Ika-dalawampu't-siyam
--Bratty--
Kinabukasan ay maaga ako sa trabaho ko sa restaurant. Mabilis ko lang natapos ang konting gawaing bahay at ang paghahatid kina Baby Fred at Rick.
'They'll gonna' miss me daw!'
Sus if I know, gusto lang nila ng pasalubong mamaya. Haha.
"Uy, Bratmaylabs ikaw na muna dun sa lalaki sa may dulo, kukunin ko pa yung orders sa kabila eh."
Si Nathan. Ang ibig sabihin niya ay ako na muna ang kumuha at magdala ng orders dun sa bagong dating na costumer.
Tinanguan ko siya at tinapos na ang pag-aayos ng table-setting ng isang lamesa dito.
Ng maglakad sa likod ko si Nathan ay nalanghap ko na naman ang pabango niya. Ewan pero sobrang bango niya talaga ngayon. Siguro may pinupormahan na ang ugok. Hahaha. Nevermind na nga lang.
Humayo na ako papunta sa direksyon ng lalaki na– suot pa lang, yayamanin na talaga. Kahit na matagal na akong hindi na-update sa new trend clothes and attires– na ginusto ko rin naman.
At alam at sigurado ako na napakamahal ng suot niyang coat dahil kita naman yun sa ganda ng tela kahit nasa malayo ka pa.
Hindi ko naman makita o masilip man lang ang mukha niya sapagkat nakatalikod ito sa direksyon ko.
Pero...
Ang katawan niya, ang buhok niya, a-ang amoy niya.
Kilalang-kilala ko!
Parang gusto ko ng umatras pero trabaho ko ito.
'Wag kang mag-alala, baka nga limot ka niya. Ang dali-dali nga lang sa kaniyang basurahin ka noon!'
Sigaw ng isip ko para magkaroon ako ng lakas ng loob.
Sana nga.
Siguro aakto na lamang ako ng pormal at natural. Kaya ko ito.
Pero leche ng nasa harapan ko na siya ay halos umurong ang dila ko. To be fair, mas gumwapo siya ngayon kesa noon.
Pake ko ba?
"May I take your order sir?" I asked in the most formal way!
Pero tinitigan lang ako nito. Like seriously, bingi na ba siya?
"Uh, uh. I want a french salad and a cucumber shake. Please." Still vegan pa rin pala siya.
"Anything else sir?" I raised an eyebrow. Pero nginitian lang niya ako.
He's really still the old Alexander, ngingiti na lang na parang ewan.
Oh yes si Alexander the 16th guy who rejected me, remember? I dunno' why but it seems na tadhana is playing with me.
At ako na naman ang taya. Well sa laki-laki ng Pilipinas, sa restaurant pa na pinagtatrabahuhan ko siya kakain?!
Nakakaloka lang!
"Long time no see ah." Hawak-hawak niya ang kanan kong pulsuan. And luckily hindi na ako kinikilig, di tulad dati..
"Ah sir, if you'll excuse me. Kukunin ko pa po at ise-serve ang mga in-order niyo po. Thank you." Pero imbes na hayaan ako ay hindi niya ako binitawan.
"You've changed ha. Your looks, your attitude and oh, I never expect to see you here. What a small word ano?"
He's talking to me like he never rejected and neglected me noon. At nakakainis yun ha.
I was about to pull na talaga my arms ng may magsalita sa likod ko.
"Oh bro. Nandito ka na pala!" Paktay, si Sir Rogue!
So magfriends sila? Ng tignan ko naman si Sir ay sa braso kong hawak ni Xander siya nakatingin. Kaya hinatak ko agad ito at nagpaalam na sa kanila.
"If you'll excuse me, sirs. I will just pick up your orders, and if you need me pa po, tawagin niyo lang po ako."
Then lumingon na ako at bumuntong hininga ng napakalalim. Sa wakas nakaya ko siyang harapin. Para akong kinakapos ng hininga eh.
Mabilis lang na natapos gawin yung order ni Xander tutal salad lang naman yun at shake.
I carefully walked at narinig ko pa ang ng konti ang pinag-uusapan nila.
"Don't try bro. Akin na yun!"
"Haha. Pasensya ka bro pero parang tinamaan yata ako eh."
Nag-excuse naman ako para i-serve ang ang pagkain ni Sir Xander. And when I look at them, para silang– namutla?
Mukha na ba akong multo para magkanganyan sila?
Well. Nevermind.
Matapos kong i-serve ay sinabi ko na lang ulit tawagin lang nila ako kung kailangan nila ako.
Then I gave them a wide smile at maayos na umalis na.
Para silang mga timang na nakatulala habang nagsasalita ako.
Weird lang.
After ng shift ko ay mabilis akong nagbihis para umuwi upang dalhan ng tanghalian ang mga anak ko. Pero tatlong boses ang pumigil saken.
"Brat."
"Bratson."
"Bratmaylabs!"
Nakita kong nagkatinginan pa ang tatlo ng lingunin ko sila. Hindi pa naman masyadong late, aabot pa naman siguro ako kahit kausapin ko muna sila. Besides, boss ko yung isa sa kanila.
"A-ano po yun?" I asked innocently.
"Sabay na tayo---"
"Pwede ba tayong mag-usap---"
"Hatid na kita---"
Nagkatinginan pa nung sabay na magsalita sina Nathan, Xander at Sir Rogue, respectively.
"Uhm pwede po... na... Isa-isa lang, tsaka pakibilisan na rin po kasi nagmamadali po ako."
Nagtinginan ulit sila pero si Sir Rogue. Nag-uusap pa ata gamit ang titigan.
At ewan, parang may nakikita akong kuryente sa mga tingin nila.
Well, nevermind ulit.
Sa huli ay umabante papalapit si Sir Rogue at siya ang naunang magsalita.
"Gusto mo, ihatid na kita?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
Ano daw? Ako na isang hamak na empleyado, ihahatid ng gwapo kong boss. No way! Hindi magandang tignan.
Naramdaman ko naman ang bahagyang paghatak ni Nathan at itinabi ako sa kaniya.
"Pasensya na SIR Ryugie pero sa akin po siya sasabay." Madiin pero may paggalang nitong saad.
Luh, problema nito? Di naman ako sinasamahan nito dati ah?
"Hey. Bratson, why not sa akin ka na lang. I mean sumabay ka na sakin, tutal ngayon lang ako nakapunta rito. Maybe you could tour me around at para makapag-usap na rin tayo. It's been a while though."
Saad naman ni Xander na di ko namalayan ay nakalapit na pala sa akin. All in all pinapalibutan na nila ako.
Para akong suspect na nahuli ng mga pulis, ng mga gwapong mga pulis to be exact.
"Ah eh. Teka, teka lang po." Umatras ako ng kaunti para magkaroon ng distansya mula sa kanila. Kinalas ko rin ang pagkakakapit ni Nathan sa braso ko.
"Nathan dadaan ka pa ng drugstore di ba? Bibilhin mo pa yung gamot ni Tita Bets para sa maintenance niya. Sir Rog-- I mean Ryugie, hindi naman po yata magandang tignan na ihahatid niyo ako samantalang simpleng empleyado lang ako dito. At sir 'kung sino ka man,' sorry po pero may gagawin pa po ako at trabaho mamaya. Sorry po and salamat na lang po sa pagyaya." Matapos yun ay agad ko silang tinalikuran at sumakay ng dyip pauwi.
Pagkauwi ay mabilisan ko lang niluto ang adobo at diretso na ako sa school.
Di pa naman ako mukhang hagas kaya okay na yan!
Pagkarating ko sa school ay binati ako ni Manong Guard. Medyo may itsurahin din itong si Manong at mabait.
"Uy. Mam Bratson, magandang-maganda pa kayo sa tanghali."
Ahh, nakalimutan ko, bolero din itong si Manong.
"Kayo talaga manong. Ang hilig niyong mambola. Nga pala, ihahatid ko lang itong tanghalian ng mga anak ko."
Ngumiti naman si Manong at sumaludo.
"Sige po. Pasok na kayo, sa puso ko. Haha." Tapos kinindatan pa ako.
At isa pa pala, pilyo din siya.
Pumasok na ako ng school at tumambad sa akin ang maraming batang naglalaro sa playground.
Napakaganda talaga ng paaralang ito kahit na public school siya.
Magagaling pa ang teachers kaya ang tatalino nilang dalawa. Buti naman at hindi sila natulad sa akin.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay ayun na naman sila.
"At nabuhay sila ng mapayapa at masagana. And they live happily evew aftew! The end!" Nagpalakpakan naman ang mga nakikinig.
If your wondering, nagbabasa kasi ng kwento ang mga anak ko. Hilig nila yung ginagawa kahit nasa harap ng maraming tao at masasabi kong magaling talaga sila sa storytelling. Idagdag mo pa ang cuteness nila lalo na pag nabubulol sila sa "r."
Puro papuri na naman ang natanggap nila, mula sa mga kaklase at ilang mga magulang katulad ko na naghatid ng lunch. Nag-excuse naman ako kaya natawag ko ang atensyon nila, walang sabing tumakbo at niyakap ako ng dalawa.
"Mommy na-miss ka po namin! Ano pong ulam?" Si Rickson na katabi ang kapatid niya. Pareho silang nagpapacute!
"Syempre, ang favorite niyong adobo!" Nagtatalon naman ang dalawa at agad kinuha ang kanilang lunch. Hinalikan naman nila ako sa tigkabilang pisngi para maglambing.
Napangiti ako.
Matapos ay agad na nagpaalam ang dalawa para kumain na. Pero bago yun sinabi ko sa kanila na si Nathan muna ang pagsusunduin ko sa kanila dahil masama ang pakiramdam ni Tita Bets.
Nalungkot sila ng kaunti dahil sa kalagayan ni Tita Bets pero masaya na rin daw sila na ang Daddy Pogi nila ang susundo sa kanila.
'Wews, Daddy Pogi talaga? Puro kahanginan talaga si Nathan kahit kailan talaga.'
Dumiretso na ang dalawa sa kanilang upuan at lamesa para kumain kasabay ang ilang bata na audience nila kanina.
Aalis na sana ako ng may boses na namang tumawag sa akin.
"Uhm, Ms. Aguilar?"
'Oh no!'
Si Teacher Kiel Madrid. Ang crush na crush kong varsity sa swimming noong sophomore pa ako. Well, ni-reject niya rin ako and that's through chat naman. Atsaka hindi naman niya alam kung sino ako that time kasi dummy account gamit ko eh.
But I sent a picture of mine sa kaniya.
At nung sinabi niya na he's not into gays ay sumuko na rin ako, parang rejection na din yun mga bes kong beks!
Kaya ayun, ni-deactivate ko na yung dummy account na yun. Tsaka, hindi naman talaga ako mahilig gumamit ng social media.
Marami akong trabaho at may mga anak na mas dapat pagtuunan ko ng pansin noh.
"Ay. Sir Kiel. Bakit po?" I acted normal lang sa malaking tao na ito. He's really an athlete.
Pero bakit siya nag-teacher ng elementary students kesa magpaka-swimmer na nga bilang magaling siya dun?
Atsaka nakakainis na ha, parang lahat ng lalaki sa past ko nandito!
I cannot!
"Magandang tanghali, well, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I just want to have your consent kasi isasali namin ang kambal sa isang story telling contest outside the campus. Napansin ko kasi na ang galing-galing talaga nilang magbasa. Though nauutal, hindi naman yun nakakaapekto masyado sa binabasa nila. So, maari po ba? Papayagan niyo po ba silang sumali?"
Malawak ang pagkakangiti ni Sir Kiel na nagpalabas ng kaniyang mapuputi at pantay na pantay na mga ngipin. Umiwas ako ng tingin mula sa gwapong nilalang at tinignan ang mga anak kong masayang kumakain habang kasalo ang mga kaklase nila.
"Kung gusto po ng mga bata ay bakit naman hindi?"
"Salamat po kung ganun. Well, ito na po yung letter of consent, pakipirmahan na lang po."
I raised my hand at medyo napaibo siya ng konti? Siguro dahil napatama yung kamay ko sa kamay niya?
Ewan.
Di ko na yun pinagtuunan ng pansin at– teka wala akong ballpen.
"Uhm Sir, wala po akong---"
"Ah. Eh, eto na." Inabot niya sa akin yung ballpen at sigurado akong napaibo na naman siya ng magdikit ang mga kamay namin.
May kiliti siguro siya sa kamay eh noh?
Pagkatapos pirmahan yung permit umangat ako ng tingin at nasilayan ang gwapong mukha ni sir na– namumula?
Tumingin ako sa langit at ahh, dahil sa init siguro.
Using my two hands ay iniabot ko sa kaniya ang permit at ballpen pero parang ako ata ang mamumula ngayon kasi nakasaklob ang dalawa niyang malalaki at may kakapalang kamay sa mga kamay ko.
Nataranta naman ako kaya nabitawan ko yung papel at ballpen.
At dahil sa taranta ulit ay sabay naming pinulot at– aray!
"Naku. Sorry, sorry. Ms. Aguilar di ko sinasadya." Grabe ha, nagkauntugan kami pero ako lang ang nasaktan.
How was that?!
At teka lang ha. Nakakailang yung hinihimas at wait– hinihipan? Hinihipan niya ang noo ko!
"Ah eh Sir. Okay na po. Okay lang ako. Ah eh sige po, aalis na ako. Hehe."
Hindi ko na siya hinintay tumugon at kumaripas na ng takbo.
Tinampal-tampal ko ang mukha ko.
'Bratty naman eh! Tatanga-tanga ka na naman! Nakakahiya!'
Lupa, kainin mo na ako! Ngayon din! Now na!
-----------------------------------
'Spray-spray.'
'Spray-spray.'
'Spray-spray.'
"Lalalalalala, lalalala, lalalalalala, lalalala."
Kasalukuyan akong nag-i-spray ng tubig pandilig sa mga flowers dito sa nagsisilibing nursery ng flowershop.
Ang sarap sa pakiramdam na napapalibutan ka ng mga bulaklak.
"Eh, ehem."
"Ay butterfly! Ah Boss, kayo pala yan. Hehe. Bakit po? Bibisitahin na po ba natin si Tita Veronica po?"
I asked but he immediately answered no.
Bakit naman?
"Pero Boss----" Binigyan ako ni Boss ng malalim na tingin. Katakot ha.
"Sabi ko nga po, hindi eh. Hehehe."
"Hayaan na muna natin siyang mag-isa. She need to spend some time alone." Pero bakit nga?
"Pwede po bang itanong kung bakit?" Pero parang gusto ko ng bawiin yung tanong ko, tinignan niya ulit ako ng malalim!
"You don't need to know. But if you're really concerned, maybe you could just prepare a boquet of flowers and just insert a letter in it. And don't worry, next week, I swear papayagan na kitang dalawin siya,
samahan pa kita."
Nudaw? Ang hilig-hilig ni Boss magsalita na hindi mo maintindihan ang huli eh.
"Okay po, magpe-prepare po ako ng boquet of flowers with a letter filled with love! Hihihi." Ay. Nasan na si Boss?
"You know this is my Mom's favorite flower."
Nagitla ako dahil nasa kabilang tabi ko na si Boss!
"Ah eh. Favorite niya po ang tulips?" Tumango-tango naman siya.
"Ito yung palaging ibinibigay ni Dad kay Mom sa tuwing naglalambingan sila, nagsusuyuan, ugh! I miss those moments of them..." Kita ko ang pinaghalo-halo lungkot, saya, at pagka-miss sa mga mata ni Boss.
"Ang bulaklak na ito, ang tanging hawak ni Mom bago siya namatay kasama si Dad sa isang aksidente."
Nabigla ako ng biglang magbreakdown si boss.
Ibig sabihin, u-ulila na siya?!
"Kung sana lang, sumama na lang ako sa kanila di sana---"
"Wag niyong sabihin yan!" Umabante ako papalapit at walang kahiya-hiya na niyakap siya.
"Kung nawala man sila, may dahilan ang Diyos para dun. At hindi para maging miserable ka. Sa totoo lang hindi naman talaga sila nawala. Katawan lang nila ang nawala pero hindi ang pagmamahal at alaala nila sayo na baon-baon nila sa kabilang-buhay. Hindi ko alam ang pakiramdam ng mawalan ng magulang pero naniniwala akong kakayanin niyo yan. Nandito lang kami na mga nagmamahal sayo sir---"
"Mahal mo ako?" Huh. Luh.
Bumitaw ako sa yakap at agad binawi ang sinabi ko.
"Ibig ko pong sabihin, mahal bilang friend, bilang boss at empleyado. Ganun. Hehehe." Yung kaninang malungkot at maluha-luha niyang mukha ay naging pilyo at nakangisi. May ganito pala talagang side si Boss?
"Talaga lang ha?"
"Ah eh."
*toot *toot *toot *toot!
Nagtunog ang relo ko! Thank God!
"Naku Sir, out na po ako. Sige po. Kbye!"
At kumaripas na naman ako ng takbo. Pwede na akong atleta I swear!
At kapag sine-swerte nga naman!
Walang dumadaang taxi!
Check!
Walang dyip!
Check!
Lakad na naman ako.
Wews.
Meanwhile.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ko sa dilim ng gabi pag-uwi ay naramdaman kong parang may sumusunod sa akin.
Mahigpit ang hawak ko sa bag ko at dali-dali akong tumakbo.
Naramdaman ko namang bumilis din ang hakbang nung sumusunod sa akin at parang may sinasabi pa ating di ko mawari.
'Paktay, adik pa yata.' Nanlalamig na ang katawan ko at namamawis dahil sa kaba.
'Nakasunod pa rin siya. Nakasunod pa rin siya, mayghaad!'
Kaya mas binilisan ko pa hanggang sa marinig ako tunog ng pagbagsak.
Tumigil ako sa paglalakad.
Kinalma ang sarili bago lumingon at...
Wah!!!!!
May lalaking nakahilata sa kalsada.
Ng lapitan ko ito ay agad ko siyang namukhaan!
Siya yung manyak sa birthday party nung kaibigan ni Fredrick na si Paul.
Si ano nga ba ito?
It started with the letter "C" ang name niya eh.
Charry? Cherry? Ay pambabae yun. Chucky?
Ah di ko maalala. Chucky na lang ang itatawag ko sa kanya!
Ang nakakapagtaka lang ay kung paano napadpad ang manyak na ito dito.
Well pake ko ba, dapat sa manyak na ito iwan na lang sa gitna ng kalsada at hayaang masagasaan!
Tama!
Kaya tumayo na ako at nagpagpag. At, naglakad na!
Pero, teka, paano nga pag nasagasaan siya? Kawawa naman siya kung ganun.
Kahit manyak siya ay tao pa rin naman si Chucky!
Kaya no choice ay eto, akay-akay ko ang lalaking laseng na ito at oww may pasa-pasa pa sa mukha.
Hindi ko na kailangan malaman kung bakit. For sure dahil sa kamanyakan na naman niya yan.
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay gulat, pagtataka, at inis? Bakit busangot itong si Nathan?
"Mommy sino po siya?"
"Fwend niyo po?"
"Sino yang lalaki na yan Bratmaylabs? Ipinagpapalit mo na ba ako?"
Sunod-sunod nilang birada ng tanong.
"Teka nga sandali. Tulungan niyo muna ako sa isang 'to. Ang bigat kaya."
Tinulungan nga ako ni Nathan sa pagbubuhat pero parang gusto na niyang isalya ang katawan ni Chucky. Bat ba badtrip ito?
"Ayan. Salamat Nathan." Wika ko matapos maihiga ang lalaki sa higaan namin.
"Tss. Ayos ah. Naunahan pa ako ng lalaking yan makitulog dito."
"Ano yun? Nathan." Tinatanggal ko ang sapatos nitong si Chucky. Ang laki ng paa, grabe!
"Wala-wala. Sabi ko, bababa na ako."
At umalis na nga iyon pero bahagya pang isinalya ang pintuan.
'Hindi ko siya maintindihan, seriously.'
"Ah, ahhh. Ouch, my head." Oh, oww. Nagising na ang manyak.
"Oh chucky, gising ka na pala."
Kumunot ang noo nito.
"Chucky who?" Luh.
"Di ba Chucky name mo?"
Mukha naman siyang nainis sa tanong ko.
Nagtatanong lang ah.
"Sa gwapo kong ito? Chucky lang? My name is Charley, you fag." Aba, aba, aba. Nagpapakita ng attitude si Manyak!
"Wag mo akong ma-fag-fag-fag, Chucky! Tinulungan kita kaya dapat shatap ka lang diyan!"
"I said my name is Charley!"
"Wala akong pake. Mas bagay sayo ang Chucky! Tsaka wag ka ngang malikot diyan. Nililinisan at gagamutin pa natin yang mga sugat at pasa mo."
Pero tinakluban niya ang katawan niya na para bang kakainin ko yun.
As if!
"Sus. If I know gusto mo lang akong manyakin. Sabi ko na eh, pakipot ka lang noon."
Nainis naman ako kaya kumuha ako ng alcohol at ipinatak yun direkta sa sugat niya sa braso.
"Aray! Why did you do that?! Ouch, it hurts. Hooo!" Arte-arte ha.
"Excuse me, di kita type! At kung katawan mo ang habol ko, kanina pa kita dapat ginalaw! Nung nanghihina ka pa at walang malay!"
Mukha naman natigilan si Chucky. At dahil dun ay ginawa ko na ang kailangan gawin.
Nilinisan ko ang kaniyang mukha at braso. Kumuha ako ng damit na doble ang laki sa akin (well damit ko yan nung buntis ako) at inilatag sa kama.
Kumuha pa ako ng blindfold at tumalikod.
"Ayan ha. Nakatakip na ang mga mata ko. Nakatalikod pa ako. Magpalit ka na diyan. Bilis!" Rinig ko naman ang pagkilos niya.
"Ano tapos ka na?" Ang tagal niya namang magbihis.
"Hindi ko masuot eh. Masakit yung braso ko." Huh?!
"Ano? So anong gusto mong iparat---"
"Bihisan mo ako." Luh. Ayoko nga!
"Why should I? Kaya mo na yan."
Ako. Bibihisan siya? Ano siya bata?
Ang laki-laki ng nota--este katawan hindi kayang magbihis mag-isa!
"Sige naaaa. Please. Ms. Beautiful."
Aba di mo ako madadaan sa paglalambing!
"Sige na nga!"
Charot lang! Hahahaha.
"Kyaah!" Napatakip agad ako ng mga mata pagkaharap at pagkatanggal ng blindfold. Yung katawan naman kasi niya eh, pangmalamalakasan.
"Arte ha. Parang di mo pa naman ito nakikita kung maka-asta ka diyan."
Umikot ang mga mata ko. Mga sampu!
"Eh gabi kasi yun! Madilim! Eh ngayon? Maliwanag ang buhaaaaay."
Pagkanta ko pa ng themesong ng Meralco.
Take note nakatakip pa rin mga kamay ko sa mga mata niyan.
Tumawa naman siya. Humalakhak rather.
"Makatawa ka, parang okay ka na naman ah! Magbihis ka na mag-isa."
"Sorry, sorry, sige bihisan mo na ako."
Lumapit naman ako, ng natakip pa rin ang mga mata.
"Paano mo ako bibihisan ng nakatakip yang mga mata mo ha?"
May tono siya ng panunudyo, parang may maitim na balak.
Sabi ko na eh dapat iniwan ko na ito at hinayaang masagasaan!
"Okay ito na nga eh." Tinanggal ko ang mga takip sa mata ko pero nakapikit pa rin ako.
Kinapa-kapa ko ang mga damit at binihisan siya– ng nakapikit pa rin!
"A-aray! Aray. Dahan-dahan natatamaan yung sugat ko."
Dahil dun ay nagmulat ako at wala, nagkasala na ang mga mata ko ng tuluyan sa katawan niya.
Dahan-dahan kong inangat ang braso niya para masuot ang t-shirt and viola tumambad ang kili-kiki niyang ubod ng hawt-- erase! Erase! Ang landi ha!
Tigang lang?!
Bakit ba kasi hindi na lang din polo tulad ng suot niya kanina ang ipinampabihis ko sa kanya.
Ang mga mata ko, ang mga kamay ko mayghaad!
Daing kasi ng daing, ang tendency kailangan kong hawakan ang braso niyang may sugat para maiilag sa manggas.
Ahuhuhuhu.
Hanggang sa natapos na!
Nakahinga ako ng maluwag.
Nakahiga na siya at papatulog na.
Feel at home talaga ang Chucky na ito.
"Hoy Chucky. Bukas na bukas ha, umalis ka na dito! Pag hindi, puputulin ko yang ari-arian mo!"
Tinakpan naman niya ang harapang naka-umbok sa kumot dahil dun. Napakamanyak niya talaga!
"Osige na!
"Baka nga isubo mo pa."
"Anong sabi mo?" Inilabas ko ang gunting ko. Akala niya hindi ko siya narinig eh.
"Ah eh. Wala, wala po. Aalis na po bukas. Areglado!"
Madali naman pala siyang kausap eh.
"Okay. Magpahinga ka na Chucky--"
"Charley sabi eh---"
"May angal?!"
Inilabas ko ulit yung gunting.
"Wala-wala. Sabi ko nga eh, Chucky na!"
"Osige matulog ka na diyan. Wag kang magtangka gumawa ng masama dahil--"
Inilabas ko ang gunting ulit at binukas-sara ito.
"Okay po. Masusunod. Hehehe."
Pinatay ko na ang ilaw at lumabas ng kwarto.
Pero bumungad sa akin ang tatlong lalaki na nakahalukipkip at mga mukhang seryosong-seryoso.
"Napakatagal ka ata ah."
Seryosong saad ni Nathan.
Paktay.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top