Ika-dalawampu't-pito

--Bratty--

Sa kasalukuyan ay nandito ako ngayon sa flowershop mula sa nakakawindang kong shift sa restaurant at pagdadala ng tanghalian sa kambal.

Oh yes, sa flowershop mga bes kong beks.

After ilang months na pag-alis ko ay tinanggap akong muli rito ng maluwag na maluwag. Tinupad nga ni Boss Frost ang pangako niya.

Tuwang-tuwa naman noon si Feli sa pagbabalik ko dahil may makakausap na naman daw siyang matino. Sus, if I know, tuwang-tuwa naman yan habang kasama si Seige.

Ewan ko ba kung bakit laging nagtataray. Sa kabilang banda ay masaya din si Seige na nakabalik ako, sa wakas daw ay may taga-awat na naman daw sila kapag nagtatalo.
Daily habit na talaga nila ang magtalo eh. Hayss.

At ngayon nga ay mag-iilang taon na rin akong nagtatrabaho dito.

"Uy, Brat. Tulaley ka jan?" Nabalik ako sa aking sarili dahil sa pagtapik ni Feli sa aking balikat.

"Ah. Iniisip ko lang ang tungkol sa inyo ni Sei--- Hmmm!" Hindi ko na natapos ang dapat sana'y sasabihin ko ng takluban niya ang bibig ko.

To be fair, ang bango ng kamay niya. Amoy rose.

"Wag mo ngang mabanggit-banggit yan. Nakikibasa kasi ng diary ng may diary. Hmmp. Pasalamat ka at mabait ako, maganda, at maunawain. Kundi matagal na kitang in-unfriend!" Koneksyon ng ganda dun?

Para kasing aning si Feli. Dinadala naman kasi yung diary niya kung saan-saan. Eh one time ay naihulog niya yun. Ayun nabasa ko.

Puro tungkol kay Seige ang laman kaya hindi niya maitatanggi saken na may gusto siya sa tao. This happened two weeks ago bago ko pa malamang juntis ako, to be clear mga bes kong beks.

"I'm just wondering kasi eh if kung bakit ka ganyan makitungo kay ehem kahit na alam naman natin na deads na deads ka sa kaniya.--"

"Excuse me. O.A. ng deads na deads ah!" Susss! Denial!

"Eh bakit nga ganun mo siya pakitunguhan? Di ba dapat mabait ka sa kanya. Bakit kailangan mo pang itago yang nararamdaman mo gamit ang 'maaanghang na salita' na alam ko namang hindi mo rin gustong sabihin sa kanya. Huh?" Ayan na-hotseat ka tuloy. Hahaha.

"Tse. Ikaw nga hindi nagke-kwento kung bakit umalis ka ng matagal and all of a sudden mayroon ka ng hindi lang basta anak. Kundi gwapo at cute na kambal na anak! Pero nirerespeto ko yun noh. Hmmp, kahit nakakatampo. Anyways, ang bottomline lang naman dito ay kung bakit kailangan kong itago. Ang dami kong sinabi. Well, kailangan kong itago ang feelings ko para sa kanya kasi nga wala namang patutunguhan."

Luh? Ganun na lang yun?

"Eh ano naman kung walang patutunguhan? Hindi naman mahalaga kung hanggang saan ang mararating niyang nararamdaman mo. Ang mahalaga ay maipahayag mo lang siya. Love is not meant to be suppressed but to be expressed."

I said with full of conviction. Mukha namang napa-isip si Feli.

"May point ka. Pero it's still a NO for me. And that's final."

Haynaku, ang tigas-tigas ng ulo nito. Takot siguro ma-reject. Haynaku, forte ko na yan.

"Bat di mo na lang kasi aminin na gusto mo siya, wala namang----"

"Sinong gusto ni bakla, Brat?"

Bigla kaming natigilan ni Feli mula sa pagchi-chikahan habang nag-aayos ng bulaklak ng um-entrada ang walang habas na si Seige.

"Ah-eh. Kasi ano."

Nagkakanda-utal na ako. Nakupo. Ano bang dapat kong sabihin. Mahuhuli neto si Feli.

"Ako yan noh. Ano bakla, sabi ko na eh may gusto ka saken. Kaya ka pala palaging nagtataray. Trip mo pala ako."

Wika ni Seige at kinindatan pa si Feli. Kita ko ang pagpitlag ng katawan ni Feli siguro dahil sa kindat nung mokong.

Hinigpitan ni Feli ang kaniyang kamay sa laylayan ng kaniyang damit.

She's obviously trying to hold back his feelings na I believe ay malapit ng sumabog any time from now.

Windang.

"Whatever. Sabatero ka talagang jutay ka! Tara na nga Brat. Wag nating pansinin yan. Dun tayo sa counter para maghintay ng costumer."

Jutay? Ano yun?

"Sus. Iniba yung topic--"

"Tse!"

Para silang literal na aso't-pusa AS IN! Pero ang cute nila!

---------------------

Kasalakuyan akong nag-i-spray/dilig sa mga bulaklak sa isang banda ng tumunog ang bells sa pintuan. M

Meaning may costumer!

Magsisimula na sana akong bumati ng makita ko ang napakaseryosong mukha niya. Para akong natunaw sa pagtitig pa lang sa kanya sa malayo.

Ni-assist naman siya ni Feli na halatang na-starstruck sa kagwapuhan nito. Kahit sino naman ata, mawiwindang sa kagwapuhan ng dati kong asawa.

Oo, ni Fredrick.

Parang gusto ko siyang lapitan.

Pero pinigil ko ang sarili ko.

Parang gusto ko siyang yakapin.

Pero kinontrol ko ang sarili ko.

Parang gusto ko siyang halikan, at sabihin kung gaano ko siya nami-miss.

Pero sinampal ko ang sarili ko para magising. Nangangarap na naman ako.

Hindi ko na yun pwedeng gawin lahat. Hindi kami, lahat yun ay pagpapanggap lang. At hindi naman niya ako minahal.

Bakit ba biglang naging malungkot ako?

Hindi rin siya nagtagal at umalis na dala-dala ang isang bungkos ng bulaklak na pinagawa niya.

Lumapit naman ako kay Feli at bigla itong nagtititili.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaah!" Para siyang nanganganak na ewan.

"Oh?! Anyare?! May magnanakaw ba?!" Biglang sulpot naman ni Seige sa mukha na puno ng pag-aalala.

"Kyaah. Ang gwapo talaga ni Fredrick Deltran."

Bumusangot naman ang mukha ni Seige. Para siyang, ewan, hindi ko makuha ang ekspresyon ng mukha ni Seige.

"Sus. Gwapo din naman ako ah."

Ano kayang binubulong-bulong nun?
Sa kabilang banda ay eto naman si Feli, na parang wala sa sarili at hindi pinapansin ang sinasabi ni Seige.

"Bakla! Grabe ang gwapo talaga ni Fredrick. Ang swerte-swerte naman ng pagbibigyan ni Fredrick ng bulaklak. Aba! Isang sikat na negosyanteng tinaguriang Fruit Cocktail businessman yun uy!"

"Fruit cocktail? Ambaduy. Hahahaha." Pang-o-okray ni Seige muli. Hmmp, kaya sila laging nagtatalo eh.

"Tse! Fruit cocktail kasi nasa kanya na halos ang lahat. Pinasok na niya lahat ng business ek-ek. Kung dati sa Fashion lang sila, nagkaroon na rin ng hotel and restaurants, malls, mga sasakyan, at marami pang iba. Grabe, paano niya pa kaya yun namamanage. Kyaah. Gwapo, mayaman, at yummy pa, naku pag napansin niyan ang kagandahan ko, hinding-hindi ko na yan pakakawalan pa!"

Hindi nga ako nagsisi na sa kanya ipinagkatiwala ang negosyo namin. Pinalago nga niya ito at ginawang tanyag na tanyag. Hindi ko lubos akalain na mula sa Fashion ay mag-go-grow pa ang business namin.

He is really, unbelievable.
Pero sa isipin naman na kung sino ang pagbibigyan niya ng bulaklak ay napa-isip ako.

Sino kaya ang pagbibigyan niya? Si Cassy?

Malaki ang posibilidad. Napangiti ako ng mapait.

"Hmmp! Tse. Mas gwapo si Fredrick sayo noh. Tsaka hindi siya jutay katulad mo!" Nagtatalo na naman sila.

"Jutay? Kahit hawakan mo pa!" Hinahatak ni Seige ang kamay ni Feli at may gusto atang ipahawak. Parte ba ng katawan ang jutay?

Pero hindi ko na nakita pa ang mga susunod na eksena ng marinig kong pinapatawag ako ni Boss Frost sa intercom. Hindi naman yun napansin ng dalawa kaya tuloy lang sila sa bangayan.

"Ano po yun Boss? Kailangan niyo po ako?" Bumungad naman sa akin ang mukha ni Boss na may napakalaking ngiti.

Hindi niya ba alam na gwapo siya sa ganoong aspeto?

"Uhm. Bratson, I have this auntie who likes your personality a lot, who is Veronica Jones. Naalala mo siya di ba?" Ah, si Mam Jones. Yung inabutan ko noon ng nahulog niyang pitaka.

Hindi ko malilimutan ang napakabait na ginang na yun.

"Opo. Ano pong meron kay Mam Jones?" I asked boss.

"May sakit kasi si auntie at bulaklak lang ang stress reliever niya. Bilang ikaw ang paborito niyang empleyado ko, she requested na sumama kang magdeliver ng flowers sa hospital kung saan siya naka-admit. Okay lang ba sayo?" I gave boss a very genuine smile. Of course, willing ako!

"Syempre naman po sir. Anything I could do to help Mam Jones. Mabait din po kasi siya saken." Ngumiti muli si boss.

"Salamat kung ganun. You're really a good person. No wonder why auntie likes you as a person." Nakaka-flutter naman yun.

"and why I like you too."

"Ano po yun?" Narinig niyo mga bes kong beks? Tinignan ko yung painting sa dingding eh kaya hindi ako nakapag-focus sa sinabi ni boss.

"Ah. Nothing, ang sabi ko ay hindi ako makakasama. Si Jules lang ang makakasama mo." Ahhh. Yun pala yun. Si Jules ang delivery man namin.

Mabait din yun mga bes kong beks. Hindi ko nga lang namin madalas makausap since busy magdeliver sa kung saan-saang parte ng Pilipinas.
Ewan ko ba kung bakit walang ibang branch itong flowershop ni boss. Patok naman kasi eh. Well, anyway, wag ko na lamang siya pakialaman. Napakamisteryoso talaga ni Frost.

Pagkalabas ko ng office ni sir ay nadatnan ko ang dalawa sa 'weird' na mga ekspresyon.

Si Siege na ngising-ngisi, at si Feli na nakatungo at– pulang-pula ang mukha?

Well, nagpaalam na lamang ako sa kanila at dumiretso kay Jules.

--------

Pagkatapos maihatid ni Jules ay pumasok na ako ng hospital at tumungo na sa room nito na sinabi ng nurse sa information desk.

Bumungad sa akin ang napakakulay na kwarto. Sobrang makulay ng buong kwarto na hindi mo iisipin na isa itong kwarto sa ospital.

"Oh my dear Bratson! Andiyan ka na pala. Come! Come!" Pumunta naman ang aking pansin sa ginang na nakaupo sa kama.

Ang dating puno ng buhay ay kulubot na ang mga balat, halos makalbo na, payat na payat, pero kahit ganun ay nakangiti siya. Ultimo mga mata niya nagniningning.

Para akong nanghina sa nadatnan.
Pero namangha at the same time kasi nagagawa niya pa ring makangiti.

"Uhm, Mam Jones. Ito na po ang bulaklak niyo." Inabot ko sa kaniya ang bulaklak. Sinikap kong maging natural at malambing ang boses ko para hindi mahalata ang lungkot na nararamdaman ko. Ng makuha niya naman ay agad niya yung inamoy. She really likes flowers. Colorful flowers.

"How many times do I have to tell you to call me Tita Veronica and not Mam Jones. Personal ka masyado eh!" Ay, oo nga pala.

"Sorry po Mam. Este Tita Veronica. Kasi naman po, tita kayo ni Boss. Nakakahiya po." I scratched the back of my neck. Nangangati eh.

"I don't believe in the word hiya, dear. So better call me tita or mumultuhin kita pag namatay ako."

I intensely look at her when she said that. How c-could she... How could she joke about her own death?!

"Wag niyo pong sabihin yan! Hindi pa po kayo mamamatay. Malakas po kayo, at mabuti kayong tao. Kailangan niyo lang pong tatagan ang loob niyo."

I hold her hands, it was kinda' thin now compare before pero lakompake.

I did this to tell her that she's not alone. Alam ko ang pakiramdam ng mag-isa at mahirap yun.

Lalo na sa kalagayan ni Tita. Also, her negative mindset is not helping her to recover. Dapat tulungan ko siyang patatagin ang loob niya.

"Hahaha. Dear, I already accepted my faith since I have been diagnosed with these crazy disease called cancer. If this would really be my end then I will embrace it wholeheartedly. No one can tell, but I'll better be prepared. I already have these colorful room which is one of my bucketlist. Second is to find someone who's as kind and as pure as you." 

Napailing naman ako sa sinabi niya.

"Hindi po ako mabait at pure tita. Baka po nagkakamali kayo. Marami din po akong nagawang mali noon. Ordinaryo lang po ako." Ngumiti lang siya ng mas malawak kesa kanina.
"You have just proven yourself to me even more by what you've said, dear. Hindi naman porke't nakagawa ka ng mali dati ay hindi ka na puro. Kahit ang dyamante ay naaalikabukan din. Tsaka hindi ka ordinaryo. You're unique. You're kind and you're not aware of it, you're beauty, it is effortless and you don't think that much about it. Napakaswerte ng mamahalin mo dear."

She lifted her left hands and putted it in my face. Dahan-dahan niyang pinahiran ang mga luha ko sa mukha.
Hindi pa ako napuri ng ganito. Mas sanay akong napupuna at sinasabihan ng masasakit.

"Sige na dear. Iwan mo na ako dito. Magninilay-nilay lang ako sa mga nagawa kong kasalanan. Atleast makatapak manlang ako sa langit. Hahaha." Ngayon naman ay natatawa kami. Natatawang naluluha.

I left her with a promise na babalikan ko siya bukas. I just wanted to comfort her.
-----------------------

Pagkalabas ko ng ospital ay hindi ko makita si Jules. Kaya naglakad-lakad muna ako. Dinala naman ako ng mga paa ko sa isang bakeshop.

'Tamang-tama, bibili muna ako ng pasalubong para sa mga bata!'

Nasa counter na ako nun para pumili ng bibilhin ng mapansin ko kung sino ang nakasabay ko. Okay, hindi na pala ako bibili.

Pero sa iglap ay hawak na niya ang kanang braso ko.

I'm doomed...

Nakatingin lang siya saken like he wanted to sure na ako yung nakikita niya. Nanlaki pa ang kaniyang mukha pero binigyan din ako ng ngiti.

Para saan yun?

Namalayan ko na lang na nasa isang lamesa na kaming dalawa. Tahimik, at walang gustong magsalita.

"Okay. Kamusta ka B-Bratty? Long time no see ah." Alangan akong ngumiti at sinabing okay lang ako.
Ang hirap ng ganito.

Yung kausap mo ang ama ng dati mong kinakasama. Ang awkward ha.

"Uhm. Eh, k-kamusta na po pala si Tita?" Doon ay natigilan siya mula sa paghigop ng kape at parang– lumungkot ang mukha niya?

"S-she's not good. Actually she's suffering from her inborn heart disease." Natigilan ako.

Inborn Heart D-Disease? Pero, mukhang sobrang sigla at napaka-healthy ni Tita noon ah.

"Mahina talaga ang puso niya, noon pa. Pero naging okay na naman siya. But recently lang ay nakaramdam na naman siya ng panghihina at sakit dahil sa miss na miss niya na ang mga anak niya."

Humugot muna si Tito Manuel ng hininga.

Pasimple pa siyang nagpahid mg kaniyang mga luha.

"At dahil nawala ka."

A-Ako?

"A-Ako po?" Itinuro ko ang sarili ko.

"Oo. Sobrang napalapit na ang loob niya sayo sa sobrang ikling panahon lang. At nalungkot siya ng malamang hiwalay na kayo ng anak ko. Lahat na ginawa namin para mapangiti siya o gumaan manlang ang pakiramdam niya. Nagpunta pa kami ni Fredrick sa malayong lugar na ito para mapasaya siya. Si Fredrick sa pagbili ng bulaklak sa pinakapaborito niyang tindahan ng mga bulaklak at ako naman ay cake mula dito sa paborito niyang bakeshop na wala sa syudad. Wala mang kasiguraduhan na mapapasaya namin siya gamit ito pero I'm glad na nakita kita dito. At kakapalan ko na ang mukha ko, can you do me a favor?

Please bisitahin mo ang asawa ko...

And please, balikan mo na ang anak ko."

And that makes me dumbfounded.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top