliwang mukha ko ang bola.

"Ang shaket-shaket. Huhuhuhu." Iyak lang ako ng iyak na parang bata habang nakaupo na para ring bata.

"Ayan kasi eh. Kanina pa yan, napaka-eksahedera, ang O.A. maglaro."

"Kung makapaglaro daig pang sinisilihan ang tumbong, parang ngayon lang nakapag-arcade kung umasta!"

"Hindi niya ba alam na nakakaabala at nakakairita siya. Parang tanga lang!"
Inirapan ko na lang ang mga hampaslupang nangiming lait-laitin ako.

"Hey you! What did you just called me?" Pagtawag ko dun sa tumawag sa'king tanga.

Aba paturo-turo pa ang gaga sa sarili niya.

"Oo ikaw gaga. Ikaw lang naman tinitingnan ko pa-demure ka pa!" Sabay lapit sa kanya. Kita ko naman sa mukha niya at ng mga kasama niya ang bahid ng pagkagulat.

"Uhm, ehh."

"Nalunok mo dila mo gurl? Ang simple-simple lang ng tanong di mo pa nasagot. Hindi ka ba naturuan ng teacher mo kung paano sumagot sa tanong huh! Well you don't even look like an educated person. Shocks, you even managed to wear such pekpek shorts eh ang itim naman ng singit mo! At may pagpapa-expose ka pa cleavage eh flat-chested ka naman!" Pang-iinsulto ko pa sa kanya. Ganito ako pag galit, lahat ng kumanti sakin ay pagbabalingan ko at wala akong pake kahit sino pa yan! I'm not a brat for nothing.

"Ang kapal ng mukha mong lait-laitin kami eh bakla ka lang naman. Salot! Bayot! Chvpa*e--"
I slap her lips before she finished her words. And then putted some alcohol in my hands. Yuck, for a girl, napakabastos niyang magsalita! Manners please!

"First of all, thanks for reminding me na bakla ako. Ang ganda ko kasi masyado kaya nakalimutan ko. Secondly, I'm not a fvcker, chvp*era, or whatever, dahil I'm purely virgin from top to toe. Unlike you, mukhang napagsawaan na ng mga tambay at trying hard fvckboys sa inyo!" She is about to slap me when I catch her dirty arms.

"And don't you dare touch my beautiful face coz only Bello touches my skin, and you're not Bello so back off!" I pushed her and nasalo naman siya ng mga friends niyang kinapos sa lines. Ayun, sama-sama silang napahiga.

Haha. Matagal-tagal na rin nung huli kong ginawa ito. Hindi na rin masama bilang practice. To be fair, it's good to be back with my old self.

Hindi ko namalayan na gabing-gabi na pala, traffic pa, kaya't late akong naka-uwi. Kampante naman akong wala pa si Fredrick dahil nga gabing-gabi yun kung umuwi.

I put the passcode and opened the door.

I am about to put my shopping bags in when suddenly someone spoke or rather shouted in front of me.

"SAAN KA GALING?!!!"
Oh -owww.

"Uhm. Good evening mahal ko." Malambing kong saad dahil sa wakas nakita ko ulit siya.

Akmang hahalikan ko siya sa pisngi ng umilag ang huli at sa halip ay itinulak ako papalayo at dahil sa impact ay napatumba ako kasama ang mga pinamili ko.

"Ang lakas ng loob mong umuwi ng ganito kagabi! At nagawa mo pang magwaldas ng pera!" Nagawa niya pa akong sigawan at bulyawan at kahit kalapit niya lang naman ako.

Mukhang nabuklat niya account ko, yari na!

"M-Mahal nag-shopping lang naman ako--"

"Nagshopping? Ang sabihin mo nanglalaki ka. Imbes na manatili ka lang at gawin ang mga dapat mong gawin sa condo ay nagawa mo pa talagang lumandi! Iba ka din!" Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

"Lumandi? Eh sino kaya sa'ting dalawa ang nakikipaglunch date kasama ang sekretarya niya at nagawa pang makipag-P.D.A kahit may asawa na?!" Pagsigaw ko sabay tayo. Nakita ko namang bumalatay ang gulat sa kanyang mukha.

"Ano! Di ka makapagsalita ngayon? Hindi mo kinakain ang mga niluluto ko para sayo pero nagagawa mong makipag-date sa ibang babae." Habang nagsasalit ay bahagya ko ng nararamdaman ang pang-iinit ng aking mga mata.

"Pinilit ko namang mag-aral magluto ah. Kahit hindi ko naman talaga kaya eh sinusubukan ko para sa'yo!" Mas nilakasan ko pa ang boses ko habang nakatungo. Huminga ako ng malalim dahil waring kinakapos ako ng hininga sa sakit na nadarama ko.

"Kasi MAHAL KITA at bilang ASAWA mo responsibilidad kong alagaan ka." Napangiti naman ako ng mapait bago sabihin ang mga susunod na pangungusap.

"Pero mukhang mas masaya ka namang inaalagaan ka ng iba! Bakit Fredrick? 

Hindi ba ako sapat?"

Nanghihina ako at waring mabubuwal sa kinatatayuan ko.

"Ano bang kulang sa'kin sabihin mo at pupunan ko! Sabihin mo!" Hindi ko na napigilan ang pagragasa ng luha ko. Siguro sa tagal-tagal na rin ay di ko na napigilan at sumabog ako ng ganito.

Naghintay ako ng napakatagal at wala akong narinig na tugon sa kanya.

KATAHIMIKAN...

Pinupunasan ko ang mga luhang pumatak sa aking mukha hanggang sa maglakad siyang papalayo sa'kin, patungong kwarto niya.

Sa tingin ko, kailangan ko nang tanggapin na wala na talaga siyang pakialam saken....

"S-sorry." Marahan at mahina pero malinaw niyang saad bago isinara ang pinto ng kanyang silid.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top