ika-dalawampu't-tatlo

--Bratty--

Kinabukasan ay late na akong nagising– na hindi na naman talaga nakakapagtaka. Medyo masakit pa rin talaga kasi ang katawan ko.

Ng sa wakas makabangon ako at makalabas ng aking kwarto– na pananatilihan ko sa huling limang araw ko rito, ay nabungaran ko si Fredrick na topless na kumakain ng agahan.

Kahit kailan talaga.

Nakangiti ko siyang hinarap at binati ng magandang umaga.

Sinabayan ko na rin siya sa pagkain.

Afterall, huli na rin naman ito.

"Uhm, Mahal ko. Baka medyo maging busy ako ha, alam mo naman. Business matters."

Nginitian ko lang siya at binigyan ng matamis na ngiti.

Ito na rin naman ang huli kong beses na mangingitian siya, kaya lulubos-lubusin ko na.

"Pero para makabawi ako sayo, kung gusto mo. Kumain tayo sa labas sa Friday."

Sa nakikita ko mukhang wala talagang bakas na naalala niya ang nangyari kagabi.

Mabuti naman...

At hindi ko na rin naman sasabihin sa kanya, hindi naman na mahalaga pa yun.

"Hindi na.... Fredrick."

Tuloy lamang ako sa pagkain nun pero nararamdaman ko ang titig niya saken.

"Bakit?" Simple kong tanong para sa mariin niyang mga titig.

"Ah-eh, w-wala-wala. Hehehe." Napakamot siya ng kaniyang batok. Ipinagkibit-balikat ko na lang yun at itinuloy ang pagkain hanggang sa matapos.

Matapos ang agahan ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan. Siya naman ay nagtungo na sa banyo upang maligo.

Ng matapos ako at patungo ng aking kwarto ay biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang kwarto at bumungad siya saken na hirap mag-ayos ng kaniyang neck tie.

"M-Mahal. Patulong naman oh." Waring may paglalambing at hiya niyang paghingi ng tulong.

Nakukyutan man at bahagyang kinilig ay binigyan ko lang siya ulit ng matamis na ngiti.

"Kaya mo na yan, ang laki-laki mo na eh." At nilampasan ko siya patungong kwarto ko.

"Nga pala, Fredrick. Dito na lang ulit ako sa kwartong ito. Tama ka, masikip nga pala diyan sayo. Hindi ako kasya."

Pero ang daliri ko ay nakaturo sa kaniyang dibdib, partikular sa kaniyang puso.

Hindi ko na tinignan pa ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nagpatuloy na lamang akong pumasok, pagkatapos ay isinara ko at sinandalan ang pinto.

Napakahirap pala ng ganito.

Pero masasanay din ako. Ituturing ko siyang hindi mahalaga sa loob ng huling limang araw.

Kaya mo yan, Bratty.

------------------------------------------------

Pagsapit ng tanghali, di tulad dati ay hindi ko na siya pinagkaabalahan pang paglutuan ng tanghalian.
Ganun lamang ang mga ginawa ko ng mga nagdaang-araw.

Hindi ko na siya kinakamusta at pinapansin masiyado.

Hindi na rin ako nagpupunta pa sa kaniyang opisina.

Para ano pa? Hindi ko na siya inaasikaso. Hindi ko na rin siya ipinagluluto ng kahit na ano.
Pag-umaga, huli akong gumigising at hindi ko na siya maabutan.

At kapag gabi ay maaga naman akong natutulog.

Maging ang tawagin siyang 'Mahal ko' ay ipinagbawal ko na sa aking sarili. Hindi na rin naman niya siguro mapapansin yun.

Afterall, wala naman sigurong kahulugan sa kaniya yun.

Bukas nga ay ang araw ng aking paglisan. Ayaw ko man dumating pa ang araw na yun ay siguro kailangan ko ng tanggapin. Hindi naman kasi talaga kami bagay.

Bakit ngayon ko lang ba napapagtanto ang mga reyalisasyong ito?

He's too perfect for me.

While I'm way too imperfect for him.

Siguro nga, tama si Cassy.

Mas bagay silang dalawa ni Fredrick.

Atleast siya, mabibigyan pa niya ng anak si Fredrick.

Magmamahalan sila, at magiging maligaya. Bubuo ng pamilya at magkasamang tatanda.

Siguro nga walang puwang ang isang katulad kong bakla lang na walang alam sa buhay para sa tunay na pag-ibig.

Ang nararapat lang sa akin ay maging miserable at nag-iisa.

Napatalon ako dahil sa gulat ng mag-ring ang aking cellphone.

Si M-Mommy Christina?

"Ah y-yes. Hi---"

"Bratty anak, Hi!!! Napatawag ako kasi gusto ko lang magpasama sayo para maggrocery, di pwede si Manuel eh kaya tayo na lang dalawa. Okay lang ba?" Diretsang ratsada ni Mommy Christina.

Napaisip naman ako sa request niya. Ano bang dapat kong itugon?

"Uhm, M-Mommy..."
Dapat ko ba siyang tawaging Mommy?
"I'm afraid na baka---"

"Hmmmp. Minsan lang naman ako humiling, Bratty, anak eh. Sige ka, magtatampo ako sayo..."

'Hayyy... Walang-wala talaga ako sa kakulitan ni Mommy Christina.'

"Sige na nga M-Mommy, tutal--"

---Huli na ito...

"Tutal ano anak?" Nagising bigla ang diwa ko.

"Ah wala-wala Mommy. Sige po puntahan na lang kita diyan. Ibababa ko na po ang tawag. Bye."

Bumuntong -hininga ako ng malalim.

I'm just worried about how could I hide my sadness in front of her. Ayoko siyang mag-alala. Sa kanilang pamilya ay siya lamang ang sa tingin ko'y buong pusong niyakap at tinanggap ako. At paniguradong mamimiss ko siya.

'Sorry Mommy Christina, pero I think hindi ako ang nararapat para sa anak mo...'

------------------------------------------------

Kasalukuyan kaming naglalagay ng mga pinamili namin sa taxi.

Ang buong araw na ito ay nakakapagod pero napakasaya. Dahil sa kakwelahan ni Mommy Christina ay panandalian kong nakalimutan ang mga lungkot na bumabagabag saken. Napakasarap niya talaga kasama.

"Haynaku, ikaw talaga sa lahat ang paborito kong manugang!" At binigyan niya ako ng mahigpit na yakap.

'Mamimiss po kita, Mommy Christina. Paalam.'

Binigyan ko siya ng mainit at totoong ngiti bago ako sumakay ng taxi pauwi sa condo– na bukas ay lilisanin ko na rin naman.
Tumingin lamang ako sa napakagandang tanawin sa labas.

Napakalungkot tignan ng dapithapon. Simbolo ng pamamaalam at isa na namang araw na natapos. Pero napangiti pa rin ako.

'Sana kahit ngayon manlang, makagawa ako ng tama.'

"Manong hinto muna po tayo." Pagpapahinto ko sa driver ng taxi.

"Ahhh ehh. Sige po." Sa tingin ko ay nararamdaman din ng driver ang kalungkutan ko. Sa kabilang banda ay gusto ko lang bisitahin ang lugar na ito.

Isa ang lugar na ito sa mga nakapagpahubog ng pagkatao ko.

~~~~~~~~~~~

"Bakla, bakla, baklaaaa. Baklaa, bakla, baklaaaa."

Pangungutya sa akin ng mga bata dito sa parke na pinangungunahan ng sigang si "Nathan." Ang no. 1 kong bully.

"Baklaaa. Kawawa ka naman. Salot ka sa lipunan! Naka-headband ka pa, kala mo kinaganda mo. Eh kamukha mo naman si Anibil!"

At mapaginsulto silang tumawa.

"Hindi! Sabi ni Mommy, maganda daw ako!"

At binigyan ko lang siya ng malutong na irap.

"Anudaw?"
"Maganda daw siya?"
"Eh kamukha nga ni Anibil yan eh!"

"That's Anabelle, not anibil! Idiots!" Nakita ko naman ang pagkainis sa kanilang mga mukha.

"Ang yabang mong bakla ka. Di bale ng mapurol ang utak kesa maging bakla! Walang magmamahal sa katulad mo! Hahaha!" Kumuyom ang aking mga palad sa branded kong shorts. I flipped my hair with elegance and pointed my index finger to them.

"Isinusumpa ko, dadalhin ko dito ang magiging asawa ko balang araw! Patutunayan kong may magmamahal sa katulad kong bakla!" Tinalikuran ko na ang kanilang group at naglakad palayo.

Rinig ko pa ang malakas na halakhak nila, siguro dahil sa sinabi ko. At ng lingunin ko sila ay tama nga ako, pinagtatawanan pa rin nila ako maliban kay Nathan na nakatitig sa akin.

Binigyan ko sila ng huling irap bago tumakbo papunta sa aking mga magulang na busy sa pakikipag-usap sa kanilang kaibigang nandito rin sa parke.

~~~~~~~~~~~
Siguro nga tama sila Nathan. Walang magmamahal sa akin ng totoo.

Dapat hindi ko na lang sinubukan ng paulit-ulit. Kasi paulit-ulit din akong nabigo.

"Anak, okay ka lang ba?" Nilingon ko ang nagsalita at yun pala ay ang driver ng taxi.

"Ayyy. Okay lang po ako manong."

"Lahat naman sinasabi yan kahit hindi totoo."

'So bakit niyo pa po tinanong?'

Nais ko sanang sabihin pero wag na lang. Nagdadrama pa ako eh.

"Pag-ibig yan ano?" Napatda ako sa tanong ni manong pero marahan din akong tumango.

"Hayyy. Kapag nagmahal ka anak, dapat tanggap mong masasaktan ka pagdating ng panahon. Yung nararamdaman mo ngayon, patunay lang yan na mahal mo nga siya. At huwag kang mag-alala. May dahilan ang Diyos kung bakit mo yan nararanasan. Magtiwala ka lang at wag kang sumuko."

"S-Salamat po manong."

"Oh itong panyo. Puro uhog na iyang mukha mo."

Napatawa naman ako ng simpleng biro ni Manong.
Pero napatigil ako dahil sa pagri-ring ng aking cellphone.
Napamulagat ako at tinignan ng mabuti ang pangalang naka-register sa aking cellphone.

Kinusot-kusot ko pa ng dalawang beses ang aking mata para siguradong hindi ako namamalik-mata.

"F-Fredrick?"

"Sagutin mo na anak. Baka hinahanap ka na. Gabi na rin kasi eh." Kahit nabasa ni Manong na pangalan ng lalaki ang tumawag sa akin ay kita kong walang pagkadisgusto sa kaniyang mukha. Tila natuwa pa nga siya eh. Sana dumami pa ang katulad mo manong, na bukas ang kaisipan.

"H-Hello?"

"Bratty bat hindi mo sinasagot?! Nasaan ka ba?! Gabing-gabi na ah?! Bat hindi ka sumasagot?! Okay ka lang ba?! Magsalita ka?!----"

"Nandito ako sa Felicity Park----" Agad din naman niyang ibinaba ang tawag matapos kong sabihin kung nasaan ako. Ipinagkibit-balikat ko na lamang ito at inaya ng umalis si Manong.

"Salamat po manong sa paghatid tsaka sa advice." Sabi ko matapos magbayad ng may kasamang tip.

Pagpasok ko palang ng condo ay siya nang pagbuhos ng malakas na ulan.

"Buti na lang nakauwi ako agad..." Pero wala akong Fredrick na nabungara na siyang ipinagtaka ko.

"Nasaan na yun?" Matapos magbihis ay nagtimpla ako ng hot choco. Biglang lamig naman kasi dahil sa ulan.
Nangangalahati na ako sa mainit na inumin ng bumukas ng pinto at makita si Fredrick na basang-basa ng ulan.

"T-teka. Anong nangyari sayo? Bat ka nagpakabasa sa ulan?!!" Namumula ang mukha niya na sign na hindi na maganda ang pakiramdam niya. Kahit kailan talaga ang ulupong na ito.

"Bakit ka ba nagpakabasa sa ulan? San ka ba nagpupunta?!" Hindi ko na maitago pa ang pag-aalala. Ikinuha ko siya ng pamalit at tuyong tuwalya pamunas.

"Magkakasakit ka sa pinaggagagawa mo eh. Pinag-aala---" Di ko na itinuloy ng matauhan ako sa mga sinasabi ko. Masyado akong padalos-dalos at nagpakain na naman sa emosyon ko.

"N-nag-aalala ka pa rin pala saken." Hinipo niya ang aking pisngi at pinakatitigan ang aking mga mata.

"P-pinagsasabi mo dyan?" Masama nga ang pakiramdam niya, kung anu-ano na ang sinasabi eh.

Matamis na ngiti.

Na kay tagal kong inasam na muling makita ang iginawad niya sa akin.

A moment later ay sinumpong na siya ng ubo at napapikit na. Naloko na, nilalagnat na siya.

Inakay ko siya sa kaniyang kwarto upang ihiga na at magpahinga.

At imbes na hayaan akong makaalis ay ikinulong niya ako sa yakap.
Yakap na mainit at mahirap tanggihan.

"F-Fredrick. Kailangan kitang ikuha ng gamot mo. Kailangan mong uminom ng gamlt para di na lumala yang sakit mo." Bulong ko sa kanya.

"Ikaw. Ikaw lang ang kailangan ko."

A-ano daw? Hindi ko naintindihan.

At kahit pa gustuhin ko mang kumalas sa kanyang yakap ay hindi ko na rin nagawa pa. Hinatak na ako ng kama, ng nakakapayapang tunog ng ulan at ng init ng kaniyang yakap sa mahimbing na pagkakaidlip.

Sana di na ito magwakas pa...
Kung pwede lang sana....

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top